Friday, February 29, 2008

MRS, ISA SA MGA SOCIAL REFORM AGENDA BILLS

IPINALIWANAG KAHAPON NI HOUSE SPEAKER PROSPERO NOGRALES ANG ISA MGA SOCIAL REFORM AGENDA SA ILALIM NG KANYANG PAMUMUNO AT TINUKOY ANG PAGPAPALAWIG NG GALAW PARA SA ISANG GLOBALLY COMPETITIVE AT PRODUKTIBONG MANPOPWER.

SINABI NI NOGRALES NA DAPAT LAMANG NA MAGKAROON NG LEGISLATIVE SUPPORT SA PAGTATAG NG HUMAN AT RESOURCE DEVELOPMENT PROGRAMS HABANG KANYANG BINANANGGIT NA ANG MINDANAO AY HINDI NA LAMANG TUTUKUYING LAND OF PROMISE KUNDI MAGING SENTRO NA NG SOCIO-ECONOMIC DEVELOPMENT.

AYON SA KANYA, ANG IPINANUKALA NI CAMIGUIN REP PEDRO ROMUALDO, ANG HB01246 NA MAY LAYUNING MAGTATAG NG ISANG EPESIYENTE, LIGTAS, MAPAGKAKATIWALAAN AT AFFORDABLE NA TRANSPORTASYON, ANG MINDANAO RAILWAY SYSTEM (MRS), AY KANILANG TUTUTUKAN UPANG MAKAPAGTATAG NG LINKAGE SA PAGITAN NG MGA KANAYUNAN AT NG MGA SIYUDAD SA MINDANAO NA SIYANG MAGBIBIGAY NG EPEKTIBONG PAGGALAW NG MGA TAO AT MGA SERBISYO SA LOOB NG BUONG KAPULUAN

IDINAGDAG PA NI NOGRALES NA HIKAYATIN NIYA ANG KASAMAHAN NIYANG MGA MAMBABATAS BILANG KANILANG LIDER NA MAIPASA KAAGAD ANG NATURANG PANUKALA UPANG MAPAIGTING AT MAIPAGPAIBAYO ANG PROGRESO NG MINDANAO NA INAASAM NG MGA MAMAMAYAN NG NATURANG PULO.


Free Counters
Free Counters