-DAPAT ORGANISADO ANG VOTER’S REGISTRATION AT PAGBABAKUNA SA PANAHON NG PANDEMYA — REP. TADURAN
Nagpahayag ng pagka-dismaya si ACT-CIS Partylist Rep. Rowena Niña Taduran sa nakikita niyang pamamaraan kung paano pinamamahalaan ang pagdagsa ng tao sa mga lugar ng bakunahan at pagpaparehistro ng botante.
Sinabi ni Taduran na sa panahon ng digital technology, dapat ay nakagawa na ang gobyerno ng episyenteng pamamaraan para maiwasan ang pagkukumpulan ng tao sa harap ng lumalalang pandemya.
Ayon sa kanya, kulang daw tayo sa organisasyon, sa panahon na puwedeng i-schedule ang lahat digitally o online para di nagtutumpok-tumpok ang mga tao.
(Idinagdag pa niya na kung may kanya-kanyang schedule ang magpaparehistrong botante at ang magpapabakuna, hindi na kailangang maghintay ng napakatagal sa pila at makakagawa pa ng ibang gawain ang mga mamamayan.
Sa panahong ito na napakahirap gumalaw at pumunta sa lugar na maraming tao, kailangang may proper scheduling,” dagdag pa ni Taduran.
“Pagdating sa voter’s registration, parang sadyang pinahihirapan ang mga mamayan na gustong makaboto dahil kailangan nilang pumila ng napakaaga para lang makapagparehistro. At ngayon, ayaw pa ng Comelec i-extend ang registration sa October?” tanong ni Taduran.)
Dahil dito, nanawagan si Taduran sa lahat ng barangay na makipagtulungan sa pag-i-i-schedule ng mga tao sa bakunahan at pagpaparehistro ng botante upang hindi na sumugod at magdikit-dikit sa mga lugar na ito nang wala namang kasiguruhan kung makakakuha ng bakuna o makakapagparehistro.
“Barangays should coordinate with the authorities concerned with the vaccination and registration of voters for the proper scheduling and to avoid crowding. This is the best that they can do to avoid the spread of the dreaded Covid 19 and to spare our fellowmen from wasting their time lining up,” pagtatapos ni Taduran.
-30-
<< Home