Marapat nang wakasan ang labor contractualization sa bansa, Nograles
Humihingi ng
suporta sa kanyang mga kapwa kongresista ang tagapangulo ng House Committee on
Labor and Employment na maipasa na ang iilang mga nakabinbing panukala sa
Kongreso na tutuldok o wawakas sa kagawiang kilala sa katawagang “endo” o yaong
tinatawag na labor contractualization.
Sinabi ni
Davao City Representative Karlo Alexei Nograles, chairman ng nabanggit mna
komite na at least may tatlong mga panukalang inihain sa Mababang Kapulungan na
tumatalakay sa mga deperensiya sa PD 442 o ang inamiyendahang Labor Code of the
Philippines at bigyan ng alternatibong solusyon ang political gridlock ng mga
manggagawa at ng mga employer sa usaping contractualization na mas kilala sa
katawagang “endo” o end of contract.
Ayon pa kay
Nograles, ang mga bill na ito ay may layuning ma-institutionalize ang iilang
mga approach na ginagamit ng Department of Labor and Employment upang tugunan
ang isyu ng endo o contractualization na parang katumbas na rin sa pag-iwas sa
mga labor laws on standards and occupational safety and health standards,
security of tenure, ang right to self-organization at ang collective bargaining
agreements.
<< Home