Sunday, July 27, 2008

32% DISKUWENTO SA SENIOR CITIZENS, ISUSULONG NG SPEAKER

SA GITNA NG PATULOY PA RING PAGTAAS NG PRESYO NG MGA BATAYANG BILIHIN AT SERBISYO, IBINUNYAG KAHAPON NI HOUSE SPEAKER PROSPERO NOGRALES NA ISA SA MGA PANUKALANG BATAS NA BIBIGYANG PRAYORIDAD NG KONGRESO SA PAGBUBUKAS NG 2ND REGULAR SESSION NG 14TH CONGRESS AY ANG PAGTATAAS NG DISKUWENTONG IGINAGAWAD SA MILYON-MILYONG MGA SENIOR CITIZEN MAGMULA SA 20% NA GAGAWING 32%, AYON SA NAKAPALOOB SA RA09257.

SINABI NI NOGRALES NA SA SANDALING GAGAWARAN NG 12% INCREASE SA DISCOUNT ANG MGA SENIOR CITIZEN, ANG 20% DISCOUNT NA NINAIS NG KONGRESO NA IBIGAY SA KANILA AY MATATAMO NA NILA BAGO PA MAN PAPATAWAN SILA NG 12% NA VALUE ADDED TAX (VAT) SA KANILANG MGA BINIBILI.

IDINAGDAG PA NG SPEAKER NA KANYANG PUPURSIGIHIN ANG KONGRESO NA DAPAT MAITULAK NA AT MAIPASA ANG NATURANG PANUKALA BAGO PA MAN DUMATING ANG DISYEMBRE NG KASALUKUYANG TAON.

ANG NABANGGIT NA PAKSA AY KANYANG UMANONG BABANGGITIN SA KANYANG TALUMPATI SA PAGBUBUKAS NG SESYON NG KAMARA MAMAYANG GANAP NA ALAS DIYES NG UMAGA, IILANG ORAS LAMANG BAGO MAGBIGAY NG KANYANG STATE OF THE NATION ADDRESS (SONA) SI PANGULONG GLORIA MACAPAGAL-ARROYO.

HINDI NA ANIYA, KAILANGAN PANG ESTORBUHIN ANG KASALUKUYANG EVAT SYSTEM KUNG ANG PAGUUSAPAN AY ANG PANUKALANG DISKUWENTO SA MGA SENIOR CITIZEN SAPAGKAT ITO NA MISMO ANG MAGKAKANSELA SA 12% EVAT NA IPINATUTUPAD NGAYON SA KASALUKUYANG SISTEMA.
Free Counters
Free Counters