-MATAGUMPAY NA NAIPALIWANAG SA MGA PAGDINIG SA KAMARA ANG TRANSAKSIYON NG PHARMALLY, AYONSA ISANG MAMBABATAS
Naniniwala si Surigao del Sur Rep. Johnny Ty Pimentel, na ang mga maling akala sa mga transaksyon ng pamahalaan sa Pharmally Pharmaceutical Corp., ay matagumpay na naipaliwanag ng mga inanyayahang tagapagsalita, sa mga idinaos na pagdinig ng Committee on Good Government and Public Accountability sa Kamara.
Sinabi ni Pimentel, Vice Chairman ng Komite, na ang imbestigasyon ng Kamara ay nagsilbing paraan, upang maging malinaw ang usapin sa pagbili ng Department of Health (DOH), ng mga suplay para sa COVID-19 mula sa Pharmally, sa pamamagitan ng Procurement Service ng Department of Budget and Management (PS-DBM).
Ipinahayag ng mambabatas kahapon sa lingguhang pulong balitaan ng Ugnayan sa Batasan na ang perception ng tao na overpriced ang face shield ay mali dahil sa Senado lumabas nga ‘yong issue na overpriced daw.
Idinagdag pa ng mambabatas na napatunayan ng Komite sa unang tatlong pagdinig na wala ding ‘ghost deliveries’ ng mga biniling produkto ang PS-DBM.
(Idinagdag niya na, “Upon clarifying these issues, it was found out that the faceshields were not overpriced at all. In fact, even COA Chairman Mike Aguinaldo testified in the Senate that in the COA Report, they never mentioned the overpricing.”
Sinabi ni Pimentel na, ayon sa Department of Trade and Industry (DTI), na siyang may mandato upang imonitor ang mga presyo ng lahat ng mga pangunahing produkto sa panahon ng kalamidad at kagipitan, ang mahigpit na pangangailangan sa face masks sa gitna ng pandemya ang nagtulak sa pagtaas ng halaga nito.
“At that time, the price monitored for face mask was 100 to 120 pesos, this was because of the scarcity of the items at that time. Nung lumuwag na ‘yong supply ng face mask, bumaba na,” aniya.)
“The items – the 500,000 masks supplied by Pharmally were inspected and properly accounted and delivered to PS-DBM. So klaro po ‘yon, in fact there were several signatories, marami po tayong resource persons, one of which is Mr. George Mendoza na tinanong natin kasi siya ang nag-receive ng mga items. Kumpleto po ng mga dokumento, na pati ‘yong mga frontliners who received the face mask ay properly documented po,” ani Pimentel. Si Mendoza ay dating hepe ng PS-DBM inspection division.
Ang ikatlong maling akala na nilinaw sa mga pagdinig ay ang paggagawad ng malaking bahagi ng P42-B pondo, na ginamit sa pagbili ng produktong may kaugnayan sa COVID sa ilalim ng Bayanihan 1, na matinding pumabor sa Pharmally.
“Pinakita ng mga resource persons dun that actually sa PPE, there were 17 suppliers. And then dun sa face mask naman there were 8 suppliers, karamihan dun mga local suppliers na. One of that is EMS. Hindi po na-corner ng Pharmally ‘yong bulk,” ani Pimentel.
Pinabulaanan sa mga naturang pagdinig ang mga alegasyong ang proseso sa pagbili ng ng mga proudukto mula sa Pharmally ay iligal, dahil hindi nasunod ang mga probisyon ng RA 9184, o ang Government Procurement Reform Act.
Ipinaliwanag ni Pimentel na, normal sa mga binibili ng mga ahensya ng pamahalaan ang dumaan sa competitive public bidding.
“However, merong provisions na inilagay ang Kongreso doon sa Bayanihan 1 that these requirements are not needed for the negotiated procurement under emergency cases. May provisions sa Bayanihan Act 1 na (under) abnormal conditions, emergency yung purchase natin, madalian because lives were at stake. It was a matter of life and death,” paliwanag ni Pimentel.
Binigyang-diin niya rin na ang bansa ay, “caught off-guard” nang manalasa ang pandemya, at ang pamahalaan ay nagkakandakumahog sa paghahanap ng mga kagamitan para sa COVID-19, na maipamamahagi sa mga nagulantang na mga manggagawa sa kalusugan. Ito ang naging dahilan para sa ehekutibo at lehislatura na magpatupad ng mga kinakailangang hakbang, upang maayos na matugunan ang epekto ng pandemya sa sektor ng kalusugan sa bansa.
“Kasalanan ba ng gobyerno? Kasalanan ba ng Presidente o ng ahensya na tayo ay nagmamadali because at stake ang buhay ng mga frontliners natin? Wala silang mga face mask, wala silang face shield, PPE. Eh punong-puno na ang mga ospital,” giit pa niya. #