Wednesday, April 20, 2022

MGA PAGHAHANDA NG COMELEC PARA SA HALALAN SA IKA-9 NG MAYO AT KATAYUAN NG HALALAN SA IBAYONG DAGAT, TINALAKAY NG KOMITE

Tinalakay ng Komite ng Suffrage at Electoral Reforms sa Kapulungan ng mga Kinatawan, na pinamumunuan ni Negros Occidental Rep. Juliet Marie de Leon Ferrer ang huling kaganapan sa Commission on Elections (COEMELC), hinggil sa paghahanda nito para sa pangkalahatang halalan sa ika-9 ng Mayo 2022, gayundin ang katayuan ng botohan sa ibang bansa, sa online na pagdinig ngayong Miyerkules. 

Ayon kay Sonia Bea Wee-Lozada, Direktor ng COMELEC Office for Overseas Voting, para sa 2022, mayroong kabuuang 1.697215 milyong rehistradong botante sa ibang bansa at 92 kalahok na mga lugar kasama ang Manila Economic and Cultural Offices (MECOs) sa Taipei, Taichung, gayundin ang Philippine Overseas Labor Office (POLO) sa Al Khobar. Aniya ang lahat ng mga kalahok na lugar ay nakatanggap na ng kanilang mga opisyal na balota at vote counting machines (VCMs) para sa mga bumoto gamit ang automated election system. 

Sinabi ni Lozada na napilitan ang General Consulate sa Shanghai na suspindihin ang pagdaraos ng halalan dahil sa mahigpit na mga pamamaraan ng lockdown na dulot ng pagsiklab ng COVID-19. 

Idinagdag niya na ang pagboto sa ibang bansa ay sinuspinde rin sa mga bansang may mga alalahanin sa seguridad tulad ng Algeria, Chad, Tunisia, Libya, Iraq, Afghanistan at Ukraine. 

Aniya, may kabuuang bilang na 1,972 rehistradong botante ang naapektuhan ng suspensiyon ng pagdaraos ng halalan o bigong halalan. 

Sa panig naman ng Department of Foreign Affaris (DFA), sinabi ni DFA Overseas Voting Secretariat (OVS) Director Zoilo Velasco na sa 91 foreign service posts, 90 posts na ang nagsasagawa ng kanilang botohan. 

Sinabi ni Philippine Ambassador to Singapore Joseph Del Mar Yap na sa ngayon pagkatapos ng 11 araw ng pagboto, napakataas ng voter turnout. Aniya, mahigit 84,000 ang rehistradong botante sa Singapore. 

Sinagot at nilinaw din niya ang usaping kumakalat sa social media, kaugnay ng alegasyon na naglalabas ang embahada ng tinatawag na “pre-shaded ballots” sa mga botante nito. Nilinaw din ni Dubai Consul General Renato Duenas na walang napaulat na insidente ng pre-shaded ballots mula sa watcher o botante, at lahat ng balota sa Dubai ay bilang. 

Binigyang-diin ni Committee Vice Chairman Cavite Rep. Elpidio Barzaga ang kahalagahan ng pamamaraan para sa mga sirang balota.


#SpeakerLordAllanVelasco
#SpeakerLAV
Free Counters
Free Counters