Friday, April 29, 2022

PAGSASANAY SA PAGBILANG NG MGA BOTO SA 2022 HALALANG PAMPANGULUHAN AT PANGALAWANG PANGULO, PINANGASIWAAN NG KAPULUNGAN

Pinangasiwaan ngayong Huwebes ng Kamara ang isang hands-on na pagsasanay para sa pagbilang ng mga boto sa mga kandidato sa pambansang halalan sa pampanguluhan at pangalawang pangulo sa ika-9 ng Mayo 2022. 


Ang hands-on na pagsasanay / demonstrasyon ay isinagawa ng Commission on Elections (COMELEC). 


Sinabi ni House Information and Communications Technology Service (ICTS) Director II Julius Gorospe, na ang pagsasanay ay isang demonstrasyon ng Consolidation and Canvassing System (CCS) na gagamitin ng COMELEC. 


“This is where we will get the certificate of canvass that the provinces and highly-urbanized cities will transmit to Congress for the presidential and vice-presidential elections,” aniya. 


Sinabi ni Gorospe na ang pagsasanay ay nakatuon sa mga operator na aktwal na magpapatakbo ng sistema. 


Tinalakay at ipinakita ni COMELEC Systems and Programs Division IT Officer Felimon Enrile III ang operasyon ng CCS, na limitado sa National Board of Canvassers (NBOC)-Congress. 


Ang hands-on na pagsasanay ay inorganisa ng Office of the Secretary General sa suporta ng ICTS. 


Ang pagsasanay / demonstrasyon ay dinaluhan ng mga opisyal ng Kapulungan at mga kinatawan mula sa Senado.


#SpeakerLordAllanVelasco

#SpeakerLAV

Thursday, April 28, 2022

-TINALAKAY SA WORKSHOP NG SECRETARIAT NG KAMARA ANG PAGPAPASIGLA NG AGRIKULTURA AT PAGKAMIT NG SEGURIDAD SA PAGKAIN

Sa dalawang araw na workshop ng Secretariat ng Kamara na magtatakda ng adyenda ng pagbalangkas sa lehislasyon, tinalakay ang usaping “Revitalizing Agriculture and Attaining Food Security.” 


Ang dalawang araw na workshop na inumpisahan noong nakaraang Martes ay pinamagatang “Securing the Future: Recommendations for Legislation in the 19th Congress.” 


Ipinaliwanag ni Committee Affairs Department (CAD) Deputy Secretary General Atty. Arlene Dada-Arnaldo na ang gawain sa lehislasyon ng Secretariat ay isinasagawa tuwing anim na taon kasabay ng termino ng nahalal na pangulo.


Inilarawan niya ang agrikultura bilang gulugod ng ekonomiya ng bansa, at ang mga paghihirap na kinakaharap ng sektor mula sa mga panganib ng pagbabago ng klima, natural na kalamidad at mga bagyo, hanggang sa pagtaas ng mga presyo ng mga produktong pang-agrikultura, pati na rin ang mga paghihigpit sa panahon ng pandemya, at iba pa. 


Iginiit ni Arnaldo ang pangangailangan ng sektor ng agrikultura na muli itong pasiglahin, upang makamit ang seguridad sa pagkain, hindi lamang sa ngayon, kundi sa mga darating pang mga taon.  


#SpeakerLordAllanVelasco

#SpeakerLAV


Wednesday, April 27, 2022

-PAGBALANGKAS NG MGA PANUKALANG BATAS PARA SA IKA-19 NA KONGRESO, SINIMULAN NG SECRETARIAT NG KAMARA

Sinimulan kahapon, Martes ng Secretariat ng Kamara ang dalawang araw na workshop na pinamagatang “Securing the Future: Recommendations for Legislation in the 19th Congress.” 


Ang adyenda ng pagbalangkas sa lehislasyon ay isinusulong ng Committee Affairs Department (CAD) na pinamumunuan ni Deputy Secretary-General Atty. Arlene Dada-Arnaldo, Congressional Policy and Budget Research Department (CPBRD) na pinamumunuan ni Deputy Secretary-General Romulo Emmanuel Miral, Jr., at Reference and Research Bureau (RRB) na pinamumunuan ni Executive Director Atty. Jose Noel Garong. 


Sa kanyang pambungad na mensahe sa pagsisimula ng programa, sinabi ni House Secretary General Mark Llandro Mendoza na ang planning workshop ay isang tradisyon na idinaraos ng Secretariat simula pa noong ika-8 Kongreso. 


“It is to assure of your commitment and service excellence, and dedication to your duty as guardians of this institution’s memory and as a vital support in the fulfillment by the House of Representatives of its constitutionally-mandated role, and of its vision as the House of the People,” ani Mendoza. 


Kanyang sinabi na ang idinaraos na mga workshop sa pagtatapos ng Kongreso ay nakatuon sa bagong panimula. “It is but reassuring that the Secretariat is there to hold the line, to provide continuity, (and) to ensure stability and democratic process,” aniya. 


Ayon kay Mendoza, bilang pinuno ng House Secretariat, karangalan niya na pangunahan ang bagong layuning ito. 


“These workshops are held at a crucial time in our history, when the world and the environment now present serious and unprecedented challenges to our way of life and our aspirations as a people,” aniya. 


Sinabi niya na napapanahon para sa Secretariat ng Kapulungan na piliin ang paggamit, bilang gabay, ang pagbalangkas sa pambansang seguridad, sa gitna ng mga polisiya at reporma na irerekomenda, upang ito ay magawa sa ika-19 na Kongreso at mga susunod pa. 


“I wish to thank all the experts and resource persons who will justly provide counsel and insights in the next two days in the eight policy domains of the workshop,” aniya. 


Panghuli, ipinaabot niya ang “pagmamahal at pasasalamat” ni Speaker Lord Allan Velasco sa mga opisyal at staff ng House Secretariat, sa kanilang suporta sa kanyang liderato. 


Inilatag ni CAD Executive Director Violeta Veloso ang kabuuang aktibidad sa workshop. 


Sinabi ni Veloso na 33 mga dalubhasa ang sumang-ayon na ibahagi ang kanilang mga pananaw at mga rekomendasyon sa mga workshop. 


Ang mga nakatakdang workshops ngayong Martes ay ang mga sumusunod: 1) Revitalizing Agriculture and Attaining Food Security, 2) Protecting the Environment, 3) Pursuing Human Development and Promoting Social Cohesion, at 4) Accelerating Infrastructure Development and Digital Transformation. 


Sa Miyerkules, ang mga workshops ay tutuon naman sa: 1) Strengthening Industry and Services, and Enhancing Productivity, 2) Promoting Global Security and International Cooperation, 3) Fostering Good Governance, Public Order and Security, and the Rule of Law, at 4) Achieving Fiscal Stability and Enhancing Public Financial Management. 


Pinangunahan ni CAD Deputy Executive Director Lorelei Hernandez ang panalangin sa pagsisimula ng programa.   

 

#SpeakerLordAllanVelasco

#SpeakerLAV

Tuesday, April 26, 2022

-NAGPAPATUPAD NG BATAS LABAN SA ILEGAL NA DROGA, KINILALA NG KAPULUNGAN

Idinaos ng Kapulungan ng mga Kinatawan ngayong Lunes, sa pamumuno ni Speaker Lord Allan Velasco, ang seremonya ng paggawad ng Kapulungan para sa mga alagad ng batas, mula sa iba't ibang ahensya para sa kanilang mga nagawa sa paglaban sa ilegal na droga.  


Ang mga ahensyang ito ay ang Philippine National Police (PNP), Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), Intelligence Service of the Armed Forces of the Philippines (ISAFP) at ang National Intelligence Coordinating Agency (NICA). 


Ang seremonya ng paggawad ay isinagawa sa pamamagitan ng magkasanib na pagsisikap ng Komite ng Public Order and Safety Chairperson at Masbate Rep. Narciso Bravo Jr.; Komite ng Dangerous Drugs Chairperson at Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers; at PATROL Rep. Jorge Bustos. 


Sa kanyang mensahe ng pagbati, sinabi ni Bustos na kritikal para sa mga Pilipino na magkaroon ng kamalayan sa pagsusumikap at kontribusyon ng mga ahensyang ito sa pagtiyak ng isang kalidad ng buhay na ligtas sa droga para sa bawat Pilipino. 


Ayon kay Bustos, ang mga ahensyang ito ay nagsagawa ng 35,612 na operasyon at naaresto ang 3,806 high-value na mga personalidad sa droga, na kinasasangkutan ng iligal na droga na nagkakahalaga ng ₱16.47-bilyon sa taong 2021 lamang.  


Nagpasalamat si PDEA Director General Wilkins Villanueva sa Kapulungan para sa pagkilala at sinabing napakahalaga ng parangal para sa kanila, na kung saan ay palaging pinupuna ang kanilang laban sa iligal na droga para sa mga layuning pulitikal.  


“You’ve always championed the cause of those who were victims of illegal drugs,” aniya.  


Ipinahayag pa ni Villanueva na palaging nandiyan ang Kapulungan para sa PDEA, upang suportahan ang kanilang mga pagsisikap sa pamamagitan ng pagbibigay ng kinakailangang suporta. 


“Maraming salamat po at napunta na po sa Committee on Appropriations ang Magna Carta bill ng PDEA,” aniya.  


Tiniyak naman ni Villlanueva na palaging nandiyan ang PDEA para magligtas ng mga buhay, hangga't tinutugis at winawasak nila ang mga mekanismo ng mga lokal at transnasyonal na organisasyon na nagtutulak ng droga.  


Iginawad din ang mga indibidwal na plake kina dating PNP Drug Enforcement Group Chief at ngayon ay Quezon City Police Department Director Remus Medina, PDEA Director General Wilkins Villanueva, PDEA Deputy Director General Gregorio Pimentel at iba pang mga director at pulis ng PDEA.


#SpeakerLordAllanVelasco

#SpeakerLAV

Monday, April 25, 2022

-P300-B HALAGA NG UMANO’Y PUSLIT NA PALM OIL, INIMBESTIGAHAN NG KAPULUNGAN

Ipinagpatuloy noong Lunes ng Committee on Ways and Means sa Kamara ang pagdinig sa ilang ahensya ng pamahalaan hinggil sa pagpapagaan ng mga proseso para sa inspeksyon ng mga inangkat na karne, at iba pang produktong halaman, gayundin sa pagpupuslit umano ng mga produktong pang-agrikultura sa bansa. 

Tinutukan ng Komite ang umano'y pagpupuslit ng palm oil na umaabot sa P300 bilyon. 


Ang puslit na palm oil ay pinapasok sa bansa bilang mga animal feed, para malibre sa value-added tax, ngunit sa huli karamihan nito ay ginagamit umano para sa pagkain ng tao. 


Sinabi ng chair ng komite na ang malaking importasyon ay makakasama sa mga magsasaka ng niyog sa bansa. 


Sa kanyang panig, ipinaliwanag ni Department of Agriculture (DA) Undersecretary for Policy, Planning and Research Fermin Adriano na ang palm oil ay may mataas na antas ng produksyon sa Malaysia, at halos apat na beses na mas mahal kaysa sa lokal na langis ng niyog. 


Iniulat ni DA-Bureau of Animal Industry (BAI) Director Reildrin Morales na 399,530 kilo ng palm oil ang inangkat noong 2016, at tumaas ito sa 39 milyong kilo noong 2021. 


Idinagdag niya na may mga puwang sa regulasyon ng palm oil, na ginagawang pag-aangkat na madaling abusuhin ng mga negosyante. 


Samantala, sinabi ni DA Undersecretary Engr. Ariel Cayanan na ang pagsusuri sa paghawak ng mga inangkat na produkto ay makakatulong upang matukoy kung food grade o feed grade ang mga ito. 


Bago matapos ang pagdinig, hiniling ng namuno ng komite sa mga kinauukulang ahensya na iharap sa susunod na pagdinig ang nakakagambalang epekto ng pag-aangkat ng palm oil sa industriya ng niyog, gayundin ang kalagayan ng suplay at pangangailangan ng vegetable oil.


#SpeakerLordAllanVelasco

#SpeakerLAV

Thursday, April 21, 2022

MGA KAWANI NG KAPULUNGAN, NAGSAMASAMA SA ISANG ZUMBA NGAYONG HUWEBES

Sa kabila ng malakas na buhos ng ulan ngayong Huwebes, ay hindi ito inalintana ng mga opisyal at kawani ng Kapulungan ng mga Kinatawan, upang makilahok sa Zumba, isang aktibidad pangkalusugan na pinasimulan nina Speaker Lord Allan Velasco at Secretary General Mark Llandro Mendoza. 

Bahagi ito ng programang “Wellness in the Workplace” na inorganisa ng Human Resource Management Service (HRMS) at ng Administrative Department, sa pakikipag-ugnayan ng Office of the Secretary General. 

Ang mga serye ng mga aktibidad pang-kalusugan tuwing Huwebes ay naglalayong isulong ang pisikal at kalusugang pangkaisipan ng mga manggagawa ng Kapulungan, habang isinusulong ang pagkakapit-bisig ng mga kalahok. 

Ang aktibidad ay nilahukan ng mga opisyal at kawani mula sa iba’t ibang departamento, kabilang sina Sergeant-at-Arms Police Brigadier General Rodelio Jocson (Ret.) at HRMS Director Annabelle Hufanda, na sumali sa Zumba na pinangunahan nina Zumba instructor Carmendo Ensomo Jr. at Rio Lingo ng HRMS-Personnel Development and Welfare Group.  

#SpeakerLordAllanVelasco
#SpeakerLAV

PAGBABABAGO NG JUSTICE SYSTEM NG BANSA, IPINANUKALA

ISUSUSLONG ng isang Quezon City solon sa Kamara de Representante ang isang panukalang batas na naglalayong mapabilis ang proseso ng mga kaso sa iba’t-ibang Hukuman sa bansa. Upang huwag mabinbin ang mga kasong matagal ng nilulumot at nakatengga sa mga Korte.

Sa panayaman ng Broadcaster’s Forum ng beteranong mamamahayag na si Rolly “Lakay” Gonzalo, aminado si Quezon City 1st Dist. Rep. Anthony Peter “Onyx” D. Crisologo na bagama’t hindi siya abogado at ang kaniyang propesyon ay isang Engineer bago nahalal na kongresista.

Naniniwala si Crisologo na kailangang baguhin ang problema ng “Justice System” sa bansa dahil sa mabagal at matagal na proseso ng paglilitis sa iba’t-ibang Korte na halos tumatagal ng ilang taon.

“Hindi po ako abogado at wala po tayong expertise diyan because I am a Civil Engineer by profession. But I agree na dapat baguhin ang ating Justice System. Kung saan, maraming naka-tenggang mga kaso na kapag kinasuhan mo ay umaabot ng taon bago matalakay. Habang umuusad ang kaso, I agree na kailangan po talagang ma-de-clog ang mga kaso sa ating mga local courts, sabi ni Crisologo.

Sinabi din niya na maraming nakahaing panukala sa House Committee on Justice na ang pangunahing layunin ay amiyendahan ang “Justice System” sa bansa. Kung saan, isa sa mga problema aniya dito ay ang tinatawag na “trial by publicity”.

Ayon sa kongresista, bagama’t hindi siya abogado ay maaari naman nitong isama ang usapin ng “Justce System” bilang isa sa kaniyang adbokasiya. Sa pamamagitan ng masusing pag-aaral at paghahain ng panukala para mabago ang mabagal na proseso sa mga Hukuman.

“I must admit nan aka-focus tayo sa ating sa ating mga advocacy sa livelihood, Senior Citizen at infrastructure. This is one that I will pretend na alam natin itong sector na pinag-uusapan natin (Justice System) kasi I am an Engineer by profession, so I think in my second term this is one advocacy na puwede nating pag-aralan at isulong,” sabi ni Crisologo.

Gayunman, ipinaliwanag pa ng QC solon na ang nasabing usapin ay maaari niyang ilapit o isangguni sa House Committee on Justice para mabago ang batas kaugnay sa mabagal na proseso ng “Justice System”. 

Kaugnay nito, sinabi pa ni Crisologo na marami pang panukalang batas ang nais isulong ni Crisologo sa kaniyang ikalawang termino. Bagama’t aminado siya na hindi madali ang maghain at magpasa ng isang panukala sa Kamara de Representante dahil sa mahabang prosesong pinagdadaanan  nito.

“Actually marami pa pong panukala ang nais natin isulong. Pero it’s not that easy to pass a law in Congress, dahil kapag nag-file kayo dadaan iyan sa maraming Committee hearings. And even though we already passed it in Congress as a House Bill. Kailangan naman ito ng counterpart sa Senado, so medyo mahaba po ang proseso nito,” ani Crisologo.

Gayunman, ipinagmalaki ng mambabatas na sa kaniyang unang termino ay nakapaghain siya ng pangunahing panukalang batas na inakda nito. Kabilang dito ang usapin sa health care, Pandemic assistance, education, Senior Citizen at livelihood.

Sinabi din nito na mula sa 208 na panukala. Kung saan, isa si Crisologo sa mga co-athor ang naisabatas. Kabilang sa mga ito ang pagdadagdag ng bed space o bed capacity mula sa 600 hanggang 900 sa East Avenue Medical Center (EAMC) at ang pag-develop sa Quezon City General Hospital bilang isang Medical Center.

Wednesday, April 20, 2022

MGA BAGONG KAGANAPAN SA COVID-19 KAUGNAY NG MGA OFW TINALAKAY NG MGA MAMBABATAS, KOMITE NG TRANSITION NG DMW HINIMOK UPANG PAG-USAPAN ANG MGA USAPIN HINGGIL SA IRR

Nagsagawa ng online na pagdinig ngayong Miyerkules ang Komite ng Overseas Workers Affairs sa Kapulungan ng mga Kinatawan na pinamumunuan ni TUCP Party-list Rep. Raymond Democrito Mendoza, upang dinggin ang pinakabagong kaganapan sa COVID-19 kaugnay ng mga Overseas Filipino Workers (OFWs), gayundin ang mga usaping may kinalaman sa Implementing Rules at Regulations (IRR) ng Republic Act 11641 o ang "Department of Migrant Workers Act." 

Iniulat ni Department of Foreign Affairs (DFA) - Office of the Undersecretary for Migrant Workers’ Affairs (OUMWA) Senior Specialist Assistant Jose Cabrera na sa kasalukuyan, ay may kabuuang 459,612 OFWs na ang pinabalik sa bansa sa pamamagitan ng tulong sa pagpapauwi ng DFA.  

Idinagdag ni Cabrera na pinadali ng DFA ang 113 chartered repatriation flights at 167 Bayanihan flights, habang mayroon pang tatlong paparating na tulong sa pagpapauwi ng DFA sa pagtatapos ng buwan. 

Samantala, sinabi ni Department of Labor and Employment - International Labor Affairs Bureau (DOLE-ILAB) Director Alice Visperas na may kabuuang 1,102,652 OFW ang naapektuhan ng pandemya na nabigyan ng transportasyon, pagkain, tulong medikal, pinansyal at matitirahan. 

Ipinahayag rin niya na sa 32,002 OFWs na nagkaroon ng COVID-19, ay 27,549 na ang gumaling.  

Sa katayuan ng pagpapatupad ng RA 11641, kasalukuyang nasa proseso ng paglutas sa usapin ng pagkakaroon ng dalawang bersyon ng Implementing Rules and Regulations (IRR) ang mga miyembro ng Department of Migrant Workers (DMW) ng transition committee. 

May sariling bersyon ng IRR si DMW Secretary Abdullah Mama-o na kanyang nilagdaan noong Abril 4, 2022. 

Gayunpaman, ang iba pang kasapi ng transition committee ay nagsumite rin ng ibang IRR, na kalaunan ay inaprubahan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte. 

Iginiit ni Mama-o na ang IRR na kanyang pinirmahan ay legal at hindi pinawalang-bisa ng anumang hukuman. 

Pinaalalahanan ni Mendoza ang mga kaugnay na opisyal na serbisyo para sa mga OFW ang nakataya sa usaping ito.  

Pinayuhan din niya ang transition committee na magsagawa ng masusing pagtalakay sa usapin hinggil sa IRR, upang maiwasan ang mga legal na gusot na maaaring makapagpaantala sa operasyon ng bagong likhang departamento. 

Ipinaliwanag din ni Philippine Overseas Employment Administration (POEA) Chief Bernard Olalia na binanggit ni Executive Secretary Medialdea sa kanyang liham, na hindi pa ganap ang operasyon ng DMW sa ngayon.  

Dagdag pa dito, binanggit niya na batay sa mga transitory provisions ng RA 11641, mayroong dapat aprubadong 2023 badyet, at aprubadong IRR, staffing pattern, gayundin ang kumpletong pagsasanay ng lahat ng kawani na maitatalaga sa bagong departamento. 

Hinikayat din ni Blas F. Ople Policy Center and Training Institute (Ople Center) Head Susan Ople ang transition committee ng DMW, na magtulungan na lang sa paglutas sa usapin ng IRR para sa kapakanan ng mga OFW.


#SpeakerLordAllanVelasco
#SpeakerLAV

MGA PAGHAHANDA NG COMELEC PARA SA HALALAN SA IKA-9 NG MAYO AT KATAYUAN NG HALALAN SA IBAYONG DAGAT, TINALAKAY NG KOMITE

Tinalakay ng Komite ng Suffrage at Electoral Reforms sa Kapulungan ng mga Kinatawan, na pinamumunuan ni Negros Occidental Rep. Juliet Marie de Leon Ferrer ang huling kaganapan sa Commission on Elections (COEMELC), hinggil sa paghahanda nito para sa pangkalahatang halalan sa ika-9 ng Mayo 2022, gayundin ang katayuan ng botohan sa ibang bansa, sa online na pagdinig ngayong Miyerkules. 

Ayon kay Sonia Bea Wee-Lozada, Direktor ng COMELEC Office for Overseas Voting, para sa 2022, mayroong kabuuang 1.697215 milyong rehistradong botante sa ibang bansa at 92 kalahok na mga lugar kasama ang Manila Economic and Cultural Offices (MECOs) sa Taipei, Taichung, gayundin ang Philippine Overseas Labor Office (POLO) sa Al Khobar. Aniya ang lahat ng mga kalahok na lugar ay nakatanggap na ng kanilang mga opisyal na balota at vote counting machines (VCMs) para sa mga bumoto gamit ang automated election system. 

Sinabi ni Lozada na napilitan ang General Consulate sa Shanghai na suspindihin ang pagdaraos ng halalan dahil sa mahigpit na mga pamamaraan ng lockdown na dulot ng pagsiklab ng COVID-19. 

Idinagdag niya na ang pagboto sa ibang bansa ay sinuspinde rin sa mga bansang may mga alalahanin sa seguridad tulad ng Algeria, Chad, Tunisia, Libya, Iraq, Afghanistan at Ukraine. 

Aniya, may kabuuang bilang na 1,972 rehistradong botante ang naapektuhan ng suspensiyon ng pagdaraos ng halalan o bigong halalan. 

Sa panig naman ng Department of Foreign Affaris (DFA), sinabi ni DFA Overseas Voting Secretariat (OVS) Director Zoilo Velasco na sa 91 foreign service posts, 90 posts na ang nagsasagawa ng kanilang botohan. 

Sinabi ni Philippine Ambassador to Singapore Joseph Del Mar Yap na sa ngayon pagkatapos ng 11 araw ng pagboto, napakataas ng voter turnout. Aniya, mahigit 84,000 ang rehistradong botante sa Singapore. 

Sinagot at nilinaw din niya ang usaping kumakalat sa social media, kaugnay ng alegasyon na naglalabas ang embahada ng tinatawag na “pre-shaded ballots” sa mga botante nito. Nilinaw din ni Dubai Consul General Renato Duenas na walang napaulat na insidente ng pre-shaded ballots mula sa watcher o botante, at lahat ng balota sa Dubai ay bilang. 

Binigyang-diin ni Committee Vice Chairman Cavite Rep. Elpidio Barzaga ang kahalagahan ng pamamaraan para sa mga sirang balota.


#SpeakerLordAllanVelasco
#SpeakerLAV

LAKBAY-ARAL NG MGA OPISYAL AT STAFF NG BTA, MALUGOD NA TINANGGAP NG KAPULUNGAN

Malugod na tinanggap ngayong Miyerkules sa Kapulungan ng mga Kinatawan, na pinamumunuan ni Speaker Lord Allan Velasco ang mga opisyal at staff ng Bangsamoro Transition Authority (BTA), sa kanilang isinasagawang lakbay-aral sa pagbisita sa Kapulungan. 

Ang mga BTA staff ay nasa ilalim ng Office of the Parliament Speaker, at ng Public Information, Publication and Media Relations Division. Kaakibat nila ang Support to Bangsamoro Transition (SUBATRA) ng European Union sa kanilang lakbay-aral. 

Layon ng pagbisita na: 1) mabigyang kaalaman ang mga opisyal at staff ng BTA at SUBATRA sa mga makabagong pamamaraan sa pamamahala ng media relations sa isang highly political environment tulad ng Kapulungan; 2) dagdagan ang kanilang pang-unawa sa paggamit ng media sa iba’t ibang proseso ng pagpapasya, lalo na sa mga gawaing lehislasyon; 3) magtatag ng istratehiyang pakikipag-ugnayan sa mga kinauukulang tanggapan ng Kapulungan, upang mabahagian ng mga teknikal na kaalaman sa kanilang pagganap sa kanilang tungkulin; at 4) madagdagan ang kanilang kaalaman kung papaano isinasagawa ng Kapulungan ang iba’t ibang paraan na may kaugnayan sa pagtanggap at pamamaalam sa mga dayuhang panauhin. 

Ang lakbay-aral ay nagsimula sa pagbisita nila sa Legislative Library, Archives and Museum Building, na sinundan ng pagpupulong sa mga opisyal ng House Press and Public Affairs Bureau (PPAB), na pinamumunuan ni OIC-Executive Director Dr. Celine Marie Buencamino. Ayon kay Buencamino, dahil sa mabilisang kaganapan sa Kapulungan at dahil sa maraming aktibidad tulad ng mga pagdinig sa mga Komite, sesyon sa plenaryo at mga gawaing pang Kapulungan, ay karaniwan nang mga balitang impormasyon ang ipinalalabas ng House media. Pinayuhan niya ang mga dumalong panauhin na ang pinakamainam nilang gawin ay ganap na alamin ang mga lalamanin ng kanilang balita mula sa Bangsamoro. 

“Everything will emanate from there,” aniya. Kasama ni Buencamino ang mga team leaders ng Media Affairs and Public Affairs Service (MAPRS) na sina Rowena Bundang, Joselito Menorca at Lorelei Castillo. 

Matapos nito ay pinulong rin sila ng mga opisyal ng Inter-Parliamentary and Special Affairs Bureau, na pinamumunan ni Executive Director Lourdes Rajini Rye, hinggil sa mga tungkulin ng IPRSAB. 

Ang mga miyembro ng delegasyon mula sa BTA at SUBATRA ay sina Sheila Marie dela Cruz, OIC Chief of the Public Information, Publication and Media Relations Division; Abdul Gani Manalocon, MBA, JD, Director II of the Legislative Technical Affairs and Information Services; Jamaelah Benito-Dimaporo, Administrative Officer IV; at Criselle Capistrano, Project Manager, United Nations Office for Project Services.     


#SpeakerLordAllanVelasco
#SpeakerLAV

Tuesday, April 19, 2022

Batas para sa Southern Luzon Multi-Specialty Medical Center sa Tayabas, Quezon pirmado na

Pirmado na ni Presidente Rodrigo Roa Duterte ang Republic Act No. 11702 na inakda nina Quezon 4th District Representative Angelina “Helen” Tan at Cong. Mark Enverga para sa pagtatayo ng Southern Luzon Multi-Specialty Medical Center sa Tayabas, Quezon.


Ang ospital ay magsisilbing kauna-unahang pagamutan para sa iba’t-ibang uri ng sakit sa Timog Katagalugan at isa sa magiging apex hospital o end-referral hospital sa lugar. 


Ito ay pamamahalaan ng Department of Health na syang sisiguro sa pag-abot ng mahusay, epektibo, at abot-kayang serbisyong pangkalusugan.


Nagpasalamat si Congresswoman Tan sa Pangulong Duterte sa pagsasabatas na ayon sa kanya ay alinsunod sa layunin ng Universal Health Care (UHC) Act na kanya rin isinabatas. 


“Ito po ay isang mahalagang hakbang sa pag-abot ng ating pangarap na kalusugan para sa lahat ng Pilipino”, banggit ni Tan. Aniya, maraming mahihirap na may sakit ang makikinabang sa pagtatayo ng Southern Luzon MSMC. 


“Napakalaking tulong ang pagtatayo ng ospital dahil hindi na magsisiksikan ang maraming mahihirap na mga pasyente sa Kamaynilaan upang magpagamot at higit na mabibigyan ng kagyat na atensyong medikal ang mga may karamdaman sa Southern Tagalog na siyang itinuturing ngayon na may pinakamataas na bilang ng populasyon sa buong bansa”, paliwanag ni Tan.


Makikinabang rin sa nasabing panukala ang mga pasyente sa Bicol at maging ang Metro Manila kung nasaan matatagpuan ang mga specialty hospitals tulad ng Philippine Heart Center, National Kidney and Transplant Institute, at Lung Center of the Philippines, bukod sa iba pang mga specialty hospitals.


Ang Southern Tagalog region ay binubuo ng lalawigan ng Batangas, Cavite, Laguna, Marinduque, Occidental Mindoro, Oriental Mindoro, Palawan, Rizal, Romblon, Aurora, at Quezon kasama ang 1st class highly urbanized na Lungsod ng Lucena.#

MGA PAGSISIKAP NG PAMAHALAAN NA LABANAN ANG LAGANAP NA PAGPUPUSLIT SA AGRIKULTURA, TINALAKAY NG KOMITE

Nagdaos ng pagdinig ngayong Martes ang Komite ng Ways and Means sa Kapulungan ng mga Kinatawan, na pinamumunuan ni Albay Rep. Joey Sarte Salceda, hinggil sa pagbabawas ng proseso sa pagsusuri ng mga karne at mga produktong halaman, at mga usapin sa umano’y pagpupuslit ng mga produktong pang-agrikultura sa bansa. 

Layon ng Komite na magkapagbalangkas ng mga panukala o amyendahan ang mga umiiral na batas upang mas lalong mapabuti at maisulong ang lokal na agrikultura, at upang mapangalagaan ang mga kapakanan ng mga Pilipinong magsasaka. 

Iniulat ni BOC Commissioner Rey Leonardo Guerrero ng Kagawaran ng Aduana, na mula 2019 hanggang Abril 2022, ay nakasamsam ang kagawaran sa 546 operasyon na nagkakahalaga ng P2-bilyon. 

Ang programang anti-smuggling ng kagawaran ay kinabibilangan ng: 1) modernisasyon ng mga proseso ng BOC, 2) pagbili ng mga makabagong kagamitan para sa mabilisang pag scan, 3) maayos na pamamahala ng lahat ng pag scan at mga gawain sa inspeksyon, at 4) magkatuwang na operasyon sa mga kinauukulang ahensya ng pamahalaan sa pagkukumpiska. 

Ang mga inisyatibang ito ay naglalayong tugunan ang mga pagsisikip sa mga pantalan at daungan, paunlarin ang kahusayan ng ahensya sa sistema ng pag-aalerto, at ang pagpapahusay ng koleksyon sa buwis. 

Para kay Undersecretary Fermin Adriano ng Kagawaran ng Agrikultura, binanggit niya na sinimulan na ng kanilang kagawaran ang mga gawain na nakatuon sa modernisasyon ng matataas na uri ng mga pananim, at ang pag-alalay sa mga nagtatanim na mapag-aralan ang mga makabagong paraan sa pagpoproseso ng kanilang mga produkto. 

Samantala, pinuri ni Salceda ang BOC sa kanilang tagumpay sa koleksyon ng buwis, ngunit igiinit niya na kinakailangan pang pag-ibayuhin ng kagawaran ang kanilang kahusayan, at mabawasan ang laganap na pagpupuslit ng mga produktong agrikultura sa bansa.


#SpeakerLordAllanVelasco
#SpeakerLAV

Friday, April 08, 2022

SEN. BATO: MAYOR SARA WILL BE A SUPPORTIVE VP


BORONGAN CITY, Eastern Samar - LAKAS-Christian Muslim Democrats (CMD) vice presidential candidate Davao City Mayor Sara Duterte will support and work harmoniously with her standard-bearer, former Sen. Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., if they win the elections on May 9.


This was the message Duterte conveyed to Filipinos through Sen. Ronald “Bato” dela Rosa, who represented her in UniTeam’s rally in Borongan Plaza here.


“Sabi niya, Sir Bato, kailangan iparating mo doon sa ating mga kababayan sa Eastern Samar ha, na kung ako maging bise presidente, siguraduhin ko na ako’y isang very supportive at very cooperative na bise president sa ating pangulong Bongbong Marcos,” Dela Rosa told the huge crowd that attended the rally.


The former Philippine National Police (PNP) chief said Duterte would help Marcos address the pressing concerns of Filipinos, especially on the country's economic recovery from coronavirus disease-19 (COVID-19) pandemic.


“Habang si Pangulong Duterte ay bising-busy sa kanyang ginagawa para gumanda ang pamumuhay ng bawat Pilipino, 'yung kanyang bise president pumunta sa abroad at walang ibang ginawa kung hindi siraan ang ating sariling bayan, nagsinungaling pa doon sa international community, nagsabi na meron daw crimes against humanity dito sa Pilipinas,” he alleged.


“Sabi nga ni Mayor Inday Sara, dapat fully supportive sa pangulo ang kanyang bise para maging successful ang ating gobyerno, ang susunod na administrasyon,” he added.


Dela Rosa said the next administration would also need a supportive Senate.


“Para gagana ang takbo ng kabuuan ng administrasyon, kailangan suportado 'yan ng Senado, na hindi mag-oppose nang mag-oppose hanggang wala nang mangyari, sige lang mag-oppose. Kailangan ang mga magiging senador natin ay puro Uniteam,” he said.


Duterte did not make it to UniTeam’s Eastern Visayas visit .


She and Marcos have agreed to split up in the homestretch of the campaign so they could revisit more areas and reach out remote communities.(END)

Cayetano to presidentiables: Unite around a 5-year Relief-Recovery-Reform plan

Former House Speaker Alan Peter Cayetano on Thursday made the pitch to presidential candidates to unite around a single five-year plan for targeted government spending to improve access to basic services and state assistance programs.

“Maraming issues na hindi magkakasundo, pero dapat united y'ung purpose,” Cayetano said at a press conference on April 7, 2022.

He reiterated an earlier statement urging presidential candidates to work together to craft a five-year plan that can be implemented by the one who wins the May elections.

“Let's come up with a comprehensive and doable plan. Babalikan ko lang y'ung proposal ko last year, na magsama-sama lahat ng mga presidentiable… na magkaroon ng plano para hindi na mag-away-away,” he added.

For his part, Cayetano said the next administration could adopt a P5-trillion national budget annually from 2023 through 2027, with spending programs that span all five of those years and not just made on a year-to-year basis.

This, he said, should follow the “Relief-Recovery-Reform” framework implemented by United States President Franklin D. Roosevelt, who instituted the New Deal state spending program to help that country emerge from the economic devastation brought about by The Great Depression of the 1930s.

“In times of crisis, how do we begin to recover? Sabi ko nga, let's not reinvent the wheel. There's no problem po in looking at models or y'ung mga successful, best practices,” Cayetano said.

Relief, Recovery

As part of the “Relief” aspect of the framework, Cayetano pointed out the need to streamline the process by which people can access social aid and safety net programs that are already being implemented. 

He suggested leveraging the national ID system to grant people seamless access to multiple welfare grants, and using electronic payment systems to distribute the money instead of coursing it through politicians.

“May pondo; ang problema po sa ngayon, mahirap makakuha kung walang padrino. You have to go to your mayor or congressman or woman or your senator para makuha,” Cayetano said.

Programs under the “Recovery” aspect of Cayetano’s proposal include livelihood aid grants given by the Department of Social Welfare and Development (DSWD) and Department of Trade and Industry, as well as the small-loans facility provided by the government to micro, small and medium enterprises (MSMEs).

An alternative program that can also be implemented, according to Cayetano, is the Aggressive and Targeted Access to Capital Loan and Assistance Program, which features a one-year grace period for payments and generous payment terms of up to 10 years at low interest rates. These will be made easier to access than current aid programs for MSMEs, he said.

The former Speaker emphasized the importance of focusing on MSMEs to drive economic recovery as this in turn will improve employment opportunities and widen the tax base for the government.

“Around 60 percent ng employment sa Pilipinas ay nasa small, micro, and medium enterprise. So ibig sabihin, kapag binuhay mo ‘yan, mas magkakatrabaho ang tao, at kapag may trabaho ang tao at buhay ang negosyo, may buwis,” he said.

Reform

Finally, the “Reform” aspect of Cayetano’s proposal involves improvements in digital infrastructure as well as in agricultural and tourism infrastructure. 

According to the former Speaker, all Filipinos must have access to water, electricity, and fast internet connectivity so they can fully participate in the digital economy.

This, in turn, will distribute economic activity more evenly between urban and rural areas of the country.

“If every square inch of Philippine territory has water, electricity, and internet, then hindi magsisiksikan sa siyudad, at mag-go-grow ang ating ekonomiya,” Cayetano said.

Recalling the experience of Thailand, Cayetano pointed out that the Thai government made improvements to food security and agriculture as well as access to cheap medicines and health facilities, and this became the basis for a broader improvement in the quality of life and economic opportunities for its people.

He also mentioned that Thailand and other neighboring countries such as Malaysia and Vietnam have improved their infrastructure specifically with tourism in mind, and this could also be an area of focus for the next five years as every two foreign tourist arrivals generate one Filipino job in the tourism sector.

“These are examples of reforms that were done in other countries, and why not do it now? By creating the right environment for jobs at y'ung tamang kita at y'ung magandang trabaho para y'ung presyo abot-kaya, it will also take out Filipinos from desperation,” Cayetano said. ####

BBM-Sara will further gain voter support

The UniTeam tandem of former Sen. Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. (BBM) and Davao City Mayor Sara Duterte will further gain voter support as the election campaign goes into the homestretch, Anakalusugan Rep. Mike Defensor said today.

Defensor, who is UniTeam’s candidate for mayor in Quezon City, said the remaining days of the campaign “would see candidates lagging behind in the recent survey being marginalized as their followers shift their support to the leading aspirants.”

“It’s the natural occurrence in every election. As voting nears and the dominant candidates emerge, people switch to the survey leaders. They will naturally choose the candidates they think will win,” he said in a television interview.

He said such migration of voter support is already evident in Quezon City.

“Here is our city, Mayor Joy Belmonte has come out with posters professing support for Bongbong Marcos, when she has already allied herself with Vice President Leni Robredo. I don’t mind that because it helps our candidate, but it’s bad for her candidate. Mayor Joy is indulging in too much politics,” he added.

Defensor pointed out that the biggest beneficiaries in the shift in voter preference “will be BBM and Mayor Inday Sara, because of their insurmountable survey lead over their closest opponents.”

“They will gain more voters than the others, since they are the frontrunners,” he stressed.

Based on Pulse Asia’s tracking survey for March, Marcos Jr. and Mayor Sara scored an identical voter preference of 56 percent.

Robredo had 24 percent, while Senate President Vicente Sotto lll had 36 percent.

Defensor said it would be almost impossible for Robredo and Sotto to overcome the 32-percentage-point lead and 36-percent advantage of their respective opponents, with the May 9 polls almost just month away.

“Even if they gain 10 points in the homestretch, it would not be enough. The lead of the BBM-Sara tandem is too huge to surmount. I see Bongbong Marcos and Mayor Inday winning the elections,” he said.

He said there were no other candidates in the country’s recent history who had such a wide margin over their opponents.

MALAKING ANOMALYA SA PAUTANG SA LAND BANK, PINAIIMBESTIGAHAN NG ACT-CIS SA KONGRESO

Isinusulong ni ACT CIS Partylist Representative Rowena Niña Taduran ang isang imbestigasyon para mabuo ang isang batas, kaugnay ng diumano ay ilegal na pagkita ng ilang taga-loob ng Landbank of the Philippines o LBP na nagsisilbing tagapamagitan o “ahente” sa mga aplikasyon para sa pautang.  


Ayon sa House Asst. Majority Leader, ang mga ahenteng ito ay nangangakong mapapabilis ang pag-apruba sa kanilang utang kapalit ng sampung porsiyentong subi o “cut” ng ahente sa inutang. 


Ayon kay Taduran, dapat na agarang imbestigahan ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang pangyayaring ito lalo na at napakalaki ng mga pautang na may kinalaman dito, nagagamit ang isang pinansyal na institusyon ng pamahalaan, at ang epekto nito sa publiko na posibleng hindi na pagkatiwalaan ang sistema ng bangko. 


Isa sa mga nabiktima nito, ayon kay Taduran, ay ang presidente ng American Boulevard na si Alberto Ching na nag-apply sa Landbank para makautang ng ₱50 miyon. 


Sinabi ng mambabatas na napag-alaman niyang malaking bahagi ng utang ni Ching ang hindi nailabas dahil sa sampung porsiyentong “cut” ng ilang mga tauhan ng LBP. 


"The borrower was given all sorts of excuses and was coaxed by the 'agents' to apply for another P50 million loan. Still, the release of the loan proceeds was delayed and incomplete,"  ayon kay Taduran sa House Resolution No. 2543, na kanyang isinampa noong Marso 30 , 2022.


Hindi tuloy nakabayad ang kumpanya ng damit ni Ching sa iba pa nitong pinagkakautangan at naging dahilan ng pagkakasara ng kanyang negosyo at kawalan ng ikabubuhay ng kanyang mga empleyado. 


Sumulat si Taduran sa pamunuan ng LBP para siyasatin ang kaso ni Ching. 


Ang tanging tugon ng bangko ay nagsagawa na sila ng panloob na imbestigasyon at tinanggal na ang mga empleyadong may kinalaman sa pangyayari bukod sa sinampahan sila ng kaso. 


Ayon kay Taduran, hindi man lang bumawi ang LBP sa American Boulevard sa nilikha nitong pinsala sa kanilang negosyo. 


Sinabi pa ng mambabatas na hindi lamang si Ching ang nabiktima kung hindi tatlumpung iba pa kung saan ang mga in-apply-an na utang ay humigit-kumulang sa ₱100 milyong. 


"Considering the huge amounts of the loans, it is highly improbable that low-ranked LBP employees acted without the cooperation/approval of the 'higher-ups'," ani Taduran. 


"Congress is duty-bound to protect the borrowing public as well as the entire banking system from nefarious practices of unscrupulous bank personnel," pagtatapos ni Taduran. 


-30-

ORYENTASYON NG COMELEC HINGGIL SA CONSOLIDATION AND CANVASSING SYSTEM (CCS) PARA SA HALALAAN 2022, ISINAGAWA NG KAPULUNGAN

Pinangasiwaan ngayong Lunes ng Kapulungan ng mga Kinatawan ang oryentasyon ng Commission on Elections (COMELEC) para sa National Board of Canvassers-Congress hinggil sa paggamit ng Consolidation and Canvassing System (CCS), para sa halalan sa Mayo 2022. Sa kanyang pambungad na mensahe, ipinahayag ni House Secretary General Mark Llandro Mendoza na ang pagbilang ng mga boto para sa mga kandidato sa pagka-presidente at bise-presidente ay isa sa pinakamahalagang mandatong konstitusyunal ng Kongreso. 


Binanggit niya na ginagawa ng Kapulungan ang bahagi nito upang matiyak ang katapatan, pagiging lehitimo ng halalan, at pangangalaga ng demokratikong pamahalaan.


Ipinahayag din ng Chairperson ng Komite ng Suffrage and Electoral Reforms na si Negros Occidental Rep. Juliet Marie Ferrer na uunahin ng Kongreso ang tapat at mahusay na pagsasagawa ng pagbibilang ng boto.


Sinabi naman ni COMELEC Commissioner Marlon Casquejo na sinisikap nilang tiyakin sa publiko na "ang bawat boto ay mabibilang ng tama at wasto." 


Ibinahagi ni COMELEC Information and Technology Department (ITD) Director Eden Bolo sa pagpupulong ang pangkalahatang-ideya ng CCS, na nagbibigay at nagpapadala ng mga ulat ng boto. 


Tinalakay pa ni COMELEC Systems and Programs Division IT Officer Felimon Enrile III ang pamamaraan ng pagpapatakbo ng CCS at nagsagawa ng end-to-end na demonstrasyon ng sistema. 


Samantala, sinabi ni Roderic Ilagan, Information and Technology Officer III ng COMELEC ITD, na inaasahang maisasagawa sa huling linggo ng Abril ang opisyal na pamamahagi ng kagamitan ng CCS. 


Sinabi ni Ilagan na ang unang kagamitan na ililipat sa Kapulungan ng mga Kinatawan ay ang transmission media. 


“So ngayon po waiting lang po for confirmation ng location ng transmission media or ‘yung canvassing center kung saang room, saang hall, saan po ipupuwesto ung canvassing. (Then) saka po namin idedeploy ung transmission media,” aniya. 


Bago tapusin ang kaganapan, ipinahayag ni House Legal Affairs Department Deputy Secretary General Atty.  Annalou Nachura na, “As Congress performs its constitutional duty, we must ensure public confidence in the integrity of system and that the true will of the electorate is upheld.” 


#SpeakerLordAllanVelasco

#SpeakerLAV

APAT NA ARAW NA PAGSASANAY SA MULTI-HAZARD EMERGENCY RESPONSE SA MGA KRITIKAL NA PASILIDAD, SINIMULAN NG KAPULUNGAN

Nagdaos ngayong Lunes ang Kapulungan ng mga Kinatawan sa ilalim ng pamumuno ni Speaker Lord Allan Velasco ng apat na araw na contingency training na may titulong “Multi-hazard Emergency Response for Critical Facilities.” 


Ang pagsasanay ay pinangasiwaan ng Office of the Sergeant-at-Arms (OSAA), sa pangunguna ni House Sergeant-at-Arms Ret. Police Brigadier General Rodelio Jocson, sa pakikipagtulungan ng Human Resource Management Service (HRMS). 


Layunin nitong magbigay ng mga tagubilin at wastong kaalaman sa multi-hazard tulad ng sunog, structural collapse dahil sa lindol, mass shooting, pambobomba, hostage incident at hydro-meteorological hazards. 


Si Dr. Teofredo "Ted" Esguerra, isang retiradong opisyal ng Philippine Coast Guard at isang North American Rescue instructor, gayundin ang retiradong US Navy na si Senior Chief Deputy Officer Donald Pang, ay kabilang sa mga panauhing tagapagturo para sa pagsasanay. 


Nagbigay si Esguerra ng malalim na mga talakayan at tagubilin sa aktwal na kaligtasan sa natural, arthropogenic o gawa ng tao, aksidente at kumplikadong mga panganib sa unang araw ng pagsasanay. 


Nagbigay din siya ng mga pangunahing punto para mabuhay sa panahon ng mga natural na sakuna, partikular na ang mga lindol, kung saan ang bansa ay lubhang mahina. 


Pinabulaanan din niya ang ilang bahagi sa itinuturong earthquake standard drills, at binibigyang-diin ang situational awareness sa mga natural na sakuna, para sa mas magandang pagkakataon na mabuhay. 


"It is important na your eyes are open para ma-calibrate mo ang paligid mo," ani Esguerra. 


Iniharap din niya sa grupo ang Basic Trauma Life Support, upang sanayin ang mga kalahok sa mga kaso na kinasasangkutan ng pagdurugo na nangangailangan ng kritikal na first aid.


#SpeakerLordAllanVelasco

#SpeakerLAV

MGA PAMAMARAAN SA KALIGTASAN, TINALAKAY SA IKALAWANG ARAW NG MULTI-HAZARD EMERGENCY RESPONSE WORKSHOP NG KAPULUNGAN

Ang mga kalahok ng pagsasanay sa pagtugon sa kagipitan ng Kapulungan ng mga Kinatawan ay sumailalim sa isang praktikal na kasanayan sa mga pamamaraan sa kaligtasan, sa ikalawang araw ng apat na araw na workshop sa Multi-Hazard Emergency Response. 


Ang workshop ay inorganisa ng Office of the Sergeant-at-Arms (OSAA), sa pangunguna ni SAA Police Brigadier General Rodelio Jocson (Ret), sa koordinasyon ng Human Resource Management Service (HRMS). 


Sinabi ni Jocson na ang praktikal na pagsasanay ay magtuturo sa mga dadalo kung paano magsagawa ng survival techniques, hindi lamang sa kanilang mga katrabaho kundi maging sa kanilang pamilya at mga kaibigan sa panahon ng kagipitan. 


Idinagdag niya na sa praktikal na ehersisyo, dapat maramdaman at malaman ng lahat ang mga pamamaraan, tulad ng kung paano isagawa ang cardiopulmonary resuscitation (CPR) at kung paano ang pag-ampat ng pagdurugo, at iba pa. 


Si Dr. Teofredo “Ted” Esguerra, kasama si Donald Pang, ang mga panauhing tagasanay. Si Esguerra ay isang retiradong opisyal ng Phillipine Coast Guard at isang North American rescue instructor, habang si Pang ay isang retiradong US Navy Senior Chief Deputy Officer. 


Tinalakay sa workshop ang mga paksa kung papaano itigil ang pagdurugo; kung paano magsagawa ng CPR at choking; bendahe at splinting; pagbuhat at mahabang back board; at pagsusuri ng pasyente. 


Ang mga kalahok, na karamihan ay mula sa Legislative Security Bureau (LSB) at Maximum Security, ay binigyan ng pagkakataon na magsagawa ng CPR, magpakita ng wastong bandaging at splinting techniques, pagtaya sa nararanasang trauma, gayundin kung paano ilipat ang isang nasugatan na pasyente sa rescue vehicle.


#SpeakerLordAllanVelasco

#SpeakerLAV

Free Counters
Free Counters