PANUKALANG PABAHAY PARA SA MGA PAMPUBLIKONG GURO
SINABI NI RODRIGUEZ SA KANYANG PANUKALA, ANG HB03387 NA MARAPAT LAMANG UMANONG TUGUNAN ANG MGA NABIGONG PINAGSIKAPAN NG PAMAHALAAN NA TULUNGAN ANG MGA GURO SA KANILANG SULIRANING PABAHAY SA PAMAMAGITAN NG STATE PENSION FUND NA HINDI NAMAN NAGING GANAP NA NAG-MATERIALIZE..
AYON SA KANYA, ITO NA UMANO ANG TAMANG PANAHON NA MAGSABATAS ANG KONGRESO NA SIYANG MAGTATATAG NG MATATAG NA HOUSING PROGRAM PARA SA MGA TEACHER SAPAGKAT ANG KANILANG MGA MALILIIT NA SAHOD AY HINDI NA NGA SAPAT PARA SA PANG ARAW ARAW NILANG GASTUSIN, GAANO PA KAYA UPANG SILA AY MAGKABAHAY NG SARILI.
ANG PAGTATATAG NG ISANG HOUSING PROGRAM PARA SA MGA TEACHER AY ISA UMANONG EPEKTIBONG PARAAN UPANG MATULUNGAN ANG MGA GURONG MAKAMTAN ANG KANILANG MITHIIING MAGKAROON NG SARILING TAHANAN.
<< Home