Pagtanggi ni Velasco sa "coup plan,” hindi tinanggap ni House Speaker Cayetano
Hindi tinanggap ni House Speaker Alan Peter Cayetano ang pagtanggi ng kahati niya sa speakership post na si Marinduque Rep Lord Alan Velasco hinggil sa namonitor nito na "coup plan" o planong patalsikin siya sa pwesto.
Ayon kay Cayetano, namonitor niya na may mga pagalaw ang kampo ni Velasco at ginagamit ang isyu sa budget at franchise ng ABS- CBN para siraan ang kaniyang pamumuno.
Hamon ni Cayetano sa mga chairmanships ng mga komite sa kamara, bumaba sa pwesto at antayin na maupo si Velasco bilang Speaker at huwag idamay ang trabaho ng kamara na ipasa ang legislative agenda ng administrasyon.
Nauna nang sinabi ni Cayetano na may 20 mambabatas ang nagbanggit sa kaniyan na inaalok sila ng kampo at mismo ni Velasco ng committee chairmanships.
Nauna nang nilinaw ni Velasco na wala siyang nilulutong "coup" para kay Cayetano at iginagalang nito ang term sharing agreement.
<< Home