Wednesday, February 27, 2008

KASO NG NAIA TERMINAL 3, SINIYASAT NG KAMARA

BAGAMAT WALA PANG TIYAK NA ESKEDYUL SA PAGBUBUKAS NG NINOY AQUINO INTERNATIONAL AIRPORT (NAIA) TERMINAL 3, PATULOY PA RIN ANG PAGSISIYASAT NG KAMARA DE REPRESENTANTES HINGGIL SA RESULTA NG ARBITRATION CASES NA INIHAIN NG PHILIPPINE INTERNATIONAL AIR TERMINAL CORP. (PIATCO) AT FRAPORT AG LABAN SA PAMAHALAAN KAUGNAY SA PAGGAWA NG NATURANG PASILIDAD.

BUNSOD ITO SA PANAWAGAN NI QUEZON REP DANILO SUAREZ BATAY SA HR00069 NA KANYANG INIHAING HUMIHILING NG IMBESTIGASYON SA NAGING RESULTA NG NABANGGIT NA ARBITRATION CASES NA MAY KAAKIBAT NA EVALUATION NG MGA NAIGASTOS AT MGA GAGASTUSIN PANG PERA KAUGNAY SA KASO.

MAGUGUNITANG MAY KAHALINTULAD NA RING PAGSIYASAT NA ISINAGAWA ANG COMMITTEE ON OVERSIGHT NOONG NAKARAANG 13TH CONGRESS.

SA KANYANG PAGLAHAD NG ISYU, SINABI NI SUAREZ NA ANG PAMAHALAANG PILIPINAS AY NAKIPAGKONTRATA SA PIATCO NA ISANG CONSORTIUM NG FRAPORT AG NG ALEMANYA UPANG MAGTATAG NG NAIA 3 TERMINAL 3 KUNG SAAN NAKAPALOOB ANG ISANG 28-GATE AIRPORT TERMINAL NA MAY 140 CHECK-IN COUNTERS, 118 IMMIGRATION COUNTERS, SIYAM NA WALKWAYS AT ISANG SHOPPING COMPLEX.

AYON SA KANYA, ANG NATURANG KONTRATA AY NILAGDAAN NI DATING PANGULONG JOSEPH ESTRADA BAGAMAT ITO NAMAN AY PINA WALANG BISA NOONG 2002 NI PANGULONG GLORIA MACAPAGAL ARROYO DAHIL ITO AY DISADVANTAGEOUS UMANO SA GOBYERNO, NGUNIT KALAUNAN, ANG NABANGGIT NA TERMINAL AY BINILI PA RIN UMANO NG PAMAHALAAN PARA MAPABILIS ANG PAGBUBUKAS NG PASILIDAD.

IPINAG-UTOS NG KOMITE NA ISUMITE NG MGA ABOGADO NG OFFICE OF THE SOLICITOR GENERAL SA KANILA ANG MGA UPDATE HINGGIL SA MGA LATEST DEVELOPMENT TUNGKOL SA NATURANG KASO UPANG KANILANG MA-EVALUATE AT MAKAPAGSAGAWA SILA NG POSISYON AT REKOMENDASYON.

Free Counters
Free Counters