Paksang paggawa o labor subjects, dapata isama sa college curriculum
Nais ni
Paranaque Representative Gus Tambunting na isama sa tertiary education
curriculum o sa kolehiyo ang paksa tungkol sa paggawa o ang labor bilang isang regular
na subject upang mapag-aralan at malaman ng mga estudyantre ang mga karapatan
at pribilihiyo ng mga manggagawa at ganun na rin para sa mga labor management
kasama na rin ang kanilang mga responsibilidad sa lipunan.
Sinabi ni
Tambunting na mahalaga para sa bawat nagnanais na magtrabaho at sa mga miyembro
ng labor management na malaman ang kanilang mga rights at obligations batay sa
Labor Code para ganap nilang ma-appreciate at maipatupad ang mga intensiyon
nito.
Ayon pa kay
Tambunting na ang kinabukasan ng labor force ay mapangalagaan at maseguro ang
proteksiyon ng kanilang mga karapatan.
<< Home