Kakulangan ng mga medical at testing supplies pinoproblema ngayon ng DOH sa gitna ng paglaban sa COVID19
Aminado ang Department of Heath o DOH na problema nila ngayon ang mapagkukunan ng sapat na supply ng medical at testing materials para tugunan ang paglaban ng bansa sa kumakalat ngayon Corona Virus Disease o COVID19.
Sa briefing ng House Committee on Health kaugnay sa COVID19, sinabi ni Health Secretary Francisco Duque na hindi pondo ang kanilang problema kundi ang global shortage ng mga medical at testing equipment na magagamit bilang panangga sa sakit.
Sa kabila nito ay umaasa si Duque, na matutugunan pa rin ang kanilang pangangailangan ng naturang kagamitan na aabot sa hanggang 2,000 test supplies kada linggo.
Maging ang mga ospital sa bansa ay ramdam narin ang kakulangan ng medical supplies na mismong inamin ni Philippine Hospital Association President Jaime Almora.
Ayon kay Almora, kulang na ang face masks supplies sa mga ospital kung saan nag-i-improvised na lamang ang ilang pagamutan sa paggamit ng mga lumang tela o linen.
<< Home