Sapat na suportang legal para sa mga enforcement officers, aaprubahan na sa pinal na pagbasa
Aaprubahan
na sa pngatlo at pinal na pagbasa bago sumapit ang ika-30 ng Hunyo ng
kasalukuyang taon ang panukalang batas na magpapaibayo sa probisyon na
maggagawad ng libreng suporta sa mga law enforcement officer na tinataya ang
kanilang mga buhay sa pagtupad lamang ng kanilang mga tungkulin.
Sa
HB06413, gagawaran ng libreng legal assistance ang sinumang opisyal at miyembro
ng Philippine National Police (PNP) at Armed Forces of the Philippines (AFP) na
nag-alay ng kanilang mga buhay para lamang maprotektahan ang mga mamamayan at
mapanatili ang kapayapaan at kaayusan ng lipunan.
Malimit
kasi na nakaksuhan ang mga law enforcer sa prosecutor’s office, korte, administrative
o alinmang competent body dahil sa mga insidente o mga insidenteng may
kaugnayan sa kanilang pag-perform ng kanilang official duty.
Ang
nabanggit na panukala na inihain nina Representatives Felix William
Fuentebella, Silvestre Bello, George Arnaiz, Lino Cayetano, Jose Christopher
Belmonte at Niel Tupas ay inisponsor at inaprubahan sa ikalawang pagbasa sa
plenaryo bago ang Kongreso nag-adjourn noong Pebrero para magbigay-daan para sa
katatapos pa lamang.
<< Home