KOTONG, DAHILAN NG PAGTAAS NG PRESYO NG MGA PRODUKTO
SINABI NI HOUSE SPEAKER PROSPERO NOGRALES NA MALIBAN SA HOARDING AT PRICE SPECULATION, ANG MULCTING O ANG TINATAWAG NA KOTONG O PANGUNGOTONG NG MGA PULIS AT MGA TRAFFIC PERSONNEL NA NAMBIBIKTIMA SA MGA MAGSASAKA AY ISA RIN SA MGA DAHILAN NG PAGTAAS NG HALAGA NG MGA PRODUKTONG PAGKAIN.
AYON KAY SPEAKER NOGRALES, ANG PATULOY NA PAGDAMI NG MGA REKLAMO HINGGIL SA PANGUNGOTONG SA MGA LANSANGAN AY DAPAT NANG KAGYAT NA MATUGUNAN NG PAMAHALAAN DAHIL KARAMIHAN SA MGA BIKTIMA AY ANG MGA MAGSASAKA NA NAGDADADLA NG KANILANG MGA PRODUKTONG PAGKAIN PATUNGO SA MGA URBAN CENTER.
DAPAT NA UMANONG MAPIGIL ANG GANITONG PROBLEMANG KOTONG SYSTEM NA KANYANG TINAWAG NA TUNAY NA HIGHWAY ROBBERY SA KABILA NG KANYANG PANANAWAGAN SA LAHAT NG MGA LAW ENFORCEMENT AGENCY NA PAIGTINGIN NILA ANG KANILANG PAGPURSIGE LABAN SA MGA PULIS AT MGA TRAFFIC ENFORCER NA NANGUNGOTONG.
AYON SA KANYA, KAILANGAN UMANONG MAWALA NA O MAPUTOL NA ANG HADLANG SA DALOY NG MGA AGRICULTURAL INPUTS AT OUTPUTS HINDI LAMANG SA MAGANDANG IRIGASYON AT FARM TO MARKET ROADS KUNDI PATI NARIN ANG KASEGURUHAN AT PROTEKSIYON NG MGA MAGSASAKA AT NG KANILANG MGA PRODUKTO.
KUNG MASEGURO LAMANG NA ANG ATING MGA MAGSASAKA, DAGDAG PA NG SPEAKER, AY MAKAPAGBENTA NG KANILANG MGA PRODUKTO NANG HINDI NAHAHARAS NG MGA TIWALING PULIS AT TRAFFIC PERSONNEL, SEGURADONG BABABA NA RIN ANG HALAGA NG MGA PRODUKTONG SAKAHAN.

<< Home