Non-compliance ng mga maritime schools sa STCW for Seafarers, paiimbestigahan sa Kamara
Paiimbestigahan ni Marino Party-list First Rep Sandro Gonzalez sa Kamara ang non-compliance ng mga maritime schools sa Standards of Training, Certification and Watchkeeping o STWC for Seafarers.
Sinabi ni Gonzalez na nakaka-dismaya na ang report ng Marina na 61 sa 91 maritime schools sa bansa ang napipintong ipasara dahil sa hindi pagsunod sa international standards para sa mga seaman.
Aniya, nakakabahala ang ulat na ito lalo’t kasalukuyang sumasailalim ang bansa sa audit ng European Maritime Safety Agency kung nasusunod ba ang STCW.
Sa parte naman ni Marino Party-list Second Rep Macnell M. Lusotan, sinabi nito na maaaring ang problema ay ang hindi malinaw kung sino sa dalawang nabanggit ahensiya ang responsable sa anumang atas; maaaring dind kurapsiyon o incompetence kung kaya’t marapat lamang na kagyat na matugunan ang mga problemang ito.
Kung magkataon, maaaring hindi na bigyan o kilalanin ng European Union ang certificates ng pinoy seafarers na malaking dagok sa kanilang trabao at employability.
Hindi matanggap ng mambabatas kung paanong sa mahabang panahon ay ipinagkibit balikat lamang ito ng mga opisyal ng pamahalaan.
Sa kasalukuyan magkatuwang ang Commission on Higher Education at Maritime Industry Authority sa pamamalakad ng mga maritime schools sa bansa sa ilalim ng EO 63.
<< Home