ANG "OVERSEAS ABSENTEE VOTING ACT " AY DAPAT REBISAHIN
SINABI NINA REPS RISA HONTIVEROS-BARAQUEL, ISABELLE CLIMACO, REX GATCHALIAN AT RUFUS RODRIGUEZ NA BASE SA RESULTA NG 2004 AT 2007 ELECTIONS, DAPAT LAMANG UMANONG REBISAHIN ANG NABANGGIT NA BATAS, ANG RA 9189, SA PAMAMAGITAN NG HB 3209, UPANG MAHIKAYAT ANG ATING MGA KABABAYANG NASA IBANG MGA BANSA NA LUMAHOK SA ELKSIYON.
AYON KAY RODRIGUEZ, ANG PAGKAKAPASA NG RA 9189 AY SINALUBONG NG MGA MAMAMAYANG NASA ABROAD BILANG ISANG LANDMARK LEGISLATION DAHIL ITINADHANA NAMAN SA SALIGANG BATAS NA MAGSASAGAWA NG ISANG SISTEMA PARA SA ABSENTEE VOTING.
BAGAMAT MAGANDA ANG TURN-OUT NA TUMALA NG 65% KUMPARA SA NAREHISTRONG BOTANTE NOONG 2004 ELEKSIYON, MAY INDIKASYON NA MAY IILANG PROBLEMA SA PAGPAPATUPAD NG NATURANG BATAS DAHIL NOONG 2007 ELECTIONS, 16.21% NA LAMANG ANG BUMOTO BASE SA REGISTERED ABSENTEE VOTERS.
ISA DA DAPAT UMANONG REBISAHIN AY ANG PAG-AALIS SA MGA PROBISYON NG BATAS ANG DISQUALIFICATION NG MGA IMMIGRANTS AT PERMANENT RESIDENTS, DAGDAG PA NI RODRIGUEZ.
<< Home