Thursday, May 22, 2008

LABORATORYO NG MGA PAARALAN, TUTULONGAN NG CORPO FRANCHISE AT TRAVEL TAXES

MAGKAKAROON NA ANG BAWAT PAMPUBLIKONG ELEMENTARYA AT HIGH SCHOOL SA BUONG BANSA NG FULLY-EQUIPPED NA SCIENCE LABORATORY SA SANDALING ANG PANUKALA NI CAGAYAN DE ORO REP RUFUS RODRIGUEZ, ANG HB03848, AY MAAPRUBAHAN, UPANG MAKA-ADOPT ANG MGA ESTUDYANTE NG MGA MAKABAGONG PAMAMARAAN HINGGIL SA AGHAM AT TEKNOLOHIYA.

SINABI NI RODRIGUEZ NA ANG PONDONG GAGAMITIN DITO AY MANGGAGALING SA 20 PORSIYENTONG GROSS PROCEEDS NG MAKUKOLETANG TRAVEL TAX AT 20% SA NET INCOME NG PHILIPPINE AMUSEMENT AND GAMING CORP (PAGCOR) PARA MAIPATUPAD ANG NATURANG PROYEKTO.

TINUKOY NI RODRIGUEZ ANG MGA PAGAARAL NA NAGPAPAKITA NG POSITIBONG UGNAYAN SA PAGITAN NG ECONOMIC DEVELOPMENT AT NG SCIENTIFIC AND TECHNOLOGICAL CAPABILITY NG BANSA KAYAT ANG ISANG SCIENCE AND TECHNOLOGY PROGRAM AY MAKAKATULONG ANIYA NA MAIANGAT NATIN ANG BANSA, AT PAR SA ATING MGA ASIANONG KAPITBAHAY .

SA PANUKALANG ITO NA TATAGURIANG "SCIENCE LABORATORY FOR BASIC EDUCATION ACT", INAASAHANG TATAAS DIN ANG INFRASTRUCTURE SUPPORT NG GOBYERNO UPANG MAISAAYOS, MAIPAGPAPAIBAYO AT MAI-UPGRADE ANG MGA LABORATORYO NG MGA PAARALAN PARA MAGAWARAN ANG MGA ITO NG PASILIDAD NA GAMITIN NG MGA MAG-AARAL.
Free Counters
Free Counters