Pagtalakay sa franchise renewal ng ABS-CBN, itutuloy sa Mayo, ayon kay Speaker Cayetano
Sa darating na Mayo ulit uumpisahan ng House Committee on Legislative Franchises ang pagtalakay sa franchise renewal ng ABS-CBN network upang maging maayos ang pagdinig at hindi ito maging circus.
Sa isang press briefing, sinabi ni Speaker Alan Peter Cayetano ito ay upang maging tama ang desisyon, fair objectives at transparent ang Kongreso.
Sinabi ni Cayetano na kung may kapangyarihan ang Kongreso na magbigay ng 25-year franchise sa ABS-CBN, bakit hindi aniya masasabi sa National Telecommunication na huwag muna itong patayan ng ilaw habang naghi-hearing pa ang Kongreso.
Kaugnay nito, wala pang isang oras ang nakalilipas, nag-adjoun na ang hearing ng House Committee on Legislative Franchises sa pagtalakay nito sa franchise renewal ng ABS-CBN.
Nagtalo-talo ang mga kongresista sa posisyon kung sino ang mauunang mag-interpellate, ang mga kontra ba o ang mga pabor ba sa franchise renewal.
Subalit nilinaw ni Cagayan de Oro Rep Rufus Rodriguez na naging kaugalian na sa Kongreso ang "first come, first served" basis pagdating sa kung sino ang mag-interpellate mula sa miyembro ng komite.
<< Home