Monday, May 19, 2008

DISKUWENTONG 5% SA MGA DESERVING NA MGA ESTUDYANTE

SINABI NI ARC PARTY LIST REP NARCISO SANTIAGO III NA DAPAT BIGYAN NG PRAYORIDAD NG PAMAHALAAN ANG MATAAS NA KALIDAD NG EDUKASYON AT MAGSAGAWA ITO NG KARAMPATANG HAKBANG UPANG ANG EDUKASYON AY ABOT NG LAHAT SA PAMAMAGITAN NG PAGGAWAD NG DISKUWENTO SA MGA UNDERPRIVILEGED NA MGA ESTUDYANTE SA KOLEHIYO.

DAHIL DITO, IPINANUKALA NI SANTIAGO SA HB03645 ANG LIMANG PORSIYENTONG DISKUWENTO SA MGA TUITION FEE, TRANSPORTASYON, PAGKAIN AT GAMOT PARA SA MGA ESTUDYANTE.

LAYON NG KANYANG PANUKALA NA GAWARAN NG MGA DISCOUNT ANG MGA ANAK NA ESTUDYANTENG NAKA-ENROL SA TERTIARY LEVEL NA MAY MGA PART-TIME NA TRABAHO UPANG I-SUBSIDIZE ANG EDUKASYON NG MAY COMBINED ANNUAL INCOME NA MGA MAGULANG NG HINDI BABABA SA P100,000.

AYON SA SOLON, ANG PAGBIBIGAY NG DISKUWENTONG ITO AY UPANG MATULUNGANG MAIBSAN ANG MGA PABIGAT NA GASTUSIN NA BINABALIKAT NG MGA MAHIHIRAP NA ESTUDYANTE.

IDINAGDAG PA NI SANTIAGO NA RESPONSIBILIDAD UMANO NG ESTADO NA MAGTATAG AT MAGMINTINA NG ISANG SISTEMA NG SCHOLARSHIP GRANTS, STUDENT LOAN PROGRAMS, MGA SUBSIDY AT IBA PANG MGA INSENTIBO NA PARA SA MGA DESERVING AT UNDERPRIVILEGED STUDENTS MAGING SA PRIBADONG ESKUWELAHAN MAN O SA PAMPUBLIKO.
Free Counters
Free Counters