HUMAN RIGHTS TRAINING SA MGA AHENSIYANG PAMAHALAAN
IPINANUKALA NI REP DATU PAX MANGUDADATU NG SULTAN KUDARAT SA KANYANG HB 2974 ANG PAGMAMANDO SA LAHAT NG MGA AHENSIYANG PAMAHALAAN ANG PAGSASAGAWA NG TRAINING AT SEMINAR NA ISASAMA BILANG ISANG REGULAR NA KURSO SA KANILANG CURRICULA ANG PAGTUTUTRO NG HUMAN RIGHTS.
SINABI NI MANGUDADATU NA KAILANGANG PAIGTINGIN ANG PATATAGIN ANG KARAPATANG PANTAO HINDI LAMANG SA KONTEKSTO NG PAGPAPATUPAD NG BATAS KUNDI BILANG ISANG BATAYANG DAHILAN SA PANINILBIHAN SA BANSA LALU NA SA MGA NANINILBIHAN SA PAMAHALAAN.
AYON SA KANYA, KAILANGANG MABIGYAN ANG MGA KAWANI NG PAMAHALAAN NG KAALAMAN NG TINATAWAG NA DUE PROCESS OF LAW AND HUMAN RIGHTS UPANG ITO AY MAKATULONG SA KANILANG PAGPAPATUPAD NG MGA EPEKTIBONG SERBISYO SA MGA MAMAMAYAN.
BATAY SA PANUKALA, ANG CIVIL SERVICE COMMISSION, KAAKIBAT ANG HUMAN RIGHTS COMMISSION AT MGA ADVOCACY GROUP, NON-GOVERNMENT ORGANIZATIONS AT PEOPLE'S ORGANIZATIONS, ANG MAGBUBUO AT MAGDI-DESENYO NG KURSO HINGGIL SA KARAPATANG PANTAO AT MABIBIGAY NG MGA RESOURCE PERSONS AT MATERYALES NA GAGAMITIN SA PAG-AARAL
<< Home