Tuesday, August 31, 2021

-MABILIS AT MAAYOS NA PAGPASA NG 2022 PAMBANSANG BADYET, IPINANAWAGAN NI SPEAKER VELASCO

Nanawagan si Speaker Lord Allan Velasco ng isang ‘swift and smooth’ o ‘mabilis at maayos’ na pagpasa ng panukalang P5.024-trilyong pambansang pondo para sa 2022, upang maiwasan ang reenacted spending program at matiyak ang patuloy na operasyon ng pamahalaan sa gitna ng umiiral na pandemya ng COVID-19.

(“We in the House of Representatives, need to get our act together to ensure swift and smooth passage of the 2022 national budget in order for the government to continue operating and provide much-needed services to the Filipino people as it is expected to,” ani Velasco.)


Ipinahayag ni Velasco ang panawagan sa pagsimula ng deliberasyon ng Committee on Appropriations sa Kamara, na pinamumunuan ni ACT-CIS Rep. Eric Go Yap, ng huling pambansang badyet na ipatutupad sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte.


(“Our aim is to pass the House version of the 2022 national budget by September 30 before we go on an break in time for the filing of certificates of candidacy for all elective positions for the May 2022 elections,” ani Velasco.)


Sinabi ni Velasco na ang pangkalahatang layunin ay upang malagdaan ni Pangulong Duterte ang 2022 General Appropriations Act sa buwan ng Disyembre, upang maiwasan ang reenacted budget, na maaaring magpabagal sa kaunlaran ng ekonomiya at mahadlangan ang paghahatid ng serbisyo ng pamahalaan.


Ang deliberasyon sa badyet ay nagsimula tatlong araw matapos na isumite ni Pangulong Duterte, sa pamamagitan ng Department of Budget and Management – sa Kamara ang National Expenditure Program (NEP), na gagabay sa lehislatura sa pagrepaso at deliberasyon ng planong paggasta ng pamahalaan sa susunod na taon.


Ang panukalang 2022 pambansang badyet ay nakasentro sa pagbabalik ng Pilipinas sa landas tungo sa ganap na pag-ahon sa mapangwasak na epekto ng pandemya.






Katumbas ang P5.024-trilyon ng 22.8 porsyento ng gross domestic product ng bansa at mas mataas ito sa 11.5 porsyento ng kasalukuyang 2021 pambansang badyet.


Sa bawat sektor, ang social services sector ang makatatanggap ng pinakamalaking bahagi ng 2022 NEP na nagkakahalaga ng P1.922-trilyon, na ilalaan sa mga serbisyong may kaugnayan sa kalusugan tulad ng patuloy na implementasyon ng Universal Health Care Act, pagbili ng mga bakuna para sa COVID-19, pagbili ng mga personal protective equipment, at iba pa. Prayoridad rin ang mga programang may kaugnayan sa edukasyon, kabilang na ang implementasyon ng Universal Access to Tertiary Education.


Kasunod nito ay ang economic services sector, na paglalaanan ng P1.474-trilyon na ang kalakihan ay susuporta sa mga pangunahing programa sa ilalim ng Build, Build, Build infrastructure program.


Maglalaan naman ng P862.7-bilyon sa general public services sector, P541.3-bilyon bilang pambayad-utang, at P224.4-bilyon sa defense sector.


Sa mga kagawaran at ahensya, ang sector ng edukasyon na kinabibilangan ng Department of Education, State Universities and Colleges at ang Commission on Higher Education, ay makatatanggap ng pinakamataas na alokasyon na nagkakahalaga ng P773.6-bilyon.


Ito ay susundan ng Department of Public Works and Highways na may P686.1-bilyon; Department of Interior and Local Government na may P250.4-bilyon; Department of Health and Philippine Health Insurance Corp., P242-bilyon; Department of National Defense, P222-bilyon; Department of Social Welfare and Development, P191.4-bilyon; Department of Transportation, P151.3-bilyon; Department of Agriculture and National Irrigation Authority, P103.5-bilyon; Department of Justice, P45-bilyon; at Department of Labor and Employment, P44.9-bilyon. #

-PAGSURI SA PANUKALANG ₱5.024-T BADYET PARA SA FY 2022, SINIMULAN NG KAMARA

Sinimulan ng Committe on Appropriations sa Kamara, na pinamumunuan ni ACT-CIS Rep. Eric Yap ang pagsusuri at pagsisiyasat nito sa panukalang ₱5.024-trilyong pambansang badyet para sa taong 2022.

Inilahad ng mga miyembro ng Development Budget Coordination Committee (DBCC) ang mga mapagkukunan ng pondo, antas ng paggastos, at mga pamantayan, bukod sa iba pa, ng panukalang badyet.


Sa kaniyang pambungad na mensahe, hinikayat ni Yap ang mga kapwa mambabatas na gawin ang kanilang bahagi sa pagsusuri ng panukalang badyet.


(“I implore each member of this Congress to participate and be active in our deliberations, and pass this budget without delay. We will not be deterred by the threats of this unseen virus COVID-19 from performing our solemn duties to our country and our people.


To provide an effective pandemic response through this budget, we must act swiftly efficiently, and effectively,” aniya.)


Ayon kay Budget and Management OIC-Secretary Tina Rose Marie Canda, ang panukalang pambansang badyet ay mas mataas ng 11 porsyento kaysa sa badyet ng kasalukuyang taon na ₱4.5-trilyon.


Aniya, ang panukalang ₱5.024-trilyong badyet ay naglalaman ng temang “Sustaining the Legacy of Real Change for the Future Generations” na ginagabayan naman ng tatlong haligi tulad ng: 1) Building Resilience amidst the Pandemic, 2) Sustaining the Momentum towards Recovery, at 3) Continuing the Legacy of Infrastructure Development.






Nabanggit naman ni DBM OIC-Undersecretary Rolando Toledo na kabilang sa mga pamantayan ng badyet na pinagtibay ng DBCC sa isang espesyal na pagpupulong noong ika-19 ng Hulyo 2021 ay ang: 1) Totoong Paglago ng GDP, 2) Implasyon, 3) Dubai Crude Oil, 4) FOREX, 5) Paglago ng Magandang Kalakal-panluwas, at Pag-unlad ng Importasyon ng Produkto.


Ang Totoong Paglago ng GDP ay inaasahang pumalo sa anim na porsyento hanggang pitong porsyento sa taong 2021, 2023 at 2024, at pito hanggang siyam na porsyento sa taong 2022.


Samantala, ang pagpapalabas ng labis na salapi ay tinatayang aabot sa dalawa hanggang apat na porsyento sa taong 2021 hanggang 2024.


Batay sa listahan ng gagastusin, sinabi ni Toledo na ang ₱5.024 trilyon na panukalang badyet ay naglalaan ng 29 porsyento o ₱1.456 trilyon sa mga personnel services; 22.2 porsyento o ₱1.226 trilyon sa mga LGUs; 18.7 porsyento o ₱939.8 bilyon sa mga capital outlay; 15.5 porsyento o ₱777.9 bilyon sa pagpapanatili at iba pang gastusin sa pagpapatakbo; 10.8 porsyento o ₱541.3 bilyon sa utang; 3.5 porsyento o ₱178 bilyon sa GOCCs; at 0.3 porsyento o ₱14.5 bilyon sa mga gastusin sa buwis. Iniulat naman ni Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) Governor Benjamin Diokno ang mga pag-unlad sa mga sektor ng pananalapi, pampinansyal, at panlabas, gayundin ang pananaw para sa taong 2022 at natitirang bahagi ng taong 2021.


Sinabi niya na ang mga hakbang ng pamahalaan para sa pampublikong kalusugan, pampasigla ng pananalapi, at mga reporma sa istraktura ang mga naging pangunahing tugon ng bansa laban sa pandemya.


Bilang karagdagan sa mga ito, sinabi ni Diokno na ang BSP ay nagpatupad ng pansamantala at may nakatakdang polisiya hinggil sa pananalapi upang matiyak na sapat ang daloy ng sistemang pampinansyal, ibalik ang paggana ng operasyon ng merkado, at mapataas ang anyo ng merkado.


Ibinahagi din niya na ang ekonomiya ng bansa ay unti-unting nakakabawi, dahil bumalik na ito sa positibong paglago sa ikalawang bahagi ng taong 2021 na may 11.8 porsyento mula sa negatibong 17 sa parehong panahon noong 2020.


Samantala, nagbigay ng kaniyang pananaw si National Economic Development Authority (NEDA) Director-General Karl Kendrick Chua sa naging takbo ng ekonomiya ng bansa at mga posibilidad para sa karagdagang paglago at pag-unlad para sa taong 2021 hanggang 2024.


Sinabi niya na ang bansa ay isa sa may pinakamahabang pinaiiral na quarantine. “High risk aversion has artificially restricted our productivity and economic growth,” aniya.


Binanggit din ni Chua na kabilang sa mga nagbibigay kakayahan sa pagbawi ng ekonomiya ng bansa ay ang: 1) pagpapabilis ng programa ng pagbabakuna, 2) ligtas na pagbubukas muli ng ekonomiya, habang mahigpit na sumusunod sa mga protokol na pangkalusugan, at 3) lubos na pagpapatupad ng recovery package, tulad ng 2021 badyet, ang “Corporate Recovery and Tax Incentives for Enterprises (CREATE) Act”, at ang "Financial Institutions Strategic Transfer Act”.


Ang iba pang mga nagpapasigla sa paglago ng ekonomiya ay ang 1) 2022 na badyet, 2) Build, Build, Build Infrastructure Program, at 3) mga susog sa Public Service Act, Retail Trade Liberalization Act, at Foreign Investments Act, aniya. Ipinaliwanag naman ni Finance Secretary Carlos Dominguez III kung papaano matututustusan ang badyet sa taong 2022 sa loob ng medium-term.


“Fiscal discipline will save us from this long battle against the pandemic. This can be done by keeping the country’s deficit and debt ratios within reasonable levels so that government finances remain in great shape for the next administration and the future generations,” aniya.


Sinabi din niya na kabilang sa mga prayoridad sa ekonomiya sa natitirang buwan ng administrasyong Duterte ay: 1) madagdagan ang mga taong mababakunahan, 2) mapanatili ang bil,is ng Build, Build, Build Infrastructure Program, 3) mamuhunan sa populasyon ng kabataan na siyang pinakamahalagang yaman ng bansa, at 4) gawing mabilis ang pagbabago sa pamamahala at maipagpatuloy ang mga reporma sa merkado na makakaakit sa mga pamumuhunan. 


#SpeakerLordAllanVelasco

#SpeakerLAV

Thursday, August 26, 2021

-PANUKALANG 30-YEAR NATIONAL INFRASTRUCTURE PROGRAMA, APRUBADO NA

Inaprubahan na kahapon ang Committee Report hinggil sa panukalang 30-taong National Infrastructure Program ng bansa na isusomite ng Committee on Public Works and Highways sa Kamara, sa pamumuno ni Romblon Rep. Eleandro Jesus Madrona.

Sinabi ni CWS partylist Rep. Romeo Momo Sr., may-akda ng panukala na layon nito na maisasakatuparan ang pangmatagalang hangarin ng "Ambisyon Natin 2040 Program” na kung saan "sa kalagitnaan ng siglo, ang Pilipinas ay magiging progresibo, karamihan ay middle class, walang mahirap, ang mga mamamayan ay nagtatamasa ng malusog na buhay, matalino, makabago, at nakatira sa mga pamayanan na may mataas na pagtitiwala."


Ayon sa kanya, kinakailangan ng isang pangmatagalang programa dahil ang mga pangunahing proyekto sa imprastraktura ay: 1) sa pangkalahatan ay may masinsinang kapital, 2) tumatagal ng maraming taon upang maghanda, magdisenyo at magpatupad, at 3) ang kanilang epekto at buhay ay umaabot ng hindi bababa sa dalawang dekada.






Bukod dito, ang 30-taong National Infrastructure Program ay makatuwiran at walang putol na magkaugnay sa tradisyonal na anim na taong medium-term, at taunang mga programa sa imprastraktura ng bansa, ani Momo.


“This will ensure continuity in the development and implementation of projects in the 30-year program across administrations regardless of changes in the national leadership,” dagdag pa niya. Ang programa, na ipapatupad mula 2023 hanggang 2052, ay sumasaklaw sa mga larangan ng transportasyon, enerhiya, mapagkukunan ng tubig, ICT, panlipunan, modernisasyon ng agri-fishing, kabilang na ang logistic infrastructure.


Samantala, inaprubahan din ng Komite ang HBs 129, 4995, 1769, 1924, 2012, 3820, 4135 at 6225, na nagmamandato sa pambansang pamahalaan na maglaan ng pondo para sa akses sa malinis na tubig at pagbuo ng mga sistema ng patubig sa lahat ng mga barangay. Ipinasa rin ng Komite ang 30 panukala na magpapalit ng mga lansangan ng lokal/panlalawigan sa mga pambansang kalsada sa iba`t ibang mga bahagi ng bansa. Panghuli, inaprubahan ng Komite ang HB 9141, magpapalit sa pangalan ng Laboyao Bridge sa Brgy. Lonoy, Calbayog City sa Samar bilang Mayor Ronaldo P. Aquino Bridge, gayundin ang HB 9251, na nagpapalit sa pangalan ng Urdaneta City bypass road sa Pangasinan bilang Eduardo Cojuangco Jr. Avenue.


#SpeakerLordAllanVelasco

#SpeakerLAV

Wednesday, August 25, 2021

-PANUKALANG MAAGANG PAGBOTO PARA SA MGA NAKATATANDA AT MGA TAONG MAY KAPANSANAN, APRUBADO NA

Nagkakaisang inaprubahan sa ikatlo at huling pagbasa ng Kaamara de Representantes kahapon ang House Bill 9562 na naglalayong magpatupad ng maagang pagboto ng mga kwalipikadong senior citizen at mga taong may kapansanan sa pambansa at lokal na halalan.

(Ang panukala ay nakakuha ng 196 pabor na boto.)


Ang maagang pagboto ay itatalaga ng Commission on elections (COMELEC) sa mga pipiliing establisimiyento, pitong araw bago ang petsa ng itinakdang halalan.


Magpapatupad din ng isang malawakang pagpaparehistro, upang matukoy kung sino ang mga kwalipikado sa pribilehiyong ito.


Ang sesyon sa plenaryo kahapon ay pinangunahan ni Deputy Speaker Kristine Singson-Meehan.




Ipinasa rin ang HB 9557 sa pinal na pagbasa. Layon nito na epektibong kilalanin at pagdedeklara ng mga panggulong kandidato, at pagpapataw ng parusa sa sinumang nanggugulong kandidato na maghahain ng kandidatura.


Kabilang sa layunin nito ang pangangalaga sa integridad ng proseso ng halalan, at tiyakin na ang tunay na saloobin ng taumbayan ang magwawagi sa resulta ng halalan.


Kapag ito ay naisabatas, gagawaran ng kapangyarihan ang COMELEC na magpataw ng multa na hindi bababa ng P100,000 sa sinumang lalabag sa batas.


(Nakakuha ito ng 192 pabor na boto.)



Ang ilan pang panukala na inaprubahan sa ikatlo at huling pagbasa ay: 1) HB 9575 o “Young Farmers and Fisherfolk Challenge Act”; 2) HB 9576 o “Philippine Bamboo Industry Development Act”; 3) HB 9608 o “No Call, No Text, and No E-mail Registration System Act”; 4) HB 9651, na magpapalakas sa balangkas ng regulasyon sa data privacy protection; 5) HB 9731 o “Philippine High School for Creative Arts System Act”; 6) HB 9785, na magpapalakas sa Commission on Elections; 7) HB 9806 o “Mandatory Nationwide Simultaneous Earthquake and Emergency Preparedeness Drill Act”; at 8 ) HB 9833 o “Revised Wildlife Resources Conservation and Protection Act.”


Samantala, ipinasa na sa ikalawang pagbasa ang HB 9990 o ang “Hidilyn Diaz Act,” na naglalayong ilibre sa buwis ang mga insentibo, gantimpala, bonuses at iba pang uri ng kabayaran na natatanggap ng mga pambansang atleta at tagapagsanay.


Ang sesyon sa plenaryo ngayong araw ay pinangunahan ni Deputy Speaker Kristine Singson-Meehan.


#SpeakerLordAllanVelasco

#SpeakerLAV

Tuesday, August 24, 2021

-TULONG DIN SA MGA DRAYBER NG KOLORUM NA PAMASADANG MGA SASAKYAN, IMINUNGKAHI

Iminungkahi ni ACT-CIS Rep. Jocelyn Tulfo sa Department of Transportation (DOTr) na tulungan din ang driver ng mga kolorum na sasakyan o sasakyang ipinapasada nang iligal.


Sinabi ni Tulfo na maaaring alisin ng DOTr ang requirement nito na naglilimita sa mga driver na maaaring tulungan.


(“This issue has been a key stumbling [block] on the implementation of social safety nets for transport workers even before the pandemic,” sabi ni Tulfo.)


Ipinanukala ni Tulfo na gayahin ng DOTr ang Department of Labor and Employment (DOLE) na nagbawas ng requirement upang mas maraming empleyado ang matulungan.


Noong una ay marami umanong kompanya ang natatakot na sumali sa programa ng DOLE dahil baka matukoy na mayroon silang mga paglabag sa labor law.


(“The DOLE stance is the proper stance which the DOTR is unable to adopt because of legal constraints, so therefore the solution is to bypass those legal constraints by enabling drivers of colorum units to also be eligible for cash aid and Pantawid Pasada,” sabi ni Tulfo.)


Sinabi ni Tulfo na maaaring magtulong ang DOLE at DOTr upang matulungan ang mga driver ng kolorum na sasakyan.

Monday, August 23, 2021

-BISA NG PWD CARDS, PALALAWIGIN NG LIMANG TAON

Inihayag ngayon ni Quezon City 1st Dist. Rep. Anthony Peter "Onyx" D. Crisologo na lalo pang pinagtibay ng Kamara ang implementasyon ng House Bill 7091 na mas kilala bilang Magna Carta for Disabled Persons matapos na gawing limang (5) taon ang bisa ng mga PWD Cards.

Bukod dito, ayon sa kanya na ipinasa na ng House Committee on Health ang nasabing panukalang batas na naglalayong pag-ibayuhin pa ang mga alituntunin para sa kapakanan ng mga PWDs.


Magkakaroon din ng estriktong pagpapatupad ng Republic Act (RA) No. 7277 o mas kilala bilang Magna Carta for Persons with Disability para sa isang malawakang pagsusulong ng karapatan ng bawat PWD sa bansa.


Idinagdag pa ng Kongresista ang magkakaroon din ng taunang evaluation ng listahan ng mga benepisyo para sa mga PWDs sa layuning magkaroon ng wastong datos.






Ang House Bill No. 7091 ay isinulong ni Crisologo upang amiyendahan ang RA No. 7277 o Magna Carta for PWD's upang pagpatibayin pa ang pagpapatupad at magkaroon din ng mahigpit na monitoring para sa accessibility ng nasabing batas.


"This Bill seeks for the exact and more rigorous enforcement of thw Magna Carta for PWD's to deter individuals who take advantage of the said Act by penalizing any person who is instrumental in the issuance of a PWD Card to an unqualified person and unqualified individuals who falsify documents to avail the benefits of the Act," ayon kay Crisologo. 


(30)


congonyxneverstops #serbisyocrisologo

-HANDA NA SA PAGBALANGKAS NG PAMBANSANG BADYET SA PAGBABALIK NG SESYON NGAYONG HAPON NG KAMARA

Balik-sesyon na ang Kamara ngayong hapon matapos ang dalawang linggong suspensyon, dahil sa ipinatupad na Enhance Community Quarantine (ECQ) sa National Capital Region (NCR), sa gitna ng pagtaas ng bilang ng kaso ng COVID-19.

Ayon kay Speaker Lord Allan Velasco, kailangan ng dobleng trabaho ang isagawa ng Kamara sa mga nakabinbing panukala na dapat sana ay natapos na subali’t nagpatupad ang pamahalaan ng pinakamahigpit na uri ng quarantine sa loob ng dalawang linggo.


(“We will tackle as many bills and resolutions as possible to make up for the time lost during the ECQ,” ani Velasco.)


Sinabi ni Speaker na inaasahan ng Kamara na matatanggap nila ang isusumiteng National Expenditure Program (NEP) mula sa ehekutibo, na naglalaman ng panukalang P5.024-trilyong pambansang pondo para sa 2022.


Kapag natanggap na ito ng Kapulungan, sinabi ni Velasco na sisimulan na ng Komite ng Appropriations, na pinamumunuan ni ACT-CIS Rep. Eric Yap ang deliberasypon sa badyet sa lalong madaling panahon.






(“We are ready to carry out our constitutional duty of carefully scrutinizing the NEP, and eventually pass a national budget that is truly reflective and responsive to the needs of Filipinos, as COVID-19 continues to wreak havoc on people’s lives and the economy,” ani Velasco.)


Noong ika-2 ng Agosto, nagpasya ang liderato ng Kapulungan na suspindihin ang mga sesyon sa plenaryo, habang nasa ilalim ng ECQ ang NCR, mula ika-6 hanggang 20 ng Agosto.


Sa panahon ng dalawang linggong lockdown, lahat ng mga pagdinig at pagpupulong sa Kapulungan ay idinaos sa pamamagitan ng videoconferencing, at ang mga tanggapan sa Kongreso ay isinara. Ilang mga kawani lamang mula sa Secretariat na may mahahalaga at partikular na tungkulin ang pisikal na pumasok sa kani-kanilang tanggapan.


Ayon pa kay Velasco, ang mga hakbang ay kinakailangan dahil sa pagsisikap ng mga kinauukulan na mapahinto ang mabilis na pagkalat ng mas mabagsik na Delta coronavirus variant sa NCR at mga rehiyon sa buong kapuluan. 


Sa ipinalabas na memorandum ni House Secretary General Mark Llandro Mendoza, isinasaad rito na magbabalik-sesyon ang Kapulungan sa ika-23 ng Agosto, sa pamamagitan ng hybrid platform.


Ang sesyon sa plenaryo ay idaraos mula alas 2 hanggang alas 5 ng hapon, na pisikal na dadaluhan lamang ng Speaker o ng kanyang mga itinalagang pangalawang opisyal; ang Majority Leader at Minority Leader o ang kanilang mga kinatawan; at limitadong kawani mula sa Secretariat, sa bulwagan ng Kongreso. Ang mga mambabatas ay makadadalo sa sesyon sa pamamagitan ng videoconference. #

Friday, August 20, 2021

-PANUKALANG PHILIPPINE AUDIOVISUAL ARCHIVES, APRUBADO NA

 Inaprubahan na sa isang joint meeting na technical working group (TWG), ng Special Committee on Creative Industry and Performing Arts na pinamumunuan ni Pangasinan Rep. Christopher de Venecia, at Committee on Public Information na pinamunuan naman ni Manila Rep. Cristal Bagatsing, ang substitute bill na magtatatag sa Philippine Audiovisual Archives (PAVA).

Magsisilbing imbakan ng mga audiovisual works ang PAVA, kabilang na ang pagpapatupad ng mga polisiya at programa para sa pangangalaga ng mga ito.


Isinasaad sa panukala na ang mga materyales ay makukuha sa pamamagitan ng pagbili, deposito, at donasyon o handog ng mga indibiduwal o mga institusyon.


Bukod pa rito, bibigyan ng kapangyarihan ang PAVA na tukuyin kung anong audiovisual works ang maaaring ma-akses ng publiko.


Ang mga pagmamay-ari at tungkulin ng Philippine Film Archive of the Film Development Council of the Philippines (FDCP-PFA) ay ililipat sa PAVA kapag ito ay naisabatas na.






Tinitiyak naman sa panukala na ang lahat ng mga kawani ng FDCP-PFA ay hindi makakaranas ng pagkawala ng posisyon o pagbaba sa mga sahod kapag nailipat na sila sa PAVA.


Tiniyak ng Komite na ang mga probisyon ng panukala ay masusing tinalakay at binigyang halaga ang mga komento ng mga nagsusulong ng panukala sa paglalatag ng substitute bill.


Ang panukala sa pinagsama-samang House Bills 1745, 2320, 4332, 8171 at 8924, ay tatalakayin ng dalawang Komite sa kanilang magkasanib na pagdinig bago ito aprubahan. 


#SpeakerLordAllanVelasco

#SpeakerLAV

Thursday, August 19, 2021

-HUSTISYA PARA SA PINASLANG NA MIYEMBRO NG MEDIA, IPINANAWAGAN

Mariing nanawagan si ACT-CIS Partylist Representative Rowena Nina Taduran para sa agarang pagresolba ng pagpatay sa isang miyembro ng media sa Quezon City. 

Ayon kay Taduran, ang mga suspek sa pagpaslang kay Gwenn Salamida, dating editor ng tabloid na Remate, ay kailangang managot sa karumal dumal na krimeng ito. 


Sinabi ng solon na huwag sanang tigilan ang imbestigasyon at pagtugis sa mga may kinalaman sa pagkamatay ni Salamida at alamin din kung talagang pagnanakaw lang ba ang motibo o may iba pang dahilan ang pagkakabaril sa kapatid natin sa media. 


Idinagdag pa ng kongresista nd kapag naisabatas na ang kanyang inakdang Media Workers Welfare Bill, ang mga miyembro ng media na biktima ng krimen, aksidente at iba pang kadahilanan ng kamatayan habang aktibong nagta-trabaho sa industriya ay makakakuha ng mga benepisyo sa pamamagitan ng insurance. 


Si Salamida, na nagpapatakbo ng salon sa Barangay Apolonio Samson, Quezon City, ay binaril hanggang mapatay ng dalawa kataong sakay ng motorsiko nito lamang linggong ito.



-30-

Wednesday, August 18, 2021

-KALAGAYAN NG EDUKASYON SA KABIKULAN, IPINALIWANAG NG DEPED SA KAMARA

Ipinaliwanag ng mga opisyales ng Department of Education (DepEd) ng Rehiyon 5 kahapon sa Special Committee on Bicol Recovery and Economic Development sa Kamara, ang hinggil sa mga pamamaraan ng pag-aaral na ipatutupad para sa mga mag-aaral, sa darating na taong akademya sa gitna ng pandemya, kabilang na ang kanilang pagsasanay at scholarships.


Nagprisinta rin ang opisyal ng huling kaganapan sa mga isinasagawang pagkukumpuni at rehabilitasyon ng mga gusali at silid-aralan, na sinalanta ng malakas na bagyong Rolly noong Nobyembre nang nakaraang taon.


Ayon kay Camarines Sur Rep. Jocelyn Fortuno, Chairperson ng Espesyal na Komite, sa harap ng darating na deliberasyon ng pambansang pondo, nararapat lamang para sa kanilang mga mambabatas na mabigyan ng kaalaman sa kalagayan ng edukasyon mula sa mga kinauukulang ahensya ng pamahalaan.


(“So today, we are to hear from our regional leaders in the education sector, which I think is greatly affected by this pandemic and the battering of the three super typhoons last year. We would like to know how are our schools, how are our students,” tinuran ni Fortuno sa kanyang pambungad na pananalita.)


Sinabi naman ni DepEd Regional Director Gilbert Sadsad na aabot sa P9.972-bilyon ang kinakailangan upang ganap na makumpuni ang mga sumusunod: 1) 3,141 ganap na nawasak na silid-aralan; 2) 3,980 silid-aralan na may malaking pinsala; at 3) 6,477 silid-aralan na may katamtamang pinsala.







Layon din ng DepEd na epektibo at maayos na pangasiwaan ang paggamit ng mga mapagkukunan para sa mas masaganang school year 2021-2022, aniya.


Binanggit din ni Sadsad ang kahandaan ng mga guro para sa bagong taon ng akademya, dahil sa isinagawang pagsasanay para sa mga teaching at non-teaching na mga kawani, at ang kakayahan sa sari-saring modalidad at plataporma sa online, bilang bahagi ng pagtuturo.


Isinasaalang-alang din ng ahensya ang pagtuturo, na nakabatay sa radyo at telebisyon bilang malakas na pamamaraan, bukod sa ganap na modular distance learning, ayon pa sa kanya.


Bukod dito, sinabi niya na namamahagi ng DepEd ng pagsasanay para sa mga guro sa iba’t ibang istratehiya ng pagtaya, partikular na ang distance learning, at patuloy nitong pinalalakas ang kakayahan ng mga magulang at iba pang mga learning facilitators, at mga nagboboluntaryo sa edukasyon, at iba pa, bilang bahagi pa rin ng kanilang pamamaraan sa pagtuturo.


Ang ilan sa mga ipinapanukala ng DepEd para sa inisyatiba sa lehislatura sa Rehiyon ng Bicol ay 1) suporta para sa probisyon ng kalusugan sa kaisipan at sikolohiyang first aid para sa mga mag-aaral at mga guro, 2) suporta sa pagtatayo ng mga silid-aralan na kayang tumugon sa mga bagyo at baha, 3) radyo sa komunidad para sa lahat ng paaralan na may kumpletong kagamitan, 4) pagsasagawa ng limitadong face to face classes sa mga low risk na lugar, at 5) pondo para sa mga kagamitan sa pag-aaral, at iba pa.


“Ang free wi-fi hindi pa po nararamdaman sa mga schools,” ani Sadsad. Iminungkahi ni Catanduanes Rep. Hector Sanchez sa Espesyal na Komite na magpatawag ng tugon mula sa DICT, hinggil sa probisyon ng libreng wi-fi sa mga paaralan sa rehiyon.


Ang usapin ay binanggit din ni Deputy Speaker at Sorsogon Rep. Evelina Escudero, na nais ding malaman kung magkano ang ginagasta ng mga mag-aaral para sa kanilang intenet connection o internet load.


Samantala, sinabi ni CHED Regional Director Ma. Pamela Vinas na ang pamamaraan ng paghahatid ng edukasyon ng ahensya ay kinabibilangan ng magaan na pag-aaral, alinsunod sa CMO 4 s,2020 o ang Guidelines on the Implementation of Flexible Learning, kabilang na ang limitadong face to face classes, batay sa ilalim ng CHED-DOH Joint Memorandum Circular No. 2021-001.


Ilan sa mga mungkahi ng CHED para sa inisyatibang lehislatura para sa Rehiyon ng Bicol ay ang pagpapaunlad ng internet connectivity, lalo na sa mga kanayunan, at mas maraming scholarships.


At panghuli, sinabi ni TESDA Regional Director Elmer Talavera na hindi katulad ng DepEd, na nagpapatupad ng modular learning mode, ang TESDA ay nagsasagawa ng blended learning. Sinabi ni Talavera na mayroong 92 TESDA assessment centers sa Rehiyon 5.


Idinagdag niya na ang mga suliraning nararanasan ng mga mag-aaral sa kanilang pagsasanay ay ang pagkaantala ng pagpapalabas ng pondo sa pagsasanay at allowance para sa mga aklat.


Sa mga problema naman matapos ang pagsasanay, kinabibilangan ito ng pagkaantala o hindi naipalalabas na mga toolkits.          


#SpeakerLordAllanVelasco

#SpeakerLAV

Tuesday, August 17, 2021

-PAGBALIK NG NIA SA DA, IMINUNGKAHI SA KAMARA

Panahon na para ibalik sa pamamahala ng Department of Agriculture (DA) ang National Irrigation Administration (NIA)

Ito ang giit ni Magsasaka partylist Representative Argel Joseph Cabatbat matapos lumabas sa ulat ng Commission on Audit ang iregularidad sa mga kontrata ng NIA noong isang taon. 


Ayon sa COA, 841 na kontrata na nagkakahalaga ng P6.579 bilyon ang kulang kulang sa papeles, kabilang ang detalye ng presyo at kung kailan matatapos ang mga ito.


Paglabag daw ito sa Government Procurement Reform Act, dagdag pa ng ahensiya.


Ilang taon nang binabatikos ng COA at ilang mga mambabatas ang NIA dahil sa pagkakabinbin ng daang-daang proyekto, at animo’y kapalpakan ng ahensya na magbigay patubig sa mga nangangailangang sektor.

   

Ayon kay Cabatbat, maiibsan ang hirap ng NIA sa pamamahala kung DA na ang mangangasiwa rito. “DA naman ang may pananagutan sa lahat ng aspeto sa agrikultura – mula binhi, pataba, pagpapatanim, hanggang patubig. Mas mainam kung makikisalo sa resources ang NIA, imbes na umaakto ito bilang government owned and controlled corporation na kailangang kumita.”


Dagdag ni Cabatbat, mapapabilis din ang koordinasyon lalo na sa panahon ng pandemya at bagyo kung iisang ahensya lang ang gumagalaw.







Ayon sa pag-aaral, tamang irigasyon ang isa sa pangunahing nakapagpapataas ng produksyon sa pagsasaka. Higit sa 60% ng taniman ng palay ang umaasa sa irigasyon kaysa sa tubig ulan.


Noong May 05, 2014, sa bisa ng Executive Order 165, tuluyang naipasailalim sa liderato ng Office of the President ang NIA. Sa kasalukuyan, pinamamahalaan ito ni dating Armed Forces chief of staff General Ricardo Visaya, habang si Cabinet Secretary Karlo Alexei Nograles naman ang chairman ng Board of Directors.

Friday, August 13, 2021

-IMBESTIGASYON UKOL SA MGA NUMERONG IBINIGAY NG OCTA RESEARCH, HINDI WITCH HUNT — MGA SOLON

Nilinaw kahapon ng mga mambabatas na ang nalalapit na imbestigasyon ng Kamara sa analytics group na OCTA Research ay makakapagbigay-linaw sa kanilang mga datos at pagtataya ukol sa COVID-19, na pinuna dahil nagdulot ito ng pagkalito at pagkatakot sa publiko.

Ang paglilinaw ay isinagawa nina Deputy Speaker Bernadette Herrera at Deputy Majority Leader Jesus "Bong" Suntay sa gitna ng mga alegasyon ng ilang panig na ang nalalapit na imbestigasyon ay isang "witch hunt" sinadya upang siraan ang OCTA. 
Ipinaliwanag  ni Herrera sa pulong balitaan ng Ugnayan sa Batasan na nais lamang nilang malaman ng maigi king anong methology ang ginagamit ng Octa sa kanilang analytics at para na rin nila ma-contextualize ang mga pronouncement nila.
Interesado daw sila sa Octa Research dahil alam naman natin na kulang tayo sa data analytics at kung ito ay makakatulong sa ating sa bansa, bakit natin pipigilin sila.
Sa parehong pulong balitaan, sinabi ni Suntay na ang mga alegasyon ng witch hunt ay pinakamalayo sa katotohanan at hindi para siraan ang sinuman, lalo na sa gitna ng pandemya.

“We are not here to discredit anyone, especially in this time of the pandemic. 
Lahat ng sectors na gustong tumulong sa ating bansa — whether it is the government, the private sectors or NGOs—we have to work together,” ayon sakinatawan mula Quezon City.
Sina Herrera at Suntay ay kabilang sa mga may-akda ng House Resolution No. 2075 na hinihimok ang Komite ng Good Government and Public Accountability saKapulungan ng mga Kinatawan, na magsagawa ng isang pagsisiyasat sa mgakwalipikasyon, pamamaraan ng pananaliksik, samahan at komposisyon ng OCTA Research Philippines. 
Ang resolusyon ay inihain matapos batikusin ni Dr. Edsel Salvana, miyembro ng pamahalaan sa Technical Advisory Group laban sa COVID-19, ang OCTA sa diumano’y hindi nila magandang pagtataya at paghahasik ng pagkatakotsa nakararami.
Ipinahayag nina Herrera at Suntay na aanyayahan ng Kapulungan ang mga opisyal ng Department of Health (DOH) at iba pang mga dalubhasa sa kalusugan sa pagdinig, namagaganap sa sandaling bawiin na ang imposisyon ng enhanced communityquarantine sa National Capital Region (NCR). 
Ayon kay Suntay, ang pagdinig ay sesentro lamang sa paglilinaw sa mga katanunganmay kinalaman sa pamamaraan na kanilang ginagamit. 
“During sa hearing natin, ‘yungtema nito would only be clarificatory questions in order to arrive at the methodology being used.
Since marami ang adamant gamitin ang data coming from the DOH kasi gobyerno, gusto nila ‘yung sa OCTA. 
Gusto nating malaman saan ba nanggaling ang basehan ng projections ng OCTA?” ani Suntay.
Ang mga pagtataya at babala ng OCTA Research tungkol sa pandemyang dulot ng COVID-19 ay kinikilala ng pambansang pamahalaan at ng mga pamahalaang lokal, ang pinakahuli dito ay ang hard lockdown na kasalukuyang ipinatutupad sa NCR at iba pang mga lalawigan sa  bansa.
Sinabi ni Herrera na pananagutan ng OCTA ang mga pahayag at pagtataya nainilalabas nito at dapat ipaliwanag ang mga detalye ng analitiko nito, lalo na'tmaaapektuhan din nito ang ekonomiya. 
“Everytime they release statements may accountability dapat‘ yun. Kasi nagbibigay ka ng data na hindi natin alam kung tumpakna data ba. Kaya nga nagpatawag tayo sa Kongreso, nais naming malaman kung gaano katumpak ang iyong data," ani Herrera.
Sinabi din ng kinatawan ng party-list na Bagong Henerasyon na nakausap na niya siPropesor Ranjit Rye ng OCTA at tiniyak niya na hindi dapat magalala ang grupo tungkolsa imbestigasyon sapagkat ito ang magiging daan para higit silang makilala ng publiko. 
“We just want to get to know you better and this is your chance actually na ibahagi salahat kung ano ang methodology ninyo. Dahil kung mas magaling kayo sa DOH or mas maaasahan namin kayo then this is something na makakatulong sa ating bansa,” aniya.
Samantala, dinepensahan naman ni Suntay na ang pagsisiyasat ay hindi pag-aaksayang oras, lalo na't tungkulin nila ito bilang mambabatas. “We believe that any information that we could derive from this hearing and which would be translated to better policies is not a waste of time,” pagtitiyak ni Suntay.
Sinabi din niya na ito ay magsisilbing lugar ng makabuluhang talakayan sa pagitan ng iba't ibang mga grupo, iba't ibang ahensya ng pamahalaan at pribadong sektor ng saganoon ay sama-sama nilang matulungan ang bansa. 
“Eventually, sino ang gagawa ng policy, sino ang gagawa ng legislation based sa magiging impormasyon na makukuhanatin? Hindi ba Kongreso?” ani Suntay.#

Thursday, August 12, 2021

-MGA DOH-TRAINED NA DENTISTA AT MEDTECHS, PAHIHINTULUTAN NANG MAGING TAGABAKUNA LABAN SA COVID-19

Maaari nang payagan ang mga rehistradong dentista at lisensyadong medical technologists na maglingkod bilang mga tagabakuna laban sa COVID-19 batay sa inaprubahan kahapon na House Bill 9354 ng Committee on Health sa Kamara, na pinamunuan ni Quezon Rep. Angelina Tan, M.D.  

Aamyendahan ng nasabing panukala ang Republic Act 11525 o ang COVID-19 Vaccination Program Act of 2021 upang makatulong sa mabisa at mahusay na roll-out ng mga bakuna laban sa COVID-19 sa bansa.


Bilang may-akda ng pagsasabatas, binigyang diin ni Tan na hindi layon ng panukala na atasan ang mga dentista at mga medical technologists na makilahok sa programa, ngunit ang magbigay ng mga kwalipikasyon at alituntunin para sa mga nagbabalak na magboluntaryo bilang mga tagabakuna.






Inaprubahan din ng Komite ang HB 9633, na magtatatag ng isang National Patient Navigation and Referral System (NPNRS) upang palakasin ang probisyon ng sistemang serbisyo ng pangangalaga sa kalusugan.


Patatatagin at palalawakin nito ang saklawng One Hospital Command System, na sa kasalukuyan ay nagsasagawa ng paggabaysa mga pasilidad pangkalusugan sa Metro Manila.


Kapag ito ay naisabatas, mapapalawak ang serbisyo nito sa pamamagitan ng pagtatatag ng Regional Patient Navigation at Referral Units sa buong bansa bilangtaga-pagpatupad ng NPNR Center. Ang HB 7546 ay pinagtibay din ng Komite.


Itataguyod nito ang Southern Tagalog Medical Center sa Ibaan, Batangas upangmatugunan ang kakulangan sa mga pasilidad pangkalusugan sa Rehiyon IV-B, pati narin ang pagdagsa ng mga pasyente mula sa kalapit na mga lalawigan, na naghahanapng abot-kayang serbisyo mula sa mga ospital ng pamahalaan.


Samantala, isang technical working group (TWG) ang binuo upang higit pang pag-usapan ang HB 7581, na naglalayong isaayos ang isang Health Economics Unit sailalim ng Department of Health. Inaatasan ng panukalang batas ang pagtatatag ng isangData Bank ng pananaliksik hinggil sa ekonomiyang pangkalusugan na binuo ng yunit, pati na rin ng iba pang mga pampubliko at pribadong grupo upang matulungan ang pamahalaan sa pangangasiwa.

 

#SpeakerLordAllanVelasco

#SpeakerLAV

Wednesday, August 11, 2021

-PANUKALA TUNGKOL SA NATIONAL DIGITAL TRANSFORMATION POLICY, TINALAKAY SA KAMARA

Binuo kahapon sa isang online joint meeting ng Committee on Economic Affairs at Committee on Information and Communications Technology sa Kamara, ang isang technical working group (TWG) upang higit na talakayin at kalaunay pagsamahin ang mga panukala na layuning maitatag ang pambansang digital transformation policy para mapaunlad ang pinasimpleng mga serbisyo ng pamahalaan, kakayahang-digital sa lahat ng uri ng karunungan, pati na rin ang kinakailangang pagpapahusay upang maiakma sa bagong normal.

Nagkasundo rin ang dalawang Komite na gawing pangunahing panukalang batas ang HB 6874 na iniakda ni Negros Occidental Rep. Francisco Benitez.


Binigyan diin ni Benitez ang pangangailangan upang mapabilis ang digital na pagbabago ng ekonomiya, mga sistema ng kalusugan at edukasyon, burukrasya, pati na rin upang magdulot sa pagbangon ng ekonomiya at tugunan ang mga pangangailangan ng lumalaking mundo ng digital.





Samantala, sinabi ni Albay Rep. Joey Salceda na ang polisiya sa digital na pagbabagong bansa ay dapat na 1) tungo sa proseso ng pagbabago, 2) nakasentro sa kliyente at madaling gamitin, 3) nakatuon sa resulta o sa layunin nito, 4) madaling matutunan at 5) nakatukoy sa konteksto.


Ang apat na panukalang batas ay naghahangad na bumuo ng isang "National Digital Transformation Council" na siyang mangangasiwa sa mgapagbalangkas ng mga patakaran at istratehiya para sa pambansang balangkas ng kakayahang digital.


Sa bahagi naman ng Department of Information and Communications (DICT), sinabi niLegislative Liaison Division Chief Omar Sana na bagaman ang ahensya ay walangmandato para pasunurin ang ibang ahensya sa mga tuntunin ng I.T, gayunpaman,malugod na tinatanggap ng DICT ang pagbuo ng isang digital council namakapagbibigay ng pangkalahatang direksyon at liderato patungo sa anumangistratehiya na ginagawa ng pamahalaan para sa minimithi nitong pambansang digital napagbabago.


Ang iba pang may akda ng mga panukala ay sina Bohol Rep. Kristine Alexie Tutor, Iligan City Rep. Frederick Siao at Quezon City Rep. Alfred Vargas. 


Ang pagpupulong ay magkasamang pinamunuan nina AAMBIS-OWA Partylist Rep. Sharon Garin, Chairperson ng Komite ng Economic Affairs at Tarlac Rep. Victor Yap, Chairperson ngKomite ng Information and Communications Technology.

#SpeakerLordAllanVelasco

#SpeakerLAV

Free Counters
Free Counters