-NAGPAPATUPAD NG BATAS LABAN SA ILEGAL NA DROGA, KINILALA NG KAPULUNGAN
Idinaos ng Kapulungan ng mga Kinatawan ngayong Lunes, sa pamumuno ni Speaker Lord Allan Velasco, ang seremonya ng paggawad ng Kapulungan para sa mga alagad ng batas, mula sa iba't ibang ahensya para sa kanilang mga nagawa sa paglaban sa ilegal na droga.
Ang mga ahensyang ito ay ang Philippine National Police (PNP), Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), Intelligence Service of the Armed Forces of the Philippines (ISAFP) at ang National Intelligence Coordinating Agency (NICA).
Ang seremonya ng paggawad ay isinagawa sa pamamagitan ng magkasanib na pagsisikap ng Komite ng Public Order and Safety Chairperson at Masbate Rep. Narciso Bravo Jr.; Komite ng Dangerous Drugs Chairperson at Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers; at PATROL Rep. Jorge Bustos.
Sa kanyang mensahe ng pagbati, sinabi ni Bustos na kritikal para sa mga Pilipino na magkaroon ng kamalayan sa pagsusumikap at kontribusyon ng mga ahensyang ito sa pagtiyak ng isang kalidad ng buhay na ligtas sa droga para sa bawat Pilipino.
Ayon kay Bustos, ang mga ahensyang ito ay nagsagawa ng 35,612 na operasyon at naaresto ang 3,806 high-value na mga personalidad sa droga, na kinasasangkutan ng iligal na droga na nagkakahalaga ng ₱16.47-bilyon sa taong 2021 lamang.
Nagpasalamat si PDEA Director General Wilkins Villanueva sa Kapulungan para sa pagkilala at sinabing napakahalaga ng parangal para sa kanila, na kung saan ay palaging pinupuna ang kanilang laban sa iligal na droga para sa mga layuning pulitikal.
“You’ve always championed the cause of those who were victims of illegal drugs,” aniya.
Ipinahayag pa ni Villanueva na palaging nandiyan ang Kapulungan para sa PDEA, upang suportahan ang kanilang mga pagsisikap sa pamamagitan ng pagbibigay ng kinakailangang suporta.
“Maraming salamat po at napunta na po sa Committee on Appropriations ang Magna Carta bill ng PDEA,” aniya.
Tiniyak naman ni Villlanueva na palaging nandiyan ang PDEA para magligtas ng mga buhay, hangga't tinutugis at winawasak nila ang mga mekanismo ng mga lokal at transnasyonal na organisasyon na nagtutulak ng droga.
Iginawad din ang mga indibidwal na plake kina dating PNP Drug Enforcement Group Chief at ngayon ay Quezon City Police Department Director Remus Medina, PDEA Director General Wilkins Villanueva, PDEA Deputy Director General Gregorio Pimentel at iba pang mga director at pulis ng PDEA.
#SpeakerLordAllanVelasco
#SpeakerLAV
<< Home