Wednesday, July 30, 2008

SASAKYANG HINDI GUMAGAMIT NG LANGIS, ITAX-EXEMPT

ITINULAK KAHAPON NG DALAWANG MGA MABABATAS MAGMULA SA MINDANO ANG PAGKAKAPASA NG PANUKALANG MAGI-EXEMPT SA MGA INDIBIDWAL AT MGA KURPORASYON SA PAGBAYAD NG DUTIES AT BUWIS SA IMORTASYON NG HYBRID VEHICLES AT MGA SASAKYANG TUMATAKBO NA GUMAGAMIT NG TINATAWAG NA COMPRESSED NATURAL GAS (CNG).

SINABI NINA HOUSE SPEAKER PROPERO NOGRALES AT AGUSAN DEL SUR REP RODOLFO PLAZA NA NAPAPANAHON NANG ANG MGA FILIPINO AY LUMIPAT NA TUNGO SA PAGGAMIT NG HYBRID O FUEL SAVING NA MGA SASAKYAN UPANG MATULUNGAN NAMAN ANG MGA HAKBANGING MAIANGAT ANG PAGGAMIT NG CNG.

AYON KAY PLAZA, DAHIL HINDI NATIN MAAARING SALUNGATIN ANG PAGTAAS NG PRESYO NG MGA BILIHIN, MARAPAT NA BAWASAN NA LAMANG NATIN ANG ATING PAGIGING DEPENDENT SA IMPORTED FUEL HABANG MAIANGAT DIN NAMAN NATIN ANG PAGGAMIT NATIN NG ALTERNATIBONG ENERHIYA PARA SA KAUNLARAN.

INIHAIN NINA NOGRALES AT PLAZA KAHAPON ANG RESOLUSYON NA MAGUUTOS SA MGA COMMITTEE ON WAYS AND MEANS, SCIENCE AND TECHNOLOGY AT TRADE AND INDUSTRY NA MAGSAGAWA NG MAGKASANIB NA PAGDINIG UPANG MATUKOY ANG MGA PANUKALANG MAGPAPAIBAYO NG DEVELOPMENT AT PAGGAMIT NG HYBRID AT KAHALINTULAD NA MGA FUEL-SAVING AT ENVIRONEMNT-FRIENDLY NA MGA SASAKYAN AT EQUIPMENT SA ATING BANSA.

SAMANTALA, UMAPELA NAMAN SI NOGRALES SA MGA NANGUNGUNANG KUMPANYANG LANGIS NA BAWASAN NAMAN NILA ANG KANILANG MGA TARGET SA GANANSIYA AT ISAISIP NILA ANG KANILANG MGA CORPORATE SOCIAL RESPONSIBILIES UPANG MATULUNGAN ANG MGA MAMAMAYAN NA WALA NANG MAGAWA KUNDI AY TANGKILIKIN NA LAMANG SILA.

Monday, July 28, 2008

DUKHA AT MAHIHINA, SENTRO NG MGA PROGRAMA SA SONA

“SAPUL NG PANGULO ANG ULO NG PAKO,” ITO ANG NAGING REAKSIYON NI HOUSE SPEAKER PROSPERO NOGRALES SA STATE OF THE NATIONA ADDRESS (SONA) NI PANGULONG GLORIA MACAPAGAL ARROYO AT SINABI NG SPEAKER NA ANG PINAKABUOD NG SONA AY ANG MAMAMAYANG FILIPINO, ANG MGA DUKHA AT MAHIHINA.

AYON SA KANYA, DAPAT UMANONG SALUBUNGIN NG MGA MAHIHIRAP AT MAHIHINA ANG SONA NG PANGULO SAPAGKAT SILA ANG NASA SENTRO NG MGA PROGRAMA NI PANGULONG ARROYO SA KANYANG TALUMPATI SA JOINT SESSION NG KONGRESO.

NAGPAHAYAG ANG LIDER NG KAMARA NG KANYANG MALAKAS AT WALANG PATUMANGGING SUPORTA SA PUNONG EHEKUTIBO SA MAHIRAP NITONG GAWAIN AT HINDI NITO PAGTALIKOD SA KANYANG MGA PROGRAMANG REPORMA SA KABILA NG KASALUKUYANG MGA HAMON NA HINDI LAMANG NAI-EKSPERIYENSIYAN NG BANSANG PILIPINAS KUNDI GANUN NA RIN SA BUONG MUNDO.

SIYA AY TUNAY NA LIDER NG BANSA, DAGDAG PA NI NOGRALES SA PAGPURI SA PANGULO, NA SIYA UMANONG NAGPUPURSIGE SA PAGSASAGAWA NG NARARAPAT NA GAWIN HINDI LAMANG SA MGA POPULAR AT POLITICALLY-SELF SERVING NA SOLUSYON BASTA'T GINAGAWA NIYA ANG TAMA.

IDINAGDAG PA NI NOGRALES NA ANG MGA PROGRAMA SA SELF-SUFFICIENCY SA BIGAS AT SELF-RELIANCE SA ENERHIYA AY ANG MGA SUSI SA SUSTAINABLE NA PROGRESO NA KAILANGAN NG SUPORTA NG BAWAT FILIPINO.

ITO NA UMANO ANG MAG-PAPATATAG SA BANSA UPANG MAIBSAN MAN LAMANG ANG ANUMANG PANDAIGDIGANG KRISI NA KINAKAHARAP NITO, AYON PA RIN SA KANYA.

Sunday, July 27, 2008

“HUWAG AGARANG HUSGAHAN ANG SONA NI GMA”: MGA SOLON

NANAWAGAN KAHAPON ANG MGA IILANG MGA MAMBABATAS SA MGA KRITIKO NI PANGULONG GLORIA MACAPAGALA-ARROYO NA HUWAG AGARANG HUSGAHAN ANG NILALAMAN NG IKA-WALONG STATE OF THE NATION ADDRESS (SONA) NITO NGAYONG HAPON NA IPAPAHAYAG SA KAMARA DE REPRESENTANTES.

SA PANGUNGUNA NI SENIOR HOUSE DEPUTY MAJORITY LEADER AT MANDALUYONG CITY REP. NEPTALI “BOYET” GONZALES II, SINABI NITONG MAHALAGA ANG SONA NG PANGULO DAHIL TATALAKAYIN NITO ANG MGA PROGRAMA NG PAMAHALAAN PARA LABANAN ANG KRISIS NA DULOT NG MAHAL NA PAGKAIN AT MGA PRODUKTONG PETROLYO.

NANINIWALA NAMAN SI PALAWAN REP. ANTONIO ALVAREZ, CHAIRMAN NG HOUSE COMMITTEE ON TRADE AND INDUSTRY, NA KARAPAT-DAPAT NA PAKINGGAN ANG SONA NI PANGULONG ARROYO LALO’T PAGRESOLBA SA MGA PROBLEMA NG BANSA ANG TATALAKAYIN DITO.

SINABI RIN NI ORIENTAL MINDORO REP. RODOLFO VALENCIA , CHAIRMAN NG HOUSE COMMITTEE ON HOUSING AND URBAN DEVELOPMENT, NA HINDI MAKATWIRANG TATALIKURAN NA LAMANG NG MGA KRITIKO ANG APELA NI PANGULONG ARROYO PARA SA PAMBANSANG PAGKAKAISA.

32% DISKUWENTO SA SENIOR CITIZENS, ISUSULONG NG SPEAKER

SA GITNA NG PATULOY PA RING PAGTAAS NG PRESYO NG MGA BATAYANG BILIHIN AT SERBISYO, IBINUNYAG KAHAPON NI HOUSE SPEAKER PROSPERO NOGRALES NA ISA SA MGA PANUKALANG BATAS NA BIBIGYANG PRAYORIDAD NG KONGRESO SA PAGBUBUKAS NG 2ND REGULAR SESSION NG 14TH CONGRESS AY ANG PAGTATAAS NG DISKUWENTONG IGINAGAWAD SA MILYON-MILYONG MGA SENIOR CITIZEN MAGMULA SA 20% NA GAGAWING 32%, AYON SA NAKAPALOOB SA RA09257.

SINABI NI NOGRALES NA SA SANDALING GAGAWARAN NG 12% INCREASE SA DISCOUNT ANG MGA SENIOR CITIZEN, ANG 20% DISCOUNT NA NINAIS NG KONGRESO NA IBIGAY SA KANILA AY MATATAMO NA NILA BAGO PA MAN PAPATAWAN SILA NG 12% NA VALUE ADDED TAX (VAT) SA KANILANG MGA BINIBILI.

IDINAGDAG PA NG SPEAKER NA KANYANG PUPURSIGIHIN ANG KONGRESO NA DAPAT MAITULAK NA AT MAIPASA ANG NATURANG PANUKALA BAGO PA MAN DUMATING ANG DISYEMBRE NG KASALUKUYANG TAON.

ANG NABANGGIT NA PAKSA AY KANYANG UMANONG BABANGGITIN SA KANYANG TALUMPATI SA PAGBUBUKAS NG SESYON NG KAMARA MAMAYANG GANAP NA ALAS DIYES NG UMAGA, IILANG ORAS LAMANG BAGO MAGBIGAY NG KANYANG STATE OF THE NATION ADDRESS (SONA) SI PANGULONG GLORIA MACAPAGAL-ARROYO.

HINDI NA ANIYA, KAILANGAN PANG ESTORBUHIN ANG KASALUKUYANG EVAT SYSTEM KUNG ANG PAGUUSAPAN AY ANG PANUKALANG DISKUWENTO SA MGA SENIOR CITIZEN SAPAGKAT ITO NA MISMO ANG MAGKAKANSELA SA 12% EVAT NA IPINATUTUPAD NGAYON SA KASALUKUYANG SISTEMA.

SAMPUNG LIBO, IDADAGDAG SA SAHOD NG MGA TEACHER

IILANG MGA KONGRESISTA ANG ANG NAGSUSULONG SA KAMARA NG PANUKALANG MAGBIBIGAY NG KARAGDAGANG SAMPUNG LIBONG PISO SA SUWELDO NG MGA GURO SA PAMPUBLIKONG MGA PAARALAN.

SA PANUKALANG BATAS, ANG HBO4380, NINA BUKIDNON REP TEOFISTO GUINGONA III, LAS PINAS REP CYNTHIA VILLAR AT TAGUIG-PATEROS REP MARIA LAARNI CAYETANO, GAGAWARAN NG DALAWANG LIBONG PISONG INCREASE ANG MGA PUBLIC SCHOOL TEACHER BAWAT TAON SA LOOB NG LIMANG TAON.

BIBIGYAN PA NG TAUNANG ISANG LIBONG PISO ANG NATURANG MGA GURO BILANG ALLOWANCE PARA SA KANILANG REGULAR NA ANNUAL MEDICAL CHECK-UP.

HINIKAYAT NG MGA NABANGGIT NA MAMBABATAS ANG KANILANG MGA KASAMAHANG KONGRESISTA PARA SA AGARANG PAGKAKAPASA NG PANUKALA NG KANILANG SINABI NA NAUUBUSAN TAYO NG MGA MAGAGALING AT MAHUHUSAY AT KUWALIPIKADONG MGA TEACHER AT SILA AY NANGINGIANG BAYAN NA LAMANG UPANG MAKAKUHA NG MAGANDANG SAHOD AT MGA BENEPISYO.

IDINAGDAG PA NG MGA SOLON NA GUMAWA NA LAMANG NG IILANG MGA NEGOSYO O INCOME-GENERATING ACTIVITIES ANG MGA GURO PARA MATUSTUSAN LAMANG ANG KANILANG MGA PANG-ARAW-ARAW PANGANGAILANGAN DAHIL KULANG ANG KANLANG KINIKITA BILANG MGA GURO

Wednesday, July 23, 2008

PERSONAL NA PAGGAMIT NG AMBULANSIYA, MAGING ILIGAL NA!

IPAGBABAWAL NA ANG PAGGAMIT NG GOVERNMENT AMBULANCE NG MGA OPISYAL AT EMPLEYADO SA PAMAHALAAN PARA SA KANILANG MGA RECREATIONAL AT PERSONAL NA GAMIT AT ANG PAGKAKASALA AY PAPATAWAN NG KAUKULANG PARUSA.

SA HB01305 NA INIHAIN NI CEBU REP NERISSA CORAZON SOON-RUIZ AT IPINASA NG KAMARA DE REPRESENTANTES SA IKATLO AT PINAL NA PAGBASA BAGO MAG-ADJOURN ANG KONGRESO, SUSPENSIYON SA TRABAHO AT MULTA ANG PINAKA MAGAAN NA KAPARUSAHAN ANG NAGHIHINTAY SA MGA TIWALING KAWANI AT ANG PINAKAMABIGAT NAMAN AY ANG PAGKAKASIBAK SA TUNGKULIN NA MAY KAAKIBAT NA PARUSANG HINDI MATATANGGAP NITO ANG LAHAT NA MGA BENEPISYO NA NAUUKOL SA KANYA PARA SA PAGRERETIRO AT ANG PERPETUAL DISQUALIFICATION SA PANUNUNGKULAN SA GOBYERNO.

SINABI NI SOON-RUIZ NA NAIS LAMANG NIYANG IPAHAYAG ANG MGA NAGING FRUSTRATION NG PUBLIKO HINGGIL SA PERSONAL NA PAGGAMIT NG MGA AMBULANSIYA AT SINABI NA NAKIKITA LAMANG UMANO ANG MGA ITO NA NAKA-PARK SA MGA RECREATION AREAS AT ANG MGA ITO AY GINAGAMIT LAMANG SA MGA BAGAY NA WALA SA INTENISYON NG PAGBILI NITO.

ANG MASAMA PA UMANO AY SINASABI UMANO NG MGA MAMAMAYAN NA SINISINGIL SILA SA PAGGAMIT, KUNG NAKAKAGAMIT MAN SILA NG AMBULANSIYA AT ANG IBA NAMAN AY HINDI PINAPAYAGANG GUMAMIT DAHIL SA KANILANG MGA PULITIKAL NA PANINIWALA.

POSISYONG NUTRITION WORKER SA BAWAT BARANGAY, ITATATAG

UPANG MAPAIGTING AT MAPATATAG ANG BARANGAY NUTRITION PROGRAM NG PAMAHALAAN, MAGTATATAG NG POSISYON NG BARANGAY NUTRITION WORKER (BNW) SA BAWAT BARANGAY SA BUONG BANSA.

SINABI NI LEYTE REP FERDINAND MARTIN ROMUALDEZ NA SA HBO3295 NA KANYANG INIHAIN, ANG NATURANG BARANGAY NUTRITION WORKER AY ANG SIYANG RESPONSABLE PARA SA PAGGAWAD NG NUTRITION SERVICE AT IBA PANG MGA KAUGNAY NA GAWAIN KAGAYA NG PAMAYANANG PANGKALUSUGAN, BACKYARD FOOD PRODUCTION, ENVIRONMENTAL SANITATION, KULTURA, SUPLLEMENTAL FEEDING AT FAMILY PLANNING PARA SA BARANGAY.

AYON KAY ROMUALDEZ, MAY TUNAY NA PANGANGAILANGAN UMANO NG BNW SA ATING BANSA HABANG KANYANG TINUKOY ANG KASALUKUYANG PHILIPPINE PLAN OF ACTION NA NAGDI-DEPLOY NG MGA VOLUNTEER WORKERS O BARANGAY NUTRITION SCHOLARS AT AYON SA KANYA, MALAKING BAHAGI PA RIN UMANO SA KABUUANG POPULASYON NG BANSA AY KULANG SA PAGKAIN SA KANILANG MGA HAPAG.

AYON SA PANUKALA, ANG BNW AY GAGAWARAN NG KAHALINTULAD SA SECOND GRADE CIVIL SERVICE ELIGIBILITY MATAPOS NITONG TAPUSIN ANG HINDI BABABA SA DALAWANG TAONG TULOY-TULOY AT SATISFACTORY NA SERBISYO SA KANYANG BARANGAY.

INSTALASYON NG UNDERGROUND NA LINYA NG KURYENTE AT TELEPONO, IMAMANDO

IPINANUKALA NI CALOOCAN CITY REP OSCAR MALAPITAN SA HB04529 NA IMANDO SA LAHAT NA MGA FRANCHISE GRANTEE NA GUMAGAMIT NG MGA KAWAD AT KABLE SA KANILANG MGA NEGOSYO SA BUONG BANSA NA ALISIN NA ANG LAHAT NA MGA SPAGHETTI TYPE AERIAL WIRES AT CABLE CONNECTIONS.

SINABI NI MALAPITAN NA ANG MGA POSTE NG KURYENTE AT TELEPONO AY MADALING GUMUHO AT MAGIBA TUIWNG NAGKAKAROON NG MALAKAS NA BAGYO, LINDOL AT IBA PANG MGA KALAMIDAD KUNG KAYAT ANG MGA ITO AY NAGING BANTA SA BUHAY AT MGA ARI-ARIAN NG MGA MAMAMAYAN

AYON SA KANYA, SAPAT NANG MAGING RASON ANG MALAWAKANG PAGKASIRA NG MGA POWER AT TELEPHONE LINES NA DULOT NG MGA SUPER TYPHOON KAGAYA NG COSME AT FRANK UPANG I-INSTALA NG MGA FRANCHISEE ANG KANILANG MGA LINYA SA UNDERGROUND.


KADALASAN UMANO AY INAAABOT PA NG IILANG MGA BUWAN BAGO MAIPANUMBALAIK NG MGA FRANCHISE HOLDERS NA ITO ANG KANILANG MGA KURYENTE AT LINYA NG KOMUNIKASYON, DAGDAG PA NI MALAPITAN.

PAGTATATAG NG TIMBANGAN NG BAYAN CENTERS, IPINANUKALA

UPANG MAPROTEKSIYUNAN ANG MGA MAMIMILI LABAN SA MGA TIWALING NEGOSYANTE AT VENDOR NA GUMAGAWA NG PAGMAMANIPULA NG KANILANG MGA TIMBANGAN UPANG MAKAGANANSIYA, TINALAKAY NG HOUSE COMMITTE ON TRADE AND INDUSTRY ANG MGA PANUKALA NA MAY LAYUNING MAGBEBENEPISYO SA MGA MAMIMILI.

ANG UNANG PANUKALANG TINALAKAY AY ANG HB00248 NI COMPOSTELA VALLEY REP MANUEL WAY KURAT ZAMORA NA SIYANG MAGMAMANDO SA DEPARTMENT OF TRADE AND INDUSTRY (DTI) NA BIGYAN ANG BAWAT BARANGAY NG SAMPUNG STANDARDIZED NA MGA TIMBANGAN NA SIYA NAMANG IPAPAHIRAM NG WALANG BAYAD SA SINUMANG RESIDENTE NA NAIS MAG-COUNTER-CHECK NG ACCURACY AT DAMI NG PRODUKTONG KANILANG BINILI.

SINABI NI ZAMORA NA MALIBAN SA MGA CONSUMER, ANG MGA MALILIIT NA MAGSASAKA NA NAGBEBENTA NG KANILANG MGA ANI SA MGA TRADERS AY MAG-BEBENEPISYO DIN SA NATURANG MGA WEGHING SCALES SA KANILANG MGA BARANGAY.

NAIS DIN NI DEPUTY SPEAKER MA. AMELITA VILLAROSA NG OCCIDENTAL MINDORO NA ITULAK ANG PAGKAKA-APRUBA NG KANYANG PANUKALA, ANG HB01084 NA MAY LAYUNING MAGTATATAG NG MGA TIMBANGAN NG BAYAN CENTER SA LAHAT NG MGA PUBLIC MARKET SA BUONG BANSA

AYON NAMAN KAY VILLAROSA, ANG MGA TIWALING VENDOR AY MAGDADALAWANG-ISIP NA MAGSAGAWA NG ANUMANG IRIGULARIDAD SAPAGKAT ANG POSIBILIDAD NA MAHULI SILA AY TALAGANG TUNAY NA MALAKI.

KINATIGAN NAMAN NG COALITION FOR CONSUMER PROTECTION AND WELFARE (CCPW) MGA ANG PANUKALA SA PAMAMAGITAN NG PAGSUPORTA UPANG ANG MGA ITO AY PUMASA NA SA KONGRESO AT MAGING GANAP NA NA BATAS.

Monday, July 21, 2008

ANTI-DISCRIMINATION BILL, DAPAT NANG IPASA

IPINANUKALA NI PARTYLIST AMIN REP MUJIV HATAMAN NA DAPAT PANTAY-PANTAY ANG PAGTINGIN SA BAWAT FILIPINO, MUSLIM MAN O KRISTIYANO SA USAPIN NG TRABAHO, EDUKASYON AT IBA PANG MAHAHALAGANG LARANGAN AT GAWIN NANG ISANG KREMIN ANG PATULOY AT GARAPALANG DISKRIMINASYON SA MUSLIM SA BANSA.

ANG PATULOY NA KAGAWIANG DISKRIMINASYON SA MGA TAONG MORO AY HINDI UMANO MAKATARUNGAN, AYON PA KAY HATAMAN, AT SA GITNA NITO, HINDI MAN LAMANG NAGING PRAYORIDAD ANG ISYU PARA SA ATING MGA OPISYAL SA PAMAHALAAN AT SA ATING MGA MAMABABATAS.

SINABI NI HATAMAN, ISANG NATIBONG YAKAN SA BASILAN, NA MAGING SA MINDANAO AY NAKAKARANAS NG DISKRIMINASYON ANG MGA MUSLIM KAYA DAPAT MAISABATAS NA ANG ANTI-DISCRIMINATION BILL.

IDINAGDAG PA NI HATAMAN NA ANG DISKRIMINASYON SA USAPING EDUKASYON, ACCESS SA CREDIT AT PUBLIC TRANSPORT, EMPLOYMENT, ACCOMMODATION, AT BASIC SERVICES AY MATAGAL NANG PINAGDUSAHAN LALU NA NG MGA MORO, ANG MGA NATIBONG AYON SA KASAYSAYAN AY MATAGAL NANG NANIRAHAN SA MINDANAO, PALAWAN AT SULU, NA KARAMIHAN AY MAY ISLAMIC NA PANANAMPALATAYA.

KABILANG SA PANGUNAHING ETHNIC GROUPS NG MUSLIM ANG MARANAO, MAGUINDANAO, TAUSUG, TAKAN AT IRANON.

Saturday, July 19, 2008

KARAHASAN NG MGA KABATAAN, ISINISI SA VIDEO GAMES

IPAGBABAWAL NA ANG PAGBEBENTA O PAGPAPARENTA NG MGA MARARAHAS NA VIDEO GAMES SA MGA MINOR-DE-EDAD PARA MAPROTEKTAHAN ANG MGA ITO SA POSIBLENG PAGKALIGAW NG KANILANG MGA LANDAS.

ITO ANG LAYUNIN NG PANUKALANG BATAS NA INIHAIN, ANG HB04095, NI ARC REP NARCISO SANTIAGO III NANG KANYANG SINABI NA NAIS NIYANG MAIPABILANGGO NG HINDI BABABA SA ISANG TAON O MULTANG HINDI HIHIGIT SA P100,000 ANG SINUMANG LALABAG SA BATAS.

SINABI NI SANTIAGO NA BASE UMANO SA MGA PINAKABAGONG PAGAARAL, KARANIWANG NAGING BAYOLENTE SA KANILANG PAGLAKI ANG MGA KABATAANG NAHUHUMALING SA MARAHAS NA VIDEO GAMES.

IPINALIWANAG NI SANTIAGO NA IKOKONSIDERANG VIOLENT VIDOE GAME ANG ISANG LARO KUNG NAGTAMPOK ITO NG TAO-SA-TAONG KARAHASAN KUNG SAAN NAGPAPATAYAN ANG MGA MANLALARO, SERYOSONG PISIKAL NA SINASAKYTAN AT MGA KATULAD.

AYON SA KANYA, WALA NAMAN TALAGANG SERYOSONG LITERACY, ARTISTIC, POLITICAL AT SCIENTIFIC VALUE UMANO PARA SA MGA BATA AT MGA KARANIWANG TAO ANG IDINUDULOT NG MGA GANITONG VIDEO GAMES NGUNIT ITO AY MAY MALAKAS NA HATAK SA KANILANG KAHINDIKHINDIK NA INTERES SA KARAHASAN.

NANAWAGAN SI SANTIAGO SA KANYANG MGA KASAMAHANG MAMBABATAS NA AGARANG AKSIYUNAN NG MGA ITO ANG KANYANG PANUKALANG BATAS.

PAGPAPAIBAYO NG ALTERNATIBONG ENERHIYA, IPINANUKALA

HINIKAYAT NI BULACAN REP VICTORIA SY-ALVARADO ANG PAMAHALAAN NA ITUON NITO ANG MGA INISYETIBO SA PAGHAHANAP NG MGA ALTERNATIBONG PANGGAGALINGAN NG ENERHIYA AT IPUKOS ANG RESEARCH AND DEVELOPMENT PROJECTS NG BANSA TUNGO SA GANITONG GAWAIN UPANG MAHADLANGAN ANG EPEKTO NG PAGTAAS NG PRESYO NG LANGIS SA PANDAIGDIGANG MERKADO. ITO ANG DAHILAN UMANO NG PAGTAAS NG PRESYO NG LANGIS NA UMAAABOT NA SA ANIMNAPUT ISANG PISO BAWAT LITRO NITONG NAKARAANG LINGGO.

SA ISANG PANAYAM, SINABI NI SY-ALVAREZ NA DAPAT UMPISAHAN NA NG MGA FILIPINONG MAGHANAP AT GAMITIN ANG IBA PANG MGA PANGGAGALINGAN NG ENERHIYA AT DAPAT NANG PAGIBAYUHIN ITO UPANG MAIBSAN NA PAGHIHIRAP NG BANSA SA USAPIN NG ENERHIYA.

AYON SA KANYA, ANG PATULOY NA PAGTAAS NG PRESYO NG FUEL PUMP BAWAT LINGGO AY TUNAY NA NAKABABAHALA HINDI LAMNG SA ATING BANSA KUNDI PATI NA RIN SA BUONG DAIGDIG AT ANG KAILANGAN UMANO NG BANSA SA KASALUKUYAN AY ANG SUBUKAN AT PAGIBAYUHIN ANG NON-FOSSIL FUEL SOURCES NG ENERHIYA.

NANINIWALA ANG SOLON NA DAPAT GAMITIN NA UMANO NG BANSA ANG KASALUKUYANG MAYROON ITONG MGA RESOURCES LALU NA AT ITO AY PANGALAWA SA MUNDO NG PINAKAMALAKING GEOTHERRMAL ENERGY PRODUCER.

HINIKAYAT NI SY-ALVARADO ANG MGA OTURIDAD NA GAWING PUHUNAN ANG GEOTHERMAL ENERGY NG BANSA AT GAMITIN DIN ANG SOLAR, WIND AT HYDROELECTRIC POWER NA MAYROON ANG BANSA.

Tuesday, July 08, 2008

BOT LAW, DAPAT REBISAHIN NA

UPANG MAPATATAG ANG LEGAL AT POLICY FRAMEWORK NG PAGPAPATUPAD NG MGA KONTARA SA ILALIM NG BUILD-OPRATE-TRANSFER (BOT) SCHEME, ISANG PANUKALANG MAGLAGAY SA IISANG AHENSIYANG PAMAHALAAN NA LAMANG ANG LAHAT NA MGA PROYEKTONG INFRASTRUCTURE DEVELOPMENT NA PANGUNGUNAHAN NG SEKTOR NG PUBLIC AT PRIVATE PARTNERSHIP.

AN ILALIM NG HB03717 NA TATAWAGING BUILD-OPRERATE-TRANSFER LAW OF 2007 NA INIHAIN NINA NUEVA ECIJA REP RODOLFO ANTONINO, QUIRINO REP JUNIE CUA AT LANAO DEL NORTE REP ABDULLAH DIMAPORO, TATAASAN ANG MAGING INFRASTRUCTURE INVESTMENT SA PARTISIPASYON NG PRIVATE SECTOR UPANG MAUDYOK ANG MGA ITO SA PAMAMAGITAN NG MALINAW NA PROBISYON SA PAGPAPATUPAD NG BOT LAW.

SINABI NI ANTONINO NA ANG NAGING DAHILAN NG PAGLINANG NG BOT LAW NOONG DEKADA 80 AY ANG PAGLALA NG POWER CRISIS NOON KUNG KAYAT NAGING BATAS ITO NOONG 1990, ANG PINAKA-UNANG URI NG BOT LAW SA ASYA AT DITO NA MARAHIL UMANO ITO NAAMIYENDAHAN NOONG 1994.

AYON NAMAN KAY CUA, MAGMULA NANG ITO AY NAGING BATAS, ANG BOT LAW AY NAKAPAG-UDYOK NA NG MARAMING PRIBADONG MGA PAMUMUHUNAN SA INFRASTRUCTURE DEVELOPMENT SA BANSA NGUNIT MAY MGA PUNTO PA RIN SA BATAS NA DAPAT MATUGUNAN UMANO KAGAYA NG TULOY-TULOY NA PAGBIBIGAY NG PUBLIC SERVICE, ENVIRONMENTAL PROTECTION AT IBA PANG MGA MAHAHALAGANG KONDISYON SA LAHAT NG MGA SEKTOR.

MARAPAT LAMANG NA REBISAHIN NA ANG BATAS, AYON NAMAN KAY DIMAPORO, UPANG MAGING ANGKOP NA UMANO ANG LAHAT NA MGA PROBISYON NITO SA MGA PANGANGAILANGAN NG PANAHON.

Sunday, July 06, 2008

LUNTIANG MGA SUBDIBISYON, ISINUSULONG SA KONGRESO

ISINULONG SA KAMARA DE REPRESENTANTES ANG AGARANG PAGKAKAPASA NG PANUKALANG BATAS SA KONGRESO NG PILIPINAS NA MAY LAYUNING GUMAWA NG MGA LUNTIANG PARKE SA MGA SUBDIBISYON SA BUONG BANSA UPANG MAMINTINA ANG ECOLOGICAL BALANCE AT MAKAPAGBIBIGAY PA NG MALINIS NA HANGIN AT PAGHINGA PARA SA KAPALIGIRAN.


SINABI NI PARANAQUE CITY REP EDUARDO ZIALCITA NA SA KANYANG PANUKALA, ANG HB00412, IMAMANDO SA MGA SUBDIBISYON NA MAGKAKAROON NG MGA PARK PARA SA MGA RESIDENTE UPANG ANG MGA ITO AY MAGSILBENG RECREATIONAL FACILITIES AND BREATHING SPACES PARA MAIANGAT ANG KALIDAD NG PAMUMUHAY SA MGA URBAN AREAS.


AYON KAY ZIALCITA, ANG MGA BAGONG SUBDIBISYON AY TILA BAGANG NAGING MGA COMPOUND NG MGA KONKRETONG ESTRUKTURA NA LAMANG NA DAPAT ANG MGA ITO AY MGA SUSTAINABLE COMMUNITIES KUNG SAAN ANG MGA NANINIRAHAN AY MAGKAKAROON NG KAHINGAHAN SA STRESS SA TRABAHO AT MAY MGA SANDIGANG PAMILYA NA NAAAYON SA PRINSIPYO NG SUSTAINABILITY.


ANG PANUKALA NA KILALANING SUBDIVISION GREEN PARKS ACT OF 2008 AY IPAPATUPAD SA LAHAT NG MGA URI NG SUBDIBISYON, MAGING RESIDENTIALMAN, INDUSTRIAL O COMMERCIAL MAN, AT NAKAPALOOB DITO NA ANG MGA HOMEOWNERS ASSOCIATION SA MGA SUBDIBISYON AY ANG MAGPAPAIBAYO PARA SA INTERES AT KABUUAN NG MGA NANINIRAHAN AT ITO AY TUTULONG SA COMMUNITY DEVELOPMENT PARA SA IKABUBUTI NG PAMAYANAN.

Friday, July 04, 2008

'GHOST SURGERIES,' IPAGBABAWAL NA

IPAGBABAWAL NA ANG GAWAING 'GHOST SURGERY' NG MGA MEDICAL DOCTORS SA BUONG BANSA KUNG SAAN ANG ISANG SURGEON O DOKTOR AY PUMAPAYAG NA IBANG DOKTOR ANG MAGSAGAWA NG OPERASYON SA PASYENTE NA HINDI MAN LAMANG NAIMPORMAHAN ANG NAHULI NA IBA NA ANG MAGSASAGAWA SA KANYA NG MEDICAL PROCEDURE.

SA PANUKALA NI CAMARINES SUR REP LUIS VILLAFUERTE, ANG HB04181, LAYUNIN NITONG MAG-ESTABLISA NG MGA PAMATAYAN UPANG MAPROTEKTAHAN ANG MGA PASIYENTE SA ANUMANG ETHICAL, LEGAL, QUESTIONABLE AT PELIGROSONG GAWAING 'GHOST SURGERY.'

SINABI NI VILLAFUERTE NA MAY MGA KASO UMANONG ANG PASYENTE AY WALANG ALAM O HINDI MAN LAMANG NAKITA O NAKILALA ANG MAGING KAHALILI O YAONG TINATAWAG NA SURROGATE SURGEON AT MALAMAN NA LAMANG NITO NA IBA NA ANG NAGSAGAWA NG PROCEDURE SA KANYA MATAPOS ANG PALITAN NG DOKTOR.

AYON KAY VILLAFUERTE, ANG INTENSIYONAL NA PAGLINLANG NG PASIYENTE TUNGKOL SA PAGKAKAKILANLAN NG SURGEON NITO AT NI WALA MAN LAMANG PERMISONG NATAMO GALING SA KANYA AY ISANG PAGLABAG SA KARAPATAN NG PASYENTE NA DAPAT PANAGUTAN NG MGA MAYSALA.

ANG SUBSTITUTION AY MAAARI LAMANG UMANONG MANGYARI SA MGA LARONG BASKETBALL O SA ANUPAMANG MGA SPORTING ACTIVITY NGUNIT HINDI DAPAT GAWIN SA PRACTICE NG MEDISINA, AYON PA SA KANYA.

ANG SURGEON, DAGDAG PA NG MAMBABATAS, AY HINDI DAPAT MAG-DELEGATE SA IBANG DOKTOR NG KANYANG DUTIES NA NANGANGAILANGAN NA PERSONALLY AY KANYANG ISASAGAWA.

Wednesday, July 02, 2008

VETERANS' BENEFITS ENHANCEMENT ACT (VBEA) PARA SA MGA PINOY, IPAPASA NA NG U.S. CONGRESS.

IPINAHAYAG KAHAPON NI HOUSE SPEAKER PROSPERO NOGRALES ANG KANYANG KOMPIYANSA NA MAAPRUBAHAN SA LALUNG MADALING PANAHON NG KONGRESO NG ESTADOS UNIDOS ANG VETERANS' BENEFITS ENHANCEMENT ACT (VBEA) OF 2007 NA SIYANG MAGGAGAWAD NG MGA BENEPISYO SA FILIPINO WORLD WAR II VETERANS NA NANINIRAHAN SA PILIPINAS.

SINABI NI SPEAKER NOGRALES NA PANAHON NA UMANO UPANG KILALANIN ANG MGA SAKRIPISYO NG ATING MGA BETERANO NOONG NAKARAANG DIGMAANG PANDAIGDIGAN.

MAGUGUNITANG INAPRUBAHAN NA NG SENADO NG AMERIKA ANG NATURANG PANUKALA AT ITO NAMAN AY NAGHIHINTAY NA LAMANG NG PAGSUSOG NG US HOUSE OF REPRESENTATIVES SA DARATING NA MGA ARAW PARA IHANDANG LAGDAAN NA NI US PRESIDENT GEORGE BUSH UPANG MAGING GANAP NA NA BATAS.

LAYUNIN NG PANUKALA NA PALAWAKIN ANG HEALTH, EDUCATION, HOUSING AT PENSION BENEFITS NG MGA BETERANONG AMERIKANO AT KASAMA NA RIN DITO ANG PROBISYON NA MAGBIBIGAY NG BUWANANG US$300 NON-SERVICE DISABILITY SA MGA SURVIVING MEMBERS NG PHILIPPINE SCOUTS AT UNITED STATES FORCES IN THE FAR EAST (USAFE) NA NANINIRAHAN SA PILIPINAS.

TINUKOY DIN NI NOGRALES ANG APELANG GINAWA NI PANGULONG GLORIA MACAPAGAL ARROYO SA AMERICAN CONGRESS SA KATATAPOS LAMANG NA STATE VISIT NITO SA AMERIKA BILANG ISANG MALAKING BAHAGI AT DAHILAN PARA SA PAGKAKAPASA NG NABANGGIT NA PANUKALA SA US CONGRESS.

MGA PAMPUBLIKONG GUSALI, DAPAT ISAAYOS

NANAWAGAN SI NUEVA ECIJA REP EDUARDO NONATO JOSON NA PAGAARALAN NG KONGRESO ANG ESTADO AT KALIGTASAN NG MGA GUSALI NG PAMAHALAAN KAGAYA NG MGA OSPITAL AT PAARALAN NA AYON SA KANYA AY MGA SIRA-SIRA NA MATAPOS GAMITIN ANG MGA ITO SA MAHABANG PANAHON AT ANG MGA ITO AY MAAARING MAGING MITSA AT BANTA PA SA BUHAY NG MGA MAMAMAYAN.

AYON KAY JOSON, NAGGAGAWAD NG SERBISYONG PAMPUBLIKO ANG GOBYERNO SA PAMAMAGITAN NG IBAT IBANG MGA GOVERNMENT OFFICES AT INSTITUTIONS NGUNIT ANG IILANG MGA GUSALI NG PAMAHALAAN KUNG SAAN ANG MGA VITAL SOCIAL SERVICES IGINAGAWAD AY SA KANYANG LINGUWAHI PA, ILL-MAINTAINED OR DILAPIDATED, NA SEGURADONG MAKAKAAPEKTO UMANO SA PUBLIC SAFETY.

HINIKAYAT NI JOSON ANG ANGKOP NA KOMITE SA KAMARA DE REPRESENTANTES NA MAGSAGAWA NG IMBESTIGASYON, IN AID OF LEGISLATION, HINGGIL SA STRUCTURAL SOUNDNESS NG MGA PAMPUBLIKONG GUSALI AT MGA OPISINA UPANG MAHADLANGAN ANG BANTA ANG SAKUNA PARA SA PUBLIKO.
Free Counters
Free Counters