Wednesday, May 14, 2008

TAX RELIEF BILL, MINAMADALING IPASA NG KONGRESO

HINIMOK KAHAPON NI HOUSE SPEAKER PROSPERO NOGRALES ANG SENADO NA MADALIIN NITO ANG PAGPASA NG KANILANG INPRUBAHANG NANG PANUKALA NA SIYANG DODOBLE NG KASALUKUYANG TAUNANG INDIVIDUAL TAX EXEMPTION MAGMULA SA MAXIMUM NA P96,000 NA MAGING P200,000 NA PARA SA MGA SUMUSUWELDONG MANGGAGAWA NG PRIBADO AT PAMPUBLIKONG SEKTOR.

SINABI NI SPEAKER NOGRALES NA MAAARING I-ADOPT NA LAMANG NG SENADO ANG HOUSE VERSION NG NATURANG PANUKALA UPANG MAIWASAN NA ANG MATAGAL AT MAHABANG MGA DEBATE PARA MALAGDAAN NA NG PANGULO AT KAAGAD-AGAD MAIPATUPAD NA ITO SA LALUNG MADALING PANAHON.

HINDI NAITAGO NG SPEAKER ANG KANYANG PAGKADISMAYA SA NANGYARI NOONG NAKARAANG LINGGO KUNG SAAN BIGO ANG KAMARA NA MAIPASA ANG NABANGGIT NA PANUKALANG TAX RELIEF DAHIL KULANG SA QUORUM NA NAGBUNSOD SA KANYANG PAGDEKLARA NG KAAGAD NA PAGPATUPAD NG DOUBLE ROLL CALL UPANG MASEGURO NA HINDI LALABAS ANG MGA MABABATAS SA PLENARYO MATAPOS ANG UNANG ROLL CALL PARA SA ATTENDANCE.

ITO ANG NAGING RESULTA NG KAGYAT NA PAGPAKAPASA NG TAX RELIEF MEASURE, ANG HB03971, KASABAY DITO ANG PAGKAPASA RIN NG MAY 79 NA MGA PANUKALANG BATAS NA MAY LOCAL AT NATIONAL SIGNIFICANCE.

NAGPAHAYAG NG PASASALAMAT ANG SPEAKER SA KANYANG MGA KASAMAHANG MAMBABATAS PARA SA KANILANG PAGTUGON SA NINANAIS NG MGA MANGGAGAWA NA MAIPASA ANG TAX RELIEF MEASURE NANG ITO AY INAPRUHAN NILA SA IKALAWA AT IKATLONG PAGBASA MATAPOS SERTIPIKAHAN NG PANGULONG GLORIA MACAPAGAL ARROYO ANG PANUKALA BILANG ISANG URGENT BILL.

INAASAHAN NI SPEAKER NOGRALES NA MADALIIN DIN NG SENADO ANG PAGPASA NG NATURANG PANUKALA UPANG ITO AY MAITULAK NA KAAGAD SA EHEKUTIBO PARA SA PAGLAGDA NG PANGULO NA MAGING GANAP NA NA BATAS.
Free Counters
Free Counters