Friday, February 28, 2020

Velasco, tahimik na kumikilos para sa kanyang maagang pagkaupo bilang House Speaker

Kumikilos ngayon nang tahimik si Marinduque Rep Lord Allan Velasco para maagang makaupo bilang Speaker ng House of Representatives gamit ang mga napipintong alokasyon sa pambansang badyet sa 2021.

Ito ay para kombinsihin umano ang mga kapwa kongresista na sumama sa plano niyang sunggaban nang mas maaga ang puwesto.

Ayon sa source sa loob ng Kongreso, ipinanga­ngalandakan ni Velasco na tiyak na siya na ang uupong Speaker sa buwan ng Oktubre, kung kailan hihimayin ang pamban­sang badyet para sa 2021 sa Kamara.

Idinagdag pa nito na siya umano ang masusunod kung magkakaroon man ng alokasyon o wala sa mga proyekto ang mga congressman sa ilalim ng budget bill.
Free Counters
Free Counters