-NATITIRANG PRAYORIDAD NA PANUKALA SA 18th CONGRESS, DAPAT IPASA NA — VELASCO
Nanawagan kahapon si Speaker Lord Allan Velasco sa mga kapwa mambabatas sa Kamara, na ipasa ang lahat ng mga natitirang prayoridad na panukala sa ika-18 Kongreso, lalo na ang mga panukalang lehislasyon na naglalayong gabayan ang sambayanang Pilipino na makaahon sa mga pagsubok na dala ng pandemya ng COVID-19.
(“As we enter the final year of our present term in congress, it is time for that one last big push,” ito ang sinabi ni Velasco sa mga kapwa mambabatas sa kanyang talumpati sa pagbubukas ng ikatlo ang huling sesyon ng ika-18 Kongreso.)
Ang panawagan ng pinuno ng Kamara ay kanyang ginawa bago ang ika-anim at pinakahuling State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa idinaos kahapon na joint session ng Kongreso.
Sinabi ni Velasco na ang Kamara ay nasa wastong daan na upang aprubahan ang mga natitirang prayoridad na panukala, kabilang na ang amyenda sa Retail Trade Liberalization Act, ang Foreign Investments Act, at ang Public Service Act.
(“To assist in our economic recovery, we are pushing for the taxation of Philippine offshore gaming operations and E-sabong betting activities,” ani Velasco, at idinagdag niya na hihintayin ng Kapulungan at imomonitor ang mga hakbang na gagawin ng Senado sa mga nasabing panukala.)
Ayon pa kay Velasco, patuloy ang pag-aaral ng Kapulungan sa mga karanasan sa pandemya at maingat na nirerepaso ang mga kinakailangang polisiya sa pampublikong kalusugan at kaligtasan.
“We are set to approve the Medical Stockpiling bill to allow the Department of Health to stockpile, conserve and facilitate the supply and distribution of pharmaceuticals and vaccines for public health emergencies,” ani Velasco.
Kabilang sa mga prayoridad ng Kapulungan, aniya, ay mga panukala na magtatatag sa Virology Institute of the Philippines at Center for Disease Control and Prevention.
At dahil sa mga lockdown sa pandemya at iba pang paghihigpit, nangangailangan ng isang magaan at mas epektibong paraan sa pamamahala ng kalakal at buwis, sinabi ni Velasco na sinusuportahan ng Kapulungan ang panukala sa Ease of Paying Taxes, upang isailalim sa institusyon ang pagpapagaan ng mga transaksyon at ang pagpapabilis ng mga proseso sa rekisitos.
“We also recognize the devastating impact of COVID-19 on our creative industries, and fully support efforts to organize and institutionalize the Philippine creative economy,” ani Velasco.
Sinabi ni Velasco na tatalakayin ng Kapulungan ang substitute bill sa mungkahing batas sa pensyon para sa Military and Uniformed Personnel (MUP), na naglalayong ireporma ang matagal nang sistema sa pensyon ng MUP at tugunan ang mga suliranin sa pondo at pamamalagi nito.
Binalangkas rin ng Kapulungan ang panukalang amyenda sa National Internal Revenue Code para maresolba ang mga usapin ng mga pribadong institusyong pang-edukasyon sa bagong polisiya sa Bureau of Internal Revenue na magtataas na buwis nito mula 10 porsyento hanggang 25 porsyento.
“Nais nating makatulong bumangon at hindi makabigat sa mga kasalukuyang pasanin ng mga pribadong paaralan at mga guro,” punto ni Velasco.
Idinagdag ni Velasco na inaasahan ng Kapulungan na maagang magsusumite ang Department of Budget and Management at mga economic manager ng pamahalaan ng 2022 National Expenditure Program, na siyang magiging huling panukalang pambansang pondo ng administrasyong Duterte.
“Kailangan natin itong busisiin, himayin, at buuin nang maayos upang makasagot sa lumalaking pangangailangan ng ating bayan ngayong panahon ng patuloy na pandemya,” aniya. #
<< Home