Friday, April 08, 2022

MGA PAMAMARAAN SA KALIGTASAN, TINALAKAY SA IKALAWANG ARAW NG MULTI-HAZARD EMERGENCY RESPONSE WORKSHOP NG KAPULUNGAN

Ang mga kalahok ng pagsasanay sa pagtugon sa kagipitan ng Kapulungan ng mga Kinatawan ay sumailalim sa isang praktikal na kasanayan sa mga pamamaraan sa kaligtasan, sa ikalawang araw ng apat na araw na workshop sa Multi-Hazard Emergency Response. 


Ang workshop ay inorganisa ng Office of the Sergeant-at-Arms (OSAA), sa pangunguna ni SAA Police Brigadier General Rodelio Jocson (Ret), sa koordinasyon ng Human Resource Management Service (HRMS). 


Sinabi ni Jocson na ang praktikal na pagsasanay ay magtuturo sa mga dadalo kung paano magsagawa ng survival techniques, hindi lamang sa kanilang mga katrabaho kundi maging sa kanilang pamilya at mga kaibigan sa panahon ng kagipitan. 


Idinagdag niya na sa praktikal na ehersisyo, dapat maramdaman at malaman ng lahat ang mga pamamaraan, tulad ng kung paano isagawa ang cardiopulmonary resuscitation (CPR) at kung paano ang pag-ampat ng pagdurugo, at iba pa. 


Si Dr. Teofredo “Ted” Esguerra, kasama si Donald Pang, ang mga panauhing tagasanay. Si Esguerra ay isang retiradong opisyal ng Phillipine Coast Guard at isang North American rescue instructor, habang si Pang ay isang retiradong US Navy Senior Chief Deputy Officer. 


Tinalakay sa workshop ang mga paksa kung papaano itigil ang pagdurugo; kung paano magsagawa ng CPR at choking; bendahe at splinting; pagbuhat at mahabang back board; at pagsusuri ng pasyente. 


Ang mga kalahok, na karamihan ay mula sa Legislative Security Bureau (LSB) at Maximum Security, ay binigyan ng pagkakataon na magsagawa ng CPR, magpakita ng wastong bandaging at splinting techniques, pagtaya sa nararanasang trauma, gayundin kung paano ilipat ang isang nasugatan na pasyente sa rescue vehicle.


#SpeakerLordAllanVelasco

#SpeakerLAV

Free Counters
Free Counters