Wednesday, July 21, 2021

-PANUKALANG MAGPAPALAKAS SA PHILIPPINE COMPETITION COMMISSION (PCC), APRUBADO NA

Inaprubahan ng Committee on Economic Affairs sa Kamara ang Ulat ng Komite at substitute bill na naglalayong palakasin ang Philippine Competition Commission (PCC), sa pamamagitan ng pag-amyenda sa ilang probisyon sa Republic Act 10667 o ang “Philippine Competition Act.”


Pinagsama ng substitute bill ang House Bill 6242 na inihain ni AAMBIS-OWA Rep. Sharon Garin, Chairperson ng Komite, at HB 5906 ni Marikina City Rep. Stella Luz Quimbo.


Ayon kay Negros Occidental Rep. Francisco Benitez, Chairman ng technical working group (TWG) na nagbalangkas ng mga panukala, na mananatiling nasa kahalagahan ang National Competition Policy sa pamamagitan ng pagmamandato sa mga ahensya at tanggapan ng pambansang pamahalaan, upang isulong ang pagka-episyente ng merkado at patatagin ang kapakanan ng mga konsyumer.


Tutulungan din ng pinagsamang panukala ang PCC sa pagpapatupad ng mga batas na may kaugnayan sa sahod at mga pagtatalaga.


Gagabayan din ng amyenda ang mga proseso para sa hybrid na rehimen sa compulsory-voluntary notification, para sa pagsasama at pagkuha sa pamamagitan ng compulsory noitification at pagrerepaso ng mga transaksyon na lagpas sa P50-bilyon.






“The premise here is that the hybrid allows us to maintain for large mergers and acquisitions a compulsory component, whereas is becomes voluntary for review while strengthening the motu propio and retroactive powers of the PCC should those below the P50-billion mark or threshold have been found to have been involved in an anti-competitive behavior,” ani Benitez.


Isinasaad din sa pinagsamang panukala ang pagtataas ng mga kaparusahan sa mga asal sa kontra-kompetisyon ng mga indibiduwal at pagpapalawak ng sakop ng mga paglabag na maaaring pahintulutan ng PCC.


Bukod pa rito, binanggit ni Quimbo na ang mga amyenda sa RA 10667 ay magdaragdag ng kapangyarihan sa PCC laban sa mga kartel ng mga pangunahing kalakal.


Inaprubahan din ng Komite ang substitute bill sa HBs 79, 1310 at 4693 o ang National Economic Development Authority (NEDA) Act, na iniakda nina Albay Rep. Joey Salceda, Deputy Speaker Wes Gatchalian at Tarlac Rep. Victor Yap, ayon sa pagkakasunod.


Nagdaos din ang Komite ng magkasanib na pagpupulong sa Komite ng Trade and Industry na pinamumunuan ni Navotas Rep. John Reynald Tiangco, at inaprubahan ang tatlong substitute bill na naglalayong itatag ang Special Economic Zones (SEZs) sa Oriental Mindoro, Ilocos Sur at Bislig, Surigao del Sur.


Pinalitan ng substitute bill ang HB 3071 na iniakda ni Oriental Mindoro Rep. Alfonso Umali Jr., HB 3898 ni Deputy Speaker Victor Savellano, kabilang ang HB 4285 ni Surigao del Sur Rep. Johnny Pimentel.         


#SpeakerLordAllanVelasco

#SpeakerLAV

Free Counters
Free Counters