Financial literacy, dapat nang isama sa curriculum ng mga eskuwela
Itinulak ni
Masbate Representative Scott Davis Lanete na maisama ang financial literacy o
kaalamang pangpinansiyal sa mga leksiyon o school curriculum ng elementarya at
high school.
Ayon sa kanya, ang personal financial literacy ay binubuo ng malawak na paksa hinggil sa pera, mga pang-araw-araw na kaalaman kagaya ng pagbabalanse ng checkbook at pagpaplano ng kinabukasan tungkol sa pera pati na rin ang pagpaplano para sa pagriretiro.
Idinagdag pa ni Lanete na bagamat ang literacy
na siyang kaalaman sa pagbasa at pagsulat ay pundamental na bahagi ng
educational system, ang financial literacy naman ay napapag-iwanan lamang sa
mga paksang aralin ng mga mag-aaral.
Ipinaliwanag
sa panukala ni Lanete, ang HB06293, na ang Financial literacy o kaalamang pinansiyal
ay ang kapasidad na magamit ang knowledge at skills na gawing epektibo at may
kaalaman hinggil sa money management decisions.

<< Home