HABANG BUHAY NA KALINGA SA MGA SENIOR CITIZEN NAGHAIN SI CAMARINES SUR REP DIOSDADO ‘DATO’ ARROYO NG ISANG PANUKALANG BATAS NA NAGLALAYUNG MAGTATAG AT MAG INSTITUTIONALIZE NG LONG TERM CARE PARA SA MGA SENIOR CITIZEN SA BANSA UPANG MATUGUNAN ANG KANILANG MGA PANGANGAILANGAN SA ARAW-ARAW LALU NA ANG MGA UNWANTED AT INABANDONANG MGA MATATANDA (HB2708).
SINABI NI ARROYO NA BAGAMAT KAUGALIAN NG MGA FILIPINO ANG PAGBIBIGAY ARUGA SA MGA MATATANDA, KALIMITAN, ANG KAGAWIANG ITO AY ININILALAPAR LAMANG SA MGA MATATANDANG MIYEMBRO NG PAMILYA.
AYON SA KANYA, ANG MGA MATATANDANG NAPABABAYAAN AT INABANDUNA NG KANILANG MGA MAHAL SA BUHAY AY HINDI NA NALALAPATAN NG TAMANG ATENSIYON AT TULONG SA KANILANG MGA KATANDAAN.
ANG PANUKALA AY TATAWAGING ‘LONG TERM CARE ACT FOR SENIOR CITIZENS’ AT ITO AY SUSUPORTA SA PANGAKO NG PAMAHALAAN NA MAIANGAT NG PAMUMUHAY NG LAHAT NG MGA MAMAMAYAN, MAGING BATA MAN O MATANDA.
COAUTHORS NG NATURANG PANUKALA AY SINA LEYTE REP MARTIN ROMUALDEZ, SULTAN KUDARAT REP ARNULFO GO AR PAMPANGA REP AURELIO GONZALES JR.
SENIOR CITIZENS WARD SA MGA OSPITAL
IPINANUKALA NI DAVAO ORIENTAL REP THELMA ALMARIO SA HB 1937 ANG PAGTATATAG NG MGA SENIOR CITIZEN WARD SA MGA PAMPUBLIKO AT PRIBADONG MGA OSPITAL SA BUONG BANSA PARA MATUGUNAN ANG HINAING NG MGA MATATANDA PARA SA GANAP NA ATENSIYON.
SINABI NI ALMARIO NA KALIMITAN, WALA NANG ACCESS PARA SA ATENSIYON ANG MGA MATANDA GALING SA MGA ESPESIYALISTA SA SAKIT AT PROBLEMANG PANGKALUSUGAN NA KANILANG KAILANGAN.
AYON SA KANYA, ANG SENIOR CITIZENS WARD SA MGA OSPITAL AY PARA LAMANG SA MGA MATATANDA NA MAY HEALTH CONDITIONS NA KAILANGAN NG CONFINEMENT PARA SA KAILANGANING MEDICAL ATTENTION.
HINIMOK NI ALMARIO ANG KANYANG MGA KASAMAHANG MAMBABATAS NA IPASA NA KAAGAD ANG KANYANG PANUKALA SA PAGSASABI NA ANG MGA SENIOR CITIZEN AY NAKAKARAMDAM NA IBAT IBANG SAKIT SA KANILANG KATANDAAN AT MARAPAT LAMANG UMANONG MABIGHYAN SILA NG ATENSIYON UPANG SA OSPITAL UPANG MAIBSAN DIN NAMAN ANG PROBLEMA NG MGA PAMILYA NILANG UMAARUGA SA KANILA.
GRAVE SCANDAL, INDECENCY AT PORNOGRAPHY
MABIGAT NA KAPARUSAHAN ANG IPAPATAW SA SINUMANG PERPETRATOR NG HIGHLY SCANDALOUS NA KREMIN LABAN SA DECENCY.
ITO ANG IPINUKALA NI CEBU REP ANTONIO CUENCO SA KANYANG HB 2856 NA MAY LAYUNING MAGGAWAD NG MABIGAT NA KAPARUSAHAN NA P100,000 PATAAS HANGAANG SA P2 MILYON UPANG MAPUKSA NA ANG KREMIN SA DECENCY KUNG HINDI MAN GANAP NA MAWALA NA ANG TINATAWAG NA CONDUCT OF INAPPRORIATE AND OBSCENE BEHAVIOR.
SINABI NI CUENCO NA ANG KASALUKUYANG BATAS TILA YATA UMANONG BINABALE WALA LAMANG NG MGA LUMALABAG NITO DAHIL ANG PENALTY AY MABABA LAMANG KUNG IKUMPARA SA BIGAT NG KREMIN.
MARIING SINABI NIYA NA ANG GRAVE SCANDAL, INDECENCY AT PORNOGRAPHY AT MGA SERYOSONG KREMING LUMABAG SA KARAPATAN NG MGA BIKTIMA NITO.
AYON SA KANYA, SA KASALUKUYAN, ANG IPINAPATAW NA PARUSA SA GANITONG MGA KREMIN AY MATAAS NA ANG PAGKAKAKULONG NG ANIM NA BUWAN AT ANG MGA KRIMINAL AY MALAYA NANG NAKAKALABAS NG PIHITAN.
PROHIBIT ADS DEGRADING WOMEN
ISANG MAMBABATAS ANG NAGHAIN NG PANUKALANG NAGLALAYUNG ALISIN NA O I-BAN ANG MGA PATATALASTAS O ADVERISEMENT NA NAG-DEGRADE SA MGA KABABAIHAN, NAGO-GLORIFY NG SEXUAL VIOLENCE AT NAGPO-PROMOTE NG WOMEN’S EXPLOITATION.
SA HB 2811 NA INIHAN NI DINAGAT ISLANDS REP GLENDA ECLEO, PAPARUSAHAN ANG MGA ADVERTISING AGENCY, TELEVISION AT RADIO STATIONAT MGA PUBLICATION NA MAGSASAGAWA NG MGA KAHALINTULAD NA MG ADVERTISEMENT.
SINABI NE ECLEO NA MARAPAT LAMANG NA PATAWAN NG MABIGAT NA KAPARUSAHAN NG MGA LALABAG SA GANITONG BATAS SAPAGKAT NAMAMAYAGPAG SA MGA RADIO AT TEVISION ANG MGA MALALASWANG MGA ADVERTISEMENT NA NAGDI-DISCRIMINATE SA MGA KABABAIHAN.
AYON SA KANYA, ANG ADVERTISING AY ISANG MALAKAS NA PARAANG GINAGAMIT NG MGA ADVERTISER UPANG MAI-PROMOTE ANG KANILANG MGA PRODUKTO NA SIYA NAMANG NAKAKASIRA SA IMAHE NG MGA KABABAIHAN.
REGULATION NG MGA REALITY TV SHOW
HINILING NI SULTAN KUDARAT REP DATU PAX MANGUNGUDADATU SA KONGRESO NA IMBESTIGAHAN AT MAGSAGAWA NG INQUIRY HINGGIL SA MGA REALITY TELEVISION SHOW NA GUMAGAMUIT NG MGA WALANG MALAY NA PUBLIKO SA KANILANG NA MINSAN AY NAGING SANHI NG KAHIHIYAN SA TAO.
ANG REALITY TV SHOW AY NAGSASAAD NG AKTUWAL AT KASALUKUYANG HINDI SCRIPTED O KATATAWANANG MGA SITWASYON NA NAGPI-FEATURE NG MGA ORDINARYONG TAO SA HALIP NA MGA PROFESSIONAL ACTOR.
SINABI NI MANGUDADATU NA NAPAPANSIN UMANO NIYA NA MAY MGA PALABAS NA ANG PINAKA LAYUNIN AY ANG PANANAKOT O KUNG HINDI MAN AY ANG PAG-EXPOSE NG MGA WALANG MALAY NA TAO UPANG MAPAG-TAWANAN SA PAMAMAGITAN NG HIDDEN CAMERA NA MINSAN UMANO AY NAISASAGAWA NA MAY MGA KASABWAT UPANG MATAKOT ANG TAO.
AYON SA KANYA, MAAARING SA GANITONG MGA SITWASYON AY MAGDUDULOT NG AWAY SA PAGITAN NG BIKTIMA AT MGA KASABWAT SA SHOW AT MASAKLAP PA UMANO AY KUNG MAY SAKIT ANG TAO AT ITO ANG MAGING SANHI NG PAGKAMATAY DAHIL SA TAKOT.
DAHIL DITO, MARAPAT LAMANG UMANONG MAI-REHULATE ANG MGA GANITONG URI NG REALITY TV SHOW.
PAGDISPATSA NG SMUGGLED AGRICULTURAL GOODS
IPINANUKALA NI BACOLOD CITY REP MONICO PUENTEVELLA ANG AGARANG PAGPASA NG KANYANG HB 485 NA MAY LAYUNING MAGTATATAG NG SISTEMA PARA SA MAAYOS NA DISPOSISYON NG MGA SMUGGLED NA PRODUKTONG PANG-AGRIKUKLTURA UPANG MAPUKSA NA ANG PAULITULIT NA SMUGGLING SA BANSA.
SINABI NI PUENTEVELLA NA LAHAT NG MGA FORFIETED AGRICULTURAL PRODUCT AY I-TRANSFER SA CONCERNED NATIONAL GOVERNMENT AGENCY SA LOOB NG 15 ARAW MATAPOS MAGING FINAL AT EXECUTORY ANG FORFEITURE AT DAPAT BIGYAN ANG DEPT OF AGERICULTURE AND FOOD NG KAPANGYARIHAN NA IDISPATSA ANG MGA FORFIETED AGRICULTUTAL PRODUCT SA PAMAMAGITAN NG LOCAL DISPOSITION O RE-EXPORTATION O ALIMAN ANG ANGKOP PARA SA PUBLIKO AT SA LOCAL PRODUCER.
AYON SA KANYA, PAULIULIT ANG MGA PANGYAYARING GANITO DAHIL WALA UMANONG POLITICAL WILL ANG GOBYERNO SA PAGPAPATUPAD NG MGA MABIBIGAT NA KAPARUSAHAN AT MGA MAAANGHANG NA BATAS UPANG TULUYAN NANG MAWALA ANG GANITONG KREMIN.
SMUGGLING: KRIMENG ECONOMIC SABOTAGE
I-KLASIPIKANG ISANG CRIME OF ECONOMIC SABOTAGE NA ANG LAHAT NA MGA LARGE SCALE SMUGGLING KUNG MAIPASA ANG HB 3110 NI IPINAUKALA NI PARTY LIST REP NICANOR BRIONES NA SIYA RING MAGTATAG NG TARIFF AND CUSTOMS ENFORCEMENT OFFICE UPANG MAPUKSA NA ANG SYNDICATED SMUGGLING SA BUONG BANSA.
SINABI NI BRIONES NA ANG SMUGGLING, MAGING OUTRIGHT MAN O TECHNICAL, AY ISANG BANTA SA ATING PAMBANSA EKONOMIYA AT NALULUGI ANG ATING PAMAHALAAN SA ATING KINAKAILANGANG REVENUE PARA MAKAPAGLAPAT NG MGA SERBISYO AT INFRASTRUCTURE PARA SA MGA MAMAMAYAN.
IDINAGDAG PA NI BRIONES NA ANG MGA SMUGGLED NA ISDA, KARNE, GULAY AT IBA PANG MGA PRODUKTO AY HINDI NA DUMARAAN PA SA REQUIRED LABORATORY TEST AT QUALITY ASSURANCE PROCEDURE ANA MAAARING MAY DALANG SAKIT ANG MGA ITO.
NAIS NI BRIONES NA MAIPASA NMA KAAGAD ANG KANYANG PANUKALA MAIANGAT AT MAPATAAS UMANO ANG GOVERNMENT REVENUE, MASEGURO ANG KALIGTASAN NG MGA PAGKAING INANGKAT AT MAPATATAG ANG DOMESTIC INDUSTRY SA BANSA.
SURVISORHIP BENEFITS PARA SA HUDIKATURA
GAWARAN NG MATAAS NA SORVIVORSHIP BENEFITS ANG MGA MIYEMBRO NG HUDIKATURA, ITO ANG IPINUKALA NI CAPIZ REP FREDENILCASTRO SA HB 1238 NA MAY LAYUNING AMIYENDAHAN ANG RA190 NA SIYANG NAGPAPATUPAD NG RETIREMENT BENEFITS SA JUSTICES AT JUDGES.
SA KASALUKUYANG BATAS, ANG SURVIVING SPOUSE NG MGA RETIRED JUSTICE AT JUDGE NA NAMATAY AY HINDI NAKATATANGGAP NG ANUMANG SURVISORSHIP PENSION NGUNIT ANG MGA SURVIVING SPOUSE NG IBANG GOVERNMENT RETIREES AT PENSIONERS SA LOOB NG GOVERNMENT SERVICE INSURANCE SYSTEM O GSIS AT PHILIPPINE VETERANS OFFICE O PVAO AY TUMATANGGAP NG MGA BENEPISYO SA PAMAHALAAN.
KAYA IPINANUKALA UMANO NIYA NA BIGYAN ANG MGA SURVIVING NA KABIYAK NG RETIRED JUSTICE AT JUDGE NA NAMATAY NG PENSION EQUIVALENT SA WALUMPONG PORSIYENTO NA TINATANGGAP NA RETIREMENT PENSION NG PENSIONER MEMBER NG JUDICIARY.
PAGTATAG NG MGA TAXI STAND SA MGA MALL AT AIRPORT
IPINANUKALA NI CALOOCAN CITY REP MITZI CAJAYON ANG HB 2915 NA MAGSASABATAS NG PAGTATATAG NG TAXI SATAND SA MGA COMMERCIAL AREA AT IBA PANG MGA PUBLIC PLACE UPANG MASEGURO ANG KALIGTASAN AT PROTEKSIYON NG MGA SUMASAKAY SA TAXI LALU NA SA HOLIDAY SEASON.
SINABI NI CAJAYON NA SA KANYANG PANUKALA, HINIHILING DITO ANG KOOPERASYON AT TULONG NG MGA SHOPPING MALL, SHOPPING CENTER, COMMERCIAL CENTER, AIRPORT, BUS TERMINAL, HOTEL AT MGA KAHALINTULAD NA ESTABLISEMIYENTO NA MAPROTEKTAHAN ANG MGA PASAHERO LALU NA SA MGA HOLD-UP, NAKAWAN AT OVERCHARGING NA SIYA NAMANG NAGING TALAMAK TUWING KAPASKUHAN.
I-REQUIRE SA PANUKALA ANG PAGTATATAG SA LAHAT NG MGA ESTABLISEMIYENTO NA MAG-DESIGNATE NG TAXI STAND AT MAG-ISSUE SA MGA PASAHERO NG STUIB UPANG MAIBIGAY ANG MGA KAUKULANG IMPORMASYON HINGGIL SA SASAKYAN NA KANILANG GAGAMITIN NA SIYA NAMANG GAGAWIN NG SECURITY OFFICER NG NATURANG MGA ESTABLISIYEMNTO.
MAY KAUKULANG MABIGAT NA KAPARUSAHAN SA MGA ESTABLISIYEMENTONG LALABAG SA NABANGGIT NA BATAS.
TAASAN ANG PENALTY SA MGA CARNAPPER
IPINAHAYAG NI CAGAYAN DE ORO REP RUFUS RODRIGUEZ NA NAGHAIN SIYA NG HB 2818, ANG PANUKALANG MAY LAYUNING TATAASAN ANG PARA SA MGA LALABAG SA ANTI-CARNAPPING ACT SA PAGSIKAP NA MARESOLBAHAN NA ANG TALAMAK NA NAKAWAN NG MGA KOTSE AT IBA PANG MGA SASAKYAN SA ATING BANSA.
SINABI NI RODRIGUEZ NA ANG KANYANG PANUKALA NA MAGAAMIYENDA SA REPUBLIC ACT 6539 AT MAGDADAGDAG NG PAGKAKAKULONG SA MGA OFFENDER NA MAPATUNAYANG NAGKASAL NG CARNAPPING NA WALANG VIOLENCE O INTIMIDATION O PUWERSA NA GAWIN NANG 20 YEARS.
IDINAGDAG PA NIYA NA ANG MGA NAPATUNAYANG GUILTY NG CARNAPPING NA MAY KAAKIBAT NA VIOLENCE O PUWERSAHAN O INTIMIDATION AY MAIKUKULONG NG HINDI BABABA SA TATLUMPONG TAON.
HINDI NA UMANO LIGTAS PARA SA MGA MAMAMAYAN NA IWANAN NA LAMANG ANG KANILANG MGA SASAKYAN SA MGA PARKING AREA KAGAYA NG AIRPORT, SHOPPING MALL AT SIMBAHAN DAHIL MATATAPANG NA UMANO ANG MGA CARNAPPER NGAYON DAHIL SA MABABA LAMANG NG KAPARUSAHAN SA MGA LUMABAG SA ANGTI-CARNAPPING LAW.