Negative pala ang naging resulta sa COVID-19 test ni Rep Yap
Sa isang pahayag kagabi ni House Committee on Appropriations Chairman at ACT-CIS Partylist Rep Eric Go Yap, sinabi nito na ang COVID-19 test na bumalik sa kanya ay nagsabing negative siya sa sakit.
Sinabi ni Yap na batay sa apology letter ng Research Institute for Tropical Medicine sa kanya, negative siya sa corona virus ayon sa resulta ng test.
Ayon sa mambabatas, naging masyadong mahirap sa kanya at sa mga taong nakapaligid sa kanya ang nakaraang 48 oras ngunit hindi rin naging madali sa kanya ang pagtanggap ng buong puso ang apology o pagso-sorry ng DOH-RITM sa pamamagitan ni Dr. Celia Carlos.
Sinabi ni Yap na naintidihan naman niya na talagang ang RITM ay ang pinaka-busy na medical facility sa buong bansa sa kasalukuyan ngunit hindi ito excuse pero normal na nagkakaroon ng pagkakamali sa dami at sa pressure na tinatanggap ng RITM.
Idinagdag pa ni Yap na hindi ito dahilan para sa kanya na mag-celerate dahil ilang milyong kababayan pa rin ang kasalukuyang apektado ng krisis na ito at hindi rin dapat magkakaroon ng poot sa kanino man bagkos hinihikayat niya ang bawat isa na manatili lamang sa kani-kanilang mga tahanan upang makaiwas sa sakit.
<< Home