Tuesday, January 29, 2008

ANTI-CYBER TRAFFICKING ACT

ISANG PANUKALANG BATAS ANG INIHAIN NGAYON SA KAMARA DE REPRESENTANTES NA MAY LAYUNING MAGPAPATAW NG MABIGAT NA KAPARUSAHAN SA MGA TAONG NAGSASAGAWA NG PANANAMANTALA O SEXUAL EXPLOITATION SA PAMAMAGITAN NG PAGGAMIT NG COMPUTER TECHNOLOGY O ANG TINATAWAG NA INTERNET.

SINABI NI REP ISIDRO UNGAB NG LUNGSOD NG DAVAO NA SA HB 3249 NA KANYANG INIHAIN, PAPATAWAN NG DI BABAB SA P500,000.00 HANGGANG SA DI TATAAS SA ISANG MILYONG PISO O DI BABABA SA DALAWANG TAON HANGGANG SA DI TATAAS SA LIMANG TAONG PAGKAKAKULONG UPANG MAHADLANGAN ANG GANITONG KRIMEN NG KALASWAAN.

ANG PANUKALA NA KIKILALANING ANTI-CYBER TRAFFICKING ACT AY MAY LAYUNING PANGANGALAGAAN ANG MORALIDAD NG LIPUNAN AT PAHALAGAHAN ANG DIGNIDAD NG BAWAT INDIBIDWAL AT GAGARANTIYAHAN ANG GANAP NA RESPETO SA KARAPATANG PANTAO.

AYON KAY UNGAB, HABANG MAY MGA POSITIBONG EPEKTO ANG PAGGAMIT NG TEKONOLOHIYA NG COMPUTER, MAY MGA NEGATIBO EPEKTO DIN NAMANG IDINUDULOT ITO NA KAGAYA NG CYBER-TRAFFICKING.

ANG SINUMAN UMANONG NAGSASAGAWA NG SEXUAL ACTS SA HARAP NG COMPUTER, VIDEO O DIGITAL CAMERAS AY HINDI LAMANG NILA NAMAMALAYAN NA SILA AY NASASADLAK NA SA CYBER-TRAFFICKING AT ANG KANILANG MGA KARAPATANG PANTAO AY NAYURAKAN NA AT NAGAMIT NA NG MAY MGA MASASAMANG KAMAY.
Free Counters
Free Counters