Tuesday, March 31, 2020
Naniniwala sina House Majority Leader Martin Romualdez at Tingog Partylist Rep Yedda Marie Romualdez na makakatulong sa kampanya ng pamahalaan kontra COVID-19 ang pagkakaroon ng mga Local Government o LGUs ng sariling nilang screening centers.
Ayon sa dalawang mambabatas, ang pagkakaroon ng maraming testing centers sa bansa ay higit na kailangan ngayon para matugunan ang mabilis na pagkalat ng COVID-19 na nananatiling banta sa mga pilipino.
Dahil dito ay kinalampag ng mag-asawang kongresista ang Department of Health (DOH) na madaliin na ang pagtulong sa mga LGUs para sa assessment ng mga itatayong testing centers.
Anila, malaki ang gagampanan ng DOH upang masigurong pasok sa mga health standards ng kagawaran ang mga itatayong COVID-19 testing o screening centers sa tulong at guidance ng kanilang mga health officials.
Kabilang sa mga itinutulak na gawing screening at testing center sa Eastern Visayas ang Eastern Visayas Regional Medical Center ( EVRMC )sa Tacloban City na inaasahan ng dalawa na maapruban ng DOH sa lalong madaling panahon.
Tuloy-tuloy na supply ng pagkain sa gitna ng lockdown, pinatatiyak ng isang mambabatas
Nanawagan si House Deputy Minority leader at Bayan Muna Rep Carlos Isagani Zarate sa Department of Agriculture (DA) at mga local government units (LGUs) na paigtingin ang kanilang buying capacity mula sa mga local farmers upang mapalakas ang food supply ngayong panahon ng krisis.
Sinabi ni Zarate na kailangang palakasin ng bansa ang hanay ng agrikultura at bigyan ng support service ang mga magsasaka.
Kailangan aniyang madaliin ng DA at mga LGUs ang pagbili ng mga produkto ng mga local farmers upang madagdagan ang imbak ng bigas at iba pang produkto na maaring ipamigay sa mga apektado ng lock down.
Sa kabilang banda, pinuri naman ng mambabatas ang ilang LGUs na kumikilos na upang mahinto ang pag-aaksaya ng mga produkto, at bigyang tulong pinansyal ang mga magsasaka.
Dagdag pa ni Zarate, makakaya aniya ng bansa na malampasan ang kakulangan sa pagkain kung ipagpapatuloy ng DA at mga LGUs na matiyak ang suplay ng pagkain kahit pa may ipinatutupad na checkpoints sa maraming lugar sa bansa.
Paglulunsad ng mga klinika at boteka on wheels sa gitna ng lockdown, iminungkahi ng isang mambabatas
Iminungkahi ni Albay Rep Edcel Lagman na ilunsad ng Department of Health (DOH), sa pakikipagtulungan sa kanilang regional offices at mga local government units (LGUs) ang mga kilinika at botika on wheels upang magbibigay ng libreng medisina at medical services sa mga mahihirap na barangay sa gitna ng COVID-19 pandemic.
Sinabi ni kay Lagman na sa pamamagitan ng mga klinika at botika on wheels ay mabibigyan ang mga mahihirap ng door-to-door na medical assistance ng hindi na nila kailangan pang lumabas ng bahay para magpakonsulta.
Kabilang sa mga gamot at medisina na pinasasama ng kongresista sa mga libreng ipamamahagi sa ilalim ng proyekto ang multivitamins at ascorbic acid, pain at fever medications, cold and cough remedies, anti-fungal at anti-bacterial ointments at mga first-aid supplies.
Bukod dito ay pinasasama din ni Lagman sa mga klinika on wheels ang mga serbisyong medikal tulad ng pre-natal and post-natal care, blood pressure and blood sugar level readings, consultations, immunization of infants and children, at simple laboratory tests.
Tinukoy ni Lagman na ang mga ito ay maaring pondohan gamit ang 2020 available funds ng DOH na binubuo ng (a) P19.090 billion “para sa pagbili ng mga gamot at bakuna ; (b) P10.5 billion “para sa social health protection program”; (c) P2.033 billion nakalaan sa family health, nutrition at responsible parenting”; at (d) P600 million para sa Quick Response Fund (QRF).
Monday, March 30, 2020
Pagtaas ng kaso ng Child absuse sa bansa sa gitna lockdown, ikinabahala ng isang mambabats
Nababahala si Agusan del Norte Rep Lawrence Fortun sa posibleng pagtaas ng bilang ng mga kaso ng pang aabuso sa kabataan sa gitna ng enhanced community quaratine na pinatutupad ng pamahalaan.
Ayon kay Fortun dahil sa nasa bahay lamang ang lahat ng mga miyembro ng pamilya ay hindi aniya malabo na magkaroon ng pang-aabuso sa mga menor de edad tulad ng sexual abuse, child abuse at domestic violence na kadalasang nangyayari din aniya sa mga congested community.
Kaugnay nito ay ikinabahala din ng kongresista na dahil sa hirap ng buhay at kakulangan ng pagkakakitaan dahil sa lockdown ay posibleng iudyok ng ilang mga magulang, kaanak o kakilala ang ilang kabataan sa sexual exploitation, human trafficking at cybersex
Dahil dito ay hiniling ni Fortun sa Department of Social Welfare and Development o DSWD at mga local social welfare workers na pakilusin pa rin ang kanilang mga social worker sa mga pamayanan upang matiyak na hindi magkakaroon ng pangaabuso sa mga kabataan.
Sunday, March 29, 2020
Congressman Yap, tama na ang resulta ng COVID-19 test, taliwas sa test sa pamamagitan ng rapid test kit
Si House appropriations committee chair Rep Eric Go Yap, na siyang initially napaulat na positive ang test result para sa coronavirus disease (COVID-19), batay sa rapid test kit, ay nag-negatibo sa huling report ng Research Institute for Tropical Medicine (RITM) noong Sabado ng gabi.
Sinabi ni Yap na kung ang isang barangay ay ma-dodonate-an ng rapid test kit, and then magtetest sila, ‘yung mga mag-positive, itatabi nila, at dapat irerecommend nila sa RITM.
Si Yap ay initially na test na positive sa COVID-19, ngunit kalaunan ay sinabi ng RITM na nanatiling negative ang solon at ang dahilan ay “clerical oversight” sa naunang resulta.
Friday, March 27, 2020
Pagkakamali ng RITM sa paglabas ng COVID-19 positive result ni Rep Yap, buong pusong tinanggap ng solon
Personal na nagtungo kay House Committe on Appropriations at ACT- CIS partylist Rep Eric Go Yap ang ilang opisyal ng Reseach Institute for Tropical Medicine o (RITM) upang ipaliwanag ang kanilang naging pagkakamali sa resulta ng kanyang COVID-19 test.
Sa facebook post ni Yap sinabi nito na personal siyang pinuntahan ng mga taga RITM ilang oras pa lamang matapos ipaalam sa kanya na siya ay negatibo sa COVID-19.
Ayon kay Yap, wala siyang hinanakit sa RITM at buong puso niyang tinatanggap ang paghingi nila ng paumanhin .
Sinabi pa ni Yap na walang dapat ipag-alala ang lahat dahil credible at competent ang RITM, dahil isang clerical error lamang naman ang nangyari.
Dagdag pa ng kongresista na bilang Chairman ang House Committee on Appropriations, titiyakin aniya na mabibigyan ang RITM ng sapat na pondo upang mas lalong mai-ayos nila ang kanilang mga pasilidad.
Sa huli ay pinuri ni Yap ang mga taga RITM at sinabi nia na tulad ng ibang mga frontliners, hindi madali ang kanilang trabahong ginagampanan sa gitna ng laban kontra COVID-19.
Negative pala ang naging resulta sa COVID-19 test ni Rep Yap
Sa isang pahayag kagabi ni House Committee on Appropriations Chairman at ACT-CIS Partylist Rep Eric Go Yap, sinabi nito na ang COVID-19 test na bumalik sa kanya ay nagsabing negative siya sa sakit.
Sinabi ni Yap na batay sa apology letter ng Research Institute for Tropical Medicine sa kanya, negative siya sa corona virus ayon sa resulta ng test.
Ayon sa mambabatas, naging masyadong mahirap sa kanya at sa mga taong nakapaligid sa kanya ang nakaraang 48 oras ngunit hindi rin naging madali sa kanya ang pagtanggap ng buong puso ang apology o pagso-sorry ng DOH-RITM sa pamamagitan ni Dr. Celia Carlos.
Sinabi ni Yap na naintidihan naman niya na talagang ang RITM ay ang pinaka-busy na medical facility sa buong bansa sa kasalukuyan ngunit hindi ito excuse pero normal na nagkakaroon ng pagkakamali sa dami at sa pressure na tinatanggap ng RITM.
Idinagdag pa ni Yap na hindi ito dahilan para sa kanya na mag-celerate dahil ilang milyong kababayan pa rin ang kasalukuyang apektado ng krisis na ito at hindi rin dapat magkakaroon ng poot sa kanino man bagkos hinihikayat niya ang bawat isa na manatili lamang sa kani-kanilang mga tahanan upang makaiwas sa sakit.
Isa pang kongresista ang nagpositibo sa COVID-19
Nagpositibo sa corona virus diseases 2019 o COVID-19 si Bulacan Rep Henry Villarica, batay na rin sa inilabas na statement ni House Secretary General Atty Jose Luis Montales.
Batay sa pahayag, huling pumasok si Villarica sa Kamara noong March 4, isang linggo bago mag-adjourn ang Kongreso para sa Lenten break.
Ayon pa sa pahayag, kabilang si Villarica sa mga dumalo sa isang event ni Baliuag Mayor Ferdie Estrella noong March 8 na kalaunan ay nagpositibo rin sa COVID-19.
Na-admit ang kongresista sa hospital noong March 12 dahil sa Pneumonia at ngayo ay stable na ang kanyang kalagayan.
Wala namang ipinapakitang sintomas ang mga miyembro ng kanyang congressional staff.
Samantala, kinumpirma naman ni Montales na nag negatibo sa COVID-19 test si Manila Teachers party list Rep Virgilio Lacson, bagamat may mga initial screening na nagpapakita ng positive results.
Sa kasalukuyan, bukod kay Villarica, unang tinamaan ng COVID-19, si House Appropriations Chairman at ACT-CIS Partylist Rep Eric Go Yap.
Thursday, March 26, 2020
ML Romualdez, Mino Abante at DS Villafuerte, handang sumailalim sa self quarantine matapos magpositibo si Rep Yap sa COVID-19
Handa sina Majority Leader at Leyte Rep. Ferdinand Martin Romualdez, Deputy Speaker at Camarines Sur Rep Luis LRay Villafuerte, at Minority Leader at Manila 6th District Rep Bienvenido Abante na sumailalim sa 14-day self quarantine period matapos magpositibo sa COVID-19 si ACT CIS Party list Rep Eric Go Yap.
Sinabi ni Romualdez na bagamat wala siyang naging close contact kay Yap noong Lunes sa special session, minabuti na rin niyang sumailalim sa self-quarantine.
Ayon sa kanya, wala siyang nararamdamang simtomas ng COVID-19 at malakas ang katawan niya upang ipagpatuloy ang tungkulin bilang House Majority Leader sa pamamagitan ng work-from-home system.
Sa ipinadala namang viber message ni Villafuerte sa media, sinabi nito na "Yes, I will go on self quarantine. I'm feeling good, no symptoms."
Kasalukuyan namang malakas ang pangangatawan ni Abante at walang nararamdamang simtomas ng COVI-19, subalit bilang precaution, minabuti na rin niyang mag self-quarantine pati na ang kanyang buong pamilya upang makaiwas at hindi na makahawa pa sa iba.
Hanggang sa kasalukuyan ay inaalam pa kung sinu-sino ang mga sumailalim na sa self quarantine na mga kongresistang dumalo sa special session ng Kamara noong nakaraang Lunes.
Wednesday, March 25, 2020
Appropriations committee chairman ng Kamara, nagpositibo sa COVID-19
Noong March 12 pa ng sumailalim sa COVID-19 test si ACT-CIS Partylist Rep Eric Go Yap na kasalukuyang chairman ng House Committee on Appropriations, ngunit, dahil hindi siya dumaan sa VIP lane para sa testing ay kahapon lamang niya nalaman ang resulta nito.
Nagsasagawa na ng contact tracing sa kasalukuyan ang Kongreso sa mga nakasalamuha ni Yap sa deliberasyon na ginawa ng mga mambabatas noong March 23 hanggang sa pag-apruba kahapon ni Pangulong Rodrigo Duterte sa “Bayanihan Act” at pagpasa rin ng P1.6 billion budget ng DOH para sa COVID-19.
Sinabi ni Yap sa isang pahayag kagabi na inis at galit ang kanyang naramdaman dahil alam niya na maaaring nailagay niya sa balag ng alanganin ang buhay ng mga taong nakapaligid sa kanya.
Isa si Yap sa mga ipinatawag sa sa Malacañang noong nakaraang Sabado upang talakayin ang mga hakbang para sugpuin ang krisis sa COVID-19.
Ngunit ayon sa kanya, bago siya magpunta doon, nagtanong muna siya kung may resulta na ang kanyang test ngunit wala pa daw.
Kaya nananawagan si Yap sa lahat na manatili tayo ating mga tahanan at panatilihing malinis ang katawan at paligid.
Speaker Cayetano: Isantabi muna natin ang pulitika at dapat magkaisa tayo para labanan ang COVID-19
Nanawagan si House Speaker Alan Peter Cayetano sa mga opisyal sa bansa na isantabi muna ang pulitika at sa halip ay magkaisa ang lahat para labanan ang COVID-19.
Sinabi ni Cayetano na para mapagtagumpayan ang labang ito kontra COVID-19 ay dapat isantabi muna ng lahat na mga opisyal ang pulitika at sa halip ay magtulungan bilang nagkakaisang bansa.
Kaugnay dito, umapila din ang lider ng Kamara sa publiko na bigyan si Pangulong Rodrigo Roa Duterte ng pagkakataon na mas mapabilis ang pagpapatupad ng mga agarang solusyon ngayong humaharap ang bansa sa emergency crisis.
Naniniwala si Cayetano na sa pamamagitan ng ipinasang “Bayanihan to Heal as One Act” ng Kongreso ay mabibigyan nito ang gobyerno ng mga kinakailangang resources at mekanismo para tugunan ang kinakaharap na emergency health crisis sa bansa at maibsan ang epekto ng community quarantine lalo na sa mga mangagawa.
Matatandaan na sa ginawang botohan sa kamara noong lunes para naturang bill ay 284 ang pumabor dito habang 9 lamang ang tumutol.
Tuesday, March 24, 2020
Mga UV express van, puwedeng gamitin ng pamahalaan para sa mga health care frontliners
Iminungkahi ni Ang Probinsyano Partylist Rep Ronnie Ong sa gobyerno na gamitin ang mga UV Express vans bilang transportasyon para sa mga health care frontliners habang naka-sailalim sa enhanced community quarantine ang buong Luzon.
Sinabi ni Ong na kung magtatagal pa ang pinaiiral na lockdown sa Metro Manila at mga karatig-probinsya ay maari aniyang i-tap ng pamahalaan ang mga UV express na magbigay ng libreng sakay para sa mga health care workers na naka deploy sa East Avenue Medical Center, National Kidney Transplant Institute (NKTI) at Philippine Children's Medical Center (PCMC) para labanan ang kumakalat na COVID-19 virus.
Ayon pa sa mambabatas, bukod sa mapapadali ng hakbang na ito ang pagbiyahe ng mga doktor at mga medical staff sa kanilang trabaho sa gitna ng kawalan ng public transport ay makapagbibigay din aniya ito ng kabuhayan sa daan-daang UV Express drivers na paralisado ang hanapbuhay bunsod ng lockdown.
Idinagdag pa ni Ong na mayroon narin aniya siyang mga nakausap mga driver na interasadong makiisa sa nasabing inisyatibo umpisa ngayong araw hanggang sa Abril a12 bagay, na suportado rin aniya ng iba pang mga government official.
Para masiguro aniya ang kaligtasan ng mga UV express driver, handa naman daw siya mag-provide sa kanila ng mga full personal protective equipment (PPE), alcohol, Vitamins at vehicle sanitization sa tuwing babyahe ang mga ito.
Viral “Stay home for us” poster ng mga mambabatas, may buwelta ang Speaker
Bumuwelta si House Speaker Alan Peter Cayetano sa mga kritiko ng kanilang ginawang photo op sa Special Session ng Kamara kahapon bitbit ang isang poster na may nakasulat “Stay home for us” na ngayon ay viral sa social media.
Sinabi ni Cayetano na kung ito aniya ang paraan para maprotektahan ang karamihan laban sa kumakalat ngayon na coronavirus disease o COVID-19 ay hindi siya mag-aatubiling gawin ulit ang nasabing panawagan.
“If you ask me to hold up a sign again, and even if the sign curses at me but it gets people to read and gets people to stay home, I will do it again and again and again,” aniya.
Ginawa ni Cayetano ang pahayag matapos aprubahan ng Kamara ang House Bill 6616 o ang pagbibigay ng 25 special power sa Pangulo para sugpuin ang COVID-19 pandemic.
Umabot sa halos 14 na oras ang Special Session sa halos 14 na oras ang Special Session ng Kamara upang talakayin ang panukalang lalaban sa COVID-19
Halos umabot sa 14 na oras bago naauprubahan sa Special Session ng Kamara de Representantes kahapon upang talakayin ang HB 6616 na magdi-deklara ng National Emergency sa buong bansa.
Ang HB 6616 ay inaprubahan sa third and final reading at ang Senate version nito, ang Senate Bill 1418, upang bigyan ng dagdag na kapangyarihan si Pangulong Rodrigo Roa Duterte kaugnay sa paglaban sa pandemic virus na COVID-19.
Sa botong 284, siyam ang tumutol at walang abstention, inaprubahan kaninang alas 3 e medya ng madaling araw ng House of Representatives ang HB No. 6616 sa pangatlo at pinal na pagbasa at ang Senate version nito.
Nag create din ito ng Defeat COVID-19 Ad Hoc Committee at hinirang bilang Chairperson nito si House Speaker Alan Peter Cayetano at Co-Chair naman si House Majority Leader at Leyte Rep Ferdinand Martin Romualdez.
Ito ang kauna-unahanang pagkakataon sa Kamara na nagsagawa ng virtual session sa mga internet media platform upang mahigpit na maipatupad ang social distancing measures sa gitna na rin umiiral na Luzon-wide enhanced community quarantine.
Monday, March 23, 2020
P275 bilyong pondo, ilalaan ng gobyerno kontra COVID-19
Maglalaan ang kongreso ng P275 bilyong piso pondo para matugunan ang laban ng pamahalaan kontra 2019 Corona virus disease o COVID 19.
Huhugutin ang naturang pondo mula sa 2020 National budget at sa savings ng 2019 budget.
Ang P200 bilyon dito ay ipambibili ng mga testing kits at iba pang kailangan ng Department of Health at ang matitirang P75 bilyong piso ay para naman sa amelioration ng mga health workers.
House Bill 6616 o ang Bayanihan Act, aprubado na sa Kamara
Aprubado na sa Kamara ang House Bill 6616 o ang "We Heal As One Act of 2020" na tinagurian ding "Bayanihan Act.”
Sinisiguro sa ilalim ng panukala ang pagkakaroon ng sapat na tulong upang matugunan ng gobyerno ang healthcare, kabilang na ang medical tests and treatments sa mga naging pasyente ng COVID-19, persons under investigation, at persons under monitoring.
Nakapaloob din sa naturang bill ang pagbibigay ng kapangyarihan kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte na mag-purchase ng testing kits, umupa ng properties para pagtayuan ng temporary medical facilities na hindi na dadaan pa sa rules on procurement, i-require ang mga negosyo na bigyan ng prayoridad at tumanggap ng contracts for materials and services kaugnay sa pagsugpo laban sa COVID-19.
Sa ilalim naman ng penalty provision ng HB 6616, makukulong ng dalawang buwan at multang P10,000 hanggang P1 milyong piso ang sinumang lalabag sa rules, regulations and directives nito.
Panukalang emergency powers para sa Pangulo, inaprubahan na sa Committee level ng Kamara
Inaprubahan ng House Committee of the whole kaninang umaga ang panukalang maggagawad ng karagdagang kapangyarihan kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte para matugunan ang COVID-19 situation sa buong bansa.
Sa isang special session, ipinasa ng komite ang HB06616 na magdi-deklara ng isang national emrgency sa gitna ng mabilis na pagdami ng mga kaso ng COVID-19 sa Pilipinas.
Kung maipasa ng Kamara at ng Senado ang naturang panukala, ito ay mag-otorisa sa punong ehekutibo ng kapangyarihan “for a limited period and subject to restrictions” na makakatulong sa sa pagtugon sa infectious disease outbreak.
Tinatakay pa sa kasalukuyan ang panukala sa House plenary.
Thursday, March 19, 2020
Media, hinimok ng mga lider ng Kamara na tulungan ang pamahalaan para mabawasan ang pag-panic ng publiko
Nanawagan sina House Majority Leader Martin Romualdez at Cavite Rep Elpidio Barzaga sa media na tulungan ang publiko para mabawasan ang pagpa-panic sa pamamagitan ng pag-uulat ng mga positibong balita sa COVID-19.
Iginiit ng mga kongresista ang kahalagahan na matutukan din ang mga positive developments tulad ng paggaling ng maraming pasyente sa virus.
Paliwanag ng mga mambabatas, malaking tulong ang media para maipaabot ang mga positibong balita sa kabila ng kinakaharap na krisis upang mabigyang inspirasyon ang publiko na magkaisa at makipagtulungan sa pamahalaan para labanan ang coronavirus.
Ayon kay Romualdez, ang patas na pagre-report tungkol sa magandang balita kahit pa patuloy na nakikipaglaban ngayon ang bansa sa COVID-19 ay makakapagbigay ng malaking pagbabago para sa kamalayan ng mga Pilipino tungkol sa sakit.
Sinabi naman ni Barzaga na ang pagbibigay diin sa mga positibong pagbabago sa gitna ng problema sa COVID-19 ay magtataas sa pagasa ng publiko na matatapos din ang krisis.
Samantala, umapela naman si Romualdez na isantabi muna ang pulitika at magkaisa sa pagpapanatili ng kaligtasan ng bawat pamilya habang hinahanapan ng paraan na mapigilan na ang pagkalat ng virus.
2021 IRA, gamiting calamity fund para ng mga LGU, ayon kay Rep Vargas
Umapela si Quezon City Rep Alfred Vargas sa gobyerno na gamitin ang calamity fund sa ilalim ng 2021 Internal Revenue Allotment (IRA) para matugunan ang mga pangangailangan ng bawat local government units sa kinakaharap na problema sa COVID-19.
Paliwanag ni Vargas, ang advanced na paggamit ng IRA na nakatakda sana para sa susunod na taon ay minsan nang ginawa noong panahon ni dating Pangulong Gloria Arroyo sa ilalim ng Executive Order 494 at Executive Order 723 kung saan ginamit ang IRA para sa iba’t ibang priority projects.
Sinabi ni Vargas na kung magagamit ang bahagi ng pondo ng IRA sa 2021 ay makakatulong ito sa mga LGUs para matugunan ang kanilang pangangailangang medikal para ma-contain ang virus, gamutan para sa mga pasyenteng magpopositibo sa sakit gayundin ang karagdagang basic social services.
Bukod dito, nasa ilalim din ng “state of calamity” ang buong bansa dahil sa COVID-19 kung saan nagdulot na ito ng malawak na pinsala sa kabuhayan at normal na pamumuhay ng mga tao.
Maaari aniyang gamitin ng mga LGUs ang 5% ng calamity fund sa IRA matapos ang deklarasyon ng “state of calamity” batay na rin sa Section 21 ng Republic Act 10121 na lumilikha sa National Disaster Risk Reduction Management (NDRRMC).
Binigyang diin ng mambabatas na malaking suporta para sa mga LGUs kung may dagdag na pondo mula sa pamahalaan upang mailatag nila ng husto ang mga hakbang para mapuksa ang coronavirus.
Pansamantalang kanselahin muna ang mga nakatakdang pagtaas sa matrikula sa susunod na school year
Nakiusap si Iligan City Rep Frederick Siao sa Department of Education (DEPED) at sa Commission on Higher Education (CHED) na kanselahin muna ang mga nakatakdang pagtaas sa matrikula at iba pang bayarin sa paaralan sa susunod na school year.
Ayon kay Siao, makakatulong ito kung hindi muna papayagan ng mga eskwelahan at unibersidad sa bansa ang anumang pagtataas sa school fees.
Nababahala ito na maraming estudyante ang magda-drop out sa paaralan sa susunod na taon dahil sa epekto ng COVID-19 sa maraming kabuhayan.
Sinabi din ng mambabatas na tiyak na maraming pamilya ang mahihirapang maghanap ng perang panggastos hindi lang sa enrollment kundi sa iba pang bayarin na naipon sa loob ng isang buwang enhanced community quarantine.
Bukas naman ang kongresista na suportahan ang supplemental budget para sa education vouchers ng mga estudyante mula Kinder hanggang kolehiyo sa public at private schools pero kailangan lamang na magprisinta ang DepEd, CHED, at DBM ng kanilang proposal sa Kongreso.
DOLE, dapat maglatag ng adjustment measure program kahit tapos na an ECQ sa April 14
Hinimok ni TUCP Partylist Rep Raymond Mendoza ang Department of Labor and Employment (DOLE) na maglatag ng adjustment measure program para sa COVID-19 kahit pa tapos na ang enhanced community quarantine sa April 14.
Ipinanukala nito sa DOLE na maglatag ng Labor Employment Assistance Program (LEAP) upang mabigyan ng subsidiya ang mga minimum wage earners.
Isinusulong ng TUCP na mabigyan ng P500 na arawang subsidiya ng pamahalaan ang mga GSIS at SSS minimum wage earners kahit lagpas na sa ipinapatupad na lockdown.
Ayon sa kanya, ang subsidiya ay pwedeng vouchers na maaaring ipamalit ng pagkain sa mga piling groceries at food caravans.
Hiniling din nito sa DTI na magsagawa ng Diskwento Caravan para sa distribusyon ng mga basic goods, vitamins, health kits at iba para sa mga manggagawa sa bawat komunidad.
Dagdag pa nito na dapat na makipagugnayan ang pamahalaan sa Employers' Confederation of the Philippines, Joint Foreign Chambers of Commerce, Filipino-Chinese Chamber of Commerce and Industry, at sa iba pang business chambers upang matiyak na hindi magreresulta sa pagsasara ng mga kumpanya at pagkawala ng trabaho ang pagtatapos ng ECQ.
Maisasalba ng ECQ ang Pinoy at ang ekonoliya nito, giit ni Salceda
Pinahayag ni House Ways and Means Committee Chairman Joey Salceda na maisasalba ng enhanced community quarantine (ECQ) ang buhay ng mga Pilipino at ang ekonomiya ng bansa.
Paliwanag ni Salceda, inaral na ng kanyang tanggapan na pagdating sa ekonomiya ay tinatayang nasa 2.95% lamang ang ibababa sa ating gross domestic products (GDP).
Ayon sa kanya, kung wala umanong ipinapatupad na lockdown ang gobyerno ay tiyak na 4.13% ang ibabagsak ng ating GDP.
Maliban dito, tinatayang aabot sa 1,565 na buhay ang maililigtas sa enhanced community quarantine.
Kung hanggang sa pagbabalik naman ng sesyon sa May 4, aabot sa 26,500 na katao ang makakaiwas sa impeksiyon.
Tinawag ni Salceda na game-changing at life-saving ang ginawang desisyon ni Pangulong Duterte laban sa COVID-19 dahil libu-libong buhay at pamilya ang maililigtas laban sa sakit.
Nauna rito ay isinulong ni Salceda ang P199 Billion package para ayudahan ang mga pamilyang Pilipino na maaapektuhan ng coronavirus o ang Families First Coronavirus Response Bill.
Si Salceda na unang nanawagan ng total lockdown ay hinimok din ang publiko na sumunod sa rekomendasyon dahil sa mga susunod na araw ay mapaikli o ma-relax ang kautusan bunsod na rin ng ipinapatupad na ibayong pag-iingat.
Wednesday, March 18, 2020
Tutukan din ng mga lokal na pamahalaan at pribadong sektor ang kapakanan ng mga Barangay Health Workers
Umaapela at humihingi ngayon ng tulong si BHW Party-list Rep Nica Co sa mga lokal na pamahalaan at pribadong sektor na tutukan din ang kapakanan ng mga Barangay Health Workers sa gitna narin ng banta ng COVID-19 sa bansa.
Ayon kay Co, labis na nangangailangan ngayon ng face masks, gloves, alcohol, vitamins at iba pang personal protective equipment ang mga BHWs na nakabantay ngayon sa mga barangay at local health centers.
Apela ni Co, kailangan ngayon ng suporta ng mga bayaning maaasahan lalo na at may umiiral na national health emergency kung saan ang mga barangay workforce ang inatasan ng Pangulo na pamahalaan ang kapakanan ng taumbayan.
Sa pagtaya ng kongresista, nasa 150,000 - 180,000 ang mga BHWs sa Luzon habang nasa 20, 000 naman ang nandito sa National Capital Region na sakop ngayon ng enhanced community quarantine laban sa COVID-19.
Sa huli, giit ni Co na hindi kaya ng iisang party-list na suportahan ang pangangailangan ng mga BHWs sa buong bansa kaya kailangan nang tulong mula sa lahat ng sektor.
Iilang mga pasilidad sa Batasan Complex, pansamantalang sarado muna dahil sa banta ng COVID-19
Isinara muna simula ngayong araw ang walong pasilidad loob ng Batasang Pambansa Complex dahil sa banta ng COVID-19.
Kabilang sa isinara ang Legislative Library, Archives and Museum Bldg, Fastfood Center, Sports and Fitness Center, Daycare Center, Procurement and Management Service, Printing Service, North Multi- Level Steel Parking at South Multi- Level Steel Parking.
Ayon sa House of Representatives, magagamit lamang ang mga nabanggit na pasilidad kung talagang kinakailangan.
Isasailalim naman sa sanitation works ang mga isinarang pasilidad laban sa virus.
Noong nakaraang linggo nang magpatupad din ng sanitation activities sa lahat ng kwarto ng mga mambabatas at mismong sa plenary hall ng Batasan.
Tuesday, March 17, 2020
Gawing pansamantalang tirahan ang mga hotel, motel, apartelle at inns habang ipinapatupad ang community quarantine, iminungkahi
Iminungkahi ni San Jose Del Monte City Rep Rida Robes na gawing pansamantalang tirahan ng mga manggagawa sa Metro Manila ang mga hotel, motel, apartelle at inns habang ipinapatupad ang community quarantine.
Sinabi ni Robes na maaaring makipag-uganayan ang gobyerno sa mga establisimiyento upang maibsan ang hirap ng mga manggagawa sa araw-araw na biyahe mula sa Metro Manila palabas sa kanilang mga bahay sa probinsiya.
Bukod dito, ang araw-araw na pagpa-babalik-balik ng mga manggagawa ay maaaring makadagdag sa pagkalat ng COVID-19.
Maaari aniyang sagutin ng pamahalaan at ng employers ang kalahati ng gastos para dito.
Publiko, hinimok na magpasuri kaagad sa doktor kung may nakitaang sinomas ng mild fever
Hinimok ni dating Health Secretary Janette Garin ang publiko na magpatingin agad sa doctor lalo na kung makitaan ng sintomas ng mild fever.
Sinabi ni Garin na kahit mild fever lalo na't sinasabayan ng dry cough at hirap sa paghinga ay dapat na itinatakbo na sa ospital.
Ayon kay Garin, kung mild COVID- 19 ang tumama sa isang pasyente ay minimal din ang chances of infectivity subalit para doon sa may mga malinaw na sintomas ng virus ay mataas ang probability nito na makahawa.
Sinabi din ng kongresista na yung mga may severe pneumonia ang pinaka-nakakahawa.
Sa huli, iginiit ni Garin na ang maagap na pagtugon sa early detection sa COVID- 19 ay malaking tulong sa pamahalaan.
Tax incentives sa mga businessmen at negosyo sa gitna banta ng COVID-19, iminungkahi
Hinimok ni Caloocan 2nd Distrct Rep Edgar Erice si Pangulong Duterte na bigayan ng tax incentives ang mga businessmen at negosyo sa gitna ng banta ng COVID-19.
Ito aniya ay para mabayaran ng mga negosyante ang sweldo ng kanilang mga employees habang ipinapatupad ang home quarantine.
Maaari aniyang hayaan na lamang ang mga businessmen na bayaran ang kanilang BIR LOA para sa taong 2020 na katumbas ng halaga na kanilang binayaran noong nakaraang taon.
Naniniwala si Erice na magiging positibo ang tugon ng business group sa hakbang na ito at tiyak na susunod sa atas ng pangulo na tulungan ang kanilang mga empleyado.
Citizens’ complaint hotline 8888, iminungkahing gawin munang COVID-19 hotline
Iminungkahi ni House Speaker Alan Peter Cayetano na pansamantalang gamitin muna bilang COVID19 Hotline ang 8888.
Sinabi ni Cayetano na bagamat mayroon nang hotline ang mga local government units at and Department of Health ay hindi na ito kinakaya ng Sistema.
Ayon sa Speaker, mayroon na rin aniyang expertise ang 8888 nang pag-traffic ng mga tawag at concern sa iba’t ibang ahensya kaya’t maaari itong i-utilize ng Inter Agency Task Force sa pag-sagot ng mga katanungan hinggil sa COIVD-19 at ipinapatupad na Enhanced Community Quarantine.
Umapela na rin si Cayetano sa publiko na kung hindi naman ganung ka-urgent ang reklamo o complaint ay bigyang-daan na lang ang mga katanungan tungkol sa COVID-19
Ang hotline 8888 o Citizens' Complaint Hotline ay inilaan bilang sumbungan ng bayan.
Pagpupulong para sa mga manggagawang apektado ng Community Quarantine dahil sa COVID-19, isinagawa ng Kamara at DSWD
Nagpulong kahapon ang liderato ng Kamara at DSWD upang ilatag ang ilang short term relief package para sa mga manggagawang apektado ng Community Quarantine dahil sa COVID-19.
Sinabi ni House Speaker Alan Peter Cayetano na tiningnan nila ang ilan sa mga ipinatutupad nang mga programa ng pamahalaan upang makatulong sa mga manggagawa na apektado ang kanilang mga trabaho at hanapbuhay.
Kabilang dito ang Pantawid Pasada Program para sa mga ticycle at jeepney drivers at ang Tulong Pang-hanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers o TUPAD program para sa mga displaced na manggagawa.
Isa sa mga suhestyon ni Cayetano kay Secretary Rolando Bautista ay ang cash for work program.
Ayon sa kanya, kung ang isang indibidwal na siyang bread winner ng pamilya ay mag-positibo sa COVID-19 o kailangang sumailalim sa self-quarantine, maaari itong bigyan ng pinansiyal na ayuda basta mananatili ito sa kanyang bahay.
Maaari aniyang illogical ang naturang patakaran ngunit maituturing na extraordinary case ang sitwasyon na nangangailangan din ng extraordinary solution.
Aniya, tiniyak na ng DSWS na may sapat silang pondo para sa mga pantawid program.
Monday, March 16, 2020
Kamara at DSWD, magpupulong para sa mga manggagawang apektado ng Community Quarantine dahil sa COVID-19
Magpupulong ngayong araw ang liderato ng Kamara at DSWD upang ilatag ang ilang short term relief package para sa mga manggagawang apektado ng Community Quarantine dahil sa COVID-19.
Sinabi ni House Speaker Alan Peter Cayetano na tinitingnan nila ang ilan sa mga ipinatupad nang mga programa ng pamahalaan upang makatulong sa mga manggagawa na apektado ang kanilang mga trabaho at hanapbuhay.
Kabilang dito ang Pantawid Pasada Program para sa mga ticycle at jeepney drivers at ang Tulong Pang-hanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers o TUPAD program para sa mga displaced na manggagawa.
Isa pa sa mga suhestyon ni Cayetano ay ang cash for work program.
Ayon sa kanya, kung ang isang indibidwal na siyang bread winner ng pamilya ay mag-positibo sa COVID-19 o kailangang sumailalim sa self-quarantine, maaari itong bigyan ng pinansiyal na ayuda basta mananatili ito sa kanyang bahay.
Maaari aniyang illogical ang naturang patakaran ngunit maituturing na extraordinary case ang sitwasyon na nangangailangan din ng extraordinary solution.
Aniya, tiniyak na ng DSWS na may sapat silang pondo para sa mga pantawid program.
Magkaisa tayo laban sa COVID-19, kahit ngayon lang - Rep Yap
Hinikayat ni ACT-CIS Rep Eric Yap ang lahat na magbuklod at magsama para pigilan at labanan ang coronavirus disease (COVID-19) sa bansa.
Sinabi ni Rep Yap na isantabi muna natin ang ating mga kulay politika o adhikain sa halip ay magsama-sama tayo na harapin ang problemang ito na hanggang ngayon ay wala pang gamot na naiimbento.
Sa halip anya na batikusin ang gobyerno dahil sa pag-quarantine sa National Capital Region o NCR ay hikayatin natin ang iba na sundin ang utos ng mga kinauukulan para hindi kapitan ng coronavirus.
Ayon sa kanya, nagra-rally ang ilang grupo dahil sa pangambang marami ang mawawalan ng trabaho, pero sa isang banda dapat tingnan din natin kung bakit ipinatutupad ang quarantine.
Friday, March 13, 2020
Skeletal work force sa Kongreso ay magsisimula na sa Lunes
Magpapatupad ng skeletal work force ang Mababang Kapulungan ng Kongreso simula sa Lunes hanggang magbukas muli o mag-resume ang sesyon ng Kongreso sa ika-4 ng Mayo.
Ayon kay House Secretary General Jose Luis Montales, magpapalitan ang mga empleyado ng tig aapat na araw, Lunes hanggang Huwebes at sarado naman sa publiko ang araw ng Biyernes hanggang Linggo.
Bahagi pa rin aniya ito sa prayoridad ng Kamara na pangalagaan ang kalusugan at kaligtasan ng bawat isang mambabatas at mga empleyado.
Binigyan-diin din ni Montales na nanatiling Corona Virus Disease 2019 o COVID-19 free ang buong Kongreso. Wala aniyang naitalang kompirmadong kaso ng covid 19 kahit pa Persons Under Investigation (PUI), o Persons Under Monitoring (PUM).
Bilang bahagi pa rin ng hakbang upang maprotektahan ang buong Kongreso laban sa covid 19, isasailalim ito sa isang masusing paglilinis at disinfection ngayong araw ng Biyernes hanggang Linggo.
Thursday, March 12, 2020
Sumailalim na rin sa mandatory self-quarantine ang isa pang kongresista dahil sa COVID-19
Ayon kay Iloilo City Rep Julienne "JamJam" Baronda, bagamat wala siyang nararamdamang sintomas ng coronavirus ay sasailalim na siya sa self-quarantine bilang pagsunod sa health standard precautionary measures ng mga otoridad.
Paliwanag ni Baronda, nitong March 9 ay nakipagpulong siya kay Budget and Management Sec Wendel Avisado at March 10 naman ay nakasama naman nito si Transportation Sec Arthur Tugade at ang team nito.
Sina Avisado at Tugade ay ilan lamang sa mga government officials na sumailalim na sa self-quarantine dahil nakasalamuha ng mga ito ang isang opisyal na nagpositibo sa COVID-19.
Pinayuhan naman ni Baronda ang publiko na maging maingat sa kalusugan, kumuha lamang ng mga impormasyon sa mga lehitimong websites at sa mga otoridad, gayundin ang maiging pagsunod sa sanitary at health protocols.
Bukod kay Baronda, naunang sumailalim din sa self-quarantine si Davao City Rep Isidro Ungab matapos na makasalamuha kahapon sa Senado si Senator Sherwin Gatchalian na na-expose sa isang resource person sa hearing na positive pala sa COVID-19.
Tiniyak ni Davao City Rep Isidro Ungab na tuloy pa rin ang kanyang trabaho kahit naka self- quarantine siya
Bagamat naka-self quarantine ay tiniyak ni Davao City Rep Isidro Ungab na tuloy pa rin ang kanyang trabaho sa pamamagitan ng electronic communication.
Sinabi ni Ungab na ang self-quarantine ay ang pinaka-responsable at dapat na gawin ng isang indibidwal upang mapigilan ang pagkalat ng virus sakali mang nahawahan sila o naging carrier ng sakit.
Si Ungab ay sumasailalim ngayon sa 14 day self-quarantine period matapos naman itong magkaroon ng close contact kay Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio sa Senado kamakailan.
Una rito ay boluntaryong sumalang sa self quarantine si Mayor Sara matapos magkaroon ito ng exposure sa ilang Senador na nakasalumuha ang isang resource person na nagpositibo sa COVID-19.
Si Ungab ay ang kauna-unahang kongresista na nag-anunsiyo na magpaself-quarantine bilang pag-iwas sa lalo pang pagkalat ng COVID-19.
Work at home at pagbabago ng scool calendar, inirekomenda para maagapan ang pagkalat ng COVID19
Ang pagpapatupad ng work from home sa mga opisina at pagbabago ng school calendar ay inirekomenda ng isang mambabatas para maagapan ang pagkalat ng COVID 19 sa Metro Manila.
Hinimok ni House minority Leader at Manila 6th Rep Benny Abante ang gobyerno na magpatupad ng mga dagliang solusyon para mapigilan ang paglaganap ng 2019 Corona Virus Disease o COVID19 sa Metro Manila.
Kabilang sa mga hakbang pinakokonsidera ni Abante sa pamahalaan ay ang pagbabago ng school calendar upang maagang makapagbakasyon ang mga estudyante ngayong summer break.
Bukod dito ay ihinirit din ng kongresista na pag-aralan ang work from home para sa mga nagtatrabaho sa gobyerno at mga pribadong opisina.
Giit pa ni Abante mahigit 12.8 milyon ang populasyon sa Metro Manila at mayruong 21,000 na mga residente ang nagsisiksikan sa kada square kilometer.
Bukod dito ay binigyang-diin ng kongresista na base sa pahayag ng World Health Organization (WHO), ang overcrowding ay isa sa mga pangunahing dahilan ng mabilis na pagkalat ng sakit lalo na ang respiratory infections na kadalasang sanhi ng viruses tulad ng COVID19.
Bambol Tolentino, nalagay sa balag ng alanganin bilang chairman ng Accounts Committee
Tila nalalagay sa alanganin ang posisyon ni Cavite 8th District Rep Abraham "Bambol" Tolentino bilang chairman ng powerful House committee on accounts sa Kamara de Representantes.
Muling binigyang-diin ni Speaker Alan Peter Cayetano ang hamon nito kay Marinduque Rep Lord Allan Velasco na maglabas na sila ng pahayag na silang dalawang lamang ang magpapalitan sa liderato ng Kamara.
Ayon kay Cayetano walang palitan ng deputy speakers, majority leader, minority leader at iba pang opisyal ng Kamara.
Bahala aniya si Velasco kung pananatilihin o papalitan nito si Tolentino bilang chairman ng accounts committee.
Kung magpapalitan silang dalawa ni Velasco, sinabi ni Cayetano na nais lamang niyang matiyak na walang magiging disruption sa Kongreso para hindi magulo ang mga trabaho nito.
Idinagday ng Speaker na bagamat napag-usapan na nila sa Partido Demokratikong Pilipino-Laban ng Bayan o PDP-Laban at ipinakita ang ebidensya sa tangkang kudeta sa Kamara, hiniling nito sa kapwa niya mga mambabatas na itigil na ang isyu ng palitan sa speakership sa halip ipagpatuloy na lamang ang kanilang mga trabaho kahit naka-session break ang Kongreso.
Wednesday, March 11, 2020
Dating Pangulo Gloria Macapagal at dati nitong kritiko na si House Speaker Alan Peter Cayetano, nagkamabutihan ngayong hapon
Binigyang pugay ni House Speaker Alan Peter Cayetano ang mga nagawa ni dating Pangulo at House Speaker Gloria Macapagal Arroyo sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ng Pilipinas.
Sa inauguration ng North Bridgeway na magkokonekta sa Ramon V. Mitra Bldg at North Wing ng Batasang Pambansa Complex, sinabi din Cayetano na naway magsilbing simbolo ng pagkakaisa ang nasabing tulay.
Ani Cayetano, naway magsilbing simbolo ng ugnayan sa kaniyang speakership at sa speakership noon ni Arroyo ang bagong bridgeway at maging hudyat ng ugnayan ng kani-kanilang mga pamilya.
"Hopefuly this bridge from your speakership to mine will also be a bridge from your family to mine," wika ni Cayetano.
Batid din ng House Speaker ang political difference nito noon kay Arroyo noong pangulo pa ito ng bansa.
Matatandaan na isa si Cayetano noon sa mahigpit na kritiko ng Arroyo admnistration lalo na nang pumutok ang issue sa "Hello Garci" controversy.
Samantala sa kaniyang panig, kinilala naman ni Arroyo ang political symbolism ng binuksang North Bridgeway na pinondohan sa panahon nito bilang Speaker sa huling bahagi ng 17th Congress.
Kakulangan ng mga medical at testing supplies pinoproblema ngayon ng DOH sa gitna ng paglaban sa COVID19
Aminado ang Department of Heath o DOH na problema nila ngayon ang mapagkukunan ng sapat na supply ng medical at testing materials para tugunan ang paglaban ng bansa sa kumakalat ngayon Corona Virus Disease o COVID19.
Sa briefing ng House Committee on Health kaugnay sa COVID19, sinabi ni Health Secretary Francisco Duque na hindi pondo ang kanilang problema kundi ang global shortage ng mga medical at testing equipment na magagamit bilang panangga sa sakit.
Sa kabila nito ay umaasa si Duque, na matutugunan pa rin ang kanilang pangangailangan ng naturang kagamitan na aabot sa hanggang 2,000 test supplies kada linggo.
Maging ang mga ospital sa bansa ay ramdam narin ang kakulangan ng medical supplies na mismong inamin ni Philippine Hospital Association President Jaime Almora.
Ayon kay Almora, kulang na ang face masks supplies sa mga ospital kung saan nag-i-improvised na lamang ang ilang pagamutan sa paggamit ng mga lumang tela o linen.
Tuesday, March 10, 2020
Pagtalakay sa franchise renewal ng ABS-CBN, itutuloy sa Mayo, ayon kay Speaker Cayetano
Sa darating na Mayo ulit uumpisahan ng House Committee on Legislative Franchises ang pagtalakay sa franchise renewal ng ABS-CBN network upang maging maayos ang pagdinig at hindi ito maging circus.
Sa isang press briefing, sinabi ni Speaker Alan Peter Cayetano ito ay upang maging tama ang desisyon, fair objectives at transparent ang Kongreso.
Sinabi ni Cayetano na kung may kapangyarihan ang Kongreso na magbigay ng 25-year franchise sa ABS-CBN, bakit hindi aniya masasabi sa National Telecommunication na huwag muna itong patayan ng ilaw habang naghi-hearing pa ang Kongreso.
Kaugnay nito, wala pang isang oras ang nakalilipas, nag-adjoun na ang hearing ng House Committee on Legislative Franchises sa pagtalakay nito sa franchise renewal ng ABS-CBN.
Nagtalo-talo ang mga kongresista sa posisyon kung sino ang mauunang mag-interpellate, ang mga kontra ba o ang mga pabor ba sa franchise renewal.
Subalit nilinaw ni Cagayan de Oro Rep Rufus Rodriguez na naging kaugalian na sa Kongreso ang "first come, first served" basis pagdating sa kung sino ang mag-interpellate mula sa miyembro ng komite.
Pagdinig sa Kamara kaugnay sa ABS-CBN franchise renewal agad na tinapos ng House Committee on Legislative Franchises
Mabilis na inadjourn ng House Committee on Legislative Franchises ang pagdinig nito kanina kaugnay sa ABS-CBN franchise renewal.
Sa umpisa pa lamang ng hearing ay nagkaroon na ng pagtatalo ang ilang miyembro ng komite hinggil sa ground rules ng pagdinig kung saan kabilang sa pinagdebatehan ng mga miyembro ay kung sino sa Pro o Anti sa renewal ng prangkisa ang mauunang magpapahayag ng kanilang saloobin sa isyu.
Kaugnay dito ay tiniyak naman ni National Telecommunications Commission (NTC) Commisioner Gamaliel Cordova na mabibigyan ng provisional authority ang ABS-CBN para makapagpatuloy ng kanilang operasyon sa kabila ng nalalapit na expiration ng kanilang prangkisa.
Bagaman at tumanggi si Cordova na talakayin ang legal matters kaugnay sa isyu dahil sa umiiral na subjice rule ay sinabi pa ni Cordova, susunod sila sa latest advise ng Department of Justice na bigyan ng provisional authority ang ABS-CBN.
Sa huli ay iginiit ng opisyal na magkakaroon ng legal basis ang pag-i-isyu nila ng provisional authority kung maglalabas ng concurrent resolution para dito ang Nababang Kapulungan ng Kongreso.
DOH: may iba pang pagkukunan ng pondo para sa kinakailangang supplemental budget para sa COVID-19
Tiniyak ng Department of Health o (DOH) na may iba pa silang pagkukunan ng karagdagang pondo para sa kinakailangang 3.1 Billion pesos na supplemental budget para sa Corona Virus Disease o COVID-19.
Sa pagdinig ng House Committee on Appropriations kanina , sinabi ni DOH Usec Roger Tong-an na maari silang kumuha ng karagdagang pondo mula sa PAGCOR, savings ng DOH, PCSO at Quick Response Fund para mapunan ang kakulangan.
Una rito ay sinabi ng National Treasury na aabot lamang sa P1.654 Billion ang excessive o available funds na maaaring ilaan ng kanilang tanggapan para sa corona virus.
Sa ngayon ay hindi pa matiyak ng National Treasury kung kailan makukumpleto ang kailangang pondo pero sinabi ng opisyal nito sa ngayon ay minamadali na ng kanilang tanggapan ang pagrerelease ng dividends mula sa mga government corporation na maaaring hugutan ng karagdagang pondo.
Sa kabila nito ay siniguro ni Health Secretary Francisco Duque III na handa sila laban sa virus at sa pamamagitan ng patuloy na pakikipag-ugnayan sa mga kaukulang ahensya ng gobyerno hanggang sa barangay level.
Personal issues laban sa ABS- CBN, pinag-iisipang ilatag ni House Speaker Cayetano
Pinag-iisipan pa ni House Speaker Alan Peter Cayetano kung isusulat paba nito ang mga personal niyang reklamo laban sa ABS-CBN Corp.
Ito ay sa harap narin ng nakatakdang hearing ng House Committee on Legislative Franchises ngayong araw kaugnay sa franchise application ng network giant.
Sa isang panayam, sinabi ni Cayetano na pinag-iisipan din nito na lumiham direkta sa ABS-CBN Management at doon ilabas ang kaniyang mga reklamo at hintayin nalamang ang sagot ng kumpanya.
Binigyan diin pa ni Cayetano na bukod sa kaniya ay may personal issue din si Pangulong Duterte sa kapamilya network na nakatakda namang talakayin sa congressional hearing.
Matatandaan na makailang beses na binanggit ng Pangulo ang kaniyang pagtutol sa franchise renewal ng ABS-CBN dahil sa mga iregularidad umano nito sa pagbo-broadcast bukod pa yan sa quo warranto petition ng Office of the Solicitor General sa Supreme Court.
Temporary tax exemption sa mga face mask, sanitizer at iba pang protective equipment at produkto, iminungkahi upang matitiyak ang sapat na suplay ng mga ito sa gitna ng banta ng COVID-19
Iminungkahi ni Quezon City Rep. Precious Hipolito Castelo sa mga kinauukulang ahensya ng gobyerno na patawan ng temporary tax exemption ang mga face mask, sanitizers at iba pang mga kahalintulad na produkto.
Ayon sa mambabatas, kung hindi papatawan ng buwis sa mga personal protective equipment at antiseptic products ay matitiyak ang sapat na suplay ng mga ito sa gitna ng banta ng COVID 19 sa bansa.
Paraan din aniya ito upang mapigil ang pananamantala ng ilang negosyate sa pagpapataw ng mas mataas na presyo sa naturang mga produkto.
Ngayong linggo inaasahang ihahain ni Castelo ang panukala.
Sa kasalukuyan, mayroon nang sampung naiulat na kaso ng COVID 19 sa bansa kasunod ng kumpirmasyon ng dagdag na apat na kaso kagabi.
Monday, March 09, 2020
Temporary tax exemption sa mga face mask, sanitizer at iba pang protective equipment at produkto, iminungkahi upang matitiyak ang sapat na suplay ng mga ito sa gitna ng banta ng COVID-19
Iminungkahi ni Quezon City Rep. Precious Hipolito Castelo sa mga kinauukulang ahensya ng gobyerno na patawan ng temporary tax exemption ang mga face mask, sanitizers at iba pang mga kahalintulad na produkto.
Ayon sa mambabatas, kung hindi papatawan ng buwis sa mga personal protective equipment at antiseptic products ay matitiyak ang sapat na suplay ng mga ito sa gitna ng banta ng COVID-19 sa bansa.
Paraan din aniya ito upang mapigil ang pananamantala ng ilang negosyate sa pagpapataw ng mas mataas na presyo sa naturang mga produkto.
Ngayong linggo inaasahang ihahain ni Castelo ang panukala.
Sa kasalukuyan, mayroon nang sampung naiulat na kaso ng COVID-19 sa bansa kasunod ng kumpirmasyon ng dagdag na apat na kaso kagabi.
Isang linggong lackdown sa NCR, inirekomenda ni Salceda kaugnay sa COVID-19
Inirekomenda ni House Ways and Means Committee Chairman at Albay Rep. Joey Salceda ang isang linggong pagsasara o lockdown sa buong National Capital Region (NCR) upang makontrol at hindi na kumalat pa ang COVID-19 matapos na maitala ang local transmission ng sakit.
Ayon kay Salceda, hindi dapat isantabi ang lockdown sa NCR dahil sa COVID-19 dahil ganito rin ang ginawa ng mga bansang mauunlad tulad ng South Korea at Japan.
Paliwanag ni Salceda, ang lockdown na ipapatupad ay pagpapasasara ng NLEX at SLEX gayundin ang mga railways at domestic flights upang mapigilan na kumalat ang virus sa ibang bahagi pa ng bansa.
Bukod dito, pinapakansela din ang klase sa mga paaralan at pasok sa mga trabaho.
Paglilinaw naman ni Salceda, isang linggo lang naman gagawin ang pagsasara sa NCR upang ma-contain ang sakit at madisinfect ang lahat ng mga lungsod sa Metro Manila.
Mas makakabuti aniya ang one week-lockdown sa NCR dahil mas malaki ang mawawala sa kita ng bansa kapag hindi ito ginawa.
Kung isasagawa ang isang linggong lockdown, .8% lamang o P100 Billion sa GDP ang mawawala kumpara naman sa 1.5% GDP o P218.5 Billion kung hindi ito ipapatupad.