Tuesday, January 29, 2008

MAGNA CARTA PARA SA MGA MAHIHIRAP

NAGHAIN SI REP MARCELINO TEODORO NG LUNGSOD NG MARIKINA NG ISANG PANUKALANG BATAS NA MAGTATAKDA NG ISANG MAGNA CARTA PARA SA MGA MAHIHIRAP UPANG MAIANGAT ANG ANTAS NG MGA BUHAY AT KALIDAD NG MGA SALAT AT KULANG SA PRIBILEHIYO NG MGA MAMAMAYAN SA BANSA.

SINABI NI TEODORO NA KAILANGAN NA UMANONG PANGHIMASUKAN NG PAMAHALAAN ANG GANITONG SULIRANIN UPANG MATUGUNAN ANG TUNAY NA MGA PANGANAGILANGAN NG MGA MAHIHIRAP.

AYON SA KANYA, LAYUNIN NG KANYANG PANUKALANG BATAS, ANG HB 3198, ANG PAGTATATAG NG MGA LONG TERM STRATEGY AT MGA SOLUSYON PARA SA ECONOMIC EMPOWERMENT NG MGA DUKHA.

MARAPAT LAMANG UMANONG MAMUHUNAN ANG GOBYERNO SA PAGTATATAG NG ANTI-POVERTY PROGRAMS UPANG MATULUNGANG MA-EMPOWER ANG MGA MAHIHIRAP.

DAPAT DIN UMANONG MAITATAG ANG PAGKILALA NG MGA BATAYANG KARAPATAN NG MGA MAHIHIRAP GAYA NG KARAPATAN SA EDUKASYON, KALUSUGAN, TRABAHO AT ANG DELIVERY NG BASIC SERVICES.
Free Counters
Free Counters