Mga magreretiro sa AFP, mabibigyan ng oportunidad bilang civilian professionals
Ipinanukala
ng dalawang kinatawan Magdalo Partylist sa Kongreso na sina Reps. Gary Alejano
at Francisco Ashley Acedillo sa kanilang inihaing bill, ang HB05925 na
kilalaning “Military Transition System Act” na mabigyan ng pagkakataon ang mga
magagaling na mga miyembro ng Armed Forces of the Philippines para sa high
value jobs matapos silang magretiro sa military service.
Idinagdag pa ng mga may-akda ng nabanggit na
panukala na ang Military Transition System Board na itatatag batay sa panukala ay
nakadesinyo upang ma-professionalize ang mga miyembro ng military at
maipagpaibayo ang kanilang career development matapos silang magretiro sa
kanilang paninilbihan sa militar.
Sinabi nina Alejano
at Acedillo na batay sa Presidential Dcree No. 1650, ang military personnel ay
magreretiro na sa serbisyo sa edad na singkuwenta’y sais o Fifty Six (56)
ngunit ang kanilang pagiging produktibo ay lumalampas pa sa kanilang retirement
age.
Makabubuti
umano kung mabigyan din sila ng tsansang makapamahagi ng kanilang kagalingan o
ng kanilang skills at expertise bilang mga civilian professionals.
<< Home