PULITIKA, ISANTABI MUNA DAHIL SA KINAKAHARAP NA TRAHEDYA SA REGION 8
IMINUNGKAHI NI WESTERN SAMAR REP SHAREE ANN TAN SA MGA MAMAMAYAN, LALU NA SA MEDIA, NA KUNG MAAARI AY ISANTABI MUNA PANSAMANTALA ANG PULITIKA UPANG MAGBIGYANG DAAN ANG PAGTULONG PARA MAIBSAN ANG SULIRANIN NG MGA NASALANTA NG PAGBAHA AT LANDSLIDE SA KANILANG REHIYON.
NAPAULAT KAHAPON NA HUMIGIT KUMULANG LABINGDALAWANG KATAO NA ANG NAMATAY, MAY MGA NASUGATAN AT MARAMI ANG MGA NILIKAS DAHIL SA MATINDING PAGBAHA AT MALAKAS NA PAG-ULAN SA BUONG REGION 8.
ANG MGA PAGGUHO NG LUPA SA IILANG BAHAGI NG WESTERN SAMAR AY ANG NAGING SANHI NG PAGKASIRA NG MGA LANSANGAN AT MGA AGRICULTURAL CROP DAHIL SA MASUNGIT NA PANAHON.
DAHIL DITO, UMAPILA SI REP TAN SA PUBLIKO NA KUNG MAAARI AY ISANTABI MUNA PANTASAMANTALA ANG PULITIKA AT MAGKAROON NG PAGKAKAISA DAHIL ITO UMANO ANG KAGYAT NA KAILANGAN SA KASALUKUYAN AT MAAARING BALIKAN NA LANG ANG PULITIKA SA SANDALING MATAPOS NA ANG SULIRANING KINAKAHARAP NGAYON.
SINABI NG MAMBABATAS NA KUNG MERON UMANONG PISO PARA KAY LOZADA, MAAARI NAMAN SEGURONG MAGKAROON DIN NG PISO PARA SA SAMAR O SA MGA NASALANTA NG MATINDING PAGBAHA AT MAAARING MALAKING BAGAY UMANO ITO PARA SA MGA BIKTIMA.
AYON SA KANYA, BAGAMAT NANINIWALA UMANO SIYA SA ITINAKDA NG SALIGANG BATAS NA NAGAATAS SA SENADONG MAGSAGAWA NG IMBESTIGASYON, IN AID OF LEGISLATION, UPANG MAIPALABAS ANG KATUTUHANAN HINGGIL SA MA-KONTROBERSIYANG ZTE-NBN DEAL, MARAPAT LAMANG UMANONG ITUON MUNA PANSAMANTALA NG MGA MAMAMAYAN ANG KANILANG ATENSIYON SA PAGTULONG SA MGA NAAPEKTUHANG MGA KABABAYAN NATIN.
IDINAGDAG PA NI TAN NA DI HAMAK UMANONG MAS KAILANGAN PA NG MGA BIKTIMANG MAMAMAYAN SA KANILANG LUGAR ANG MGA TULONG NG ATING MGA KABABAYAN KAYSA SA PANGANGAILAN NI LOZADA.

<< Home