Monday, May 16, 2016

Pagtatanim ng punong kahoy para sa susunod na salinglahi, ipinanukala

Kumpiyansa ang mambabatas na sa darating na labing-pitong Kongreso ng Pilipinas o sa 17th Congress ay mabibigyan ng prayoridad at ang pagpapalawig at ang proteksiyon ng ating kagubatan.

Sinabi ni Partylist Represenative Francisco Ashley Acedillo na nasaksihan na umano natin ang bagsik at bangis ng kalikasan at ang global warming at climate change ay naging tunay nang banta sa sangkatauhan kung kaya’t marapat lamang umanong gawin na rin natin ang ating parte bilang mga mamamayan para kontrahin ang problema sa tinatawag na diversity loss para sa future generations.

Maraming mga inihaing panukala na tinalakay ang Committee on Reforstation na kung hindi man maipapasa ngayong kasalukuyang Kongreso ay seguradong ihahain muli sa pagbukas ng susunod na 17th Congress.

Dalawa sa mga panukala ang inaasahang ihain muli at ito ay ang HB03556 na maguutos sa mga mag-aaral na magtanim ng sampung punong kahoy kada taon nina Representative Rufus at Maximo Rodriguez at ang HB00972 na magre-require sa lahat na mga graduating na mga estudyante sa elementary, high school at college na magtanim ng sampung puno bawat isa bilang pagsunod sa requirement para sa graduation na inihain naman nina Partylist Representatives Acedillo at Gary Alejano.
Free Counters
Free Counters