-PAGSURI SA PANUKALANG ₱5.024-T BADYET PARA SA FY 2022, SINIMULAN NG KAMARA
Sinimulan ng Committe on Appropriations sa Kamara, na pinamumunuan ni ACT-CIS Rep. Eric Yap ang pagsusuri at pagsisiyasat nito sa panukalang ₱5.024-trilyong pambansang badyet para sa taong 2022.
Inilahad ng mga miyembro ng Development Budget Coordination Committee (DBCC) ang mga mapagkukunan ng pondo, antas ng paggastos, at mga pamantayan, bukod sa iba pa, ng panukalang badyet.
Sa kaniyang pambungad na mensahe, hinikayat ni Yap ang mga kapwa mambabatas na gawin ang kanilang bahagi sa pagsusuri ng panukalang badyet.
(“I implore each member of this Congress to participate and be active in our deliberations, and pass this budget without delay. We will not be deterred by the threats of this unseen virus COVID-19 from performing our solemn duties to our country and our people.
To provide an effective pandemic response through this budget, we must act swiftly efficiently, and effectively,” aniya.)
Ayon kay Budget and Management OIC-Secretary Tina Rose Marie Canda, ang panukalang pambansang badyet ay mas mataas ng 11 porsyento kaysa sa badyet ng kasalukuyang taon na ₱4.5-trilyon.
Aniya, ang panukalang ₱5.024-trilyong badyet ay naglalaman ng temang “Sustaining the Legacy of Real Change for the Future Generations” na ginagabayan naman ng tatlong haligi tulad ng: 1) Building Resilience amidst the Pandemic, 2) Sustaining the Momentum towards Recovery, at 3) Continuing the Legacy of Infrastructure Development.
Nabanggit naman ni DBM OIC-Undersecretary Rolando Toledo na kabilang sa mga pamantayan ng badyet na pinagtibay ng DBCC sa isang espesyal na pagpupulong noong ika-19 ng Hulyo 2021 ay ang: 1) Totoong Paglago ng GDP, 2) Implasyon, 3) Dubai Crude Oil, 4) FOREX, 5) Paglago ng Magandang Kalakal-panluwas, at Pag-unlad ng Importasyon ng Produkto.
Ang Totoong Paglago ng GDP ay inaasahang pumalo sa anim na porsyento hanggang pitong porsyento sa taong 2021, 2023 at 2024, at pito hanggang siyam na porsyento sa taong 2022.
Samantala, ang pagpapalabas ng labis na salapi ay tinatayang aabot sa dalawa hanggang apat na porsyento sa taong 2021 hanggang 2024.
Batay sa listahan ng gagastusin, sinabi ni Toledo na ang ₱5.024 trilyon na panukalang badyet ay naglalaan ng 29 porsyento o ₱1.456 trilyon sa mga personnel services; 22.2 porsyento o ₱1.226 trilyon sa mga LGUs; 18.7 porsyento o ₱939.8 bilyon sa mga capital outlay; 15.5 porsyento o ₱777.9 bilyon sa pagpapanatili at iba pang gastusin sa pagpapatakbo; 10.8 porsyento o ₱541.3 bilyon sa utang; 3.5 porsyento o ₱178 bilyon sa GOCCs; at 0.3 porsyento o ₱14.5 bilyon sa mga gastusin sa buwis. Iniulat naman ni Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) Governor Benjamin Diokno ang mga pag-unlad sa mga sektor ng pananalapi, pampinansyal, at panlabas, gayundin ang pananaw para sa taong 2022 at natitirang bahagi ng taong 2021.
Sinabi niya na ang mga hakbang ng pamahalaan para sa pampublikong kalusugan, pampasigla ng pananalapi, at mga reporma sa istraktura ang mga naging pangunahing tugon ng bansa laban sa pandemya.
Bilang karagdagan sa mga ito, sinabi ni Diokno na ang BSP ay nagpatupad ng pansamantala at may nakatakdang polisiya hinggil sa pananalapi upang matiyak na sapat ang daloy ng sistemang pampinansyal, ibalik ang paggana ng operasyon ng merkado, at mapataas ang anyo ng merkado.
Ibinahagi din niya na ang ekonomiya ng bansa ay unti-unting nakakabawi, dahil bumalik na ito sa positibong paglago sa ikalawang bahagi ng taong 2021 na may 11.8 porsyento mula sa negatibong 17 sa parehong panahon noong 2020.
Samantala, nagbigay ng kaniyang pananaw si National Economic Development Authority (NEDA) Director-General Karl Kendrick Chua sa naging takbo ng ekonomiya ng bansa at mga posibilidad para sa karagdagang paglago at pag-unlad para sa taong 2021 hanggang 2024.
Sinabi niya na ang bansa ay isa sa may pinakamahabang pinaiiral na quarantine. “High risk aversion has artificially restricted our productivity and economic growth,” aniya.
Binanggit din ni Chua na kabilang sa mga nagbibigay kakayahan sa pagbawi ng ekonomiya ng bansa ay ang: 1) pagpapabilis ng programa ng pagbabakuna, 2) ligtas na pagbubukas muli ng ekonomiya, habang mahigpit na sumusunod sa mga protokol na pangkalusugan, at 3) lubos na pagpapatupad ng recovery package, tulad ng 2021 badyet, ang “Corporate Recovery and Tax Incentives for Enterprises (CREATE) Act”, at ang "Financial Institutions Strategic Transfer Act”.
Ang iba pang mga nagpapasigla sa paglago ng ekonomiya ay ang 1) 2022 na badyet, 2) Build, Build, Build Infrastructure Program, at 3) mga susog sa Public Service Act, Retail Trade Liberalization Act, at Foreign Investments Act, aniya. Ipinaliwanag naman ni Finance Secretary Carlos Dominguez III kung papaano matututustusan ang badyet sa taong 2022 sa loob ng medium-term.
“Fiscal discipline will save us from this long battle against the pandemic. This can be done by keeping the country’s deficit and debt ratios within reasonable levels so that government finances remain in great shape for the next administration and the future generations,” aniya.
Sinabi din niya na kabilang sa mga prayoridad sa ekonomiya sa natitirang buwan ng administrasyong Duterte ay: 1) madagdagan ang mga taong mababakunahan, 2) mapanatili ang bil,is ng Build, Build, Build Infrastructure Program, 3) mamuhunan sa populasyon ng kabataan na siyang pinakamahalagang yaman ng bansa, at 4) gawing mabilis ang pagbabago sa pamamahala at maipagpatuloy ang mga reporma sa merkado na makakaakit sa mga pamumuhunan.
#SpeakerLordAllanVelasco
#SpeakerLAV
<< Home