Wednesday, May 21, 2008

SOLUSYON UPANG MAIBABA ANG SINGIL SA LANGIS AT KURYENTE

IMINUNGKAHI KAHAPON NI HOUSE SPAKER PROSPERO NOGRALES NA KUNG HINDI POSIBLENG ALISIN ANG EXPANDED VALUE ADDED TAX SA ELECTRIC BILL NG RESIDENTIAL CONSUMERS, BAKIT HINDI NA LAMANG GAMITIN ANG NAPIPINTONG P16.7 BILYON TAX WINDFALL NA MANGGAGALING SA 12% EVAT COLLECTION NG GOBYERNO SA INANGKAT NA LANGIS PARA I-SUBSIDIZE ANG POWER AT FUEL CONSUMPTION.

ANG NATURANG ALTERNATIBONG SOLUSYON NI SPEAKER NOGRALES AY KANYANG INIHAIN SA PAGSASABING ITO AY PRAKTIKAL AT MAAARING GAWIN KUMPARA SA NAUNA NANG IPINANUKALANG ALISIN ANG EVAT SA RESIDENTIAL USERS NA MAY P5,000 ELECTRIC BILL DAHIL HINDI NA UMANO MAI-ESTURBO ANG FISCAL PROJECTION NG PAMAHALAAN.

BATAY SA ISANG PAG-AARAL NA ISINAGAWA NG CONGRESSIONAL PLANNING AND BUDGET DEPARTMENT (CPBD) ANG REKOMANDASYONG INILATAG NG SPEAKER NA HUMANAP NG MGA PAMAMARAANG MAGAWARAN NG ECONOMIC RELIEF ANG PUBLIKO SA HARAP NG TUMATAAS NA HALAGA NG PAGKAIN, LANGIS AT KURYENTE.

SINABI NG SPEAKER NA TUMATAAS DIN ANG EVAT KUNG TATAAS ANG PRESYO, AT SA PAGTAAS NG EVAT, TATAAS DIN ANG TAX COLLECTION NG GOBYERNO, KAYA ANG EXTRA NA GANANSIYA NA MANGGAGALING SA EVAT AY HINDI NA BAHAGI NG REVENUE ESTIMATES.

AYON SA KANYA, ANG MAGING KOLEKSIYON SA EVAT NA MAGKAKAHALAGA NG P16.7 BILYON GALING SA EXTRA COLLECTION AY MAAARI NANG GAMITIN SA PAG-SUBSIDIZE PARA SA PANGANGAILANGAN NG LANGIS AT KURYENTE NG ATING BANSA AT ITO AY ANG PINAKA-PRAKTIKAL NA SOLUSYON SA LAYUNING MATULUNGAN ANG MGA MAMAMAYANG MAIBSAN ANG KANILANG PROBLEMANG PANG-EKONOMIKO.

Free Counters
Free Counters