Tuloy-tuloy na supply ng pagkain sa gitna ng lockdown, pinatatiyak ng isang mambabatas
Nanawagan si House Deputy Minority leader at Bayan Muna Rep Carlos Isagani Zarate sa Department of Agriculture (DA) at mga local government units (LGUs) na paigtingin ang kanilang buying capacity mula sa mga local farmers upang mapalakas ang food supply ngayong panahon ng krisis.
Sinabi ni Zarate na kailangang palakasin ng bansa ang hanay ng agrikultura at bigyan ng support service ang mga magsasaka.
Kailangan aniyang madaliin ng DA at mga LGUs ang pagbili ng mga produkto ng mga local farmers upang madagdagan ang imbak ng bigas at iba pang produkto na maaring ipamigay sa mga apektado ng lock down.
Sa kabilang banda, pinuri naman ng mambabatas ang ilang LGUs na kumikilos na upang mahinto ang pag-aaksaya ng mga produkto, at bigyang tulong pinansyal ang mga magsasaka.
Dagdag pa ni Zarate, makakaya aniya ng bansa na malampasan ang kakulangan sa pagkain kung ipagpapatuloy ng DA at mga LGUs na matiyak ang suplay ng pagkain kahit pa may ipinatutupad na checkpoints sa maraming lugar sa bansa.
<< Home