PROTEKSIYON SA MGA WHISTLE BLOWER
LAYUNIN NG KANYANG PANUKALA NA GAWARAN NG ISANG MEKANISMONG MAGPROTEKSIYON SA MGA WHISTLE BLOWER AT KONTRAHIN ANG TINATAWAG NA STIGMA NG OSTRACISM AT BALIKAN SILA PAR SA KANILANG PAGSIWALAT.
SINABI NI SANTIAGO NA ANG KAKULANGAN NG LEGAL FRAMEWORK PARA SA PROTEKSIYON AT SEGURIDAD SA MGA WHISTLE BLOWER ANG NAGBILAD SA KANILA SA BANTA NA BALIKAN SILA, MAGKAROON NG TRIAL BY PUBLICITY, OUTRIGHT MISCARRIAGE OF JUSTICE, AT KAHIT SA SUMMARY EXECUTION.
SA KANYANG PANUKALA, HINDI MAAARING MAGSAGAWA NG RETALIATORY ACTION ANG ISANG EMPLOYER LABAN SA KANYANG EMPLEYADO NA NAGSIWALAT O TUMESTIGO LABAN SA KANYA O SA KANYANG KASAMAHANG EMPLEYADO HINGGIL SA PAGLABAG NG ISANG BATAS, PATAKARAN MAN O REGULASYON.
AYON SA KANYA, SISEGURUHIN DIN SA BATAS NA ANG PUBLIC DISCLOSURE AY DAPAT ISAGAWA SA HARAP NG MGA PROPER PUBLIC AUTHORITY UPANG MAPROTEKTAHAN ANG SAKSI LABAN SA INAPPROPRIATE PUBLICATION AT UNSUBSTANTIATED DISCLOSURE NG MGA VITAL RECORDS.