Wednesday, January 30, 2008

MABIGAT NA PARUSA SA THEFT AT ROBERRY NG TELECOM DEVICE

NAGHAIN SI REP MARIA EVITA ARAGO NG LAGUNA NG ISANG PANUKALANG BATAS NA MAGPAPATAW NG MABIGAT NA KAPARUSAHAN SA KREMING PAGNANAKAW NG MGA PORTABLE COMMUNICATION DEVICE.

ANG HB 3188 NA TATAGURIANG ANTI-THEFT AND ROBBERY OF PORTABLE TELECOMMUNICATION DEVICE ACT NA INAKDA NI ARAGO AY MAY LAYUNING MAHADLANGAN ANG MGA KASO NG PAGNANAKAW NG MGA CELL PHONE, LAPTOP AT IBA PANG MGA PORTABLE TELECOMMUNICATION DEVICE NA KASALUKUYANG NAMAMAYAGPAG DAHIL SA DAMI NG PANGANGAILANGAN NG MGA GANITONG GADGET.

KABILANG DIN SA MGA NINANAKAW NG MGA DEVICE AY ANG MGA PERSONAL DIGITAL ASSISTANT (PDA), TWO-WAY VERY HIGH FREQUENCY (VHF) AT ULTRA HIGH FREQUENCY (UHF) RADIO.

SINABI NI ARAGO NA HINIMOK NIYA ANG AGARANG PAGKAKAPASA NG KANYANG PANUKALA DAHIL HANGGANG SA KASALUKUYAN AY ISINASAGAWA PA ANG MGA SECURITY MEASURE PARA SA NABANGGIT NA GAMIT PANG KOMUNIKASYON .

Free Counters
Free Counters