Tuesday, May 20, 2008

PLANONG 12% VAT REDUCTION SA KURYENTE, INAYAWAN

NAGPAHAYAG NG PAGKADISMAYA SI QUEZON REP DANILO SUAREZ SA PLANONG ALISIN NA ANG LABAINGDALAWANG PORSIYENTONG VALUE ADDED TAX (VAT) SA MGA ELECTRIC BILL NG MGA RESIDENTIAL CONSUMER NA KOMOKONSUMO NG HINDI HIHIGIT SA LIMANG LIBONG PISO KADA BUWAN.

SINABI NI SUAREZ NA ANG PANUKALANG PAG-ALIS NG VAT AY MAKAPAGDUDULOT LAMANG NG MALING PAG-IISIP AT HINDI TAMANG PANANAW NG MGA MAMAMAYAN HINGGIL SA TAX EXEMPTYION AT ITO AY MAKAPAG-BABABA LAMANG NG KIKITAIN SA PANIG NG PAMAHALAAN.

AYON SA KANYA, ANG KAILANGAN NGAYON AY TAX EDUCATION AT HINDI ANG TAX EXEMPTION AT HINDI LAMANG ITO AY TUNGKOL SA KIKITAIN NG GOBYERNO KUNDI AY ANG TUNGKOL SA PRINSIPYO.

MATATANDAANG IPINANUKALA SA KONGRESO KAMAKAILAN LAMANG NA ALISIN ANG 12% NA VAT GALING SA ELECTRIC BILL NG RESIDENTIAL CONSUMER NG HINDI HIHIGIT SA P5,000.00 KADA BUWAN UPANG MAGGAWARAN ANG MGA MAMAMAYAN NG KAGINHAWAHAN AT I-ENCOURAGE SILA NA LIMITAHAN NA LAMANG ANG KANILANG KONSUMO SA KURYENTE AT MAI-SAVE ANG ENERHIYA.

IPINALIWANAG NG MAMBABATAS NA MAKAKAAPEKTO UMANO ITO SA REVENUE COLLECTION NG GOBYERNO LALU NA AT KARAMIHAN SA MGA CONSUMER AY KUMUKONSUMO LAMANG NG MAS MABABA PA SA LIMANG LIBONG PISO BAWAT BUWAN.
Free Counters
Free Counters