Tuesday, May 29, 2012

Assistance centers para sa mga kababaihan at kabataan, itatatag

Pumasa na sa ikatlo at pinal na pagbasa sa Kamara ang panukalang batas na magtatatag ng mga resource development at crisis assistance centers para sa kababaihan at kabataan sa lahat ng lalawigan at lungsod sa bansa.

Ang HB06155 na iniakda nina Agusan del Norte Rep Ma Angelica Amante-Matba, Zamboanga City Rep Maria Isabelle Climaco, Dinagat Rep Ruben Ecleo, Jr, Gabriela partylist Rep Luzviminda Ilagan, Una ang Pamilya partylist Rep Reena Concepcion Obillo at Kalinga Rep Abigail Faye Ferriol ay naglalayong bigyan ng tulong ang mga kababaihang biktima ng panggagahasa at iba pang paglapastangan.

Sinabi ni Amante-Matba na bibigyan ng karapatan ang lahat ng kababaihan at kabataan na biktima ng prostitusyon at sexual exploitation, domestic violence, abuse at battery, rape, incest, sexual abuse, harassment o molestation, illegal recruitment, trafficking at labor exploitation at pati na rin ang mga biktima ng armed conflict, natural or environmental disasters na dumaranas ng trauma sanhi ng pagkamatay ng miyembro ng pamilya.

Ayon naman kay Ilagan, ang mga abandoned and run-away woman and children, women and children in detention, mga biktima ng anumang uri ng violence and suffering from any crisis situation, victims suffering from mental, emotional, psychological and physical disabilities na nagngailangan ng special support at assistance and biktima ng iba pang mga circumstances na kikilalanin ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

---

Paggamit ng garbage trucks na may on board compactor, ipag-uutos

Naghain sina BUHAY partylist Reps Irwin Tieng at Mariano Michael Velarde ng isang panukalang batas na mag-uutos sa lahat ng Local Government Units (LGUs) na gumamit ng trak ng basura na may lulan nang compactor para sa koleksyon at transportasyon ng mga basura.

Sinabi ni Tieng na inihain nila ang HB06117 sa layuning matugunan ang tumataas na bultong basura sa komunidad at sa pangangailangang sumulong ang sistema ng bansa sa pagkoleta at pagtatapon ng basura.

Idinagdag pa ni Tieng na ang bawat Filipino na naninirahan sa Metro Manila ay may basura na hindi bababa sa kalahating kilo araw-araw.

Sa pupolasyon na mahigit 10 milyon, ang tinatayang basura sa Metro Manila lamang ay maaring umabot sa mahigit dalawang milyong metrikong tonilada kada taon.

Sinabi naman ni Velarde na kahit na naipasa na ang Ecological Solid Waste Management Act, patuloy pa rin ang pagdami ng basura kahit na gumagawa ng paraan ng gobyerno para labanan ang problema sa basura.

---

Magtanim ng dalawang puno bago magkamit ng birth certificate

Ipinanukala ngayon sa Kamara na magtatanim muna ng dalawang puno ang bawat isang magulang na nagsilang ng anak bago nito makuha ang certificate of live birth ng sanggol.

Ito ang nakasaad sa HB06087 o ang tinatawag na “Family Tree Planting Act of 2012,” na nag-uutos sa mag-asawa na nakatira sa Pilipinas, kahit na sila ay kasal o hindi kasal, na magtanim ng dalawang puno para sa bawat anak na isisilang.

Sinabi ni Paranaque Rep Edwin Olivarez, may akda ng panukala, na ang puno ay pwedeng itanim sa bakuran ng kanilang bahay o sa lugar na itatalaga ng Provincial Environmental and Natural Resources Office (PENRO) o ng Community Environment and Natural Resources (CENTRO) kung saan sila nakatira.

Bago isyuhan ang mga magulang ng Local Civil Registrar ng lungsod o munisipalidad ng birth certificate, kailanga munang magbigay ng joint affidavit na nagpapatunay na sila ay nagtanim na ng dalawang puno bilang pagsunod sa batas at ipi-presinta ito sa civil registrar.

Mag-iisyu ang Punong Barangay ng affidavit of compliance kung ang puno ay naitanim na sa kanilang lugar o sa itinalagang lugar ng PENRO at CENTRO.

Idinagdag pa ni Olivarez na ang certificate of compliance ang unang kailangan para ma-release ang certificate of live birth ng bata para matiyak na sumunod ito sa kautusan.

---

Monday, May 28, 2012

Coast Guard at Air Force, tatanggap ng parangal sa Kamara


Nais ni AGHAM partylist Rep Angelo Palmones na parangalan ang Philippine Coast Guard (PCG) at Philippine Air Force (PAF)Western Mindanao Command dahil sa mabilis na pagtugon ng mga ito sa tawag ng tungkulin.

Inihain ni Palmones ang HR02319 na may layuning bigyang parangal ang PGC at PAF bilang pagkilala sa kanilang kahanga-hangang aksiyon sa gitna ng kalamindad.

Sinabi ni Palmones na nararapat lamang umanong bigyan ng parangal ang PCG sa pamumuno ni Vice Admiral Edmund Tan at PAF Western Mindanao Command sa pamumuno naman ni Major General Noel Caballes dahil sa mabilis na pagresponde ng mga ahensiyang ito sa Luxury Liner M/V Azamara Quest of the Royal Caribbean habang nasusunog ang makina ng nabanggit na barko sa karagatan ng Sulu noong April 1, 2012.

Ayon kay Pamones, ipinakita umano ng PCG at PAF Western Mindanao Command ang kanilang kapabilidad at kahandaang humawak ng sitwasyon tulad nito.

Napa-ulat na ang barko ay may lulan na 590 foreign passengers at 411 crew members ay natatangay ng alon sa gitna ng karagatan ng Sulu matapos masunog ang makina.

Agad na nagpadala ang PCG ng apat na search and rescue vessels na may kasamang medi-cal at rescue personnel alinsabay din sa search and rescue operations na isinagawa ng PAF.

Nasugatan ang limang miyembro ng crew at naparalisa ang barko sa karagatan ng Sulu na may 200 milya ang layo sa baybayin ng Balikpapan, sa Indonesia section ng Borneo.

---

National Food Security Council, itatatag

Isinulong ngayon ni Davao City Rep Isidro Ungab ang paglikha ng isang ahensiya na magsisilbi bilang main policy-making at coordinating body ng pamahalaan na mamamahala para matamo ang layunin ng bansa sa food security at self-sufficiency.

Sa ilalim ng HB06035 na kilalaning National Food Security Act at hangarin ng panukalang ito na matamo ang sustainable long-term food security para sa mamamayang Filipino.

Sinabi ni Ungab na nakakapinsala sa agrikultura ang epekto ng pagbabago ng panahon, dahilan para bumaba ang reserba ng pagkain kaya’t napipilitang hindi na magluwas ng pagkain ang mga pangunahing bansa para tiyakin ang kanilang pangangailangang pagkain.

Ayon kay Ungab, ang bigas ang pangunahing pagkain ng Filipino at kung gusto naman daw natin na makamtan ang food security ng bansa, kailangan umanong maging self-sufficient tayo sa bigas.

---

Tuesday, May 08, 2012

Dapat isama ang kasaysayan ng Bangsamoro sa curriculum ng mga paaralan

Iminungkahi ngayon sa Kamara na gawing isa sa mga paksa sa curriculum sa mga pampubliko at pribadong paaralan sa banasa ang Moro o Bangsamoro.

Sa inihaing HB00270 ni  Aurora Rep Juan Edgardo Angara, sinabi nito na kailangang malalim na malaman ang problema ng Moro, na siyang historical at systematic marginalization at minoritization ng Islamized ethno-linguistic groups na kinabibilangan ng Moro nation o Bangsamoro.

Ayon  kay Angara maaari umanong itatag ang kapayapaan kung magkakaroon ng pag-unawa ang bawat isa dahil matagal nang hindi nagkakaroon ng magandang relasyon ang Muslims at Christians at matagal na ring inaasam ang lasting peace sa pagitan ng Muslims, Christians at Lumads.

Idinagdag pa niya na nag-umpisa raw ang problema sa kapayapaan buhat pa noong Spanish era at sinundan ng Americans at ang pinakahuli, ang humalili ang Philippine governments na pinangibabawan ng mga piling-tao na may Christian-Western orientation.

Ito umano ang background ng kasalukuyang armed struggle na nakapaloob noon pang late 1960s at early 1970s at nagpapatuloy pa hanggang sa ngayon  at ang kapayapaan ay nagsisimula sa puso’t damdamin ng isang tao, at ang isa sa pinaka-importanteng institusyon para dito ay ang paaralan o educational system.

---

Mungkahing pagtatatag ng Central Credit Information Corporation, inihain

Nanawagan si Cagayan de Oro Rep Rufus Rodriguez para sa isang congressional inquiry tungkol sa pagkabigo ng pamahalaan na maitatag ang Central Credit Information Corporation (CCIC) sa ilalim ng RA09510 na kilala sa katawagang Credit Information System Act in 2008.

Sinabi ni Rodriguez batay sa kanyang inihaing HR02026 na makaraan ang tatlong taong maisabatas ang nabanggit na batas, itinatanong niya kung bakit walang CCIC ang naitatag para hindi mapinsala ang mga micro, small and medium enterprises (MSMEs).

Binanggit ni Rodriguez ang Section 5 ng RA09510 na lumikha sa korporasyon na kikilalaning Credit Information Corporation (CIC) na ang pangunahing layunin nito ay tumaggap at pagsamahin ang mga credit data, umakto bilang central registry o central repository ng credit information.

Ayon sa kanya, isinulong ng Bangko Sentral ng Pilipinas ang pagtatatag ng CIC dahil papayagan nito ang credit-worthy enterprises na mapadali ang pag-secure ng bank loans upang makatulong sa pangangailangan ng MSME para palakasin ang kanilang credit access.

---

Pagkalugi ng Land Bank dahil sa mga unpaid loan, pinai-imbistigahan

Batay sa 2010 report ng COA o ng Commission on Audit, tinatayang aabot sa P471.19 milyon ang nalugi sa Land Bank of the Philippines (LBP) sa utang ng cooperatives at countryside financial institutions

Sinabi ni Cagayan de Oro Rep Rufus Rodriguez sa kanyang HR02129 na ito ay mga uncollectibles ng nabanggit na bangko dahil hindi na mahagilap ang mga umutang nito kaya’t ipinanukal niya na magsagawa ng imbestigasyon ang Kongreso para malaman kung bakit nalugi ang naturang bangko ng halos kalahating bilyong piso kaya’t iminungkahi niyang imbestigahan ito ng House Committee on Government Enterprises and Privatization.

Napag-alaman sa COA na ang malaking karagdagang uncollectibles sa tax lending policy na ginawa ng banko noong 2009 ayhindi na nangailangan ng comprehensive surety agreement at ang iba pang collateral requirements para sa ilang umutang na nagkaka-halaga at umabot sa 882 percent increase, over sa P47.982 million write-offs sa 2009.

Ayon sa kanya, sa write-offs account nitong 2010, 88.08% ang tumutukoy sa cooperatives, habang 11.92% naman ang tumutukoy sa countryside financial institutions.

Patuloy na pinalawak ng Land bank ang loan portfolio nito na pumapabor sa mga pangunahing sector gaya ng mga magsasaka at mangingisda, small and medium enterprises and micro-enterprises, livelihood loans at agribusiness, agri-infrastructure at iba pang agri and environment-related projects, socialized housing, schools at hospitals.

Nooong 2010, lalo pang pinasigla ng LBP ang kanilang lending drive at mahigit P32 bilyon  ang ipina-utang nila sa mga magsasaka at mangingisda ngunit gayunpaman, nalugi ang Land Bank ng halos kalahating bilyon pisong pautang dahil na rin sa kanilang kaluwagan sa pagbibigay ng pautang.

---

Parusa sa paninirang puri, tataasan

Ipinanukala ni Marinduque Rep Lord Allan Jay Velascona taasanan na ang parusa na gawing P16,000 ang multa laban sa pang-iintriga at paninirang-puri sa kapwa.

Sa HB05830, iminungkahi din ni Velasco ang pag-amiyenda sa Article 364 (intriguing against honor) ng Revised Penal Code upang ang parusa ng arresto mayor o ang multa na hindi lalampas ng P16,000 ay ipataw sa mang-iintriga na ang layunin ay dungisan ang dangal at sirain ang reputasyon ng isang indibiduwal.

Kasalukuyan ang multa dito ay arresto mayor at multang P200 lamang, batay na rin sa 1930 na provision ng Revised Penal Code, at idinagdag pa niya na tumaas na lahat ang mga bilihin pero nananatili pa ring luma ang multa na pinagbabasehan para sa kreming ito.

---

Boxers’ welfare act, isinusulong sa Kongreso

Batay sa kasaysayan ng boksing sa ating bansa, dalawang Filipino fighters na ang naging biktima ng hindi inaasahang pangyayaring kailangang bigyang pansin ng pamahalaan upang matulungan ang mga ito matapos sila magbigay ng dangal sa larangan ng boksing.

Na-komatos si Z Gorres sa isang ospital sa Las Vegas, Nevada, USA matapos itong mag-collapse sa ibabaw ng ring matapos ipanalo ang kanyang laban sa bantamweight division bagaman at tinulungan siya ng lokal na pamahalaan ng Mandaue City sa Cebu at sumunod naman ang batang boksingero na si Karlo Maquinto na habang binabasa ang desisyon sa laban, biglang hinimatay at isinugod sa ospital subalit namatay din ito ilang araw matapos na ma-comatose.

Dahil sa ganitong mga pangyayari, nais ni Manila Rep Amado Bagatsing na magtatag ng isang mekanismo para sa kapakanan ng mga boksingero na patuloy na nagbibigay karangalan sa bansa.

Layunin ng HB05793na inihain ni Baatsing na magtatag ng isang sistema para sa proteksiyon ng propesyunal na boksingero pati na yaong mga sasali sa Olympics sa London sa darating na Oktubre.

Sinabi ni Bagatsing na ang panukulang ito ay kanyang inihain bilang pagkilala at pasasalamat sa lahat ng boksingreo sa ipinakita nilang galing at katapangan at ibinigay na karangalan sa ating bansa.

Ang panukalang ito na tataguriang Boxers’ Welfare Act ay magbibigay ng compulsory insurance coverage sa lahat ng Filipino international boxers at sila ay makikinabang sa health services sa ilalim ng National Health Insurance Act.

Sa ilalim ng panukala, magiging miyembro ng Social Security System (SSS) at Pag-Ibig Fund ang mga professional boxers, gayundin naman, kailangan i-insure ng promoter ang kanilang boksingero sa aksidente o ano pa mang kapahamakan bago ang kanilang laban.

--

Kasong libelo, dapat taasan na ang multa

Patataasin pa ang multa mula sa P16,000 hanggang P480,000 bukod sa parusang prision correccional para sa kasalanang libelo bilang karagdagang kaso na isasampa ng na-argabyado.

Sa HB05835 na inihain ni Marinduque Rep Lord Allan Jay Velasco, sakop ng libelo ang writing, printing, lithography, engraving, radio, phonograph, painting, theatrical exhibition at cinematographic exhibition at ayon sa kanya, kailangang amiyendahan na ang Article 355 ng Revised Penal Code dahil ang bahagi ng multa ay base pa rin sa presyo noong 1930.

Sinabi ni Velasco na hindi na angkop ang multa at ang parusa na nananatiling hindi nagbabago buhat pa ng isinabatas ang Revised Penal Code noong ika-8 ng Disyembre, taong 1930.

---

Free Counters
Free Counters