Friday, February 28, 2020
Kumikilos ngayon nang tahimik si Marinduque Rep Lord Allan Velasco para maagang makaupo bilang Speaker ng House of Representatives gamit ang mga napipintong alokasyon sa pambansang badyet sa 2021.
Ito ay para kombinsihin umano ang mga kapwa kongresista na sumama sa plano niyang sunggaban nang mas maaga ang puwesto.
Ayon sa source sa loob ng Kongreso, ipinangangalandakan ni Velasco na tiyak na siya na ang uupong Speaker sa buwan ng Oktubre, kung kailan hihimayin ang pambansang badyet para sa 2021 sa Kamara.
Idinagdag pa nito na siya umano ang masusunod kung magkakaroon man ng alokasyon o wala sa mga proyekto ang mga congressman sa ilalim ng budget bill.
‘Di ako kumakagat nang patalikod — Lord
Mariing tinanggi ni Marinduque Rep Lord Allan Velasco ang ulat na binabalak niyang patalsikin sa puwesto si House Speaker Alan Peter Cayetano.
“I am issuing this statement to once and for all end baseless reports attributed to unnamed sources and sly innuendos being peddled by certain camps with vested interests within and outside the halls of Congress on the supposed ‘coup plan’ to change the leadership of the House of Representatives,” saad ni Velasco.
Aniya, pinalutang lamang ang isyu ng kudeta upang magkaroon ng malalim na hidwaan sa Kamara at ng mga miyembro.
Idinagdag pa ni Velasco na ang alegasyon laban sa kanya ay sumisira sa kanilang samahan at sagabal sa trabaho ng mga mambabatas lalo na sa pagsusulong ng legislative agenda ng administrasyong Duterte.
Tiniyak pa ni Velasco na patuloy niyang susundin ang term-sharing agreement nila ni Cayetano na kinasa mismo ni Pangulong Rodrigo Duterte noong Hulyo 2019. Sa 15-21 sharing agreement ng dalawa, maninilbihan si Cayetano ng 15 buwan hanggang Oktubre 2020 at 21 buwan naman si Velasco.
“From the beginning, I never had any intention of reneging on this agreement. Tayo po ay lalaking may isang salita,” diin ni Velasco
“To my colleagues in Congress, let’s continue to do our mandate to serve our constituency and provide services to people who elected us into office.
Our people deserve to enjoy the fruits of progress under President Duterte,” dagdag pa niya.
Nanindigan naman si Cayetano na si Velasco ang utak ng tangkang kudeta sa Kamara.
Sa ambush interview sa Taguig City, siniwalat ni Cayetano na inaalok umano ni Velasco ng chairmanship ang mga kongresista kung susuporta sa kudeta sa Kamara.
House joint resolution sa ABS-CBN franchise ‘di na kailangan
Hindi na kailangan pang maghain ng House Joint Resolution (HJR) para ma-extend ang franchise ng ABS-CBN habang dinidinig ang panukalang pag-renew dito.
Sinabi ni House Speaker Alan Peter Cayetano, na ang liham na ipinadala ng Mababang Kapulungan sa National Telecommunications Commission (NTC) ay pinaka “straightforward” na hakbang para payagan ang ABS-CBN na mag-operate habang nakabinbin pa ang franchise renewal nito sa kongreso.
Paliwanag ni Cayetano, ang paghahain ng HJR ay maaari lamang magdulot ng mga isyu at problema.
Sa ngayon umano ay pinaka simple ang direktiba ng Kamara sa NTC, ito ay huwag munang isara ang giant network habang dinidinig pa nila ang renewal ng prangkisa nito.
Nakasaad sa liham ng Kamara sa NTC ang hiling na pagkalooban ng provisional authority to operate ang ABS-CBN epektibo sa May 4, 2020 hanggang magkaroon ng desisyon ang kongreso sa aplikasyon nito.
Hinamon naman ni Cayetano ang sinumang nais na magkuwestyon sa nasabing hakbang na kuwestyunin na lamang ito sa korte, subalit kung maaari naman kunin ito sa pakiusapan ay pabayaan na muna umano silang mag-hearing bago hamunin sa korte.
Dagdag-pondo para sa AFP modernization kasunod sa pagbasura sa VFA, hiniling ni Speaker Cayetano
Aapela ang kamara kay Pangulong Duterte para madagdagan ang pondo ng AFP Modernization Program kasunod na rin ng pag-basura sa Visiting Forces Agreement sa pagitan ng Pilipinas at Amerika.
Ayon kay House Speaker Alan Peter Cayetano, nakikipag-ugnayan na siya sa AFP upang alamin kung ano ang mga gamit na kulang at mga proyektong dapat gawin para mapalakas ang kapabilidad ang AFP.
Aniya, maaaring iakyat ng hanggang sa P5-B ang pondo para sa modernization program para sa rehabilitasyon ng mga eroplano ng Airforce sa halip na bumili sa ibang bansa.
Dagdag din nito na hindi naman makakaila na dahil sa tulong ng Estados Unidos ay lumakas ang defense capabilities ng AFP pero ngayong rin aniya masusubok ang totoong pagkakaibigan ng Pilipinas at US.
Sa huli, naniniwala si Cayetano na dating nagsilbi bilang Foreign Affairs Secretary sa ilalim ng admnistrasyon na tama at napapanahon ang hakbang ng Pangulo laban sa VFA para ma-improve ang kapasidad ng Armed Forces.
Pagbili ng mga gulay, dapat direkta sa mga magsasaka, panghihimok ng isang mambabatas
Hinimok ni MAGSASAA Partylist Rep Argel Cabatbat ang mga pribadong kompanya at indibidwal na bumili ng mga gulay direkta sa mga magsasaka at farmers organization bilang bahagi ng kanilang Corporate Social Responsibility o CSR.
Ayon kay Cabatbat, bagamat sinusubukan ng maraming pamahalaan na ayusin ang sitwasyon at tanggalin ang mapagsamantalang sistema ng presyuhan at kitaan sa pagsasaka, malaki ang pangangailangan para sa mga pribadong indibidwal at kumpanya na direktang tulungan ang mga magsasaka.
Nitong nakaraang mga araw, lumabas ang balita ng pagdausdos ng presyo ng mga gulay sa mga trading posts sa bansa.
Aniya, bumagsak ng apat hanggang pitong piso ang presyo ng mga produkto gaya ng repolyo kada kilo.
Dagdag pa ng mambabatas ang paggawa ng programa na nagtutulay sa magsasaka at mga pamilyang Pilipino, at pagtulong upang magkaroon ng plataporma ang mga magsasaka na ipahayag ang mga tunay na pangyayari sa kanilang industriya ay ilan lamang sa mga inisyatibong maaaring gawin ng mga ordinaryong Pilipino.
Isantabi muna ang usaping coup plot na umuugong sa Kamara, hiling ng isang solon
Hiniling ni Puwersa ng Bayaning Atleta (PBA) Party-list Rep Jericho Nograles kina House Speaker Alan Peter Cayetano at Marinduque Congressman Lord Allan Velasco na isantabi muna ang usaping coup plot na umuugong ngayon sa Kamara.
Sa halip, sinabi ni Nograles na magkamayan at ipakita nina Cayetano at Velasco sa publiko upang magkaroon ng katiyakan ang mga Filipino na nakatutok ang Kongreso sa pagpasa ng mga makabuluhang batas na makapagbibigay ng masaganang buhay.
Ayon pa kay Nograles walang saysay ang bantang pagpapatalsik kay Cayetano sa pwesto dahil ilang buwan na lamang ang nalalabi para opisyal na maupo si Velasco bilang House Speaker na bahagi ng term sharing agreement sa mungkahi na rin ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Kahapon aniya ng umaga, nag-release ng statement si Velasco na walang kudeta at wala itong balak na i-dishonor ang term-sharing agreement.
Dagdag pa ni Nograles, hindi rin sinusuportahan ng mga miyembro ng Kamara ang anumang pagkilos para sirain ang term-sharing agreement sa pagitan nina Speaker Cayetano at Velasco dahil lalabas na pagkontra ito sa posisyon ni Pangulong Duterte.
Hindi rin aniya ganun kadaling makakuha ng numero sa Kamara para patalsikin ng isang speaker.
ML Benny Abante, hindi agad pinayagang makapasok sa Jeddah, Saudi Arabia
Hindi agad pinayagan na makapasok ng Jeddah Kingdom of Saudi Arabia si House Minority Leader at Manila Rep Benny Abante dahil sa banta ng covid-19.
Noong miyerkules, patungo ng Jeddah ang mambabatas saoay ng Emirates airline para sa serye ng konsultasyon sa para panukalang pagbuo ng Dept of OFW.
Ayon sa Chief of Staff at anak ng mambabatas na si Atty Princess Abante, hindi pinayagan na makapasok ng Jeddah ang mga pasahero ng flight na sinakyan ng solon matapos magpatupad ang Saudi ng 48hr precautionary quarantine period dahil sa covid-19.
Batay sa ulat ng Saudi News, ipinatupad ang naturang quarantine measure matapos magpositibo sa virus ang 7 Saudi nationals mula Bahrain at Kuwait lalo't inaasahan na rin ang pagdagsa ng nasa 1 milyong Umrah pilgrims.
Agad naman daw inasikaso ng konsulado si Abante at kanyang team at binigyan ng temporary visa para makapasok naman muna sa Dubai hanggang matapos ang itinakdang quarantine period.
Tugon sa ulat na 70,000 grade school pupils sa Bicol na hindi nakakapag-basa, panukalang Comprehensive Educational Reform
Nanawagan si Albay Rep Joey Salceda para sa agarang pagpapasa ng nasa apat na panukalang batas na bahagi ng kanyang Comprehensive Education Reform Agenda.
Ito ang tugon ng mambabatas sa ulat ng DEPED na nasa 70,000 na grade-school pupils mula Bicol ang hindi nakakapag-basa.
Ayon kay Salceda, maituturing na isang “economic ticking time bomb” ang naturang problema.
Paliwanag niya kung ang rate ng latent illiteracy ay magkaka-halintulad sa lahat ng rehiyon, nasa 2 percent ng national income kada taon ang mawawala sa bansa oras na magsimulang magtrabaho ang mga mag-aaral na ito.
Kabilang sa Comprehensive Education Reform Agenda ni Salceda ang HB06231 (Teacher Empowerment Act), HB06247 (K to 12 Reform Act) at HB06287 (Meister Schools Act).
Isinusulong din ni Salceda ang pagsasabatas ng HH06295 o Universal Free School Meals Program dahil mas matututo aniya ang mga estudyante kapag busog ang mga ito habang nasa paaralan.
Bukod dito, nakatakda ring maghain ng panukala ang mambabatas para sa pagkakaroon ng remedial at after-school programs.
Kumpiyansa si Salceda na mayroon pang sapat na panahon upang maihain ang lahat ng panukala para sa CERA bago matapos ang buwan.
Mga pampublikong sasakyan at TNVS, inoobligang maglagay ng dashcam, CCTV at GPS
Ipinanukala sa Kamara ang pag-oobliga sa lahat ng public utility vehicles sa bansa na maglagay ng dashboard camera, CCTV at global positioning system (GPS) bago mapayagan na magserbisyo sa publiko.
Sa gitna ito ng pagdami ng mga aksidente at krimen na nangyayari o kinasasangkutan ng mga pampublikong sasakyan.
Itinutulak sa House Bill 3341 na kailangang mainstall sa PUV ang security devices sa loob ng isang taon at kung hindi makasusunod ay maaaring mapagmulta sa bawat paglabag at posibleng makansela ang lisensya at rehistro kung paulit-ulit ang paglabag.
Kahit ang paglalagay ng depektibong security devices, pagputol o pagbura sa footages gayundin ang hindi awtorisadong paggamit, paglalathala, pagbebenta at pagbili ng video footages at GPS information ay may katapat ding mas mabigat na parusa o multa.
Ang mga video footage ay mananatiling confidential at magagamit ng LTFRB o iba pang ahensya ng gobyerno sa pagsisiyasat at pagtutugis ng mga may kasalanan sa batas.
Mayroon namang special loan program at scheme para matulungan ang mga operator at kumpanya na makabili ng kinakailangang security cameras at GPS.
Drug test sa mga aplikante ng drivers license, ibabalik
Ibalik ang implementasyon ng drug test sa mga aplikante ng lisensya sa pagmamaneho, giit ng isang kongresista
Sa gitna na rin ng sunud-sunod na aksidenteng kinasasangkutan ng mga drayber na hinihinalang gumagamit ng ilegal na droga, hinihimok ang Kamara na kumilos upang ibalik ang mandatory drug testing sa pagkuha ng driver's license.
Dismayado si Samar Rep Edgar Mary Sarmiento, chairman ng House Committee on Transportation, dahil inalis ng Land Transportation Office o LTO ang requirement sa aplikasyon na sumalang muna sa drug testing sa pagkuha ng lisensya.
Nais ng kongresista na ma-amiyendahan ang Republic Act 10586 o ang Anti-Drunk and Drugged Driving Act upang ibalik ang mandatory drug testing.
Sa pinakahuling aksidente, isang Grade 8 student ang namatay habang may ilang iba pang sugatan nang ragasahin ng jeepney driver na nagpositibo sa ilegal na droga.
Dagdag pa ni Sarmiento, noong 2017, mayroong 31 ang namamatay araw-araw dahil sa aksidente at karamihan sa mga ito ay kinasasangkutan ng drayber na kung hindi lasing ay nasa ilalim ng impluwensya ng ilegal na droga.
Pagtanggi ni Velasco sa "coup plan,” hindi tinanggap ni House Speaker Cayetano
Hindi tinanggap ni House Speaker Alan Peter Cayetano ang pagtanggi ng kahati niya sa speakership post na si Marinduque Rep Lord Alan Velasco hinggil sa namonitor nito na "coup plan" o planong patalsikin siya sa pwesto.
Ayon kay Cayetano, namonitor niya na may mga pagalaw ang kampo ni Velasco at ginagamit ang isyu sa budget at franchise ng ABS- CBN para siraan ang kaniyang pamumuno.
Hamon ni Cayetano sa mga chairmanships ng mga komite sa kamara, bumaba sa pwesto at antayin na maupo si Velasco bilang Speaker at huwag idamay ang trabaho ng kamara na ipasa ang legislative agenda ng administrasyon.
Nauna nang sinabi ni Cayetano na may 20 mambabatas ang nagbanggit sa kaniyan na inaalok sila ng kampo at mismo ni Velasco ng committee chairmanships.
Nauna nang nilinaw ni Velasco na wala siyang nilulutong "coup" para kay Cayetano at iginagalang nito ang term sharing agreement.
Mga chairman ng House Committees, tatanggalin ni Cayetano kung mapatunayang kasama sa pananabotahe sa Kamara
Nagbanta si House Speaker Alan Peter Cayetano na tatanggalin niya ang ilang chairman ng komite sa Kamara kung magpapatuloy ang pananabotahe nila sa institusyon.
Ayon kay Cayetano, kung hindi hihinto sa pananabotahe ang ilang mga committee chairman na umanoy kaalyado ni Marinduque Rep Lord Allan Velasco, ay hindi siya mangingimeng palitan ito sa pwesto.
Hinamon din ng House Speaker ang mga ito na bumaba nalamang sa pagka-chairman ng komite at bumalik nalamang sa posisyon kapag si Velasco na ang lider ng Kamara.
Nauna nang nakarating sa kampo ni Cayetano na inaalok umano ni Velasco ang ilang house members ng committee chairmanships at ginagamit umano ang issue sa budget at ABS- CBN franchise para itoy siraan.
Sa huli, tiniyak ni Cayetano ang proactive na pamamahala sa kamara sa ilalim ng kaniyang liderato.
Thursday, February 27, 2020
Castro: Ligaw at halang ang kaluluwa ang nagpakalat ng isyu sa pagpigil ng release ng pondo para sa mga mambabatas
Hinamon kahapon ni Capiz Rep Fredenil Castro ang “ligaw at halang ang kaluluwa” na nagpakalat ng balita na mayroon umanong tumatrabaho na pigilin ang pag-release ng mga congressional project ng mga mambabatas sa ilalim ng 2020 national budget.
Sinabi ni Castro sa isang privilege speech na may bumulong sa kanya na isang paru-paro tungkol sa hindi kanais-nais na planong i-deprive ang mga distrito sa buong bansa sa kanilang mga kinakailangang mga proyekto upang mapa-unlad ang kanayunan.
Hindi niya pinangalanan kung sino ang sinasabi niyang ligaw na kaluluwa ngunit nangako naman ito na kanyang isiwalat ang pagka-kilanlan nito sa takdang panahon.
Velasco: Walang katutuhanan ang “coup plan” para palitan ang kasalukuyang liderato ng Kamara
Pinabulaanan ni Marinduque Rep Lord Allan Velasco na mayroong “coup plan” para palitan ang kasalukuyang liderato ng Kamara.
Sinabi ni Velasco na walang katotohanan ang isyu at sinisira lamang nito ang camaraderie o ang samahan ng mga kongresista at naglilikha lamang ito ng dibisyon sa mababang kapulungan para tuparin ang lagislative agenda ng administrasyon.
Ayon sa kanya, kinikilala nito ang term sharing agreement sa pagitan nila ni House Speaker Alan Peter Cayetano at ni kailanman ay hindi sumagi sa isip nito na buwagin ang kasunduan.
Matatandaang mismong si Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang nagpanukala sa term sharing agreement kung saan si Cayetano ang unang uupo bilang Speaker sa unang 15 buwan ng 18th Congress habang si Velasco ang tatapos sa natitirang termino at ibinigay ang House Majority Leader post kay Leyte Rep Martin Romualdez.
Sa huli, hinikayat ni Velasco ang mga kapwa niyang mga mambabatas na ipagpatuloy lamang ang kanilang mandato sa bayan sa halip na maniwala sa mga haka-haka.
Wednesday, February 26, 2020
Speaker Cayetano: Madaliin ang mga infrastructure projects upang ma-offset ang epekto ng Covid-19 sa turismo at economiya ng bansa
Hiniling ni House Speaker Alan Peter Cayetano sa mga economic at infrastructure team na bilisan ang mga infrastructure projects ng gobyerno upang mapagaan nito ang epekto ng Covid-19 sa ekonomiya ng Pilipinas, lalo na sa tourism industry.
Habang walang katiyakang mawala pa ang Covid-19 at naaapektuhan ang torismo, umapila si Cayetano sa economic at infrastructure team na agahan ang pag-release at pagpapagawa ng mga infrastructure projects.
Sa nakaraang joint hearing House Committees on Economic Affairs and Tourism, iniulat ng Department of Tourism inaasahang malulugi ang local tourism industry ng P42.9 billion mula February hanggang April nitong taon dahil sa virus.
Sinabi ni Cayetano na makalilikha ng maraming trabaho para sa mga Filipino at lalong lalago ang ekonomiya na nakalinya sa ilalim ng Duterte administration’s Build, Build, Build program gayundin ang ibang government small, medium, and large scale infrastructure projects.
Tuesday, February 25, 2020
Power bloc sa Kamara, nabahala sa napipintong power shortage ngayong summer
Nagpahag ng pagka-bahala ang power bloc o ang mga partylist electric cooperatives sa Kamara sa napipintong power shortage at pagtaas ng singil sa kuryente ngayon darating na tag-init.
Sa pulong balitaan, sinabi ni Apec partylist Rep Sergio Dagooc malaki ang magiging epekto nito sa lahat ng gumagamit ng kuryente dahil na rin sa kakulangan ng planta na tumatayong ancillary services grid at bagong mga planta na pupuno naman sa tumataas na taunang pangangailangan sa kuryente.
Sa kasalukuyan, sinabi ni Dagooc na iisa na lang ang natitirang main government owned ancillary plant sa Luzon, ang Kalayaan Pump Storage Power Plant sa Caliraya-Botocan-Kalayaan Complex.
Batay sa datos ng Wholesale Electricity Spot Market o WESM noong 2019, tuwing tag-init, buwan ng Abril hanggang Hunyo, pinakamataas ang Spot Settlement Price dahil sa pagnipis ng supply ng kuryente.
Sinabi naman ni Philreca partylist Rep Wesley de Jesus nagpapatunay lamang na ang kakulangan ng mga bagong planta ng kuryente ay hindi na sapat ang available capacity upang matugunan ang annual demand growth rate lalo na sa Luzon.
Pagtalakay sa ABS CBN franchise renewal sa Kamara posibleng matagalan pa
Posibleng matagalan pa ang pagtalakay ng House Committee on Legislative Franchises sa franchise renewal bid ng ABS -CBN Corporation .
Ayon kay Isabela Rep Tony Pet Albano na siya ring Vice Chairman ng komite, sa ngayon ay wala pang pormal na pagdinig ang house panel para sa prangkisa ng kapamilya network dahil sa tatalakayin pa aniya ng mga myembro ng komite ang merito ng mga pro at against sa franchise renewal ng ABS-CBN.
Kasabay nito ay nilinaw din ni Albano na magmomosyon lamang ang kanilang Chairman na si Palawan Rep Franz Alvarez , na tinatanggap na nito ang position papers ng mga kongresista patungkol sa renewal ng prangkisa ng giant network .
Una nang sinabi ni Speaker Alan Peter Cayetano na posibleng pagkatapos pa ng SONA o sa Agosto na ito mauumpisahang dinggin sa Kamara.
Iginagalang ng Kamara ang ginawang imbestigasyon ng Senado sa franchise renewal ng ABS-CBN.
Ayon kay House Committee on Legislative Franchises Franz Alvarez, inirerespeto nila ang separation of powers ng dalawang kapulungan.
Mayroon naman aniyang hiwalay na imbestigasyon dito ang Kamara at oobserbahan nila kung anuman ang magiging resulta ng pagsisiyasat ng Senado.
Wala ring pressure sa Kamara ang ginawang public hearing ng Senado kaugnay sa franchise renewal ng broadcast network.
Sa kasalukuyan ay mayroong 11 panukala na nakabinbin sa Kamara na nag eendorso sa franchise renewal ng giant network at hindi pa ito natatalakay kahit na nakatakda itong mag expire sa Marso 30.
Tiniyak naman ng chairman ng komite na aaksyunan nila ang nasabing isyu sa pagitan ng Mayo o Agosto bagamat hindi pa ito nai-ka-kalendaryo.
Pagpapatuloy ng operasyon ng ABS-CBN matapos mag-expire ito, di pa rin matiyak ng kamite sa Kamara
Hindi matiyak ng House Committee on Legislative Franchises ang pagpapatuloy ng operasyon ng ABS-CBN bunsod ng pagkabinbin sa pagdinig ng prangkisa ng network.
Ayon kay Committee on Legislative Franchises Chairman Franz Alvarez, ipauubaya na nila sa National Telecommunications Commission (NTC) ang pagpapatuloy ng operasyon ng ABSCBN sa kabila ng nagbabadyang pagkapaso ng franchise sa March 30.
Paliwanag ni Alvarez, mayroong memorandum of understanding noong 1994 ang NTC at Mababang Kapulungan na kung saan habang nakabinbin ang pagdinig sa franchise renewal, maaaring makapag-operate ang network.
Bukod dito, naging practice na rin noon ng Kamara na hindi ipagbawal ang operasyon ng isang broadcast company habang naka-pending ang pagdinig sa prangkisa.
Ayaw namang manghimasok na ng Kamara sa magiging desisyon ng DOJ sa quo warranto at ipapaubaya sa NTC kung pagbabatayan ito para mapahinto ang operasyon ng ABSCBN.
Samantala, ngayong araw ay inumpisahan na ng komite ang pagtanggap sa position papers sa franchise ng ABS-CBN.
Friday, February 21, 2020
Panukalang wakasan ang "ENDO" sa mga government workers, lusot na sa committee level sa Kamara
Aprubado na ng House Committee on Civil Service and Professional Regulation ang panukalang batas na layong wakasan ang end of contract o ENDO sa mga kawani ng pamahalaan.
Ayon kay Iligan City Rep. Frederick W. Siao, ang chairman ng komite, inaprubahan ng panel ang substitute bill na nagco-consolidate sa may labing apat na panukalang batas na nagsusulong ng regularisasyon at civil service eligibility sa mga contractual, job order, and casual government employees.
Dahil sa development, umaasa si Siao na aangat ang kalagayan ng mahigit sa animnaraang libong endo workers sa gobyerno lalo na yung mga nagtatrabaho sa LGU's na nasa mahigit apatnaraang libo ang bilang.
Samantala, bukod sa anti-endo na panukala ay inaprubahan din ng committee ang House Bill 1485 na layong kilalanin ang Microbiology bilang isang propesyon.
Ayon kay Siao, malaking hakbang pagkakapasa ng panukala sa gitna narin ngayon ng coronavirus disease scare sa buong mundo dahil importante ang microbiology sa larangan ng kalusugan at medisina.
Napipintong pag-dinig ng Senado sa prangkisa ng ABS-CBN, sinita ng House Speaker
Sinita ni House Speaker Alan Peter Cayetano ang napipintong pag-dinig ng Senado sa prangkisa ng ABS-CBN sa susunod na linggo.
Sa ambush interview kay Cayetano sa Zambales, sinabi nito na malinaw na nakasaad sa saligang batas na sa mababang kapulungan dapat mag-mula ang franchise bills.
Dagdag pa nito, magsagawa man ng hearing ang senado ay wala naman silang tatalakaying prangkisa dahil wala pa namang naipapasa sa kamara.
Mas maigi aniya kung hihintayin na lamang ng mataas na kapulungan ang resulta ng kanilang pag-dinig dahil magkakaroon na sila ng mga record ng pahayag ng mga pabor at hindi pabor sa franchise renewal ng media network.
Muli ring binigyang diin ni Cayetano na hindi magkakaroon ng shutdown sa network oras na mapaso ang prangkisa nito sa March 30.
Aniya nakikipag-ugnayan na sila sa National Telecommunications Commission upang pahintulutan ang network na magpatuloy sa operasyon habang naka-binbin pa ang pagdinig ng kamara sa kanilang franchise renewal.
Mas malaki naman ang tyansa ayon kay Cayetano na pagkatapos na ng SONA madidinig ng kamara ang prangkisa ng ABS-CBN. Kahit aniya kasi dinggin nila ito ngayon at kahit pa sa kalagitnaan ng kanilang recess ay hindi naman ito maisasalang sa plenaryo.
Maikli lamang rin aiya ang session days nila sa pagbablik sesyon matapos ang Holy Week break habang mas mahaba-haba ang panahon pagkatapos ng SONA kung saan tatlong buwan halos ang kanilang sesyon.
2020 GAA, sisiliping muli upang matiyak kung mayroon ba talagang realignment
Bukas si House Committee on Good Government Chair at Bulacan Rep. Jonathan Sy-Alvarado na balikan ang 2020 National Budget at aralin muli kung mayroon nga bang P80 billion na congressional realignment sa pambansang pondo.
Ito ay kasunod ng rebelasyon ni Sen Panfilo Lacson na imbes na gamitin ang veto power ay hindi na lang pinayagan ng Pangulong Duterte at ng DBM ang pagre-release ng nasa P80 billion mula sa 'build build build' program ng administrasyon patungo sa mga pet projects ng kanilang mga distrito.
Ayon kay Sy-Alvarado, nang kanilang aralin at aprubahan sa bicameral conference committee ang 2020 GAA, kung saan kapwa sila miyembro ni Lacson, ay wala naman siyang nakitang realignment.
Maigi rin aniya kung hiwalay na babalikan at sisilipin ng senado at Kamara ang kani-kanilang pondo upang matukoy ang sinasabing realigned funds.
Prangkisa ng ABS-CBN, pinag-uusapan araw-araw sa Kamara
Sinabi ni House Speaker Alan Peter Cayetano na araw-araw ay pinag-uusapan sa Kamara ang franchise bill ng ABS- CBN na ngayon ay nakatengga parin sa House Committee on Legislative Franchises.
Mula nang i-file ang franchise bill ng kapamilya network noong 16th Congress hanggang ngayon ay hindi parin umuusad sa committee level ang panukala.
Pinipressure ng mga kasamahan niya sa Kamara ang lider nito na pa-aksyunan na sa komite ang 11 panukalang batas para sa ABS-CBN franchise renewal dahil sa nalalapit na ang holyweek break ng Kongreso sa March 14, subalit, sa pagtaya ng House Speaker, posibleng sa Mayo pa maaksyunan ng komite ang renewal bid ng dos.
Samantala, sa kaniyang pahayag sa social media, iginiit ng House Speaker na lumulutang na ngayon kung sino-sino ang mga mambabatas sa senado at kamara ang kakampi ng kumpanya.
Sa kamara, sina Albay Rep. Edcel Lagman at Buhay Partylist Rep. Lito Atienza ang ilan sa mga kongresista na bukal ang panawagan sa renewal ng franchise network. ng ABS-CBN, pinag-uusapan araw-araw sa Kamara
Sinabi ni House Speaker Alan Peter Cayetano na araw-araw ay pinag-uusapan sa Kamara ang franchise bill ng ABS- CBN na ngayon ay nakatengga parin sa House Committee on Legislative Franchises.
Mula nang i-file ang franchise bill ng kapamilya network noong 16th Congress hanggang ngayon ay hindi parin umuusad sa committee level ang panukala.
Pinipressure ng mga kasamahan niya sa Kamara ang lider nito na pa-aksyunan na sa komite ang 11 panukalang batas para sa ABS-CBN franchise renewal dahil sa nalalapit na ang holyweek break ng Kongreso sa March 14, subalit, sa pagtaya ng House Speaker, posibleng sa Mayo pa maaksyunan ng komite ang renewal bid ng dos.
Samantala, sa kaniyang pahayag sa social media, iginiit ng House Speaker na lumulutang na ngayon kung sino-sino ang mga mambabatas sa senado at kamara ang kakampi ng kumpanya.
Sa kamara, sina Albay Rep. Edcel Lagman at Buhay Partylist Rep. Lito Atienza ang ilan sa mga kongresista na bukal ang panawagan sa renewal ng franchise network.
Sa Kamara dapat mag-uumpisa ang pagtalakay ng prangkisa
Sinita ni House Speaker Alan Peter Cayetano si Senator Grace Poe na Chairman ng Senate Committee on Public Services kaugnay sa gagawing pagdinig ng Senado sa ABS-CBN franchise sa Lunes.
Giit ni Cayetano, nilalabag ng Senado ang nakasaad sa Konstitusyon dahil malinaw sa Saligang Batas na nag-uumpisa sa Kamara ang pagapruba sa franchise.
Ayon sa Speaker, sang-ayon siya sa pagkwestyon ni Senate President Tito Sotto III kay Poe kung ano ang didinggin nito gayong hindi pa naman nasisimulan ng Kamara ang franchise hearing.
Kapag ibinasura ng Mababang Kapulungan ang franchise ng network ay wala namang dapat dinggin ang Senado.
Mainam naman na hintayin na lamang ng Senado ang resulta ng pagdinig sa Franchise ng Kamara upang magkaroon sila ng records ng mga may gusto at ayaw sa franchise.
Thursday, February 20, 2020
Pension plang ng senior citizens, tataasan
Bumuo ng isang Technical Working Group (TWG) ang House Special Committee on Senior Citizens para pag-isahain ang 23 panukalang batas na layong taasan ang social pension ng mga seniors sa buong bansa.
Ayon sa Chairman ng special committee na si Senior Citizens Partylist Rep. Francisco "Jun" Datol, magsasagawa ng konsultasyon ang TWG sa lahat ng mga stakeholders para mataasan sa lalong madaling panahon ang pensyon ng mga qualified elderly.
Si Kabayan Partylist Rep. Ron Salo ang hahawak sa TWG sa pag-asang mabuo ang consolidated bill sa natitirang 12 session days bago ang holy week break ng kongreso sa susunod na buwan.
"That's why the inputs from the implementing agencies are important and why we also have to consult experts and leaders of seniors' groups. The TWG and committee have to check and countercheck the numbers and underlying data," wika ni Datol.
Samantala, umaasa naman si Datol na sisipot na sa susunod nilang committee hearing ang pamunuan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) para masagot ang lahat ng reklamo hinggil sa mabagal na issuance ng pensyon.
"DSWD and some other agencies were unable to send ranking officials to today's hearing. We hope they will show up in the next hearings and TWG consultations," ani Datol.
Matatandaan na kinuwestyon sa kamara ang mabagal na pagbibigay ng DSWD sa pensyon ng mga senior citizens na may P23 Billion na pondo noong 2019 para sa mahigit 3 milyong indigent seniors sa buong bansa.
Amiyenda sa Saligang Batas, bigong maisagawa ng Komite
Bigo ang House Committee on Constitutional Amendments na pagbotohan ang panukala para amyendahan ang 1987 Constitution.
Paliwanag ni Cagayan De Oro Rep. Rufus Rodriguez, marami kasi sa mga myembro ng komite at ex-officio members ang nais na himayin at talakayin pa ang charter change dahil sa bagong proposal na mula sa Inter-Agency Task Force on Federalism (IATF) dahilan kaya malabo pa itong mapagbotohan ngayon.
Bukod dito, nasa page 4 pa lamang sila sa mahigit na 20 pahina ng proposal mula sa gobyerno.
Giit ni Rodriguez, hindi nila ito pwedeng madaliin dahil baka matulad noong Disyembre na inaprubahan nila ang chacha pero inulan ng batikos dahil ginawa ang approval sa isang executive session.
Hindi rin matiyak ni Rodriguez kung kailan maaaprubahan ang chacha dahil depende ito sa itatagal ng pagtalakay ng mga myembro ng komite.
Sa ngayon ay natalakay na ng mga myembro ng komite ang territory, anti-turncoatism, anti-dynasty, terms of office, regional election ng mga senators, at ang mandanas ruling o dagdag na share ng LGUs.
Utang sa gobyerno ng mga malalaking kumpanya ng kuyente, aabot sa P100 bilyon
Aabot sa P100 bilyong piso ang hindi nababayarang utang ng mga malalaking kompanya ng kuryente sa gobyerno.
Sa isang press conference, sinabi ni AnakKalusugan Party list Rep. Mike Defensor, chairman ng House committee on public accounts nangunguna ang Meralco na may utang sa Power Sector Assets and Liability Management Corporation (PSALM) sa halagang P15 bilyong piso.
Sinabi ni Defensor ipapatawag ng kanyang komite ang mga opisyal ng Meralco upang tiyakin na hindi maipapasa ang utang na P15 bilyong piso sa taumbayan.
Ipapatawag din sa hearing ang San Miguel Corporation, Aboitiz, Northern Renewable Energy at iba pang electric cooperatives sa bansa.
Sinabi naman ni Bulacan Rep. Jose Antonio Sy-Alvarado, chairman ng House committee on good government kungq sa P11 bilyong piso utang ng Maynilad at Manila Water nagalit si Pangulong Rodrigo Duterte, lalo itong magagalit kapag nalaman ganitong kalaki ang utang ng malalaking kompanya.
Malaki aniya ang magiging koleksyon ng gobyerno kapag nasingil sa Meralco ang P15 bilyong pisong utang nito. Babantayan din ng kanilang komite ang mga malalaking negosyo dahil nandito ang talamak na kurapsyon.
Sinabi nina Defensor at Sy-Alvarado matapos nilang makipag-usap kay Speaker Alan Peter Cayetano, ipaparating nila ang mga bagay na ito sa kaalaman ng Punong Ehekutibo.
Bumuo ng command center ang PAGCOR kasama ang Department of Justice na may mandatong tutukan ang cybercrime.
Sa hearing sa kamara, iginiit ni Atty. Jose Mari Tria Jr, Vice president ng PAGCOR Offshore Gaming, ginawa ang task force upang maayos na matugunan ang mga POGO related crimes sa bansa.
Popondohan ng PAGCOR ang command center habang sa DOJ naman mangagaling ang manpower.
Sa pamamagitan nito ay matitiyak na magkakaroon ng case filing sa tuwing magsasagawa ng raid ang law enforcement agencies at magkakaroon ng direktang access sa Chinese police at Chinese embassy.
Batay sa datos ng PNP-Anti Kidnapping Group mula 2019 hanggang 2020, nasa 10 insidente na ng POGO related kidnapping ang naitatala habang 36 na suspect ang naaresto at 8 kaso ang naihain sa korte.
Charter Change o Cha-Cha bigong pagbotohan sa committee level sa kamara ngayong araw
Naunsyami ang nakatakdang botohan sana ngayong araw ng House Committee on Constitutional Amendments sa panukalang amyendahan ang 1987 Constitution.
Ayon kay Cagayan De Oro City Rep. Rufus Rodriguez, hindi natuloy ang naka set na botohan sa Charter Change o Cha Cha ngayong araw matapos na hilingin ng karamihan sa mga myembro ng komite at mga ex-officio members nito na himayin at talakayin pa muna ang bill dahil sa bagong proposal na mula sa Inter-Agency Task Force on Federalism (IATF).
Paliwanag pa ni Rodriguez sa ngayon ay malabo pa aniyang mapagbotohan ang panukala dahil maraming dapat busisiin dito at sa katunayan aniya ay nasa page 4 pa lamang sila sa mahigit na 20 pahina ng proposal mula sa gobyerno.
Giit ng mambabatas ayaw nilang madaliin ang pagapruba sa ChaCha upang maiwasan narin ang mga batikos tulad ng nangyari aniya noong Disyembre na inaprubahan nila ang panukala sa isang executive session.
Sa kabalia nito ay natalakay naman ng komite ang territory, anti-turncoatism, anti-dynasty, terms of office, regional election ng mga senators, at ang mandanas ruling o dagdag na share ng LGUs.
Sa ngayon ay blanko pa si Rodriguez kung kailan maaaprubahan ang chacha dahil nakadepende aniya ito sa takbo ng diskusyon sa komite.
Nadiskubre sa Kamara na may pakaka-utang ang PSALM sa gobyerno
Natuklasan nina Anakalusugan party-list Rep. Mike Defensor, chairman ng House committee on public accounts at Bulacan Rep. Jose Sy-Alvarado, chairman ng House committee on good government na umaabot sa P95 Billion ang utang ng mga malalaking negosyante sa Power Sector Assets and Liabilities Management Corporation o PSALM sa pangunguna ng South Premier Power Corporation (SPPC) at Manila Electric Company.
Ito ay nadiskubre kahapon sa pinagsanib na pagdinig ng dalawang nabanggit na komite sa Kamara de Representantes.
Ang SPPC ay pag-aari ng San Miguel Corporation ni Ramon Ang ay may atraso umano sa PSALM na aabot sa P23.9 Billion habang P14.9 Billion naman ang utang ng Meralco na pag-aari naman ni Manny Pangilinan.
Sinabi ni Defensor na kung nagalit si Pangulong Duterte sa mga water concessionaires sa P11 Billion, dito pa kaya na P95 Billion na ayaw bayaran ng mga private companies at tiyak na sasabog aniya si Pangulo sa galit dito.
Nabatid sa nasabing pagdinig na bumili ng asset ng National Power Corporation (Napocor) ang mga pribadong kumpanya subalit nang maningil na ang PSALM sa mga ito ay tumakbo sila sa Korte Suprema.
Hindi umano makasingil ang PSALM na siyang nangangasiwa ngayon sa mga assets ng Napocor na isinapribado dahil sa Electric Power Industry Reform Act (EPIRA).
Dahil dito, sinabi ni Defensor na ipapatawag ang mga nabanggit na kumpanya sa susunod na pagdinig at kailangang masingil umano ang mga ito.
Tulad ni Defensor, naniniwala si Alvarado na tiyak na ikagagalit ni Duterte ang isyung ito dahil walang ibang pinahihirapan ng mga kumpanyang ito kundi ang mga tax payers.
Wednesday, February 19, 2020
Non-compliance ng mga maritime schools sa STCW for Seafarers, paiimbestigahan sa Kamara
Paiimbestigahan ni Marino Party-list First Rep Sandro Gonzalez sa Kamara ang non-compliance ng mga maritime schools sa Standards of Training, Certification and Watchkeeping o STWC for Seafarers.
Sinabi ni Gonzalez na nakaka-dismaya na ang report ng Marina na 61 sa 91 maritime schools sa bansa ang napipintong ipasara dahil sa hindi pagsunod sa international standards para sa mga seaman.
Aniya, nakakabahala ang ulat na ito lalo’t kasalukuyang sumasailalim ang bansa sa audit ng European Maritime Safety Agency kung nasusunod ba ang STCW.
Sa parte naman ni Marino Party-list Second Rep Macnell M. Lusotan, sinabi nito na maaaring ang problema ay ang hindi malinaw kung sino sa dalawang nabanggit ahensiya ang responsable sa anumang atas; maaaring dind kurapsiyon o incompetence kung kaya’t marapat lamang na kagyat na matugunan ang mga problemang ito.
Kung magkataon, maaaring hindi na bigyan o kilalanin ng European Union ang certificates ng pinoy seafarers na malaking dagok sa kanilang trabao at employability.
Hindi matanggap ng mambabatas kung paanong sa mahabang panahon ay ipinagkibit balikat lamang ito ng mga opisyal ng pamahalaan.
Sa kasalukuyan magkatuwang ang Commission on Higher Education at Maritime Industry Authority sa pamamalakad ng mga maritime schools sa bansa sa ilalim ng EO 63.
Tuesday, February 18, 2020
Panukalang mapapataw ng mabigat na parusa sa pang-aabuso sa mga bata, sa pananampalataya at diskrinasyon, pasado na Kamara
Sa botong 228, inaprubahan ng Kamara sa pangatlo at pinal na pagbasa ang panukalang batas na magpapataw ng mabigat na parusa sa pang-aabuso sa mga bata, pananamantala, at diskriminasyon.
Inamiyendahan din ng HB00137 ang Republic Act No. 7610, ang Special Protection of Children Against Child Abuse, Exploitation and Discrimination Law.
Sa ilalim ng inaprubahan batas, hahatulan ng reclusion perpetua o habang-buhay na pagkakulong ang sinumang indibiduwal na kumuha, gumamit, manghikayat o mamilit ng isang menor de edad upang ilathala sa mga malalaswa o bastos na mga pahayagan.
Sinabi ni House Speaker Alan Peter Cayetano, patunay lamang ito na seryoso ang Kamara sa kanilang commitment para sa proteksyon at karapatan ng mga bata laban sa anumang pang-aabuso.
Gayundin, itinaas ang parusa para sa child labor practices mula pagkakulong ng anim na buwan hanggang sa minimum na isang taon hanggang anim na taon at multang hindi bababa sa P100,000 hanggang P300,000.
Mahahalagang mga panukala, uunahing tapusin ng Kamara
Ipinhayag ni House Speaker Alan Peter Cayetano na prayoridad pa rin ng Kamara ang paglilikha ng Departments for OFWs, Disaster Management, and Water, at pagsasa-ayos ng K to 12 program.
Humahanap din umano sila ng mga paraan upang mapabuti ang national health preparedness sa gitna ng global threats at upang palakasin ang kampanya ng administrasyong Duterte sa anti-illegal drugs at anti-corruption.
Dahil dito, hindi siya sang-ayon na madaliin ng House committee on legislative franchises ang pagtalakay pabor man o kontra sa franchise renewal ng ABS-CBN Broadcating Company na magtatapos sa Marso 30, 2020.
Ayon kay Cayetano, kung sasabihin ng bawat panig na ito'y importanteng pag-usapan, naki-usap siya na bigyan sila o ang Kongreso ng marapat na pagpapahalaga sa naturang isyu.
Aniya, masisira ang momentum sa mga accomplishment ng 18th Congress, gaya ng maagang pagsasabatas ng 2020 General Appropriations Act, ang Salary Standardization Law for Nurses and Teachers, ang Malasakit Centers Act, at marami pang landmark legislations.
MDRP EO na nilagdaan na para gawing sustainable ang UHC at upang mapababa ang presyo ng mga mamahaling gamot
Pinasalamatan ni Albay Rep Joey Salceda si Pangulong Rodrigo Duterte sa paglagda nito ng isang executive order na magtatakda ng isang maximum drug retail price (MDRP) ng mga piling medisina.
Layunin ng executive order na mapababa ang presyo ng mga mamahaling gamot ng mahigit 56 percent.
Ayon kay Salceda higit itong pakikinabangan ng mga Filipino mula sa Cheaper Medicines Act at lubos na makatutulong sa implementasyon ng Universal Health Care (UHC).
Aniya, baka mapunta lang sa mga pharmaceutical companies ang pondo ng UHC.
Sa ilalim ng Cheaper Medicines For All Act sa pagpapahusay ng Cheaper Medicines Law, pinalawak nito ang MDRP kasama ang medical supplies, at medically necessary assistive equipment gaya ng prosthetics na pakikinabangan ng maraming Filipino.
Sa ilalim ng Cheaper Medicines For All Act, makipagni-negotiate ang kalihim ng Department of Health sa mga suppliers upang mapababa ang presyo ng bibilhing gamot, medical supplies, at medically-necessary equipment.
Labingtatlong site, idideklara ng House panel bilang protected areas
Labingtatlong mga lugar sa walong probinsiya ang idideklarang protected area makaraang pagsamantalahan ito ng mga komersiyo at wasakin ang kalikasan.
Nakasaad ito sa anim na panukalang batas na inaprubahan ng House committee on Natural Resources na pinangunahan ni Cavite Rep Elpidio Barzaga Jr.
Ayon kay Barzaga karagdagan ito sa mahabang listahan ng watersheds, hills, mountains, parks, forest lands, at natural landscapes na idideklarang protected areas sa ilalim ng Republic Act No. 11038, o ang Expanded National Integrated Areas System (ENIPAS) Act of 2018.
Ayon pa sa mambabatas, ilang dekada na rin ginamit ito sa komersyo at sobrang sinamantala nito ang kalikasan.
Kailangan aniyang patubuin muli ang mga punong-kahoy at mapanatili ang mga ito upang pakinabangan ng susunod na henerasyon.
Sakop ng bagong protected sites ang may kabuuang 332,456 na ektarya lupain at kasama rin sa listahan ang Mt. Arayat sa lalawigan ng Pampanga.
Monday, February 17, 2020
Magna Carta para sa mga media professionals, nakakasa na
Magsasagawa ng serye na public hearings ang House Committee on Public Information upang talakayin ang HB06114 o proposed Magna Carta for Media Professionals.
Sa paunang pulong sa Kamara, nagpahayag ng suporta ang media professionals at committee members sa nilalaman ng panukala.
Ayon sa chairman ng komite na si KABAYAN Partylist Rep Ron Salo, kukunin nila ang panig ng mga kinatawan mula sa akademya, civil society at iba pang media practitioners dito sa Metro Manila at sa mga probinsya upang makabuo ng mas komprehensibong panukala.
Ilan sa mga salient features ng HB06114 ay ang pagtatalaga ng salary scales, media protection and security, hazard pay at mandatory insurance benefits para sa mga nagta-trabaho sa media.
Bukod sa kapakanan ng media professionals, isinusulong rin ng panukala ang pagpapalakas sa self-regulation at professionalism ng mga mamamahayag upang mahinto na ang mga fly-by-night practitioners.
Ipinapanukala rin ang pag-buo ng isang Philippine Council for Media Professionals na siyang maglalatag at magsasagawa ng accreditation ng media professionals.
Kapasyahan na kikilala sa pagpapatuloy ng operasyon ng ABS-CBN, iminungkahi sa Kamara
Iminungkahi ng isang mambabatas ang paglalabas ng isang joint resolution na magpapatunay o kikilala sa pagpapatuloy ng operasyon ng ABS-CBN habang nakabinbin sa Kongreso ang mga aplikasyon para sa franchise renewal nito.
Kasunod ito ng panawagan ni Senator Grace Poe na dapat ay ilagay sa papel ang pronouncement ng mga kasamahan na maaari pa ring mag-operate ang ABS-CBN kahit mapaso na ang prangkisa nito basta’t ongoing pa ang18th Congress.
Sinabi ni AKO BICOL Partylist Rep. Alfredo Garbin Jr., sang-ayon na rin siya sa naging mga pahayag nina House Speaker Alan Peter Cayetano at Senate President Vicente Sotto III at iba pang mga kasamahan sa Kongreso na hindi naman agad magsasara ang media network kahit mapaso ang prangkisa nito sa March 30 dahil nakapag-sumite naman ito ng application sa Kongreso.
Maigi aniya kung mailalagay ito sa isang pormal na kasulatan lalo’t hindi ito ang unang pagkakataon na mayroong prangkisa na naabutan ng expiration habang nakabinbin ang aplikasyon sa kongreso.
Paraan din aniya ito upang mapawi ang pangamba ng mga empleyado ng media network na maaapektuhan sakaling tumigil nga sa operasyon ang kompanya.
Matitiyak rin nito sa publiko na hindi magkakaroon ng vacuum sa freedom of expression at press freedom dahil lamang sa expiration ng prangkisa ng media network.
Friday, February 14, 2020
House Speaker Alan Peter Cayetano muling iginiit na tutol sya sa usaping Divorce o Deborsyo
Muling nagpahayag ng pagtutol si House Speaker Alan Peter Cayetano hinggil sa usapin ng divorce o deborsyo..
Sa ginanap na kasalang bayan sa Paranaque City kanina iginiit ni Cayetano na ang deborsyo ay hindi sagot sa mga suliranin ng magsawa kundi maari pa itong magdulot mas malalalang problema.
Aniya bagaman mayroong tinatawag na “impossible marriages” tulad ng mga binubogbog ,o nirerape na asawa dahil sa impluwensya ng druga ay hindi parin aniya
solusyon ang divorce sa halip ay maghanap na lamang ng ibang paraan para mapawalang bisa ang kasal ng magasawa na malabo ng magkaayos pa.
Sinabi pa ng lider ng kamara, imbes na divorce ay mas pabor pa aniya siya na pagaralan kung bakit napakahirap kumuha annulment dahil s ganitong paraan aniya ay mapoprektahan parin ang pagiging sagrado ng kasal.
Bukod dito ay ikinabahala din ni Cayetano na maabuso ang divorce dahil sa magiging madali na ang pakikipaghiwalay ng magasawa na parang magsyota na lamang.
Sa huli ay himok ni Cayetano ang lahat ng magsawa na alagaan ang kanilang pagsasama upang mas mapatatag ang pamilya na siyang tinatawag na basic unit ng sosyedad. Speaker Alan Peter Cayetano muling iginiit na tutol sya sa usaping Divorce o Deborsyo
Muling nagpahayag ng pagtutol si House Speaker Alan Peter Cayetano hinggil sa usapin ng divorce o deborsyo..
Sa ginanap na kasalang bayan sa Paranaque City kanina iginiit ni Cayetano na ang deborsyo ay hindi sagot sa mga suliranin ng magsawa kundi maari pa itong magdulot mas malalalang problema.
Aniya bagaman mayroong tinatawag na “impossible marriages” tulad ng mga binubogbog ,o nirerape na asawa dahil sa impluwensya ng druga ay hindi parin aniya
solusyon ang divorce sa halip ay maghanap na lamang ng ibang paraan para mapawalang bisa ang kasal ng magasawa na malabo ng magkaayos pa.
Sinabi pa ng lider ng kamara, imbes na divorce ay mas pabor pa aniya siya na pagaralan kung bakit napakahirap kumuha annulment dahil s ganitong paraan aniya ay mapoprektahan parin ang pagiging sagrado ng kasal.
Bukod dito ay ikinabahala din ni Cayetano na maabuso ang divorce dahil sa magiging madali na ang pakikipaghiwalay ng magasawa na parang magsyota na lamang.
Sa huli ay himok ni Cayetano ang lahat ng magsawa na alagaan ang kanilang pagsasama upang mas mapatatag ang pamilya na siyang tinatawag na basic unit ng sosyedad.
Sa ginanap na kasalang bayan sa Paranaque City kanina iginiit ni Cayetano na ang deborsyo ay hindi sagot sa mga suliranin ng magsawa kundi maari pa itong magdulot mas malalalang problema.
Aniya bagaman mayroong tinatawag na “impossible marriages” tulad ng mga binubogbog ,o nirerape na asawa dahil sa impluwensya ng druga ay hindi parin aniya
solusyon ang divorce sa halip ay maghanap na lamang ng ibang paraan para mapawalang bisa ang kasal ng magasawa na malabo ng magkaayos pa.
Sinabi pa ng lider ng kamara, imbes na divorce ay mas pabor pa aniya siya na pagaralan kung bakit napakahirap kumuha annulment dahil s ganitong paraan aniya ay mapoprektahan parin ang pagiging sagrado ng kasal.
Bukod dito ay ikinabahala din ni Cayetano na maabuso ang divorce dahil sa magiging madali na ang pakikipaghiwalay ng magasawa na parang magsyota na lamang.
Sa huli ay himok ni Cayetano ang lahat ng magsawa na alagaan ang kanilang pagsasama upang mas mapatatag ang pamilya na siyang tinatawag na basic unit ng sosyedad. Speaker Alan Peter Cayetano muling iginiit na tutol sya sa usaping Divorce o Deborsyo
Muling nagpahayag ng pagtutol si House Speaker Alan Peter Cayetano hinggil sa usapin ng divorce o deborsyo..
Sa ginanap na kasalang bayan sa Paranaque City kanina iginiit ni Cayetano na ang deborsyo ay hindi sagot sa mga suliranin ng magsawa kundi maari pa itong magdulot mas malalalang problema.
Aniya bagaman mayroong tinatawag na “impossible marriages” tulad ng mga binubogbog ,o nirerape na asawa dahil sa impluwensya ng druga ay hindi parin aniya
solusyon ang divorce sa halip ay maghanap na lamang ng ibang paraan para mapawalang bisa ang kasal ng magasawa na malabo ng magkaayos pa.
Sinabi pa ng lider ng kamara, imbes na divorce ay mas pabor pa aniya siya na pagaralan kung bakit napakahirap kumuha annulment dahil s ganitong paraan aniya ay mapoprektahan parin ang pagiging sagrado ng kasal.
Bukod dito ay ikinabahala din ni Cayetano na maabuso ang divorce dahil sa magiging madali na ang pakikipaghiwalay ng magasawa na parang magsyota na lamang.
Sa huli ay himok ni Cayetano ang lahat ng magsawa na alagaan ang kanilang pagsasama upang mas mapatatag ang pamilya na siyang tinatawag na basic unit ng sosyedad.
Cayetano: Hindi ito isang paligsahan sa oras ngunit ito ay laban tungo sa hustisya at demokrasya
“This is not a race against time, but a race towards justice and democracy.”
Ito ang naging tugon ni House Speaker Alan Peter Cayetano sa mga batikos ng ilang mga kritiko hinggil sa diumano’y kakulangan ng urgency ng 18th Congress na talakayin ang ABS-CBN franchise renewal.
Bagama’t kinilala ng House Speaker ang nabanggit na network bilang isang institusyon sa industriya ng media, iginiit niya na may iilang mga isyung dapat iresolba muna lalu na’t ang prangkisa nito ay valid para sa 25 taon lamang.
Ayon sa lider ng Kamara, ang punto dito ay hindi tungkol sa dami ng sumusuporta o lumalaban sa ABS-CBN kaya nga may mga franchise hearing para bago ka bigyan ng 25 years, i-reassess ka.
Binanggit ng Speaker na ang mga panukala tungkol sa renewal ng franchise ng ABS-CBN ay inihain noong 2014 pa, noong nasa kapangyarihan pa Pangulong Noy Aquino, at inihain na man muli noong 2017.
Sa 16th Congress, ito ay isang beses lang dininig at walang naging hearing naman tung dito noong 17th Congress, dagdag pa niya.
“Hindi ito race. Hindi ito pabilisan. Kailangan po natin ng lamig ng ulo,” punto pa rin niya doon sa interview sa Paranaque.
Nangako sa publiko ang Speaker na bilang mga representante ng bayan, kanilang ang nararapat para dito.
“Sabi nung iba,may pressure, isa lang ang pressure ko: gawin ang tama,”