Wednesday, January 30, 2008

VOLUNTEERS’ PROTECTION SA CIVIL SUITS

DAPAT MAPROTEKSIYONAN ANG MGA VOLUNTEER WORKER SA CIVIL SUITS HABANG SILA AY NAGGAGAWAD NG SOCIAL SERVICE SA MGA ORGANISASYON AT MGA GOVERNMENT ENTITY.

ITO ANG IMINUNGKAHI NINA REP ROMAN ROMULO NG PASIG CITY, REP MARK LEANDRO MENDOZA NG BATANGAS AT REP NARCISO SANTIAGO NG ARC PARTY-LIST SA HB 2670 NA TATAGURIANG VOLUNTEER PROTECTION ACT.

ANG PANUKALA AY MAGGAGAWAD NG IMMUNITY SA PERSONAL CIVIL LIABILITY, UNDER CERTAIN CIRCUMSTANCES SA MGA VOLUNTEER NA NAGTATRABAHO PARA SA MGA NON-PROFIT ORGANIZATION AT GOVERNMENT ENTITIES.


SINABI NI ROMULO NA SA MGA PANAHON NG NATURAL NA SAKUNA AT KALAMIDAD, ANG MGA BOLUNTARYO AY GUMAGAWA NG MGA CIVIC ACTION NA MAGBIBENIPISYO SA BANSA AT ANG MGA NON-PROFIT PUBLIC AT PRIVATE ORGANIZATION AY NAGDIDEPENDE NA LAMANG SA SERBISYO NG MGA ITO

NGUNIT ANG KANILANG MGA SERBISYO AY NAHAHADLANGANDAHIL SA MGA MALING PERSEPSIYON HANGGANG SA ANG KANILANG PERSONAL ASSETS AY NALAGAY NA LANG SA BALAG NG ALANGANIN DAHIL SA MGA KINAKAHARAP NILANG LIABILITY ACTIONS ALABAN SA MGA ORGANISASYON NA KANILANG PINAGSISILBIHAN.

DAPAT LAMANG UMANONG MAPROTEKSIYONAN SILA UPANG MAIPAGPATULOY PA NILA ANG KANILANG PANINILBIHAN SA BANSA SA PAMAMAGITAN VOLUTEERISM.
Free Counters
Free Counters