Friday, July 30, 2021

-SAGABAL SA PAGPAPALABAS NG PONDO SA PENSYON NG MGA SENIOR CITIZEN, INIMBESTIGAHAN SA KAMARA

Inimbestigahan kahapon ng Special Committee on Senior Citizens sa Kamara, in aid of legislation, ang pagpapatunay at proseso sa screening ng mga pensyoner na senior citizen sa ilalim ng programa ng Social Pension Program for Indigent Senior Citizens (SPPISC), kabilang na ang mga pagkaantala o kakulangan sa paglalabas ng pondo ng social pension sa mga nakatatanda.

(Ang pagsisiyasat ay batay sa House Resolution 1791 na iniakda ni Special Committee Chairman at Senior Citizens Rep. Rodolfo Ordanes at HR 65 ng pumanaw na si dating Rep. Francisco Datol Jr.)


Sinabi ni Senior Citizens Committee Chairman Rep. Rodolfo Ordanes sa kanyang pambungad na pananalita na ang kanilang mga tanggapan sa iba’t ibang lokalidad ay nakatanggap ng mga ulat galing sa mga indigent senior citizens na nagsasabing sila diumano ay unjustly at arbitrarily excluded sa talaan ng mga kuwalipikadong SPPISC recipients bagama’t sila ay nag-claim na na sila ay qualified sa ilalim ng programa.


Nanatili naman si Department of Social Welfare and Development – Program Management Bureau (DSWD-PMB) Director Wilma Naviamos, na nagbigay ng direktiba si Pangulong Duterte sa ahensya noong ika-8 ng Oktubre 2018, na magsagawa ng muling pagpapatunay ng mga kasalukuyang 3.2 milyong benepisaryo ng Social Pension mula 2018 hanggang 2019, sa pamamagitan ng paglilinis ng kanilang database.


(Kabilang sa re-validation ang paggamit ng Social Pension Beneficiary Update Form (SPBUF), na kinabibilangan ng data-cleansing, upang maiwasan ang dobleng tala, kasama na ang cross-matching sa mga databases ng Government Service Insurance System (GSIS), Philippine Veterans Affairs Office (PVAO) at Social Security System (SSS).)


Hanggang Hunyo 2021, ang kanilang sistema ay nakapag validate na ng limang milyong senior citizens.






Samantala, ipinagpatuloy rin ng Komite ang deliberasyon sa HR 656.


Sinabi ni Naviamos na nailatag na ng ahensya ang mga rebisyon sa DSWD Memorandum Circular No. 04 Series of 2019 o ang “Omnibus Guidelines for the Implementation of the Social Pension Program for Indigent Senior Citizens” para maitugma ang pagbabayad sa pensyon mula semestral tungo quarterly.


Ang isinagawang pag-aayos ay batay sa mungkahi ng Komite sa idinaos na pagdinig noong buwan ng Marso 2021.


Iniulat din ni Naviamos na sila ay nasa ikalimang dayalogo na ng konsultasyong pampubliko sa iba’t ibang National Government Agencies (NGAs), Civil Society Organizations (CSOs), Non-Government Organizations (NGOs), at mga establimyento ng negosyo upang isapinal ang mga patakaran sa statutory discounts para sa mga senior citizens at mga taong may kapansanan (PWDs), para sa pagbili sa pamamagitan ng online.


Gayundin, naglalatag na rin ng patakaran ang ahensya para naman sa partnership sa iba pang institusyong pinansyal o mga money remittance companies, upang gabayan ang kanilang mga field offices sa pagpapabilis ng distribusyon ng gawad sa social pension, lalo na ang mga nasa lugar na sakop ng mga gulo tulad ng armadong pakikibaka at mga geographically-isolated area.


Ayon pa kay Ordanes, ang HB 9459 ay nakahain na sa ikatlong pagbasa at umaasa siya sa pag-apruba nito sa Kapulunagn sa susunod na linggo.


Layon ng HB 9459 na amyendahan ang Republic Act 7432, na inamyendahan, na maggagawad ng pensyon sa lahat ng mga nakatatanda at pagbibigay-dagdag sa social pension ng mga indigent senior citizens kapag ito ay naisabatas. 


#SpeakerLordAllanVelasco

#SpeakerLAV

Thursday, July 29, 2021

-P10M INSENTIBO PARA KAY HIDILYN DIAZ AT IBA PANG MGA ATLETA NA MAGWAWAGI NG MEDALYA, LAYUN NG KAMARA

Pinasimulan kahapon ni Speaker Lord Allan Velasco sa Kamara ang “pass the hat” drive sa mga kapwa mambabatas, upang makaipon mula P5-milyon hanggang P10-milyon na igagawad bilang insentibo sa atletang kampeon sa weightlifting na si Hidilyn Diaz, at iba pang mga magwawagi ng medalya sa 2021 Tokyo Summer Olympics.


Ito ang ipinahayag ni Deputy Speaker at 1-PACMAN Rep. Michael “Mikee” Romero sa pulong balitaan sa Ugnayan sa Batasan kahapon.


Sinabi ni Romero na magmula sa kapulungan, pinasimulan ni Speaker Velasco ang inisyatiba sa pamamagitan ng pag-umpisa ng P200,000 para sa pass the hat at ang lahat na mga mambabatas sa Kamara ay inaasahang mag-aambag para sa karagdagang insentibo para kay Hidilyn.


(“I think the incentive will go as far as P5 million to P10 million. As we speak, the ‘pass the hat’ has started and we already have P4 million from various congressmen,” dagdag pa niya.)


Nilinaw naman ni Deputy Speaker at AAMBIS-OWA Rep. Sharon Garin na dahil sa popular demand at sa advice ng House leadership, ang prize money ay pag-isahin na lamang at ibigay bilang gift sa lahat ng mga Filipinong manlalaro na makapag-uwi ng Olympic medals para sa bansa at hindi lamang para kay Hidilyn kung sakali.






Gagawaran rin ni Romero, isang matagal nang patron ng sports, si Diaz ng karagdagang insentibo na nagkakahalaga ng P3-milyon, dahil aniya tinapos niya ang 97 taong paghahangad ng bansa sa mailap na gintong medalya ng Oympics.


Ipinikita pa ni Romero sa mga mamamahayag ang tsekeng nagkakahalag ng P3-milyon na kanyang ibibigay kay Diaz, sa kanyang pagbabalik sa bansa.


Si Diaz ay naitala sa kasaysayan at naghatid ng karangalan at tagumpay sa Pilipinas matapos na magwagi ng gintong medalya sa 2021 Tokyo Olympics. Ito ang kauna-unahang gintong medalyang napanalunan ng bansa matapos ang 97 taon.


Sa naturang pulong balitaan, sinabi ni Deputy Speaker at Manila Rep. Bienvenido Abantre Jr, na si Diaz, na itinuturing niyang bayani ng pambansang palakasan ay dapat lamang na parangalan, na karapat-dapat para sa kanya.


“If we will be needing a sports ambassador, she can represent our country in any sports event and to be able to raise the flag of Philippine sports,” ani Abante.


Ilang mambabatas na ang naghain ng resolusyon ng papuri at pagbati para kay Diaz sa kanyang makasaysayang panalo.


Binanggit din ni Romero na isusulong niya ang pagtatatag ng Department of Sports, bilang pagsisikap na matugunan ang hamon sa pagsasanay at pondo para sa mga atletang Pilipino.


“With the Department of Sports, it will have the mandate to put as many infrastructure as possible. Our athletes need to train outside of the Philippines because we don’t have enough infrastructure and facilities,” aniya.


Sinabi ni Romero na kakausapin niya si Speaker Velasco at ang kanyang mga kapwa mambabatas, upang hingin ang kanilang suporta para sa pag-apruba ng naturang panukala.


Nagpahayag ng pagsang-ayon si Abante sa panukala, at binanggit niya na panahon na para iprayoridad ang sektor ng palakasan sa Pilipinas.


“Once we have a Department of Sports, we can then compete internationally, as far as even promoting international sports in the Philippines,” punto pa ni Abante. #

Tuesday, July 27, 2021

-MAAGANG TINAPOS ANG SESYON NG KAMARA KAHAPON BILANG RESPETO SA YUMAONG SI PNOY

Maagang sinuspinde ng Kapulungan ng mga Kinatawan ang sesyon kahapon, Martes, bilang paggalang sa pagpanaw ni dating Pangulong Benigno Simeon Aquino III.

Ayon kay Deputy Speaker at Deputy Majority Leader Juan Pablo Bondoc, na siyang tumayong presiding officer sa sesyon sa plenaryo, si dating Pangulong Aquino ay naging miyembro din ng Kapulungan noong ika-11, ika-12, at ika-13 Kongreso.


Matapos ay nahalal siya bilang senador at kalaunan ay naging ika-15 Pangulo ng Pilipinas.


Siya ay pumanaw noong ika-14 ng Hunyo 2021, kung saan ay nataon na walang sesyon ang parehong Kapulungan.


Itutuloy ang sesyon ngayong araw ng Miyerkules, ika-28 ng Hulyo 2021 alas-3 mamayang hapon.

-NATITIRANG PRAYORIDAD NA PANUKALA SA 18th CONGRESS, DAPAT IPASA NA — VELASCO

Nanawagan kahapon si Speaker Lord Allan Velasco sa mga kapwa mambabatas sa Kamara, na ipasa ang lahat ng mga natitirang prayoridad na panukala sa ika-18 Kongreso, lalo na ang mga panukalang lehislasyon na naglalayong gabayan ang sambayanang Pilipino na makaahon sa mga pagsubok na dala ng pandemya ng COVID-19.

(“As we enter the final year of our present term in congress, it is time for that one last big push,” ito ang sinabi ni Velasco sa mga kapwa mambabatas sa kanyang talumpati sa pagbubukas ng ikatlo ang huling sesyon ng ika-18 Kongreso.)


Ang panawagan ng pinuno ng Kamara ay kanyang ginawa bago ang ika-anim at pinakahuling State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa idinaos kahapon na joint session ng Kongreso.


Sinabi ni Velasco na ang Kamara ay nasa wastong daan na upang aprubahan ang mga natitirang prayoridad na panukala, kabilang na ang amyenda sa Retail Trade Liberalization Act, ang Foreign Investments Act, at ang Public Service Act.


(“To assist in our economic recovery, we are pushing for the taxation of Philippine offshore gaming operations and E-sabong betting activities,” ani Velasco, at idinagdag niya na hihintayin ng Kapulungan at imomonitor ang mga hakbang na gagawin ng Senado sa mga nasabing panukala.)


Ayon pa kay Velasco, patuloy ang pag-aaral ng Kapulungan sa mga karanasan sa pandemya at maingat na nirerepaso ang mga kinakailangang polisiya sa pampublikong kalusugan at kaligtasan.


“We are set to approve the Medical Stockpiling bill to allow the Department of Health to stockpile, conserve and facilitate the supply and distribution of pharmaceuticals and vaccines for public health emergencies,” ani Velasco.


Kabilang sa mga prayoridad ng Kapulungan, aniya, ay mga panukala na magtatatag sa Virology Institute of the Philippines at Center for Disease Control and Prevention.






At dahil sa mga lockdown sa pandemya at iba pang paghihigpit, nangangailangan ng isang magaan at mas epektibong paraan sa pamamahala ng kalakal at buwis, sinabi ni Velasco na sinusuportahan ng Kapulungan ang panukala sa Ease of Paying Taxes, upang isailalim sa institusyon ang pagpapagaan ng mga transaksyon at ang pagpapabilis ng mga proseso sa rekisitos.


“We also recognize the devastating impact of COVID-19 on our creative industries, and fully support efforts to organize and institutionalize the Philippine creative economy,” ani Velasco.


Sinabi ni Velasco na tatalakayin ng Kapulungan ang substitute bill sa mungkahing batas sa pensyon para sa Military and Uniformed Personnel (MUP), na naglalayong ireporma ang matagal nang sistema sa pensyon ng MUP at tugunan ang mga suliranin sa pondo at pamamalagi nito.


Binalangkas rin ng Kapulungan ang panukalang amyenda sa National Internal Revenue Code para maresolba ang mga usapin ng mga pribadong institusyong pang-edukasyon sa bagong polisiya sa Bureau of Internal Revenue na magtataas na buwis nito mula 10 porsyento hanggang 25 porsyento.


“Nais nating makatulong bumangon at hindi makabigat sa mga kasalukuyang pasanin ng mga pribadong paaralan at mga guro,” punto ni Velasco.


Idinagdag ni Velasco na inaasahan ng Kapulungan na maagang magsusumite ang Department of Budget and Management at mga economic manager ng pamahalaan ng 2022 National Expenditure Program, na siyang magiging huling panukalang pambansang pondo ng administrasyong Duterte.


“Kailangan natin itong busisiin, himayin, at buuin nang maayos upang makasagot sa lumalaking pangangailangan ng ating bayan ngayong panahon ng patuloy na pandemya,” aniya. #

Thursday, July 22, 2021

-MGA NATAMONG TAGUMPAY SA LEHISLASYON NG PANGULO, PINARANGALAN NG KAMARA SA PAMAMAGITAN NG TRIBUTE VIDEO

Bago pa idaos ang pinakahuling State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte, inilunsad kahapon ng Kamara de Representantes sa opisyal na Facebook Page ang isang omnibus video, na nagtatampok ng mga tagumpay na lehislasyon at di-pangkaraniwang programa sa loob ng nakaraang limang taon.

Sinabi ni Speaker Lord Allan Velasco na siya at ang kanyang mga kapwa mambabatas sa Kapulungan ay taas noong ipinagmamalaki ang pagiging kaakibat ni Pangulong Duterte, sa kanyang pagsisikap na pasimulan ang tunay na pagbabago sa kapakinabangan ng sambayanang Pilipino.


(“President Duterte really did his best to uplift the lives of the Filipino people, by prioritizing legislative measures and initiating concrete actions that directly benefit our countrymen,” ani Velasco.


“This video highlights all of those legacy bills and projects, and the people need to be informed of these accomplishments,” dagdag pa ni Speaker.)


Ang omnibus video na pinamagatang, “Kung Duterte, Posible,” ay nagtatampok sa Pangulo sa kanyang paglagda sa Universal Access to Quality Tertiary Education Act, ang batas na nagbibigay ng libreng tuition sa mga mag-aaral mula sa 112 state universities at colleges sa buong kapuluan.


Itinampok din sa naturang video ang pamamahagi ng administrasyong Duterte ng ayudang pinansyal sa mga mahihirap, ngunit karapat-dapat na mag-aaral mula sa mga mahihirap na pamilya, katutubong komunidad, at mga taong may kapansanan sa pamamagitan ng United Student Financial Assistance System for Tertiary Education o UniFAST, at iba pang mga lehislasyon.






Itinatampok rin sa video ang mga sumusunod: ang pagtatatag ng Malasakit Centers na kung saan ay epektibong makaka akses ang mga mahihirap na pasyente ng pinasyal at medikal na ayuda mula sa mga ahensya ng pamahalaan; ang Universal Health Care Act na naggagarantiya ng pantay na akses sa kalidad at abot kayang serbisyo sa kalusugan para sa lahat ng Pilipino; ang pansamantalang pagsasara ng Boracay sa loob ng anim na buwan bilang bahagi ng pagsisikap ng pamahalaan na ayusin at muling paunlarin ang naturang resort island; ang mahigpit na pagpapatupad ng Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drigs Act of 2002, upang masugpo ang pamamayagpag ng iligal na droga sa bansa; ang COVID-19 Vaccination Program Act; ang Coconut Farmers and Industry Trust Fund Act; ang Murang Kuryente Act; ang flagship na Build, Build, Build infrastructure program; at iba pa.


Nilalaman ng omnibus video ang tatlong linggong kampanya na pinasimulan ng Kapulungan bago ang huling SONA ng Pangulo na itinakda sa ika-26 ng Hulyo.


Noong ika-5 ng Hulyo, inilunsad ng Kapulungan ang serye ng isa’t kalahating video na inihanda ng mahigit sa 200 mambabatas mula sa iba’t ibang distrito ng bansa, at mga nasa partylist sa kampanyang tinawag na “Sa Lahat ng Pagbabago, Salamat Pangulo!” (isang Pre-SONA Tribute ng ika-18 Kongreso). Itinampok sa mga naturang video ang mga pangunahing programa, proyekto at mga polisiya na ipinatutupad sa iba’t ibang distritong lehislatura at mga sektor pangkaunlaran sa buong kapuluan, simula nang maupo si Pangulong Duterte bilang Presidente ng bansa noong 2016.


Ang microsite ng opisyal na House webpage, congress.gov.ph/sona2021, ay inilunsad rin bilang imbakan ng lahat ng tribute video at may kaugnayang datos hinggil sa SONA. Naglalaman din ito ng mga nagawa ng Kapulungan, at mga piling talumpati ng mga mambabatas na nilimbag sa isang aklat na may titulong “In the Name of the People.”


“President Duterte was able to accomplish so many things, including signing into law landmark legislation that we never thought would be possible, as well as high impact programs and critical reforms aimed at improving the quality of life of Filipinos,” ani Velasco.


Idinagdag niya na: “All presidencies have their share of critics, but it would be a shame if we overlook PRRD’s meaningful contributions to the country during his term. These videos are meant to remind us of all of those major accomplishments.” #


congress.gov.ph/sona2021

-MAHIGPIT NA SEGURIDAD SA SONA 2021, IPATUTUPAD NG KAPULUNGAN

Iniulat kahapon ni House Sergeant-at-Arms Retired Police Major General Mao Aplasca na ang Kamara de Representantes, sa pakikipag-ugnayan sa Armed Forces of the Philippines (AFP), Philippine National Police (PNP) at Presidential Security Group (PSG), ay nakapaglatag na ng “very stringent” protocols, upang matiyak ang seguridad ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte, mga pinuno ng Kapulungan at Senado at mga kinatawan, mga panauhin at kawani, na makikibahagi sa ika anim at huling State of the Nation Address ng Pangulo sa ika-26 ng Hulyo 2021.

Sa loob ng dalawang buwan, sinabi ni Aplasca na nakapaglatag na sila ng seguridad at contingency plans para sa araw ng SONA, at nakapagsagawa na rin ng mga pagsasanay mula sa pagsusuri sa mga papasok sa Batasan Complex hanggang sa pagdaraos ng kaganapan sa araw ng SONA.


Binanggit niya na wala namang anumang banta sa seguridad sa buong paghahanda nila sa SONA.


Ayon sa kanya, mahigpit na nakikipag-ugnayan ang Kapulungan sa mga intelligence units ng AFP at PNP sa mga plano at tugon sa anumang banta sa seguridad.





Ipinahayag rin ni Aplasca na nagpulong kahapon ang SONA Security Committee at kanyang binanggit na ang mga indibiduwal na pahihintulutang makapasok sa loob ng Batasan ay kinakailangang nakalista sa opisyal na talaan ng mga dadalo.


Mahigpit ding ipatutupad ang polisiya ng “No ID, No entry.”


Lahat ng mga panauhin at mga staff ay kailangang magpakita ng kanilang mga SONA ID at car passes na inisyu ng Kapulungan, upang mapahintulutan na makapasok sa Batasan Complex at Bulwagan ng Kapulungan.


Idinagdag din niya na magpapatupad ng ganap na lockdown ang Legislative Security Bureau (LSB) simula sa ika-23 hanggang ika-25 ng Hulyo.


Bukod sa mga banta sa seguridad, naghanda rin ang Kapulungan sa mabilisan at episyenteng pagtugon sa anumang aksidente o natural na kalamidad, tulad ng sunog at lindol.      


#SpeakerLordAllanVelasco

#SpeakerLAV

Wednesday, July 21, 2021

-PANUKALANG MAGPAPALAKAS SA PHILIPPINE COMPETITION COMMISSION (PCC), APRUBADO NA

Inaprubahan ng Committee on Economic Affairs sa Kamara ang Ulat ng Komite at substitute bill na naglalayong palakasin ang Philippine Competition Commission (PCC), sa pamamagitan ng pag-amyenda sa ilang probisyon sa Republic Act 10667 o ang “Philippine Competition Act.”


Pinagsama ng substitute bill ang House Bill 6242 na inihain ni AAMBIS-OWA Rep. Sharon Garin, Chairperson ng Komite, at HB 5906 ni Marikina City Rep. Stella Luz Quimbo.


Ayon kay Negros Occidental Rep. Francisco Benitez, Chairman ng technical working group (TWG) na nagbalangkas ng mga panukala, na mananatiling nasa kahalagahan ang National Competition Policy sa pamamagitan ng pagmamandato sa mga ahensya at tanggapan ng pambansang pamahalaan, upang isulong ang pagka-episyente ng merkado at patatagin ang kapakanan ng mga konsyumer.


Tutulungan din ng pinagsamang panukala ang PCC sa pagpapatupad ng mga batas na may kaugnayan sa sahod at mga pagtatalaga.


Gagabayan din ng amyenda ang mga proseso para sa hybrid na rehimen sa compulsory-voluntary notification, para sa pagsasama at pagkuha sa pamamagitan ng compulsory noitification at pagrerepaso ng mga transaksyon na lagpas sa P50-bilyon.






“The premise here is that the hybrid allows us to maintain for large mergers and acquisitions a compulsory component, whereas is becomes voluntary for review while strengthening the motu propio and retroactive powers of the PCC should those below the P50-billion mark or threshold have been found to have been involved in an anti-competitive behavior,” ani Benitez.


Isinasaad din sa pinagsamang panukala ang pagtataas ng mga kaparusahan sa mga asal sa kontra-kompetisyon ng mga indibiduwal at pagpapalawak ng sakop ng mga paglabag na maaaring pahintulutan ng PCC.


Bukod pa rito, binanggit ni Quimbo na ang mga amyenda sa RA 10667 ay magdaragdag ng kapangyarihan sa PCC laban sa mga kartel ng mga pangunahing kalakal.


Inaprubahan din ng Komite ang substitute bill sa HBs 79, 1310 at 4693 o ang National Economic Development Authority (NEDA) Act, na iniakda nina Albay Rep. Joey Salceda, Deputy Speaker Wes Gatchalian at Tarlac Rep. Victor Yap, ayon sa pagkakasunod.


Nagdaos din ang Komite ng magkasanib na pagpupulong sa Komite ng Trade and Industry na pinamumunuan ni Navotas Rep. John Reynald Tiangco, at inaprubahan ang tatlong substitute bill na naglalayong itatag ang Special Economic Zones (SEZs) sa Oriental Mindoro, Ilocos Sur at Bislig, Surigao del Sur.


Pinalitan ng substitute bill ang HB 3071 na iniakda ni Oriental Mindoro Rep. Alfonso Umali Jr., HB 3898 ni Deputy Speaker Victor Savellano, kabilang ang HB 4285 ni Surigao del Sur Rep. Johnny Pimentel.         


#SpeakerLordAllanVelasco

#SpeakerLAV

-SPEAKER VELASCO, HINIMOK ANG MGA PILIPINO NA BUMOTO NGAYONG 2022 ELECTIONS

Hinimok ni Speaker Lord Allan Velasco ang mga Pilipino na samantalahin ang kanilang karapatang bumoto at hikayatin ang iba pa na gawin din ito.


Ang panghihimok ng lider ng Kamara ay kanyang isinagawa sa isang virtual forum, na pinamagatang “Imagining the 2022 National Elections: the Many Ways COVID-19 Pandemic can Impact on the Electoral Process.”


Isinagawa ang forum ng Komite ng People's Participation, na pinamunuan ni San Jose Del Monte City Rep. Florida Robes, sa Batasan, sa pakikipagtulungan sa Publicus Asia Inc.


Ipinahayag ni Speaker Velasco ang kaniyang kagalakan sa Kongreso sa pag-oorganisa ng isang seminar, na kung saan ay maaaring talakayin ng mga mambabatas at mga kinauukulang ahensya ng pamahalaan, ang mga hamon na inaasahang makakaharap sa halalan sa susunod na taon, kabilang na ang pagkakaroon ng mga posibleng solusyon upang makumbinsi ang mga Pilipino na  bumoto, sa kabila ng kasalukuyang  pandemya.






Layon ng nasabing forum na 1) maglaan ng isang lugar upang higit na maunawaan ng publiko ang mga limitasyon na ipinataw ng krisis pangkalusugan, sa pakikilahok nila sa proseso ng halalan, 2) itaas ang kamalayan sa mga posibleng plataporma, kung saan ang mga botante ay magiging aktibo sa paglahok sa proseso ng halalan, at 3) magprisinta ng mga bagong pamamaraan sa pagboto.


Sa kanyang pambungad na salita, binigyang-diin ni Robes na, "The committee is hopeful that somehow through this activity, the critical information on public participation in the electoral process during this unique circumstance would be properly communicated to contribute – in one way or another – in creating a better-informed, more motivated citizenry and, ultimately, a more responsive, transparent, and accountable government.”


Ibinahagi naman ni dating Commission on Elections Commissioner Atty. Luie Tito Guia na maaaring makilahok ang mga samahan sa komunidad sa pamamagitan ng pagbibigay ng tulong sa mga mahihinang sektor, pagtuturo at pagbibigay ng impormasyon sa mga botante, pagmamanman sa gastusin sa kampanya, pagbabantay sa pagbibilang ng boto, at pagmamasid sa proseso ng paghahanda, at iba pa.


Samantala, tinalakay ni Propesor Ma. Lourdes Tiquia, nagtatag at CEO ng Publicus Asia, Inc., ang kasalukuyang paglipat sa pamamaraang digital, na dapat isaalang-alang sa mga paparating na kampanya at halalan.


Panghuli, tiniyak ni COMELEC Director James Arthur Jimenez na ang mga alituntunin sa kampanya at mga protokol sa kaligtasan ay mahigpit pa ring ipapatupad.  Idinagdag niya na tinitingnan din ng COMELEC ang iba pang mga pamamaraan sa pagboto upang masuportahan ang mga botante na may espesyal na pangangailangan.


#SpeakerLordAllanVelasco

#SpeakerLAV

Monday, July 19, 2021

-MGA NAIAMBAG NG PULISYA LABAN SA COVID-19, PINURI NI SPEAKER VELASCO

Pinuri ngayong araw ni Speaker Lord Allan Velasco ang mga miyembro ng Pambansang Pulisya (PNP), sa kanilang mga naiambag laban sa COVID-19, matapos siyang dumalo sa pagdiriwang ng ika-26 na Police Community Relations Month na may temang, “Pulisya at Pamayanan, BARANGAYanihan sa Hamon ng Pandemya at Laban sa Krimen.”

Sa kanyang mensahe sa ginanap na programa sa punong tanggapan ng PNP-National Capital Region Police Office (NCRPO), kinilala ni Velasco ang papel na ginagampanan ng pambansang pulisya, na tiyakin ang kaligtasan ng mga komunidad sa panahon ng pandemya.


Nagpapasalamat siya sa malaking ambag ng ating mga pulis upang mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa ating bansa at batid daw niya na lalong tumindi ang trabaho ng ating mga pulis dahil sa umiiral na pandemya.


(I thank the police for their huge contribution in ensuring peace and order in the country. I know that their job has become even harder because of the ongoing pandemic)


Dagdag pa ni Velasco na sumasaludo rin rin siya sa ating mga unipormadong kawani na naglaan at nagsakripisyo ng kanilang buhay, kalusugan, at kaligtasan upang ang mas malaking bahagi ng ating lipunan ay maging mas ligtas sa umiiral na sakit.


(I also salute our uniformed personnel who have offered and sacrificed their lives, health and safety so that a greater part of the society would remain safe from the disease)


Binigyang diin ng lider ng Kamara ang kahalagahan ng pulisya at mga lokal na komunidad na magkaakibat na nagtatrabaho, upang matiyak ang kapayapaan at kaayusan at ang pagtugon sa kriminalidad.





Sinabi niya na upang maging lubos na epektibo ang pagpapatupad ng batas, hindi maaaring kumilos ang pulisya na mag-isa; kailangan nila ang aktibong suporta at tulong ng mga mamamayan at komunidad.


“Kailangan natin ang kooperasyon ng ating mamamayan, upang lalong mapagbuti ang pagmamatyag laban sa krimen, iligal na droga, at terorismo,” giit ni Velasco.


(Critical cooperation down to the barangay level is needed to ensure that our households and communities are more peaceful)


Ang Police Community Relations Month ay ipinagdiriwang tuwing buwan ng Hulyo bawat taon, alinsunod sa Presidential Proclamation No. 764. Ang isang buwang selebrasyon ay naglalayong paunlarin ang pakikipag-ugnayan sa pagitan ng pulisya at mga komunidad na pinaglilingkuran sa pamamahala sa mga usapin ng kapayapaan at kaayusan.


Si Velasco ay inanyayahan ni NCRPO Chief of Police Major General Vicente Danao Jr bilang panauhing pandangal at tagapagsalita sa naturang pagdiriwang, kasabay ng pagdaraos na regular na flag raising ceremony sa Camp Bagong Diwa sa Bicutan, Lungsod ng Taguig.


Bahagi ng selebrasyon ang awarding ceremonies sa mga karapat-dapat na mga tauhan ng PNP at mga tagapagsulong, at mga nagwagi sa rehiyon nang ginanap na paligsahan ng Sining Bayanihan Arts and Culture.


Pinangunahan din ni Velasco ang panunumpa sa tungkulin ng mga opisyales mula sa rehiyon at distrito, at mga tagapayo ng Kabataan Kontra Droga at Terorismo o KKDAT, isang programa ng PNP na dinisenyo, upang mag-organisa ng kilusan na naghihikayat at nagpapalakas sa mga kakayahan ng mga kabataan, upang masugpo ang iligal na droga at suliranin sa terorismo sa mga komunidad.


Iprinisinta rin ni Danao at mga opisyales ng NCRPO kay Speaker ang mga huling kaganapan sa idinadaos na paghahanda sa seguridad, para sa ika anim at huling State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na gaganapin sa Batasan Pambansa Complex sa Lungsod ng Quezon sa ika-26 ng Hulyo. #

-PANUKALA HINGGIL SA INDUSTRIYA NG PAGPAPAUNLAD NG DOWNSTREAM NATURAL GAS, APRUBADO NA SA KOMITE

Inaprubahan na ng Committee on Energy sa Kamara sa pamumuno ni Deputy Majority Leader at Pampanga Rep. Juan Miguel Macapagal Arroyo ang Substitute Bill sa House Bill 3031, na naglalayong ipag-utos ang pagpapaunlad ng industriya ng downstream natural gas ng Pilipinas at pagsamahin ang layunin ng lahat ng mga batas na nauugnay sa paghahatid, pamamahagi, kabilang ang suplay ng natural gas.

Ang HB 3031 na pangunahing iniakda ni Speaker Lord Allan Velasco, ay unang tinalakay sa Komite noong ika -13 ng Nobyembre 2020, kung saan nilikha ang isang technical working group (TWG) na pinamunuan ng kapwa may akda ng panukala na si Zamboanga Sibugay Rep. Wilter "Sharky" Palma II, para bumuo ng substitute bill.


Sa kanyang pambungad na pahayag, sinabi ni Arroyo na ang substitute bill ay malawak na tinalakay ng dalawang Komite at nagkaroon ng tatlong TWG na pagpulong hinggil sa panukala.


Aniya, lahat ng mga isyu ay masusing tinalakay ng grupo at ang mga ito ay tinugunan na.






Sa kanyang paliwanag sa HB 3031, sinabi naman ni Speaker Velasco na ang industriya ng natural gas ay nagsisimula pa lang na industriya.


“It is vital that we introduce a proper legislative framework that would provide favorable conditions towards a healthy natural gas industry in the country.


This would then in turn lead towards rapid economic development, while respectfully practicing sustainable development towards a brighter future,” ani Speaker.


Babalangkasin sa panukala ang pagpapaunlad ng Downstream Natural Gas Industry at ang paglipat nito mula sa umuusbong hanggang sa maunlad na industriya at makakakumpitensya sa merkado ng ng natural gas, gayundin ang pagtukoy sa mga responsibilidad ng iba't ibang mga ahensya ng pamahalaan at pribadong sektor para sa pagsusulong ng pambansang layunin.


Sisiguruhin ng pamahalaan ang ligtas, protektado, maaasahan, malinaw, makumpitensya, at responsable sa kapaligiran pagdating sa operasyon ng Philippine Downstream Natural Gas (PDNGI) value chain.


Isinasaad sa panukala na ang natural gas ay tumutukoy sa “gas obtained from boreholes and wells consisting primarily of a mixture of methane, ethane, propane and butane with small amounts of heavier hydrocarbons and some impurities, consistent with the definition provided in the Philippine National Standard (PNS) or International Organization for Standardization (ISO).”


Lahat ng mga aktibidad ng Department of Energy (DOE), Energy Regulatory Commission (ERC) at iba pang mga kinauukulang ahensya ng pamahalaan na nauugnay sa pagpapaunlad at regulasyon ng PDNGI ay magiging alinsunod sa panukalang “Philippine Downstream Natural Gas Industry Development Act.”


Sa nakaraang pagdinig ng TWG, hiniling ni APEC Part-list Rep. Sergio Dagooc at PHILRECA Party-list Rep. Presley de Jesus na isama sa panukalang batas ang mekanismo na mangangalaga sa mga mamimili na hindi pasanin ang bigat ng mataas na singil ng industriya ng natural gas. 


#SpeakerLordAllanVelasco

#SpeakerLAV

Friday, July 16, 2021

-IMBESTIGASYON SA PAGSASARA NG INSULAR PRISON ROAD, TINAPOS NA NG KOMITE SA KAMARA

Tinapos na kahapon ng Committee on Justice ng Kamara ang pagtalakay sa House Resolution 1666, na nananawagan ng imbestigasyon sa ginawang pagsasara ng Insular Prison Road sa New Bilibid Prison Reservation ng Bureau of Corrections.


Isinalaysay ni Leyte Rep. Vicente Velose III, chairman ng nabanggit na komite, ang mga natuklasan nila noong mga nakaraang pagdinig, kung saan nakita ang kawalan ng koordinasyon at konsultasyon ng BuCor, bago ang pagsasara ng kalsada sa Southville 3.


Sinabi pa ni Veloso na habang kinikilala ng mga mambabatas ang awtoridad ng BuCor sa mga tinatawag na persons deprived of liberty (PDL) at mga Pilipinong naninirahan sa loob ng mga pag-aari nito, ang Kongreso ay hindi maaaring magbubulag-bulagan na lamang hinggil sa epekto nito sa libo-libong mga mamamayang naninirahan sa Southville 3.”


Iginiit pa ni Veloso na ang pagsasara ng kalsada ay hindi lamang nakakahadlang sa paggalaw ng mga apektadong residente, kungdi pati na rin ang kanilang kabuhayan.


Sinabi ni Muntinlupa City Rep. Ruffy Biazon na ang mga rekomendasyon ng lehislatura hinggil sa Insular Prison Road ay isasama na sa Committee Report.





(Ito’y iniulat ng mga pangunahing opisyal ng pamahalaang lokal ng Lungsod ng Muntinlupa, kasama sina Mayor Jaime Fresnedi, Bise Alkalde Celso Dioko, at Kagawad Raul Corro.)


(“cannot turn a blind eye on its impact on thousands of citizens in) 


(Magiging sakop nito ang mga iminungkahing susog sa Republic Act 10575 o BuCor Modernization Act. Dagdag pa dito, iminungkahi rin ni Biazon ang pagsasampa ng magkakahiwalay na hakbang sa iba pang mga usapin na nadiskubre tungkol sa plano sa pagpapa-unlad ng BuCor, pati na rin ang paglipat ng mga impormal na naninirahan na pamilya.)



Samantala, ipinaggiitan ni BuCor Undersecretary Gerald Bantag na ang pagsasara ng kalsada ay inilaan upang matiyak ang kalusugan at seguridad ng mga PDL, empleyado ng BuCor, at mamamayang Pilipino.


#SpeakerLordAllanVelasco

#SpeakerLAV

Thursday, July 15, 2021

-PANUKALANG MAGLILIKHA NG ENERGY ADVOCACY COUNSEL OFFICE (EACO), APRUBADO NA

Sa isang online meeting ng Committee on Energy kahapon sa Kamara, na pinangunahan ni Committee Vice-Chairperson at PHILRECA Rep. Presley De Jesus, inaprubahan ang Committee Report at ang Substitute Bill sa House Bills 7608 at 8786, mga magkaparehong panukalang lilikha ng Energy Advocacy Counsel Office (EACO).


Sa kanyang paliwanag sa HB 7608, sinabi ni Deputy Speaker Wes Gatchalian, may akda ng panukala, na ang EACO ay kikilos bilang isang independiyenteng kinatawan ng mga gumagamit sa lahat ng pagtatalaga ng halaga, paggawa ng panuntunan at iba pang mga kaso at paglilitis na nauugnay sa enerhiya sa harap ng mga ahensya ng gobyerno, kabilang ang hukuman at mga quasi-judicial body.


Sinabi ni Gatchalian, pinuno ng technical working group o TWG, na ilan sa mga seksyon sa naihain na mga hakbang ay na-amyendahan na, subject to style.


Inilahad din niya na isang magkahalintulad na panukala ang naihain sa Senado para sa agarang pagtalakay, ang Senate Bill No. 173 na iniakda ni Senador Sherwin Gatchalian.





Samantala, ang HB 8786 ay isinusulong ng Power Bloc Reps. De Jesus, Godofredo Guya, Sergio Dagooc at Adriano Ebcas. Dumalo rin sa pulong si Pampanga Rep. Juan Miguel Arroyo, Chairman ng naturang Komite.


#SpeakerLordAllanVelasco

#SpeakerLAV MAGLILIKHA NG ENERGY ADVOCACY COUNSEL OFFICE (EACO), APRUBADO NA

Sa isang online meeting ng Committee on Energy kahapon sa Kamara, na pinangunahan ni Committee Vice-Chairperson at PHILRECA Rep. Presley De Jesus, inaprubahan ang Committee Report at ang Substitute Bill sa House Bills 7608 at 8786, mga magkaparehong panukalang lilikha ng Energy Advocacy Counsel Office (EACO).


Sa kanyang paliwanag sa HB 7608, sinabi ni Deputy Speaker Wes Gatchalian, may akda ng panukala, na ang EACO ay kikilos bilang isang independiyenteng kinatawan ng mga gumagamit sa lahat ng pagtatalaga ng halaga, paggawa ng panuntunan at iba pang mga kaso at paglilitis na nauugnay sa enerhiya sa harap ng mga ahensya ng gobyerno, kabilang ang hukuman at mga quasi-judicial body.


Sinabi ni Gatchalian, pinuno ng technical working group o TWG, na ilan sa mga seksyon sa naihain na mga hakbang ay na-amyendahan na, subject to style.


Inilahad din niya na isang magkahalintulad na panukala ang naihain sa Senado para sa agarang pagtalakay, ang Senate Bill No. 173 na iniakda ni Senador Sherwin Gatchalian.





Samantala, ang HB 8786 ay isinusulong ng Power Bloc Reps. De Jesus, Godofredo Guya, Sergio Dagooc at Adriano Ebcas. Dumalo rin sa pulong si Pampanga Rep. Juan Miguel Arroyo, Chairman ng naturang Komite.


#SpeakerLordAllanVelasco

#SpeakerLAV

-DEDICATED WEBSITE PARA SA SONA, INILUNSAD NG KAMARA

Inilunsad kahapon ng Kamara ang isang dedikado o dedicated website na magbabahagi ng mga berepikadong impormasyon hinggil sa darating ng State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte.


Sinabi ni Speaker Lord Allan Velasco, ang bagong website ay maglalaman hindi lamang ng mga pinakahuling balita at kaganapan hinggil sa ika anim at huling SONA ng Pangulo, kundi maging ang mga tagumpay na pagsasabatas o lehislasyon ng administrasyong Duterte.


Ang microsite ng opisyal na webpage ng House of Representatives na congress.gov.ph/sona2021 ay magsisilbing imbakan ng mga may kaugnayang datos patungkol sa magiging pahayag ni Pangulong Duterte na itinakda sa ika-26 ng Hulyo.


Sa mga susunod na araw, ang website ay maglalaman ng Legislative Performance Report ng Kapulungan, at mga piling talumpati mula sa mga mambabatas ng ika-18 Kongreso na pinagsama sa isang aklat na may titulong “In the Name of the People.”


Ang platform sa online ay maglalaman din ng mga isa’t kalahating minutong video na inihanda ng bawat isa sa mahigit na 200 distrito, at mga kinatawan ng partylist na sumapi sa kampanya na tinawag na “Sa Lahat ng Pagbabago, Salamat Pangulo!” (A Pre-SONA tribute by the 18th Congress).





Ang kampanya ay pinangunahan ni Speaker, na naglunsad noong ika-5 ng Hulyo ng opisyal na Facebook page ng Kapulungan – na nagtatampok ng mga pangunahing programa, proyekto at mga ipinaiiral na polisiya sa iba’t ibang distrito ng lehislatura, at ang kaunlaran ng mga sektor sa buong bansa, simula nang maupo si Pangulong Duterte bilang Presidente noong 2016.


“President Duterte deserves gratitude of all Filipinos for the many good things he has done for the country, including the string of landmark legislation the we never thought would be possible, as well as high impact programs and critical reforms aimed at improving the quality of life of Filipinos,” ani Velasco.


Bingigyang diin ng pinuno ng Kapulungan na sa panahon ng termino ni Pangulong Duterte na ang mga batas sa universal health care, free tertiary education, expanded maternity leave, at free public internet access, kabilang ang iba pang mahahalagang panukala ang naipasa.


“At the height of the pandemic, Congress and the Executive worked together to produce pieces of legislation designed to help address and cushion the socioeconomic impact of the ongoing public health crisis, such as the Bayanihan laws, General Appropriations Act of 2021, and the COVID-19 Vaccination Program Act,” dagdag pa niya.


Sinabi rin ng Speaker na sa ilalim ng administrasyon ito na ang Coconut Farmers and Industry Trust Fund Act – isang matagal nang nabinbing lehislasyon, na naglalayong paunlarin ang kabuhayan ng mga mahihirap na magsasaka ng niyog at ang kanlinag mga benepisaryo – ang naisabatas.


“I look at the President’s term as a whole, and he has definitely done a lot for this country in those years that he’s the leader of our nation,” ani Velasco. #

congress.gov.ph/sona2021

Wednesday, July 14, 2021

-MGA PROGRAMA SA BUILD, BUILD, BUILD PROJECTS SA MINDANAO, TINALAKAY SA KAMARA

Nagdaos ng pagdinig ang Committee on Mindanao Affairs sa Kamara kahapon, na pinamumunuan ni Lanao del Norte Rep. Khalid Dimaporo, hinggil sa mga nagawa at katayuan ng ipinatutupad ng Build, Build, Build (BBB) Projects, at ang Convergence Programs sa Mindanao.


Sa ulat ni Mindanao Development Authority (MinDa) Deputy Executive Director Romeo Montenegro sa komite, sinabi niya na nakakuha ang Mindanao ng P551-bilyon o 11.69 porsyento mula sa P4.72-trilyong badyet para sa BBB Program ng Duterte Administration.


Ayon sa kanya, hindi bababa sa limang mga proyekto ng BBB ang inaasahang makukumpleto sa taong ito.


Ang mga proyektong ito ay katumbas ng P18.49-bilyon o 52.44 porsyento mula sa kabuuang P35.26-bilyong proyekto ng BBB, na target na makumpleto ngayong 2021.


Para sa 2022, inaasahan din na makukumpleto ng Mindanao ang apat na mga proyekto ng BBB, na nagkakahalaga ng P35.44-B.






“This is based on the indicated timelines for milestone accomplishment every year of these long-gestating and multi-year BBB projects,” ani Montenegro.


Bukod dito, inaasahang makukumpleto ng Mindanao ang siyam na proyekto ng BBB mula 2023 pataas, na aabot sa P274-B o 8.39 porsyento ng kabuuang P3.266-trilyon, na kabuuang mga proyekto ng BBB para makumpleto sa 2023 at higit pa.


Sa ilalim pa rin ng BBB Program, inilahad ni Department of Transportation (DOTr) Project Management Officer (PMO) Richard Villanueva ang Davao Public Transport Modernization Project (DPTMP), na may kasamang bagong konsepto na High Priority Bus System (HPBS).


Itatampok ng HPBS ang pagsasama-sama ng mga linya ng bisikleta at linya ng mga bus, isang Intelligent Transport System, mga bagong terminal, depot, paaralan sa pagmamaneho, mga bagong hintuan ng mga bus, pati na rin ang mga fleet ng mga bus.


Iniulat naman ni Department of Public Works and Highways (DPWH) Director Constante Llanes Jr. sa Komite ang kanilang iba`t ibang mga programa ng convergence, tulad ng Panguil Bay Bridge, na inaasahang makukumpleto sa Disyembre 2023.


Ang iba pang proyekto sa ilalim ng DPWH ay ang Flood Risk Management para sa Cagayan de Oro River at ang pagpapatuloy ng pag-aaral sa posibleng Davao City Flood Control and Drainage Project.


Para sa DOTr Mindanao Railway Project (MRP) na Tagum – Davao - Digos Segment, sinabi ni Project Information Officer na si Chris Geonzon, na magkakaroon ng limitadong operasyon at ang target ay sa Marso 2022, na inaasahang magiging buong operasyon sa Hunyo 2023.


Kasama rin sa iminungkahing MRP ang iba pang mga segment, na kasalukuyang nasa ilalim ng isang feasibility study.


“At least with this committee meeting, we have seen the accomplishments of the Duterte Administration in terms of infrastructure. We have big ticket projects under the DPWH, which have reached roughly 80 percent that can be completed next year.


We also have big ticket projects that are 50 percent completed already, that we still need to fight for, so that Mindanao can ensure that it will be completed in the succeeding administration,” ani Dimaporo. 


#SpeakerLordAllanVelasco

#SpeakerLAV

Free Counters
Free Counters