Wednesday, January 30, 2008

FIRE SAFETY STANDARDS REPORT NG MGA ESKUWELAHAN

IPINANUKALA NINA REP NARCISO SANTIAGO, ISANG PATY LIST REP AT REP MARCELINO TEODORO NG LUNGSOD NG MARIKINA SA HB 3082 ANG PAGMAMANDO SA LAHAT NA MGA KOLEHIYO AT UNIBERSIDAD SA BANSA ANG PAGLALABAS NG ULAT HINGGIL SA FIRE SAFETY SA KANILANG MGA GUSALI UPANG MADETERMINA ANG MGA FIRE SAFETY PRACTICE AT STANDARD NG MGA NABANGGIT NA EDUCATIONAL INSTITUTION.

SINABI NG MGA MAY AKDA NG PANUKALA NA ITO AY MAKAKATULONG SA MGA MAGULANG AT ESTUDYANTE NA TUKUYIN ANG MGA PAARALAN NA NAKAPAG TATAG NG MALAKAS NA EMPHASIS SA FIRE SAFETY SA KANILANG ESKUWELAHAN SANG AYON SA TRACK RECORD NITO.

NAKAPALOOB SA PANUKALA NA SA ACADEMIC SCHOOL YEAR 2008-2009 AT SA MGA SUSUNOD NA TAON, ANG BAWAT ELIGIBLE NA KALAHOK NA INSTITUSYON SA PROGRAMA AY DAPAT MAGHANDA, I-PUBLISH AT I-DISTRIBUTE SA PAMAMAGITAN NG ANGKOP NA PBLICATION OR MAILING NG ISANG ANNUAL SAFETY REPORT.

ANG PANUKALA AY KILALANIN SA KATAWAGANG CAMPUS FIRE SAFETY RIGHT-TO-KNOW ACT.

Free Counters
Free Counters