Wednesday, January 30, 2008

VOLUNTEERS’ PROTECTION SA CIVIL SUITS

DAPAT MAPROTEKSIYONAN ANG MGA VOLUNTEER WORKER SA CIVIL SUITS HABANG SILA AY NAGGAGAWAD NG SOCIAL SERVICE SA MGA ORGANISASYON AT MGA GOVERNMENT ENTITY.

ITO ANG IMINUNGKAHI NINA REP ROMAN ROMULO NG PASIG CITY, REP MARK LEANDRO MENDOZA NG BATANGAS AT REP NARCISO SANTIAGO NG ARC PARTY-LIST SA HB 2670 NA TATAGURIANG VOLUNTEER PROTECTION ACT.

ANG PANUKALA AY MAGGAGAWAD NG IMMUNITY SA PERSONAL CIVIL LIABILITY, UNDER CERTAIN CIRCUMSTANCES SA MGA VOLUNTEER NA NAGTATRABAHO PARA SA MGA NON-PROFIT ORGANIZATION AT GOVERNMENT ENTITIES.


SINABI NI ROMULO NA SA MGA PANAHON NG NATURAL NA SAKUNA AT KALAMIDAD, ANG MGA BOLUNTARYO AY GUMAGAWA NG MGA CIVIC ACTION NA MAGBIBENIPISYO SA BANSA AT ANG MGA NON-PROFIT PUBLIC AT PRIVATE ORGANIZATION AY NAGDIDEPENDE NA LAMANG SA SERBISYO NG MGA ITO

NGUNIT ANG KANILANG MGA SERBISYO AY NAHAHADLANGANDAHIL SA MGA MALING PERSEPSIYON HANGGANG SA ANG KANILANG PERSONAL ASSETS AY NALAGAY NA LANG SA BALAG NG ALANGANIN DAHIL SA MGA KINAKAHARAP NILANG LIABILITY ACTIONS ALABAN SA MGA ORGANISASYON NA KANILANG PINAGSISILBIHAN.

DAPAT LAMANG UMANONG MAPROTEKSIYONAN SILA UPANG MAIPAGPATULOY PA NILA ANG KANILANG PANINILBIHAN SA BANSA SA PAMAMAGITAN VOLUTEERISM.

FREE PARKING SA MGA MALL AT MGA HOTEL

IPINURSIGE NI REP MARCELINO TEODORO NG MARIKINA NA MAIPASA ANG KANYANG PANUKALA NA MAGTUTULAK PARA SA LIBRENG PARKING SA MGA SHOPPING MALL, MGA HOTEL AT IBA PANG MGA COMMERCIAL ESTABLISHMENT.

SINABI NA TEODORO NA ANG HB 2938 AY MAGBABAWAL NG IMPOSISYON NG ANUMANG BAYAD PARA SA PAGGAMIT NG MGA PARKING SPACE AT MGA FACILITY SA LOOB NG MGA SHOPPING MALL AT MGA HOTEL AT MGA KAHALINTULAD NA COMMERCIAL ESTABLISHMENT AT MAGPAPATAW NG KAUKULANG PENALTIES.

BAGAMAT IPINANUKALA NA ITO NOONG MGA NAKARAANG KONGRESO, ANG KOLEKSIYON LAMANG SA PARKING AREAS NG MGA MALL NA NAKASAAD DOON AT HINDI NA SA MGA HOTEL AT COMMERCIAL ESTABLISHMENT NA IBA.

HINDI NA DAPAT KIKITA PA ANG MGA MALL OWNER SA MGA CUSTOMER NG KANILANG MALL SA PAMAMAGITAN PAGKOLEKTA PA NG PARKING FEE.

INSENTIBO PARA SA MGA TREE PLANTERS

MARAPAT LAMANG NA HIMUKIN ANG PUBLIKO NA MAGING PARTE SA SA PAG PROTEKTA SA KAPALIGIRAN SA PAMAMAGITANG NG PAGBIBIGAY NG MGA INSENTIBO SA MGA INDIBIDWAL MAN O SA GRUPO NA LUMAHOK SA NATIONAWIDE REFORESTATION PROGRAM.

ITO ANG IPINANUKALA NI REP IGNACIO ARROYO NG NEGROS OCCIDENTAL SA HB 2965 NA KILALANING TREE FOR LEGACY PROGRAM AT MAY LAYUNING HIMUKIN AT I-EMPOWER ANG ALAHAT NA FILIPINO NA MAGING BAHAGI SA RESPONSIBILIDAD NA ALAGAAN ANG INANG KALIKASAN NA IPINATUTUPAD NG PAMAHALAAN.

SINABI NI ARROYO NA LAHAT NG MGA FILIPINO AT ANG DARATING PANG MGA HENERASYON NITO NA DAPAT MARANASAN DIN ANG MAYAMAN NATURAL RESOURCES NG BANSA.

AYON PA SA KANYA NA NAKALULUNGKOT NA ANG MGA KABUNDUKAN NG ATING BANSA AT ANG MGA NATURAL NA YAMAN NITO AY KINALBO AT SINIRA LAMANG NG OPERASYON NG MGA ILLEGAL LOGGER.

ANG KANYANG PANUKALA AY NANANAWAGAN SA SINUMANG MGA TAO NA MAGTANIM NG PUNONG KAHOY SA LOOB NG MGA AREA NA DESIGNATED NG BATAS UPANG MAGAWARAN NG CERTIFICATION AT IKONSIDERA BILANG MAY ARI NG NATURANG MGA PUNO UPANG MAGKAROON ANG MGA ITO NG KARAPATANG I-HARVEST, IBENTA AT GAMITIN ANG MGA NABANGGIT NA TINANIM.

AYON SA KANYA, ITO AY ANG PAGPAPATUPAD LAMANG NG ITINADHANA NG SALIGANG BATAS NA I-PROMOTE ANG SOCIAL JUSTICE SA LAHAT NG ANTAS NG NATIONAL DEVELOPMENT AT ANG KARAPATAN NG BAWAT MAMAMAYAN SA ISANG BALANSE AT MALUSOG NA KALIKASAN.

AMUSEMENT PARKS AND SAFETY BOARD

IPINANUKALA NI REP NARCISO SANTIAGO NG ARC PARTY-LIST AT REP MARCELINO TEODORO NG MARIKINA CITY NA MAGTATAG NG ISANG AHENIYANG MAGMAMATYAG AT MAG REGULATE SA OPERASYON NG MGA THEME AND AMUSEMENT PARK AT MGA KARNABAL SA BANSA.

SINABI NG MGA MAY AKDA NG BILL NA DAPAT I-PROMOTE AT I-ENSURE NG PAMAHALAAN ANG KASEGURUHAN NG PUBLIKO LALU NA ANG MGA BATA NA MADALAS NAPUPUNTA SA MGA NATURANG LUGAR KASAMA ANG KANILANG MGA MAGULANG.

ANG PANUKALA AY MAGTATAKDA NG PAGTATATAG NG AMUSEMENT PARKS AND SAFETY BOARD UPANG MASEGURO NA ANG MGA AMUSEMENT RIDE SA BANSA AY SAFE PARA SA MGA BATA.

AYON PA SA DALAWA NA ANG DISGRASYA AT TIYAK NA KAMATAYAN SA IILANG MGA POPULAR AT MALILIIT NA AMUSEMNT THEME PARK AT KARNABAL KAGAYA NG ENCHANTED KINGDON, STAR CITY AT KAMAKAILAN LAMANG SA ENCHANTED KINGDOM NA NAMAN ULIT, AYMAAARING MAHADLANGAN KUNG MAYROON NATATAG NA ANG NABANGGIT NA BOARD NA MAG MONITOR AT MAG AAPROBA NG MGA CARNIVAL RIDE MALIBAN SA MGA LOCAL CIVIL ENGINEER.

IDINAGDAG PA NG MGA MAMBABABATAS NA AMUSEMENT RIDE SAFETY BOARD MAGKAKAROON NG KAPANGYARIHANG MAGGAWAD NG PERMIT PARA SA LAHAT NA MGA AMUSEMENT PARK, MALIIT MAN O FIXED, NA KASALUKUYANG NAG OPRATE NA AT ANG MGA APLIKANTE PA, BUKOD DOON SA KASALUKUYANG LOCAL PERMIT REQUIREMENTS.

WALANG PAHINTULOT NA TEXT MESSAGES NG TELECOM COMPANIES

HINILING NI REP MARCELINO TEODORO NG LUNGSOD NG MARIKINA ANG PAGSISIYASAT HINGGIL SA KANYANG NATANGGAP NA MGA REKLAMO NG MGA CONSUMER NA ANG MGA TELECOMMUNICATION COMPANY AY NAGPAPADALA NG MGA UNSOLICITED TEXT MESSAGE NA NAG AALOK NG KUNG ANU ANONG MGA SERBISYO.


SINABI NI TEODORO NA SA KASALUKUYAN AY WALA PANG GANAP NA GUIDELINE HINGGIL SA MGA PAGPAPADALA NG UNSILICITED TEXT MESSAGE SA MGA MOBILE TELEPHONE SUBSCRIBER AT NA KAILANGAN UMANONG MAG FORMULATE NG MGA GUIDELINE UPANG MAPROTEKTAHAN ANG INTERES NG MGA SUBSCRIBER.

AYON SA KANYA, HINDI LAMANG SAGABAL AT ESTURBO SA MGA GINAGAWA NG SUBSCRIBER ANG PAGTANGGAP NG MGA NATURANG TEXT MESSAGE KUNDI ITO AY NAGDADAGDAG SA GASTUSIN DAHIL SINISINGIL NG KOMPANYA ANG BILL SA MAY ARI NG CELL PHONE.

IDINAGDAG PA NI ZIALCITA NA AWTOMATIKONG BINABAWAS SA AVAILABLE LOAD NG SUBSCRIBER ANG BILL KAHIL HINDI NITO SINASAGOT ANG MENSAHE NGUNIT KUNG SASAGUTIN NAMAN ANG MGA ITO, PAULIT ULIT NANG MAGTE-TEXT ANG KOMPANYA PARA PAGKAKAKITAAN ANG CONSUMER.

FIRE SAFETY STANDARDS REPORT NG MGA ESKUWELAHAN

IPINANUKALA NINA REP NARCISO SANTIAGO, ISANG PATY LIST REP AT REP MARCELINO TEODORO NG LUNGSOD NG MARIKINA SA HB 3082 ANG PAGMAMANDO SA LAHAT NA MGA KOLEHIYO AT UNIBERSIDAD SA BANSA ANG PAGLALABAS NG ULAT HINGGIL SA FIRE SAFETY SA KANILANG MGA GUSALI UPANG MADETERMINA ANG MGA FIRE SAFETY PRACTICE AT STANDARD NG MGA NABANGGIT NA EDUCATIONAL INSTITUTION.

SINABI NG MGA MAY AKDA NG PANUKALA NA ITO AY MAKAKATULONG SA MGA MAGULANG AT ESTUDYANTE NA TUKUYIN ANG MGA PAARALAN NA NAKAPAG TATAG NG MALAKAS NA EMPHASIS SA FIRE SAFETY SA KANILANG ESKUWELAHAN SANG AYON SA TRACK RECORD NITO.

NAKAPALOOB SA PANUKALA NA SA ACADEMIC SCHOOL YEAR 2008-2009 AT SA MGA SUSUNOD NA TAON, ANG BAWAT ELIGIBLE NA KALAHOK NA INSTITUSYON SA PROGRAMA AY DAPAT MAGHANDA, I-PUBLISH AT I-DISTRIBUTE SA PAMAMAGITAN NG ANGKOP NA PBLICATION OR MAILING NG ISANG ANNUAL SAFETY REPORT.

ANG PANUKALA AY KILALANIN SA KATAWAGANG CAMPUS FIRE SAFETY RIGHT-TO-KNOW ACT.

MABIGAT NA PARUSA SA THEFT AT ROBERRY NG TELECOM DEVICE

NAGHAIN SI REP MARIA EVITA ARAGO NG LAGUNA NG ISANG PANUKALANG BATAS NA MAGPAPATAW NG MABIGAT NA KAPARUSAHAN SA KREMING PAGNANAKAW NG MGA PORTABLE COMMUNICATION DEVICE.

ANG HB 3188 NA TATAGURIANG ANTI-THEFT AND ROBBERY OF PORTABLE TELECOMMUNICATION DEVICE ACT NA INAKDA NI ARAGO AY MAY LAYUNING MAHADLANGAN ANG MGA KASO NG PAGNANAKAW NG MGA CELL PHONE, LAPTOP AT IBA PANG MGA PORTABLE TELECOMMUNICATION DEVICE NA KASALUKUYANG NAMAMAYAGPAG DAHIL SA DAMI NG PANGANGAILANGAN NG MGA GANITONG GADGET.

KABILANG DIN SA MGA NINANAKAW NG MGA DEVICE AY ANG MGA PERSONAL DIGITAL ASSISTANT (PDA), TWO-WAY VERY HIGH FREQUENCY (VHF) AT ULTRA HIGH FREQUENCY (UHF) RADIO.

SINABI NI ARAGO NA HINIMOK NIYA ANG AGARANG PAGKAKAPASA NG KANYANG PANUKALA DAHIL HANGGANG SA KASALUKUYAN AY ISINASAGAWA PA ANG MGA SECURITY MEASURE PARA SA NABANGGIT NA GAMIT PANG KOMUNIKASYON .

COMPUTER LITERACY SA MGA ESKUELA

IPINANUKALA SA KAMARA DE REPRESENTANTES NA ISAMA SA SCHOOL CURRICULUM ANG COMPUTER LITERACY UPANG ANG MGA FILIPINO GRADUATES AY MAGING GLOBALLY COMPETITIVE SA IKA-DALAWAMPU’T ISANG SIGLO.


SA HB 3089 NA INIHAIN NINA REP NARCISO SANTIAGO, ISANG PATY LIST REP AT REP MARCELINO TEODORO NG LUNGSOD NG MARIKINA NA SIYANG TATAWAGING EDUCATION FOR THE 21ST CENTURY ACT AY MAY LAYUNING GAGAWAD NG ADVANCED EDUCATION NA KAILANGANIN NG MGA MAG-AARAL UPANG SILA AY MAKAKUHA NG TRABAHO PAGKATAPOS NG GRADUATION.

SINABI NG MGA MAY-AKDA NA ANG COMPUTER LITERACY SKILLS KAGAYA NG INFORMATION GATHERING, CRITICAL ANALYSIS AT COMMUNICATION NA GAMIT ANG MGA MAKABAGONG TEKNOLOHIYA AY KAILANGANIN SA BASICS NG PAGBABASA, PAGSUSULAT, MATHEMATICS AT IBA PANG MGA BATAYANG SUBJECT AREAS.

BAGAMA’T KARAMIHAN NG MGA PAARALAN NGAYON AY GUMAGAMIT NA NG MGA LASTEST COMPUTER HARDWARE, WALANG SILBE PA RIN UMANO ITO DAHIL HINDI NILA NAGAGAMIT ANG BENEPISYO NG COMPUTER-BASED LEARNING HANGGANG ANG MGA GURO AY GANAP NA NATURUAN SA MGA MAKABAGONG EDUCATIONAL SOFTWARE.

ANG PINAKA LAYUNIN UMANO NG PANUKALANG ITO AY ANG MABIGYAN ANG MGA ESKUWELAHAN NG KAALAMAN O TECHNOLOGICAL KNOWLEDGE NA MAITAAS ANG ACHIEVEMENT NG MGA ESTUDYANTE AT MAGING HANDA SILA PARA SA 21ST CENTURY WORKPLACE.

PROTEKSIYON SA MGA UNWANTED BABIES

ISANG PANUKALANG BATAS ANG INIHAIN PARA MAHINTO NA ANG ABORSIYON, PANG AABUSO SA MGA BATA AT IBA PANG MGA ANTI-CHILD ACT SA PAMAMAGITAN NG PAGPAYAG NG MGA MAGULANG NITO NA IPA UBAYA NA LAMANG SA PAMAHALAAN ANG MGA BATA NA HINDI NA SILA MANGAMBA NA SILA AY AARESTUHIN AT KASUHAN.

SINABI NI REP EDUARDO ZIALCITA NG PARANAQUE NA ANG HB 3227 NIYA NA KILALANING THE SAFE HAVEN ACT O THE MOSES LAW AY MAGBIBIGAY PAHINTULOT SA MGA MAGULANG NA IPAUBAYA ANG KUSTODIYA AT PAG AALAGA NG KANILANG ANAK NA ANIMNAPUNG ARAW ANG GULANG O MAS BATA PA NA HINDI SINAKTAN, SA ISANG MIYEMBRO NG HOSPITAL, MEDICAL EMERGENCY FACILITY, POLICE O FIRE STATION O SA OPISINA NG DSWD.

ANG NATURANG MGA MAGULANG AY HINDI NA KAILANGAN PA UMANONG IBIGAY ANG KANILANG PANGALAN SA STAFF NG DSWD O SINUMANG RESPONSIBLE SA PAGGANGGAP SA KANILANG ANAK NGUNIT HINDI NANGANGAHULUGANG LIGTAS SILA KUNG SILA AY LUMABAG SA MGA PROBISYON NG REVISED PENAL CODE.

SINABI NI ZIALCITA NA ANG KANYANG PANUKALA AY INIHAIN NIYA UPANG MATUGUNAN ANG PAGBABA NG ANTAS NG MORALIDAD SA LIPUNAN BILANG RESULTA NG MGA TRAHEDYANG DULOT NG ABORTION, CHILD ABUSE, PAG ABANDONA AT IBA PANG URI NG ANTI-LIFE AT ANTI CHILD ACT.

ANTI-CABLE TAPPING ACT

ISANG PANUKALANG BATAS ANG INIHAIN SA MABABANG KAPULUNGAN NG KONGRESO NG PILIPINAS NA MAGPAPATAW NG MABIGAT NA KAPARUSAHAN SA MGA MAGSASAGAWA NG ILLEGAL CABLE CONNECTION.

ANG HB 3075 NA INAKDA NINA REP NARCISO SANTIAGO, ISANG PATY LIST REP AT REP MARCELINO TEODORO NG LUNGSOD NG MARIKINA AY MAY LAYUNING MAPROTEKTAHAN ANG INDUSTRIYA NG CABLE TELEVISION SA MGA HINDI AWTORISADONG KONEKSIYON AT PAGBEBENTA NG INTERCEPTED O TINANGGAP NA SIGNAL SA CABLE TV SYSTEM.

ANG ANTI-CABLE TAPPING ACT AY NAKATAKDANG MAGGAGAWAD NG PAGKAKAKULONG NG ISANG TAON AT PATAW NA DI HIHIGIT SA SAMPUNG LIBONG PISO SA SINUMANG LALABAG SA ANTI-CABLE TAPPING ACT.

SINABI NG MGA MAY-AKDA NG PANUKALA NA MAYROON NANG MGA BATAS NA NAGPO-PROTEKSIYON SA MGA INVESTOR AT CONSUMER NG TUBIG AT KURYENTE NGUNIT SA CABLE TV NA SIYANG POPULAR DING COMMODITY AY WALA PA BATAS SA KASALUKUYAN.

AYON SA KANILA, ANG MGA REKLAMO NG MGA CABLE TV PROVIDER AT MGA CONSUMER HINGGIL SA HINDI AUTHORISADONG PAG-KONEKTA AY ANG NAGING BUNSOD NG KANILANG PAGHAIN NG NATURANG PANUKALA.

Tuesday, January 29, 2008

ANTI-CYBER TRAFFICKING ACT

ISANG PANUKALANG BATAS ANG INIHAIN NGAYON SA KAMARA DE REPRESENTANTES NA MAY LAYUNING MAGPAPATAW NG MABIGAT NA KAPARUSAHAN SA MGA TAONG NAGSASAGAWA NG PANANAMANTALA O SEXUAL EXPLOITATION SA PAMAMAGITAN NG PAGGAMIT NG COMPUTER TECHNOLOGY O ANG TINATAWAG NA INTERNET.

SINABI NI REP ISIDRO UNGAB NG LUNGSOD NG DAVAO NA SA HB 3249 NA KANYANG INIHAIN, PAPATAWAN NG DI BABAB SA P500,000.00 HANGGANG SA DI TATAAS SA ISANG MILYONG PISO O DI BABABA SA DALAWANG TAON HANGGANG SA DI TATAAS SA LIMANG TAONG PAGKAKAKULONG UPANG MAHADLANGAN ANG GANITONG KRIMEN NG KALASWAAN.

ANG PANUKALA NA KIKILALANING ANTI-CYBER TRAFFICKING ACT AY MAY LAYUNING PANGANGALAGAAN ANG MORALIDAD NG LIPUNAN AT PAHALAGAHAN ANG DIGNIDAD NG BAWAT INDIBIDWAL AT GAGARANTIYAHAN ANG GANAP NA RESPETO SA KARAPATANG PANTAO.

AYON KAY UNGAB, HABANG MAY MGA POSITIBONG EPEKTO ANG PAGGAMIT NG TEKONOLOHIYA NG COMPUTER, MAY MGA NEGATIBO EPEKTO DIN NAMANG IDINUDULOT ITO NA KAGAYA NG CYBER-TRAFFICKING.

ANG SINUMAN UMANONG NAGSASAGAWA NG SEXUAL ACTS SA HARAP NG COMPUTER, VIDEO O DIGITAL CAMERAS AY HINDI LAMANG NILA NAMAMALAYAN NA SILA AY NASASADLAK NA SA CYBER-TRAFFICKING AT ANG KANILANG MGA KARAPATANG PANTAO AY NAYURAKAN NA AT NAGAMIT NA NG MAY MGA MASASAMANG KAMAY.

MAGNA CARTA PARA SA MGA MAHIHIRAP

NAGHAIN SI REP MARCELINO TEODORO NG LUNGSOD NG MARIKINA NG ISANG PANUKALANG BATAS NA MAGTATAKDA NG ISANG MAGNA CARTA PARA SA MGA MAHIHIRAP UPANG MAIANGAT ANG ANTAS NG MGA BUHAY AT KALIDAD NG MGA SALAT AT KULANG SA PRIBILEHIYO NG MGA MAMAMAYAN SA BANSA.

SINABI NI TEODORO NA KAILANGAN NA UMANONG PANGHIMASUKAN NG PAMAHALAAN ANG GANITONG SULIRANIN UPANG MATUGUNAN ANG TUNAY NA MGA PANGANAGILANGAN NG MGA MAHIHIRAP.

AYON SA KANYA, LAYUNIN NG KANYANG PANUKALANG BATAS, ANG HB 3198, ANG PAGTATATAG NG MGA LONG TERM STRATEGY AT MGA SOLUSYON PARA SA ECONOMIC EMPOWERMENT NG MGA DUKHA.

MARAPAT LAMANG UMANONG MAMUHUNAN ANG GOBYERNO SA PAGTATATAG NG ANTI-POVERTY PROGRAMS UPANG MATULUNGANG MA-EMPOWER ANG MGA MAHIHIRAP.

DAPAT DIN UMANONG MAITATAG ANG PAGKILALA NG MGA BATAYANG KARAPATAN NG MGA MAHIHIRAP GAYA NG KARAPATAN SA EDUKASYON, KALUSUGAN, TRABAHO AT ANG DELIVERY NG BASIC SERVICES.

Monday, January 28, 2008

VIDEOTAPES MAAARI NANG GAMITIN SA PAG-EXECUTE NG TESTAMENTO

MAAARI NANG GAMITIN ANG MGA VIDEOTAPE AT IBA PANG KAHALINTULAD NA MGA VISUAL DEVISE PARA GAWING TESTIMONYA O TESTAMENTARY DISPOSITION NG ESTADO NG ISANG TAO.

SA PANUKALA NI REP RUFUS RODRIGUEZ NG CAGAYAN DE ORO CITY SA HB 3050 NA MAG-AAMIYENDA SA REPUBLIC ACT NO. 386 UPANG IDAGDAG ANG MGA KATAGANG "CONTAINED IN A VIDEO TAPE OR ANY OTHER SIMILAR VISUAL RECORDING DEVICE."

IDADAGDAG DIN SA KANYANG PANUKALANG ANG NA MAAARI NANG MAG-EXECUTE ANG ISANG TAO NG KANYANG WILL O PAMANA SA PAMAMAGITAN NG VIDEO EQUIPMENT AT MGA KAHALINTULAD NA MGA GAMIT NGUNIT SASABIHIN ANG IDENTITY NG TAO NA NAG-EXECUTE NG TESTAMENT O WILL.

SINABI NI RODRIGUEZ NA MARAPAT LAMANG UMANONG SUMABAY SA TEKNOLOHIYA ANG ANG PAGI-EXECUTE NG MGA TESTAMENTO SA GANITONG PARAAN DAHIL ITO AY MAS KOMBENYENTE AT PRACTICABLE PARA SA SA MGA TESTATOR.

HUMAN RIGHTS TRAINING SA MGA AHENSIYANG PAMAHALAAN

IPINANUKALA NI REP DATU PAX MANGUDADATU NG SULTAN KUDARAT SA KANYANG HB 2974 ANG PAGMAMANDO SA LAHAT NG MGA AHENSIYANG PAMAHALAAN ANG PAGSASAGAWA NG TRAINING AT SEMINAR NA ISASAMA BILANG ISANG REGULAR NA KURSO SA KANILANG CURRICULA ANG PAGTUTUTRO NG HUMAN RIGHTS.

SINABI NI MANGUDADATU NA KAILANGANG PAIGTINGIN ANG PATATAGIN ANG KARAPATANG PANTAO HINDI LAMANG SA KONTEKSTO NG PAGPAPATUPAD NG BATAS KUNDI BILANG ISANG BATAYANG DAHILAN SA PANINILBIHAN SA BANSA LALU NA SA MGA NANINILBIHAN SA PAMAHALAAN.

AYON SA KANYA, KAILANGANG MABIGYAN ANG MGA KAWANI NG PAMAHALAAN NG KAALAMAN NG TINATAWAG NA DUE PROCESS OF LAW AND HUMAN RIGHTS UPANG ITO AY MAKATULONG SA KANILANG PAGPAPATUPAD NG MGA EPEKTIBONG SERBISYO SA MGA MAMAMAYAN.

BATAY SA PANUKALA, ANG CIVIL SERVICE COMMISSION, KAAKIBAT ANG HUMAN RIGHTS COMMISSION AT MGA ADVOCACY GROUP, NON-GOVERNMENT ORGANIZATIONS AT PEOPLE'S ORGANIZATIONS, ANG MAGBUBUO AT MAGDI-DESENYO NG KURSO HINGGIL SA KARAPATANG PANTAO AT MABIBIGAY NG MGA RESOURCE PERSONS AT MATERYALES NA GAGAMITIN SA PAG-AARAL
Free Counters
Free Counters