Wednesday, May 18, 2016

Iilan pang mga kahahalal pa lamang na mga kongresista, nagsumite na rin credentials


Dalawang nahalal muling mga kongresista at tatlong mga neophyte members ng incoming 17th Congress ay nagtungo sa Kamara de Representantes kamakailan lamang upang magsumite ng kani-kanilang mga credential na magpapatunay na sila ay nanalo bilang mga representante ng kanilang mga legislative district.

Si dating Speaker Arnulfo Fuentebella at si Representative Federico Sandoval II ng Malabon, ganun din sina Representatives Alberto Ungab ng Davao City, Manuel Jose Dalipe ng Zamboanga City at Johnny Pimentel ng Surigao del Sur ay nagsumite sa Office of the House Secretary General ng kanilang mga original copy ng kanilang Certificates of Canvass of Votes and Proclamation (CCVP) na inisyu ng Provincial, City o District Board of Canvassers, kasama ang kanilang Oath of Office na nilagdaan ng otorisadong opisyal.

Si Fuentebella ng Nationalist People’s Coalition (NPC) ang nagwagi sa pagka-kongresista laban sa mang-aawit na naging politiko na si Imelda Papin ng Liberal Party (LP) para kakatawan sa 4th District ng Camarines Sur, samantalang si Sandoval naman ng LP ay ang nanalo laban sa kanyang karibal na si Teresa Oreta ng LP para kumatawan sa Lungsod ng Malabon.

Sa parte naman ni Ungab, siya ang hinirang na panalo sa isa sa mga distrito ng Davao City at siya ay kapatid ni outgoing Representative Isidro Ungab ngunit si Dalipe naman ang kakatawan sa isa sa mga distrito ng Zamboanga City at si Pimentel naman ay ang hahalili kay third-termer Florencio Garay na tumakbo sa pagka-gubernador sa Surigao del Sur.

Matatandaang sina John Marvin “Yul Servo” Nieto at Edward Maceda ng Manila at si Rosanna Ria Vergara ng Nueva Ecija ay nagsumite rin ng kani-kanilang mga election documents na magpapatunay ng kanilang pagkapanalo sa eleksiyon kay Secretary General Marilyn Barua-Yap noong nakaraang Biyernes.
Free Counters
Free Counters